You are on page 1of 1

PAVIA NATIONAL HIGH SCHOOL

Pavia, Iloilo

MAIKLING PAGSUSULIT
(Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo)

Pangalan:________________________________Baitang/Seksyon:_______________Petsa:___________Iskor: ___________
I. Panuto: Kilalanin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa mga pangungusap sa
pamamagitan ng pagpili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang titik ng iyong
sagot. (F10PT-IVa-b-82)

a. Kinausap upang mapapayag d. Nakuha


b. Sagabal; hadlang e. umalis
c. Natuwa; nasiyahan

_____1. Hinimok si Rizal ni Gobernador-Heneral Emilio Terrerong lisanin ang bansa upang makaiwas siya sa
kapahamakan at pagmamalupit ng mga makapangyarihang prayle.
_____2. Palihim na lumisan ng Pilipinas si Rizal at nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa
Europa.
_____3. Lubhang nasiyahan at naaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipan niyang lumipat muna sa
Brussels, Belgium.
_____4. Nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang mga ipinadala niya sa
Pilipinas.
_____5. Naging balakid din ang suliranin ni Rizal sap so, pamilya, at sa mga kaibigan upang matapos ang El Fili.

II.Panuto: Lagyan ng tsek ( / )ang kahon kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon sa
panahong isinulat ang El Filibusterismo. Isulat sa linya ang magpapawasto sa pangyayari
kung mali ito. (F10PB-IVb-86)

1. Patong-patong na suliranin ang naranasan ni Rizal habang isinusulat ang El Fili.


_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

2. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinusulat niya
ang nobelang ito.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

3. Dahil sa samo’t saring suliraning naranasan, naisip ni Rizal na itapon na lamang ang kanyang
mga isinulat.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
4. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kaysa Noli Me Tangere.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
5. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at
nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik.
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

“Walang imposibleng pangarap sa mga taong nagsusumikap.”


-Ma’am Jalbuna 

You might also like