You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
MADAMBA NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagayonan, Madamba, Lanao Del Sur
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Edukasyon sa Pagpapakatao 8

PANGALAN: ____________________________________________________ ANTAS:


_________________

PANUTO: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at
bilugan ang titik ng iyong sagot.(2puntos)

1. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na


pamilya?

A. patakaran sa pamilya B. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan

C.pagkakaroon ng mga anak D. pinagsama ng kasal ang magulang

2. Sinasabi na ang pamilya ang isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?

A. sa pamilya nahuhubog ang ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sabkapwa

B. ang bawat pamilya ay kasapi ng iba't-ibang institusyon ng lipunan

C.ang pamilya ang pundasyon ng lipunan

D. nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama
nang habambuhay

3.Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?

A. pamahalaan B. barangay C. pamilya D.Plpaaralan

4. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta dito dahil sa gampanin nitong magbigay
buhay.

A. ang lipunan B. ang pamayanan C.ang pamahalaan D ang pamilya

5. Ito ang una at hindi mapapalitang paaralan sa panlipunang buhay.

A. paaralan B. pamayanan C. lipunan D. pamilya

6. Ang karapatan para sa ___________ ng mga bata ay ang orihinal at pangunahing karapatan.

A. edukasyon B.pagkain at tahanan C.katarungan D.pagtanggap


7. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaring magbunga ng sumusunod na
pagpapahalaga maliban sa:

A. pagmamahal B.pagtitimpi C. katarungan D.pagtanggap

8. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito
ay___________.

A. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag nn DIYOS na magmahal

B. paggtugon sa kagustuhan ng DIYOS na maparami ang tao sa mundo

C. makakapagtatag sa ugnayan ng magasawa

D. lahat ng nabanggit

9. ang sumusunod ay nakatutulong sa bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya maliban sa:

A.pagtitiwala B.pagtuturo ng mga magulang ng pagpapahalaga

C.pagtataglay ng karunungan D.pagkaroon ng ganap na kalayaan

10. Ito ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at
pinahahalagahan. Kabilang dito ang wika, kilos, at tono ng boses.

A.diyalogo B.pakikipagusap C.monologo D.komunikasyon

11.Ang dalawang tao ay dumudulog sa ____________ nang may lubos na pagbubukas ng sarili at tiwala
sa isa't-isa.

A. diyalogo B. monologo C.pakikipagdebate D.komunikasyon

12.Ito ay ginagamit upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang pakay ay marinig lamang at
hindi ang makinig.

A. monologo B.diyalogo C.pakikipagusap D.komunikasyon

13.Ang mga sumusunod ay ang mga hadlang sa mabuting komunikasyon maliban sa:

A.pagkainis o ilag sa kausap B.pagiging umid o walang kibo

C.pag-aalala at malasakit D.mali at magkaibang pananaw

14.Ang mga sumusunod ay ang mga paraan upang mapabuti ang komunikasyon maliban sa:

A.pagiging hayag o bukas B.pagiging mapanlikha o malikahain

C.atin-atin(personal D.takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin

15.Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?


A.maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon

B.hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito
alam kung ano-ano ang karapatan at tungkulin nito.

C.bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal na pamilya

D.maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.

16.Ito ay ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan.

A.pakikipagtulungan B.pakikipagkapuwa

C.pakikipagugnayan D.pakikibahagi/Pagbibigayan

17.Upang maging ganap ang pagkatao, kailangan niyang maranasan ang___________.

A.umibig B.magpakasal C.magmahal at mahalin D.magkaroon ng mga anak

18.Ito ay ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa
ating tahanan.

A.pagtulong sa pamayanan B.pagiging magiliw

C.pagmamahalan D.pagbubukas ng ating pintuan kahit kanino man

19.Isa ito sa ipinagmamalaki nating pagpapahalagang pilipino.

A.pagmamahalan B.pagbibigayan C.pagbubukas ng pintuan D.pagbabayanihan

20.Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan


ng________________________.

A.pakikialam sa politika B.pakikialam sa kalikasan

C.pakikialam sa kultura D.pakikialam sa pamilya

21.Ito ay ang pinakamalaking hadlang sa paglago ng tao at ng sangkatauhan.

A.kaguluhan B.karahasan C.labis na kayamanan D.labis na kahirapan

22.Ang walang habas na pag-aaksaya, pamumuhay sa labis na karangyaan at luho ay paglabag sa tuntunin
ng _____________.

A.pamilya B.pamahalaan C.moralidad D.pulitika

23.Ang pagiging bukas-palad na nagsisimula sa pamilya ay maipapakita sa pamamagitan ng mga gawaing


______________.

A.pangkabuhayan B.pampulitika C.pamahalaan D.panlipunan


24.Ang mga sumusunod ay ang hindi maaaring angkinin ng iilang tao maliban sa:

A.tubig B.kayamanan C.lupa D. tubig

25.Ang sumusunod ay ang mga karapatan ng ng pamilya maliban sa:

A.karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis ng pamilya

B.karapatanbsabpagiging pribado ng buhay mag-asawa

C.karapatang umiral at magpatuloy

D.karapatang bumuo ng komunidad

26.Ang sumusunod ay ang proyekto ng Clean and Green Program maliban sa:

A.pagtatanin ng puno B.3R's (reduce, re-use, recycle)

C.paglilinis ng kanal at daluyan ng tubig D.pagmimina

27.Ang sumusunod ay ang mga banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon maliban sa:

A.pagsasabatas ng diborsyo B.materyalismo

C.pagpapalaglag o aborsyon D.makabagong teknolohiya.

28.Binubuo nang ama, ina, at mga anak.

A.kaibigan B.Kamag-anak C.pamilya D.pamahalaan

29.Ito ay nagmula sa salitang ugat na 'lipon' na nangangahulugang pangkat.

Akomunidad B.pamahalaan C.organisasyon D.lipunan

30.Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang una at patuloy na pundasyon nang
edukasyon para sa panlipunang buhay?

A.ang pamilya ang siyang may katungkulan na pagaralin ang mga anak

B.ang mga magulang ang unang naging guro at, gumagabay, at nagtuturo nang pakikitungo sa kapwa

C.ang pamilya ang unang kapwa at madalas na nakakahalubilo sa loob ng tahanan

D.ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay

31.Hindi nakaliligtaan ng pamilyang santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tuwing linggo. Ano ang ipinakita ng pamilyang ito ang dapat mong tularan?

A.may disiplina ang bawat isa B.hindi nagkakaroon ng alitan kailanman

C.nagkakaisa sa paraan ng pagsisimba sa Diyos D.Buo at matatag


32.Ang sumusunod ay ang mga mahahalagang misyon ng pamilya maliban sa:

A.pagbibigay ng edukasyon B.paggabay sa mabuting pagpapasiya

C.paghubog ng pananampalataya D.pagtanggap at pagmamalasakit

33.Ito ay ang bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang. Ito ay hindi


mapapalitan(irreplaceable) at hindi mababago(inalienable).

A.paggabay sa mabuting pagpapasiya B.pagtulong sa pamayanan

C.paghubog ng pananampalataya D.pagbibigay ng edukasyon

34._________________ay pamayanan ng mga tao(community of persons) na kung saan ang maayos na


paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.

A.ang pamilya B.ang pamahalaan C.ang lipunan D.ang komunidad

35.Ang mga sumusunod ay bunga ng kawalan ng kakayahan ng mga kabataan na gumawa ng mabuting
pagpapasiya maliban sa:

A.kabataang nagiging kasapi ng gang B.mga kabataang nakakagawa ng krimen

C.mga lalaking nalululong sa droga D.malaya at matiwasay na namumuhay

36.Ang ___________ay maipapakita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing panlipunan.

A.pagmamahalan B.pagkakaisa C.pagtanggap D.Pagiging bukas-palad

37.Ang mga sumusunod ay ang mga karapatan ng pamilya maliban sa:

A.karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan

B.karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting buhay

C.pagkakaroon ng labis na kayamanan

D.karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya

38.Piliin mo ang tumawa...... kaysa ang_______________.

A.malungkot B.humikbi C.lumuha D.umiwas

39.Piliin mo ang pumuri....... kaysa ang_______________.

A.manakit B.manisi C.magkunwari D.manira

40.Piliin mo ang magmahal......... kaysa ang____________.

A. manisi B.manakit C.lumuha D.Masuklam

41.Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang mababalot ng________.
A.pagkamuhi B.pag-aalala C.panghuhusga D.pagkasuklam

42.Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang____________.

A.umiwas B.umibig C.magmahal D.mag-alala

43.Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay(law of free giving).Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?

A.isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya

B.naging masipag ang anak sa paglilinis dahil nais niya ng karagdagang baon sa eskwela

C.nais ng magulang na may mag-aaruga sa sa kanila sa kanilang pagtanda

D.lahat ng nabanggit

44.Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at patuloy
na sumusuporta dito dahil sa gampanin nitong _________________ ______________.

A.tumulong B.magpatatag C.magmahal D.magbigay buhay

45.Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang sangkap sa pagtukoy sa saloobin ng bawat kasapi ng
pamilya?

A.pagtanggap B.pagmamanman C.pagbabahagi D.komunikasyon

46.Tanggapin na ang DIYOS ang dapat maging sentro ng ___________________ pampamilya.

A.gawaing B.disiplinang C.buhay D.pagpapasiyang

47.Ano ang maari mong matutuhan kung ikaw ay nabubuhay sa katiwasayan?

A.manghusga B.magtiwala C.Magpasya D.Lumaban

48.Piliin mo ang magpagaling........... kaysa ang___________________.

A.pumatay B.manira C.manakit D.maghirap

49.Piliin mo ang magbigay............... kaysa ang____________________.

A.magdamot B.masuklam C.manghingi D.magnakaw

50.Piliin mo ang manalangin............ Kaysa ang ___________________.

A.manghinawa B.manisi C.masuklam D.magalit

Do not pray for an easy life, pray for the strength to endure a difficult one.

-Bruce lee
GOOD LUCK!!!

You might also like