You are on page 1of 8

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Edukasyon sa Pagpapakatao – 8

Pangalan : Seksyon :
Paaralan : Petsa : Iskor :

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot.

1. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa Sumusunod na


pahayag ang dahilan?

A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng ibat-ibang institusyon ng lipunan


B. Ang mga institusyon sa lipunana ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya
C. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag ugnayan at pagpapahalaga sa
kapwa
D. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang
magpakasal at magsama ng habambuhay

2. Ang ating lipunan ay binunuo ng ibat-ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon
sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan.

A. paaralan C. pamahalaan
B. pamilya D. barangay

3. Magiliw na ibabahagi ang mga narating o nakamit ng pamilya. Patunay ito na ang
Pilipino ay

A. Maka-Diyos C. Makabansa
B. Makabayan D. Makapamilya

4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng pagmamahalan ng isang pamilya.

A. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang


pamilya.
B. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon
sila ng magulang na may nag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kayat
inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
C. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng
karagdagang baon sa eskwela.
D. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kayat
inaaruga nila nang mabuti ang kanilang anak

5. Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa. Ano ang ibig sabihin nito?

A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya
ganoon din sa lipunan.
B. Ang pamilya ang pundasypon ng lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa
lipunan.
D. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.

6. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula pamilya. Alin sa sumusunod


na pahayag ang nagpapatunay nito?

A. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabuting paraan ng pakikipagkapwa tao.


B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak, gayundin ang magiging
pakikitungo nito sa iba.
C. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang asal at maayos na pakikitungo sa
kapwa.
D. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na
gagabay sa mga bata.

7. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang


maayos na pamilya

A. Pinagsama ng kasal ang magulang


B. Pagkakaroon ng mga anak
C. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
D. mga patakaran sa pamilya

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at


patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (Social life)

A. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
B. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay at nagtuturo ng pakikitungo
sa kapwa.
C. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng
tahanan.
D. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.

9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya.

A. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong


pamilya
B. Dahil wala ng iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
C. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang
makakaya.
D. Sapagkat natural lang na magtutulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta
ng bawat isa.

10. Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao . Ano
ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kaniyang isasabuhay.

A. Higit na nagiging popolar ang isang tao kung maayos ang kaniyang pakikipagkapwa
tao.
B. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang
problema.
C. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa
pakikipagkapwa.
D. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyanfg
kinabibilangan.
11. Ang karapatan para sa ______________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing
karapatan

A. kalusugan C. buhay
B. edukasyon C. pagkain at tahanan

12. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal at ang


magkaroon ng anak. Ito ay________

A. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal


B. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag asawa
C. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang
magulang
D. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo

13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang


maliban sa

A. Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng


prinsipyong moral.
B. pag agapay sa mnga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga
hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan.
C. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsinsya, at sa lahat ng mga
taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.
D. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa mga
ito.

14. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa


kanilang mga anak

A. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng


magandang buhay para sa kanilang mga anak.
B. Sina Rdith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling
unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap.
C. Si Maria at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang
ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan at gumagabay sa kanila sa
mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
D. Sina Anita at Melduard na parehong nagsakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa
upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang
hirap ng kalooban dahil malayo sa kanilang pamilya.

15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?

A. Dahil kasabay ng pagkakaron ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang


pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang
makukuha sa paaralan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman
D. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata

16. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay ng simple?

A. Upang maisabuhay nila ag pagiging mapagkumbaba.


B. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
C. Upang hindi sila lumaking hindi marunong pagpahalaga sa perang kanilang
pinaghihirapan.
D. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi
sa kung ano ang mayroon siya.

17. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng


sumusunod na pagpapahalaga maliban sa

A. pagtanggap C. katarungan
B. pagmamahal D. pagtitimpi

18. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpasiya
maliban sa

A. pagtitiwala
B. pagtataglay ng karunungan
C. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

19. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng


pamilya?

A. Pagsasagawa nito ng may pagmamahal na pananampalataya


B. pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito ng koloktibo at may bahagi ang lahat ng
kasapi ng pamilya.
C. Pagsasagawa nito ng may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
D. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito ng kolektibo at may bahagi ang lahat ng
kasapi ng pamilya.

20. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga misyon ng


pamilya

A. pagsasagawa nito ng may pagmamahal at malalim na pananampalataya.


B. pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito ng kolektibo at may bahagi ang lahat ng
kasapi ng pamilya
C. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan
D. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirapsa pagharap sa hamon at pagtulong ng
mga ito upang ito ay maisakatuparan

21. Ito ay hindi pagsasangkot o paninisi sa ibang tao

A. atin-atin o personal C. pagiging hayag o bukas


B. lugod o ligaya D. pag-alala at malasakit

22. Ang kaligayahan ng isang tao sa pakikipag usap ay nakaaakit sa pagtiwala ng kaharap

A. lugod ligaya C. pag-alala at malasakit


B. pagiging hayag o bukas D. atin-atin o personal

23. Ito ay anumang sinyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang
iniisip at pinahahalagahan.

A. pamilya C. tao
B. diyalogo D. komunikasyon
24. Ang pagging bukas sa kumunikasyon sa pamilya ay tanda ng

A. pagiging magalang C. pagiging makatao


B. pagiging matapang D. pagging maka-Diyos

25. Alin sa sumusunod ang maaring ihambing sa lipunan?

A. pamilya C. syudad
B. barangay D. tanim na kahoy

26. Saan natin unang natutuhan ang unang salita natin

A. pari C. principal
B. guro D. pamilya

27. Ito ang pagtatago ng ng saloobin

A. pagging umid o walang kibo C. takot


B. pagkainis D. pagging magkaiba ang pananaw

28. Ito ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan

A. pagkainis C. magkaibang pananaw


b takot D. walang kibo

29. Ito ay ang pagiging wala sa kondisyong maki pag usap hindi sila kumikibo lalo na kung
pakiramdam nila ay wala sa katwiran ang kausap

A. pagkainis o ilag sa kausap C. magkaibang pananaw


b takot D. walang kibo

30. Iniisip ng tao na magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya
nananahimik na lamang o kayay nagsisinungaling sa kapwa

A. pagkainis o ilag sa kausap


B. takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin
C. magkaibang pananaw
D. pagiging umid o walang kibo

31. Ang paggamit ng tao sa kaniyang talinto at malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting
paraan ng pagpapahayag ng kaniyang sasabihin

A. pagiging mapanlikha o malikhain C. pagiging hayag o bukas


B. pag-aalala at malasakit D. wala sa nabanggit

32. Pagkakaroon ng malasakit at galang sa kausap sinuman o anuman ang kaniyang


katayuan sa buhay

A. pag-alala at malasakit C. pagtulong


B. pagiging mapanlikha o malikhain D. pagiging bukas o hayag

33. Ito ay ang pagiging bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-asawa.

A. pag-alala at malasakit
B. pagiging mapanlikha o malikhain
C. pagtulong o pagbibigayan
D. pagiging bukas o hayag
34. Ang karapatan ng pamilya na itinaguyod sa pagbabantay sa karapatan ng pamilya

A. Ang karapatan sa pakipakinabang na paglilibang iyong nakatutulong sa


pagpapatatag ng mga pagpapahalagang pampamilya.
B. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
C. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito.
D. Ang karapatan lalo nang mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan,
pampolitikal at pang ekonomiyang seguridad.

35. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?

A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon


B. Hindi maisusulong at maprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya
kung hindi nito alam kung ano- ano ang karapatan at tungkulin nito
C. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
D. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban hindi ginagampanan ang
tungkulin

36. Ano ang implikasyon ng pangungusap? Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang
pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming
banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.

A. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapagbantay sa mga karapatan at


tungkulin nito
B. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan naitataguyod at nabigyang
proteksyon sa lipunan ang bawat isa ay magkaroon ng pagkakataong lumaki at
maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran
C. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
D. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi
ginagampanan ang tungkulin

37. Ito ay ang pagbabantay ng batas at mga institusyong panlipunan

A. pampolitikal C. pangkalikasan
B. panlilunan D. paghubog sa pananampalataya

38. Ang tungkulin ng pamilya na maipadala ang anak sa paaralan

A. pang edukasyon C. pangkalikasan


B. paggabay sa mabuting pagpasya D. pampolitikal

39. Ito ay ang pagpapahalagang maitanim sa puso ng anak ang siyang magtuturo sa
kaniya na maiangat at maayos sa kaniyang mga pagpapasiya.

A. paghubog ng pananampalataya C. pangkalikasan


B. paggabay sa mabuting pagpasya D. pampolitikal

40. Ang tungulin ng pamilya sa pangangalaga bilang likas na tagapamahala ng lahat ng


nilikha ng Diyos.

A. paghubog ng pananampalataya C. pangkalikasan


B. paggabay sa mabuting pagpasya D. pampolitikal
41. Ito ay ang pagiging bukas- palad pagsusulong ng bayanihan , at pangangalaga sa
kaniyang kapaligiran

A. pampolitikal
B. panlilunan
C. pangkalikasan
D. paghubog sa pananampalataya

42. Dahil sa tungkuling pangkalikasan dapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong
nangangalaga sa kalikasan tulad ng

A. Clean and green program


B. Education for all
C. Oplan tukhang
D. Project SPEAR (School Parents Assistance for Reading)

43. Ang pagtatanim ng mga puno ay isa sa

A. papel na panlipunan ng pamilya


B. papel na pampolitikal
C. pangangalaga sa kalikasan
D. karapatang pang edukasyon

44. Ang 3Rs (reduce reuse recyle) ay isa sa

A. pagdakip ng gumagamit ng droga


B. papel na pampolitkal ng pamilya
C. pagpapabasa sa mga bata
D. pangangalaga sa kalikasan

45. Ang paglilinis ng mga kanal at daluya ng tubig.

A. pangngalaga sa kalikasan
B. papel na pampolitkal ng pamilya
C. papel na panlipunan ng pamilya
D. pagtulong ng magulang sa pagpapabasa sa mga bata

46. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay

A. Ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay


pamilya sa bawat araw.
B. Ang pag ibayuhin ang pangangalaga at pagbabantay sa karapatan at tungkulin nito
C. pagmamalasakit sa kalikasan
D. pagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng lider

47. Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang

A. maipakita na siya ay nagbabantay sa kanyang karapatan at nangangalaga sa


kalikasan
B. maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng
tahanan
C. magpaaral ng kaniyang mga anak
D. ituon ang kaniyang mga anak sa paghubog sa pananampalataya
48. Dapat pag ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga
karapatan at tungkulin nito dahil

A. ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan ng


politika.
B. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
C. dapat ding pangunahan nito ang pagpapanibago sa lipunan at hindi magpabaya sa
kaniyang mga tungkulin
D. pantay pantay ang tao sa mata ng Diyos.

49. Pansamantalang pinatuloy ng iyong pamilya ang nasunugan nyong kapitbahay ito ay
pagpapakita ng papel na

A. panlipunan C. pangkalikasan
B. pampolitika D. pangedukasyon

50. Sumulat ka sa iyong kongresista o kinatawan na magsagawa ng proyekto na malilinis


at magpapahukay ng sapa sa iyong barangay upang hindi na ito maging sanhi ng
pagbaha ito ay halimbawa na nagpapakita ng papel na

A. panlipunan C. pangkalikasan
B. pampolitika D. pang edukasyon

You might also like