Professional Documents
Culture Documents
I. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang
bago ang numero.
___2. Uri ng komunikasyon na gumagamit ng salita o wika upang ipahayag ang kaisipan.
A. Di-Verbal B. Verbal C. Vertual D. Virtue
___4. Ang paghahanda sa mga bata sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit ang tunay na
tunguhin ng tao ay tungkulin ng:
A. pamahalan B. simbahan C. paaralan D. Pamilya
___5. Ang institusyong ito ang nagtuturo sa tao ng katotohanan at aral ng Diyos.
A. paaralan B.pamayanan C. simbahan D. pagamutan
___11. Ang mga sumusunod ay dapat maramdaman o matutunan ng isang tao sa loob ng pamilya
maliban sa isa.
A. pagbibgay B. pagtanggap C. paggalang D. pagiging makaako
___13. Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil pinag-iisa nito ang puso at isip ng
dalawang tao.
A. Paggalang B. Pagtutulungan C. Pagmamahal D. Pagbibigayan
___14. Ang paghahanda sa mga bata sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit ang tunay na tunguhi
ng taoay tungkulin ng:
A. pamahalan B. simbahan C. paaralan D. pamilya
___ 15. Ang institusyong ito ang nagtuturo sa tao ng katotohanan at aral ng Diyos.
A. paaralan B. .pamayanan C. simbahan D. pagamutan
___ 17. Ang pagpasok sa kwarto ng magulang o kapatid nang hindi kumakatok ay pagpapakita ng:
A. Pagmamahal B. kawalan ng paggalang C. disiplina D. malasakit
___19. Sa ating kultura, pinapahalagahan ang pagsagot ng “po” at “opo” bilang tanda ng:
A. pagsangguni B. tagumpay C. pagguho D. paggalang
___21. Ano ang maaaring matutunan ng isang bata kung tanggap ng kanyang kapwa ang buo
niyang pagkatao?
A. Magmahal B. pagkamasinop C. awa sa sarili D. paggalang
___22. Ito ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip
at pinahahalagahan, kabilang ditto ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng
pamumuhay, at mga gawa o maging ang katahimikan.
A. diyalogo B. komunikasyon C. mensahe D. monologo
___ 23. Bilang likas na tagapamahala ng lahat ng likha ng Diyos tungkulin ng pamilya na
pangalagaan ang
A.Lipunan B. pamahalaan C. kalikasan D. komunidad
___ 24. Kailangan ni Daniel na maibenta ang kaniyang lumang kotse dahil nais niyang makabili ng bago.
Nagtungo siyasa kanyang kumpare upang kumbinsihin itong bilhin ang kaniyang lumang kotse.
Nakumbinsi naman niya ito dahil siya’y nagkasundo sa halaga nito. Ano ang ugnayang umiral sa
sitwasyon?
A. diyalogo B. I – thou C. monologo D. I– i
____ 28. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
B. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.
C. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
D. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi
nito alamkung anu-ano ang karapatan at tungkulin nito.
____ 29. Madalas nakakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat
isa.Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa. Ang sitwasyon ay halimbawa ng:
A. diyalogo
B. monologo
C. mabuting komunikasyon
D. epektibong pakikipag-usap
____ 30. Ang sumusunod ay makakatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya, Maliban sa:
A. pagtitiwala
B. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
C. pagtataglay ng karunungan
D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
____31. Ano ang kalahagahan ng pagtuturo bg mga magulang sa mga anak ng simpleng
pamumuhay?
A. Matututo silang magtipid
B. Mamumulat ang mga anak sa kahirapan ng buhay
C. Ito ay magtuturo din sa mga anak ng kahulugan ng pagtanggap, pagmamahal at
katarungan
D. Maiiwasan ang pagiging maluho at magastos
___32. Ang mga sumusunod ay mga bagay na nagbibigkis sa ugnayan ng pamilya, maliban sa:
A. ugnayan sa kaibigan
B. ugnayan ng mag-asawa
C. ugnayan ng magulang at anak
D. ugnayan ng magkakapatid
___36. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang magulang?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karaptan ng mga bata sa edukasyon ang
pagkakaroon
ng karaptan ng magulang na sila ay turuan.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang
makukuha
sa paaralan.
C. Dahil sila ang magsasanay sag a bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawiang tutularan ng mga bata.
___37. Ang isa sa dahilan kung bakit likas na institusyon ang pamilya
A. Pinakamaliit ngunit mahalagang bahagi ng lipunan.
B. Mas misyon ito sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at
paghubog ng pananampalataya.
C. Binubuo ito ng mga magulang at mga anak.
D. Tumutulong ito sa pagpapaunlad ng lipunan.
___ 38. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat
ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggp. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na
dapat mong tularan?
A. Buo at metatag
B. May disiplina ang bawat isa
C. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
D. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
___ 39.