You are on page 1of 4

SEBASTIAN A.

JALA MEMORIAL HIGH SCHOOL


Tomoc, San Miguel, Bohol
Unang Markahang Pasulit sa ESP 8

Pangalan:_______________________________________________________Iskor:_____________

Taon/Pangkat:__________________________________________________ Petsa:____________

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang at bilugan ang tamang kasagutan.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pamilya?


A. pagsasarili ng problemang kinakaharap
B. pagkakaroon ng sapat na oras sa pamilya
C. magkakasama ngunit abala sa social media
D. pagpapaubaya sa kasambahay sa pag-aalaga ng mga anak
2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng komunikasyon sa pamilya?
A. mag-anak na nag video chatting
B. paglalaan ng isang araw sa pamamasyal
C. sabay-sabay na kumain ang buong pamilya
D. may kaniya-kaniyang ginagawa sa social media
3. Paano mo masasabing may bukas na komunikasyon ang pamilya?
A. pagbibigay-diin sa sariling damdamin
B. pagbibitaw ng mga salitang hindi nakasasakit
C. pakikinig sa sinasabi ng bawat kasapi ng pamilya
D. pagsasabi ng suliranin sa ibang tao sa halip na sa sariling pamilya
4. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
A. kalusugan C. buhay
B. edukasyon D. pagkain attahanan

5. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito
ay___________________.
A. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
B. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
C. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
D. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
6. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang maliban sa:
A. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
B. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga
ito ay matagumpay na malampasan
C. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa
kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
D. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan
ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito
7. Alin dito ang hadlang sa mabuting komunikasyon na nagtatago ng saloobin na parang bakod ng sarili na
hindi ito napapasukan ng iba.
A. Pagiging umid o walang kibo
B. Ang mali o magkaibang pananaw
C. Pagkainis o ilag sa kausap
D. Takot na sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin
8. Ayon kay__________mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw magpahayag ng sariling
kaisipan at damdamin o tumatanggap ng saloobin sa kapwa.
A. Ivan Pavlov C. Dr. Manuel Dy
B. Martin Buber D. Villanueva
9. Ang _______ na komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak ay nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng
pamilya sa kapwa.
A. Mabuti C. hadlang
B. bukas D. negatibo
10. Anong sining nagsisimula ang diyalogo?
A. pakikinig C. paggalang
B. pakikipagtalakayan D. pagpupuri
11.Bakit sa ibang pamilya ang pagtutulungan ay HINDI natural na dumadaloy?
A. dahil takot sila na mabawasan ang kanilang pera
B. dahil hindi napaunlad ang pampolitikal na katangian
C. dahil kasalanan ng mahirap kung bakit wala silang pera
D. dahil kaligayahan nilang palaging naghihirap ang mahirap
12. Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisasaayos ang nasirang tulay na nasalanta
sa bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay papel ng
pamilya sa anong aspekto?
A. Papel Pampolitikal C. Papel Pangkalikasan
B. Papel Panlipunan D. Papel de Liha
13. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin?
A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng
pamilya.
C. Bahagi ang mga ito ng papel na pmpolitikal ng pamilya.
D. Maraming pamilya ang karapatan lang ang ipinaglalaban ngunit hindi
ginagampanan ang tungkulin.
14. Saan ba nakabatay ang sarili nating pananaw sa pamilya?
A. Ito ay nababatay sa sariling karanasan sa pamilya
B. Ito ay batay sa aklat na ating nababasa
C. Ito ay nakabatay sa ating kultura
D. Ito ay nakabatay sa paningin ng iba
15. Batay sa iyong sariling karanasan, kailan mo masasabi na ang isang anak ay malapit sa Diyos at may takot
sa paggawa ng kasamaan?
A. Kung ang pamilya ay laging naniniwala sa Diyos
B. Kung ang pamilya ay laging nagsisimba
C. Kung ang mga magulang ay nagtuturo ng mabuting asal at pananampalataya sa maykapal
D. Kung ang mga magulang ay nagdidisiplina
16. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kanyang mga gampanin?
A. Upang ito ay maging mabuti at maunlad
B. Upang ito ay matagumpay at matiwasay
C. Upang ang mga kasapi nito ay magiging maligaya
D. Upang makamit nito ang kabutihan,kaunlaran at kaganapan
17. Paano mo napapahalagahan ang kontribusyon ng pamilya sa iyo?
A. Sa pagsunod sa kanilang mga utos
B. Sa paggawa lagi ng ikabubuti sa aking sarili at sa buong pamilya
C. Sa pagiging isang masunuring kapitbahay
D. Sa pagiging mapasalamatin sa Diyos
18. Ano ang posibleng mangyayari kapag ang ibang kasapi ng pamilya ay hindi
tumutupad ng kani-kanilang mga tungkulin?
A. Magbibigay ito ng mabuting halimbawa
B. Magdudulot ito ng pag-aaway at maraming problema
C. Magiging diskontento ang bawat isa
D. Ang pamilya ay magiging masama
19. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
A. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang magiging pakikitungo nito
sa iba.
C. Sa pamilya unang natututunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
D. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
20. Alin sa mga sumusunod ang una at pinikapangunahing pamantayan sa paghubog ng
isang maayos na pamilya?
A. Pinagsama ng kasal ang magulang
B. Pagkakaroon ng mga anak
C. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
D. mga patakaran sa pamilya
21.Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa
lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang
ito na dapat mong tularan?
A. Buo at matatag
B. May disiplina ang bawat isa
C. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
D. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
22. Bilang isang tao saan sa mga sumusunod ang may pinakamalaking impluwensiya sa katangian mo ngayon?
A. Mga barkada
B. Mga guro
C. Pamilya
D. Paaralan
23. Batay sa iyong sariling karanasan, kailan mo masasabi na ang isang anak ay malapit sa Diyos at may takot
sa paggawa ng kasamaan?
A. Kung ang pamilya ay pinapaniwala na pinaparusahan ng Diyos ang taong gumawa ng kasamaan.
B. Kung ang pamilya ay laging nagsisimba
C. Kung ang mga anak ay tinuturuan ng magulang ng mabuting asal at pananampalataya sa maykapal.
D. Kung ang mga magulang ay nagdidisiplina.
24. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. paaralan B. pamilya C. pamahalaan D. barangay
25. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng
pananampalataya at pagpapalaganap nito ay:
A. Malaya ang isang pamilya na mamili ng relihiyon.
B. Ikukulong ang pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniniwala sa Diyos.
C. Malaya ang isang pamilya na magpunta sa ibang bansa.
D. Hindi kilalanin bilang isang Pilipino ang walang relihiyon.
26. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa:
A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi
pangangailangan.
C.Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at
karapatan.
D.Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas
mabuting pamumuhay.
27. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng halalan at piliin ang tapat na
mamumuno o lider sa ating bansa?
A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay.
B. Makapagbibigay sila ng malaking pera sa botante.
C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino.
D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa.
28. Alin dito ang hindi kasali para sa mabuting ugnayan ng pamilya?
A. Nagsasabi ng totoo C. Nakikinig
B. Nagpapatawad D. Nagpapanggap
29. Alin dito ang ugat sa negatibong pagbabago sa komunikasyon sa pamilya?
A. Pagmamahal sa kasapi sa pamilya
B. Subrang paghahangad sa pansariling kapakanan bago ang pamilya
C. Pagpapatawad sa nagkakamali sa miyembro ng pamilya
D. Pinahahalagahan ang bawat miyembro ng pamilya
30. Ano ang diyalogo ayon ni Martin Buber?
A. Komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao
B. Ang pakikipagkasundo sa kapwa
C. Pag-uusap ng masinsinan sa tao
D. Pakipagtalastasan
31. Alin dito ang dapat ipapanatili sa mag-aasawa sa kanilang buhay mag-asawa para mapanatili ang tunay na
pag-ibig at palaging buhay ang pangako sa isa’t isa?
A. May oras sa pag-uusap (diyalogo)
B. Pagtatago sa mga nararamdaman sa isa’t isa
C. Dapat ang haligi ng pamilya lamang ang pakinggan
D. Walang kikibu-an para may katahimikan sa pamilya
32. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang dahilan?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
C. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasyang magpakasal at magsama
nang habambuhay.
D. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
32.Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving)
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
A. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
B. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman ang
maghahanapbuhay sa pamilya.
C. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang baon
sa iskwela.
D. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga nila ng
mabuti ang kanilang mga anak.
33.“Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa
lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa.
D. Kung ano ang puno siya din ang bunga. Kung ano ang pamilya siya din ang lipunan.
34. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano
ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
A. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
B. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
C. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa
D. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan
35. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
A. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
B. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
C. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
D. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa
kung ano ang mayroonsiya
36. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga maliban sa:
A. pagtanggap C. katarungan
B. pagmamahal D. pagtitimpi
37. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:
A. pagtitiwala C. Papel Pangkalikasan
B. pagtataglay ng karunungan D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
38. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal
maliban sa:
A. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
B. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
C. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya
D. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
39. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya?
A. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya
B. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi
ng pamilya
C. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
D. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang
ito ay maisakatuparan
40. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito
ay___________________.
A. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
B. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
C. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
D. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.

You might also like