You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN JOSE CITY
PORAIS NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGAPAPAKATAO 8
Pangalan: _______________________________________ Iskor: _______________
Seksyon: ________________________________________ Petsa: _______________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel
ang titik ng tamang sagot

PAALALA: “ANG TOTOONG NAGMAMAHAL AY PARANG MATINONG MAG-AARAL NA NAG-EEXAM. HINDI


TUMITINGIN SA IBA KAHIT NAHIHIRAPAN NA”.
1. Ito ay itinuturing na pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng
isang babae at lalaki na nagmamahalan.
A. Simbahan B. Pamilya C. Paaralan D. Pamahalaan
2. Bukod sa pagmamahal, ito ang magpapatibay sa pagsasama ng mag-asawa at magbibigay seguridad sa
mga anak.
A. Kayamanan B. Kasikatan C. Karangyaan D. Kasal
3. Ito ang nagbubuklod sa isang lalaki at babae na nagpasyang magpakasal.
A. Tiwala B. Kasiyahan C. Katapatan D. Pagmamahal
4. Ang pagbubukas ng tahanan sa kapwa tulad ng pagpapakain sa nagugutom ay isang gampanin ng
pamilya. Ito ay tumutukoy sa aling gampanin ng pamilya?
A. Papel panlipunan B. Papel pangkabuhayan C. Papel pampolitikal D. Papel pang-intelektwal
5. Ang bunga ng pagmamahalan ng mag-asawa na itinuturing na biyaya mula sa Diyos ay ang;
A. kamag-anak B. anak C. pinsan D. kabuhayan
6. Ang isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal at magsama habang buhay ay tumutugon sa
tawag ng Diyos na magmahal. Ano ang tawag sa pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa?
A. paternal love B. convergent love C. parental love D. conjugal love
7. Ang pamilya ay itinuturing na orihinal na paaralan ng pagmamahal. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa pamilya?
A. Pagunawa sa maling gawain ng mga kapatid
B. Pangangalaga at pagbibigay ng halaga sa bawat isa
C. Pagbibigay ng pera lalo na sa oras ng pangangailangan
D. Pagalam sa mga karapatan ng bawat kasapi ng pamilya
8. Ayon kay Pierangelo Alejo, ito ay kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa
kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa at kabutihang loob. Anong institusyon ang inilalarawan sa
pangungusap?
A. Paaralan B. Barangay C. Pamilya D. Hospital
8. Ayon kay Pierangelo Alejo, ito ay kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa
kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa at kabutihang loob. Anong institusyon ang inilalarawan sa
pangungusap?
A. Paaralan B. Barangay C. Pamilya D. Hospital
10. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng pamilya?
A. Pinagsama ng kasal C. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karanasan
B. Pagkakaroon ng mga anak D. Mga patakaran sa loob ng pamilya
11. Ano ang pinakapangunahing karapatan ng anak na dapat ibigay ng mga magulang?
A. baon sa araw-araw B. edukasyon C. pagkain D. damit
12. Ito ay misyon ng pamilya na naglalayong matugunan ang mga pangangailangan ng anak sa pag-aaral.
A. Paghubog ng pananampalataya C. Paggabay sa pagpapasya
B. Pagbibigay ng edukasyon D. Pakikipagkapwa
13. Ang magulang ay may tungkulin sa anak na turuang manalangin at hikayatin na dumalo sa banal na
gawain. Alin sa mga sumusunod na misyon ng pamilya ang tinutukoy ng pangungusap?
A. Paggabay sa mabuting pagpapasya C. Pagbibigay ng edukasyon
B. Paghubog ng pananampalataya D. Suportahan sa pinansyal na pangangailangan
14. Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, ano ang kanyang matutunan habang siya ay
lumalaki?
A. ang maniwala sa kanyang sarili C. ang makaramdam ng awa sa sarili
B. ang matutong lumaban D. ang matutong magmahal
15. Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, ano ang kanyang matutunan habang siya ay lumalaki?
A. ang magkaroon ng galit sa puso B. maging maawain C. maging masaya D. maging iyakin

16. Ito ay tumutukoy sa anumang simbolo o senyas na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang
naiisip at pinahahalagahan.
A. Aksyon B. Komunikasyon C. Letra D. Kilos
17. Ayon sa aral ng gurong Hindu, ito ang pimakamabisang paraan ng komunikasyon dahil pinag-iisa nito
ang puso at isip ng dalawang tao. Ano ang itnutukoy sa pangungusap?
A. Pagkilos B. Pagmamahal C. Pagkakaisa D. Pagtutulungan
18. Ang komunikasyon na may paggalang sa dignidad at pagbibigay ng buong atensyon sa pakikipag-usap
ay tumutukoy sa uri ng komunikasyon na;
A. Diyalogo B. Triyalogo C. Pagsasalita D. Monologo
19. Ito ay uri ng komunikasyon na ginagawa upang makamit ang pansariling layunin.
A. Diyalogo B. Monologo C. Triyalogo D. Pagsasalita
20. May mga taong tila namimili ng kausap. Kapag pakiramdam nila, wala sila sa kondisyong makipag-
usap, hind sila kumikibo. Alin sa mga sumusunod na mga hadlang sa komunikasyon ang tinutukoy
nito?
A. Ang mali o magkaibang pananaw
B. Pagiging umid o walang kibo
C. Pagkainis o ilag sa kausap
D. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin

21. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng diyalogo?


A. Pinagagalitan ni Aling Loring si Zephanie dahil sa nagawa nitong kasalanan habang ang huli ay
walang magawa kundi ang umiyak
B. Pinag-usapan nila Elle at ng mga magulang nito ang tungkol sa kanyang kaarawan. May mga
mungkahi si Elle at ang mga magulang nito at sa huli pumayag si Elle sa mungkahi ng kanyang mga
magulang.
C. Nagtalumpati si Dan sa harapan ng maraming estudyante at umalis din kaagad pagkayari.
D. Sa pagpupulong ng samahang Edukasyon sa Pagpapakatao Club nais ni Fatima ang magmungkahi
ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakataon kaya si Shelland ang nasunod sa lahat ng proyekto.
22. Madalas magkagalit sina Lucas at Lance dahil hindi sila nagkakasundo sa nais ng bawat isa sa tuwing
sila’y nag-uusap. Ang ipinakikita sa sitwasyon ay halimbawa ng uri ng komunikasyon na;
A. Monologo B. Dayalogo C. Usapang harapan D. Magandang usapan
23. Ang pagiging bukas palad at pangangalaga sa kapaligiran ay pagtupad ng pamilya sa kanyang;
A. Papel sa lipunan B. Papel sa pampolitikal C. Papel sa kabuhayan D. Papel Intelektwal
24. Ang mga sumusunod ay papel na pampolitikal ng pamilya MALIBAN sa;
A. Pagiging bukas palad C. Pangangalaga sa karapatan ng pamilya
B. Pakikialam sa politika D. Pagbabantay sa mga isinusulong na batas pampamilya
25. Ang pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan ay pagtupad ng pamilya sa kanyang;
A. Papel Intelektwal B. Papel pangkabuhayan C. Papel pampolitikal D. Papel sa lipunan
26. Ang pagsunod sa batas ay pagganap sa tungkulin bilang isang mamamayan. Anong gampanin ng
pamilya ang inilalarawan?
A. Panlipunan B. Pampolitkal C. Pangkabuhayan D. Panglahatan
27. Sa panahon ng kalamidad, namimigay ng mga relief goods bilang tulong ang pamilya ni Yeng sa mga
nasalanta ng bagyo. Ang ipinapakita ng pamilya ni Yeng ay;
A. Papel sa pagtulong C. Papel sa barangay
B. Papel na panlipunan D. Papel sa pamayanan
28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng papel na panlipunan ng pamilya?
A. Pagsusulong ng karapatan ng pamilya C. Pag-alam sa mga batas tungkol sa pamilya
B. Pagmanman sa mga institusyon D. Pakikisama sa bayanihan sa barangay
29. Mahigpit na tinutulan ng pamilya Dalisay ang pagsasabatas ng diborsyo sa ating bansa. Ipinahihiwatig
ng pamilya Dalisay ang kanilang papel na;
A. Panlipunan B. Pampolitikal C. Pangkabuhayan D. Katarungan

30. Anong mga pagpapahalaga ang maaring matututunan ng bata kapag siya ay naturuan ng mga
magulang ng simpleng pamumuhay?
A. Pagtanggap, Pagmamahal at Kalayaan
B. Katarungan, Pagpapasya at Pagtanggap
C. Pagmamahal, Kawastuhan at Pagtanggap
D. Pagtanggap, Pagmamahal at Katarungan
31. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon, ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaraalan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinapakitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.

32. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
A. Kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
B. Wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
C. Kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
D. Natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
33. Ang pamilya ay itinuturing na natural na institusyon. Ang mga sumusunod na pahayag ay dahilan
MALIBAN sa;
A. Ang bawat pamilya ay may panlipunan at pampolitikal na gampanin.
B. Ang pamilya ay paaralan ng pagmamahalan.
C. Ang pamilya ay malayang gawin ang kanyang mga naisin.
D. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at
magsama ng habang buhay.
34.“Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ay ganoon din sa
lipunan.
B. ang pamilya ang pndasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
D. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya ay siya rin ang lipunan.
35. Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri siya ay matututong;
A. magustuhan ang kanyang sarili C. makilala ang sarili
B. magkaroon ng awa sa sarili D. alagaan ang sarili
36. Bata pa lang si Mestisa ay lagi na niyang nakariringgan ang kanyang mga magulang ng pamimintas
sa ibang tao. Si Mestisa ay maaaring maging;
A. Tsismosa B. Metikulosa C. Mapanghusga D. Mapanuri
37. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga MALIBAN sa;
A. Pagtanggap B. Pagmamahal C. Pagtitimpi D. Katarungan
38. Kapag ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang;
A. manghusga B. magbigay ng kusa C. pumuri ng kapwa D. magmahal
39. Paano mo maipapakita sa malikhaing paraan ang pagsuyo sa magulang na nakatampuhan?
A. Pagpapakita ng pananahimik sa isang tabi
B. Ipagluto at bigyan ng mahigpit na yakap
C. Pagsasabi ng “nay sorry, huwag ka ng magtampo”
D. Pagtext sa kanya nang mga masasayang quotes
40. Ang mag-asawang Popoy at Basha ay tapat sa isa’t isa. Binibigyan nila ang bawat isa ng pagkakataon
na magpaliwanag. Ano ang ipinakitang paraan upang mapabuti ang komunikasyon ng mag-asawa?
A. Pag-alala at malasakit B. Pagiging mapanlikha C. Atin-atin D. Pagiging hayag o bukas
41. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan upang mapabuti ang komunikasyon?
A. Pagiging hayag o bukas C. Pagiging malikhain
B. Pagiging umid o walang kibo D. Pagiging mapag-alala at mapagmalasakit
42. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng diyalogo?
A. Pagkumbinsi sa kausap na maniwala sa kanyang paniniwala
B. Pakikipag-usap na may layuning marinig lamang at hindi ang making
C. Paghikayat sa kapwa na umayon sa sariling pananaw
D. Pakikipag-ugnayan ng may pakikinig at pag-unawa
43. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba, nagkakaroon ng hindi
pagkakaunawaan. Ang hadlang sa komunikasyon ay;
A. pagiging umid B. daramdamin o diribdibin C. ilag sa kausap D. magkaibang pananaw
44. Hindi nakakalimutan ng pamilya Mabuti ang manalangin ng sama-sama, higit sa lahat ang magsimba
tuwing Linggo. Ano ang katangian na ipinapakita ng pamilya Mabuti na dapat mong tularan?
A. Buo at matatag C. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
B. May disiplina ang bawat isa D. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
45. Sinusuportahan ng pamilya Alonzo ang proyekto ng pabahay ng gobyerno. Anong karapatan ng
pamilya ang itinataguyod ng pamilya Alonzo?
A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
B. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
C. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal at
pang-ekonomiyang seguridad
D. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya

46. Ang mga bagay na nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga magulang, ang mga salita na
kanilang naririnig sa mga ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ay kanilang iisipin, sasabihin at
isasagawa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sumasang-ayon sa pahayag?
A. Ang magulang ang kauna-unahang modelo ng anak.
B. Magsisilbing pamantayan ng kilos at asal ng anak ang kanilang nakikita sa magulang.
C. Hindi naiimpluwensyahan ng magulang ang anak.
D. Ang sinasabi at ginagawa ng magulang ay nakaiimpluwensya sa anak.

47. Kung hinihikayat ng mga magulang ang kanilang mga anak na mag-ipon at magtipid,
indikasyon ba ito ng pagtuturo ng simpleng pamumuhay?
A. Hindi, dahil hindi sa pag-iipon at pagtitipid nasasalamin ang simpleng pamumuhay.
B. Hindi, dahil hindi na nabibili ng mga bata ang mga kailangan nila.
C. Oo, dahil nakakapagtabi sila ng pera na maaaring kailanganin nila sa hinaharap.
D. Oo, dahil sa pamamagitan nito natutunan ng mga anak na pahalagahan ang mga bagay na
mayroon sila.

48. Sino sa mga sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga
anak?
A. Si Rian at Ethan na nagpapaplano at nagpapasya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa
kanilang mga anak.
B. Sina Daniel at Romina na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang
matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
C. Si Cardo at Alyana na namumuhay ng simple kasama ang mga anak at katuwang ng mga ito sa
kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan
lalo na sa hinaharap.
D. Sina Maria at Juan na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap sa kalooban ng kanilang pagiging
malayo sa kanilang pamilya
49. “May mga taong sapat na ang bulong, tingin at kilos upang magkaunawaan”. Ang pahayag na ito ay;
A. Mali, sapagkat salita lamang ang kailangan sa pakikipag-ugnayan.
B. Mali, sapagkat magkakaunawaan lamang ang tao kung sila ay mag-uusap.
C. Tama, sapagkat may mga taong magkalapit ang mga puso kaya’t sila ay nagkakaunawaan na.
D. Tama, sapagkat pareho silang magkakilala.
50. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
A. Dahil bahagi ito ng papel na panlipunan ng pamilya.
B. Dahil hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung
hindi nito alam kung anu-ano ang mga karapatan at tungkulin nito.
C. Dahil bahagi ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
D. Dahil maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang
tungkulin

Prepared by: Checked by:

MARVELYN P. ANTIPOLO LEAH NORMA A. TIMBOL


Guro sa ESP Dalub- Guro I

SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL


San Jose City
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGAPAPAKATAO 8

ANSWER KEY

1 B 26 B
2 D 27 B
3 D 28 D
4 A 29 B
5 B 30 D
6 D 31 A
7 B 32 A
8 C 33 C
9 C 34 A
10 A 35 A
11 B 36 C
12 B 37 C
13 B 38 D
14 A 39 B
15 A 40 D
16 B 41 B
17 B 42 D
18 A 43 D
19 B 44 C
20 C 45 A
21 B 46 C
22 A 47 D
23 A 48 C
24 A 49 C
25 C 50 B

You might also like