You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional office IX, Zamboanga Peninsula

10 Z est for P rogress

Z P eal of artnership

Filipino
Ikatatlong Markahan- Modyul 8:
Nobela mula sa Africa

Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maricel B. Jarapan


Editor: Lindo O. Adasa Jr.
Tagasuri: July G. Saguin

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat:
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo , CESO V
Oliver B. Talaoc ,Ed. D.
.Ella Grace M. Tagupa,Ed .D.
Jephone P. Yorong , Ed.D.
Lindo O. Adasa Jr

Alamin
Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/ Persia batay sa


napakinggang diyalogo.(F10PN-IIIh-I-81 )
 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw
/teoryang pampanitikan na angkop dito
 Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit
ang mga pang -ugnay sa panunuring pampelikula (F10PS-IIIh-i-83)
 Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang
nobela(F10PD-IIIh-i-79 )

Inaasahan din na ikaw ay nakapagsusuri ng nobela batay sa pananaw


/ teoryang sosyolohikal
Balikan

A. Panuto: Lagyan ng tsek ( )ang patlang bago ang bilang


kung ito ay may kaugnayan sa nobela at ekis (X ) kung hindi. ( 1
puntos bawat bilang)

______ 1. Binubuo ng mga kabanata.


______ 2. Maaaring pormal o di pormal.
______ 3. May tagpuan,tauhan , at banghay.
______ 4. Nagkaroon ng teoryang pampanitikan.
______ 5. Kinatha sa anyong tuluyan.

B. Panuto : Isulat ang titik T kung ang kaisipan ng pahayag ay tama


at titik M kung ito ay mali. ( 1 puntos bawat bilang )
______ 1. Ang pananaw / teoryang sosyolohikal ay naglalarawan sa
kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga taong namamayagpag panahon ng
pangyayari sa akda.
_______ 2. Sa teoryang sosyolohikal higit na binibigyang pansin ang
katangian ng tao at nagpapahalaga sa tao kaysa anumang
bagay.
_______ 3. Ang pang-angkop at pangatnig ay bahagi ng pananalita na
ginagamit bilang pang-ugnay.
_______ 4. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang salitang
aangkupan ay nagtatapos sa katinig.
_______ 5. Sa pagsusuri ng isang pelikula mahalaga ang paggamit ng mga
pang-ugnay upang maging detalyado at maliwanag.

Aralin
Nobela Mula sa Africa
8

Tuklasin
Panuto: Panoorin ang isang maikling video clip patungkol sa isang
isinapelikulang nobela “ Maynila sa mga Kuko ng Liwanag “
https://youtu.be/qwlYo04ID7I
Maaari ring basahin ang “ Maynila sa mga Kuko ng Liwanag Isang Suring –
basa “ http://vjk112001.blogspot.com/2008/02/sa-mga-kuko-ng-
liwanagisang-suring.html
Maari mo ring basahin ang buod ng nobela na pinagmulan ng pelikulang nasa
video clip.
Sa mga Kuko ng Liwanag
Ito ang nobelang isinulat ni Edgardo M. Reyes sa mga pahina ng
Liwayway Magazine. Ang nobelang ito ay isinapelikula at pinamagatang “ Ang
Maynila sa Kuko ng Liwanag “,sa iskrip ni Clodualdo del Mundo at direksyon
ni Lino Brocka.
Si Julio ay isang maralitang mangingisda at may magandang
kasintahang si Ligaya.Isang araw umalis si Ligaya sa kanilang probinsya
kasama si Gng Crus ,pinangakuang makapag-aral at makapagtrabaho sa
Maynila .Lumipas ang ilang panahon may natanggap na liham ang pamilya
ni Ligaya mula kay Gng. Crus upang ipaalam na nawala si Ligaya tangay ang
kanyang hikaw.Pumunta si Julio sa Maynila upang hanapin ang
kasintahan.Doon naranasan ni Julio ang mga taong mapanlamang sa
Lungsod.Nakaranas ng pang-abuso sa pinagtrabahuang
konstruksyon,minsan nagbenta ng katawan para lamang kumita.
Sa mahabang panahong paghahanap muntik nang nawalan ng pagasang
makita pa ni Julio si Ligaya,ngunit isang araw nakita niya si Ligaya at
natuklasang biktima ito ng prostisusyon.Nagbalak tumakas ang dalawa
,paglipas ng gabi ,paggising ni Julio ay patay na si Ligaya.Pinatay ni Julio
ang kinakasamang lalaki ni Ligaya ngunit nakita siya ng maraming saksi at
pinagmalupitan siya hanggang nalagutan ng hininga.

Gabay na Tanong : (2 puntos bawat bilang )


1. Batay sa nabasa o napanood, ano-ano ang mga suliraning panlipunan na
nakita sa akda?
2. Paano kinaharap ng mga pangunahing tauhan ang mga suliraning ito?
Suriin
Paglisan ( Buod )
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Si Okonkwo ,isang matapang at respetadong
mandirigma,nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at
hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang
labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinikilala ang katapangan ni
Okonkwo mula umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon
,ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan ang
laman ng kanyang dibdib laban sa kanyang ama, si Unoka na sa kanyang
tingin ay mahina at talunan.Walang nagawang mahusay ang kanyang amang
si Unoka dahil sa kanyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan
nito sa pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon
bukod sa pinabayaan niya ang kanyang pamilya. Ang naging buhay na ito ni
Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa
kanyang ama.Para mapatunayan ang kanyang kakayahan nsa pamumuno
,pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Unang
umibig si Si Okonkwo sa magandang si Ekwefi subalit wala pa siya noong
kakayahang magbayad ng dowry o dote. Nang nakapag –asawa sa iba si
Ekwefi nagkaroon siya ng suliranin sa asawa kaya tumakas at nagkanlong sa
kay Okonkwo na may asawa na rin kaya siya ang naging ikalawang asawa ni
Okonkwo. Si Ojiugo ang ikatlong asawa ,ang pinakabata sa lahat.
Nakapundar ng mga ariarian si Okonkwo na nagpapatunay lamang ng
kanyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at
makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinikilalang lider
ng kanilang tribo.
Nang makapaslang ang isa sa anak ng Mbaino sa Umuofia ay
napagkasunduang magbayad-pinsala sila ng binatiyo at dalagita upang
maiwasan ang pagdanak ng dugo sa pagitang ng dalawang tribo. Dahil sa
kanyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang
ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng
pakikipagsundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon
pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng
Umuofian.Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.Naging magiliw at
magkasundo naman ang dalawa. Itinuring na bata ni Okonkwo bilang
pangalawang magulang.
Isang araw , lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudo , isa sa matandang
taga –Umuofia , ang planong pagpatay kay Ikemefuna.Binalaan ni Ezeudo
huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa
isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang
turing ni Ikemefuna sa iyo “,wika ni Ogbuefi Ezeudo kay Okonkwo. Dahil dito,
gumawa ng paraan si Okonkwo.Pinaniniwala na niyang ihahatid na si
Ikemefuna sa kanyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang
kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay , sinugod ng mga
kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata.
Nagpasaklolo ito sa kanyang ama-amahan.Noon ay nasa harapan ng mga
katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga
niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuturing na
ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudo.
Umuwi si Okonkwo na mag-isa.Wala na ang batang tumulong at gumabay sa
kanya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo.
Hindi na siya makakain, hindi na makatulog ,hindi na rin makapag-isip nang
maayos. Ramdam niya sa kanyang sarili ang depresyong siya rin naman ang
may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad
sa kanyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kanyang kaibigang si
Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng kaunting
gaan ng loob. Lumipas ang panahon ,nabalitaan ni Okonkwo na namatay si
Ogbuefi Ezeudo.. Nakaramdam ng konsensya si Okonkwo sapagkat ng huling
makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa
pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na
tunog ng tambol na sinabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril
ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudo . Kagimbal-
gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok
ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing – anim na taong gulang na anakng
yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang
kasalanan laban sa kanyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyos
ng lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang
kanyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta,
lugar ng kapanganakan ng kanyang ina dala ang buong pamilya. Sinunog ang
mga natirang hayop , kubo at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng
paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naming siyang
tinanggap ng ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu.
Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagtayo ng kanilang munting
pamayanan at pinahiram ng mga butyl na pagsisimulan ng kanilang munting
kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo , pinilit niyang
tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon ni Okonkwo. Sa mga
taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni
Okonkwo sa dating lugar.Ibibenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay
Okonkwo. Buongsipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si
okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita ang naman noon ang ipinabatid
ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay okonkwo. Winasak
daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.
Hindi naglaon, may mga misyonerong dumating sa Mbanta. Sa tulong
ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown , lider ng mga
misyonero ang mga taga- Mbanta. Ayon sa kanila , ang pagsamba ng mga
diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa
simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga- Mbanta kung paanong ang
Tatlong Persona ay naging iisang Dyos katulad ng ipinaliwanag ng mga
misyonero tungkol sa dapat pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin
ng mga misyonero na dalhin ang Kristianismo sa Mbanta at hindi ang
tuligsain sila.Nagkasakit si G. Brown at pinaqlitan ni Rev. James Smith, isang
malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga –
Mbanta.Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa
Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang
Egwugwu,katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan
,sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina
Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog
sa kanilangsimbahan. Dahil dito humingi siya ng pakikipoagpulong sa
pinuno ng mga Umuofia . Sa pulong pinosasan ang mga dumalong pinuno ng
mga Umuofia at kinulong. Nakatikim ng pandudusta , masasakit na salita at
pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at
napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan
na maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng
mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao
na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na
hindi handa ang kanyangmga kaangkan sa isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang komisyoner ng distrito upang imbitahan
siya sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin
si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinababa nina Obierika ang katawan
ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat
kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod
dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong
iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kanyang ginawang
pagpapatiwakal , matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso,”sabi ni
Obierika , ang kanyang kaibigan.
-Mula sa Elements of Literature nina Holt et al. 2008. Texas, USA

(Kagawaran ng ng Edukasyon, (2015). Filpino –Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral ,


Quezon City:Vibal Group, Inc.,pp322-328)
A. Pampanitikan

SOSYOLOHIKAL na PAGDULOG O PANANAW SA PAGSUSURING


PAMPANITIKAN

Sa pananaw na ito mahihinuha ang kalagayan ng lipunan nang panahong


isinulat ang akda.Karamihan sa mga akdang sinusuri gamit ang pananaw na
ito ay dumadalumat sa kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga taong
namamayagpag sa panahong ito.

B. Gramatika at Retorika
Sa pagsusuri ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa
mga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa
magandang nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na
Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma ,
maipaliliwanag ang isang argument o punto sa tatlong paraan :
1. pagpalawak at / o pagpapaliwanag ng kahulugan

2. pagbibigay ng mas tiyak ,detalyado at higit na maliwanag na


deskripsyon,kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang –ugnay
,pagtutulad at pag –iiba –iba .
3. Pagbibigay ng halimbawa.

Mga Pang- ugnay:


1. Pang –angkop – Ito ay nag- uugnay ng panuring sa tinuturingan
upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang –angkop na na ,
ng ,g .Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos
sa katinig, ang g naman ay ginagamit sa sa mga salitang nagtatapos sa
n at ginagamit naman ang ng sa mga salitang aangkupan na
nagtatapos sa patinig.
a. Halimbawa :
b. Kalapit na tribo respetadong mandirigma
c. Labing walong taong gulang

2. Pangatnig –mga salitang nag-uugnay ng salita ,parirala o


sugnay na pinagsusunod sa loob ng pangungusap. Ang mga pangatnit
na bagamat, upang, at , tulad ng, kung, at iba pa ay magagamit din sa
mahusay na pagpapaliwanag.
(Kagawaran ng ng Edukasyon, (2015). Filpino –Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral ,
Quezon City:Vibal Group, Inc.,pp322-328)
Pagyamanin

Panuto :Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan.


Bilugan ang titik na kumakatawan ng tamang sagot.(1 puntos bawat bilang
)
1. Bakit ginusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo ? A.
Mahina ang kanyang ama.
B. Gusto niyang maghiganti sa kanyang ama.
C. Patunayang niyang naiiba siya sa kanyang amang
walang kwenta ,mahina at talunan.
D. Gusto niya ng karangalan , katanyagan at pangalan.

2. Ayon sa tradisyong nasasalamin sa akda, kung ikaw ay nakapatay ng iyong


kauri o kalahi sa tribo ,paano ka parurusahan sa iyong pagkakasala?
A. Ipatapon sa ibang lugar at sunugin ang naiwang ari-arian.
B. Bitayin hanggang sa ito ay lagutan ng hininga.
C. Ang isa sa mga anak ng nakapatay ang ipapalit sa nasawi.
D. Humingi ng tawad sa pamilyang pinagkasalaan.

3. Sa paanong paraan ipinakita ni Okonkwo ang pagtanggap sa kanyang


pagkatalo at muling magbalik sa kanyang pinagmulan?
A. Hinakot ang lahat ang kanyang mga ari-arian at mahalagang
kagamitan sa lugar ng kapanganakan ng kanyang ina at sinunog
ang natirang hayop,hayop at mga naiwang pag –aari.
B. Pinatay ang lahat ng kanyang kalaban na kasapi ni Ogbuefi
Ezeudo.
C. Naghiganti siya sa kalabang si Amalinze.
D. Nagpatiwakal siya kasama ang kanyang buong pamilya.
4. Sa kanyang kasipagan at pagpupunyagi nakapundar ng mga ari-arian ,
naging matapang na mandirigma , makapangyayarihan sa buong
nayon at kikikilalang lider si Okonkwo sa kanilang tribu. Anong
pananaw /teoryang pampanitikan ang angkop sa akda ?
A. Historikal C. Humanismo
B. Sosyolohikal D. Realismo
5. Ang mga sumusunod pahayag ay naglalarawan sa ugali at katangian ni
Okonkwo MALIBAN sa _______.
A. Masipag na asawa C. Matapang na mandirigma
B. magaling na pinuno D. masunurin sa kanyang ama
Gawain
GAWAIN A – Panuto : Basahin at suriing mabuti kung ang
sumusunod na tradisyon .ay nasasalamin sa akdang
“Paglisan “
.Lagyan ng tsek () kung ito ay nasasalamin sa akdang
“Paglisan “ at ekis ( X ) kung hindi . ( 1 puntos bawat bilang )

___ 1. Pagkonsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago lumusong


O magdeklara ng giyera.

____2. Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng nagkasala kapag siya

ay naipatapon.
____3. Pagbibigay ng dote o dowry sa magulang ng babaeng kung nais

nais pakasalan ng lalaki ang babaing iniibig.

____4. Pinapayagan ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa . ____5.


Pinakinggan at pinapahalagahan ang desisyon ng mga babae
kaysa mga lalaki .

GAWAIN B – PANUTO: Punan ng tamang pang –ugnay ang patlang upang


mabuo ang talata. ( 5 puntos )

Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart,


ipinakita sa atin ang komplikadong mga batas 1)_____ gawi ng angkang
pinagmulan ni Okonkwo,sa pagpapanatili ng maayos
2)____ugnayan.Halimbawa , ang pagsasalo o pag-aalok ng lambanog at cola
nuts na binabanggit sa kabuuan ng nobela ang isang paraan ng mga Igbo na
mapayapa 3)____ pakikiharap sa sino mang tatanggaping bisita sa tahanan o
sino mang taong pakikiharapan.Isang paraan ng pakikipagkapwa –tao ang
mapayapang paraan sa mga Igbo ang nasabing gawi. 4)______ nakapanghiram
ng pera at sisingilin na, mahusay naming hinaharap ng mga Igbo ang
nasabing maningil.Bumabanggit sila ng mga sawikaing angkop sa nais nilang
ipabatid na mensahe .Tulad na lamang halimbawa, 5)_______ hindi sila
makababayad agad,sasambitin ang mga kasabihang makapagbabago ng isip
ng maniningil upang ipagliban muna ang paniningil.
Isaisip
Sa modyul na ito, natutunan ko sa binasang nobela na ang mga Aprikano
ay may sariling kultura at ______________________________na nasasalamin
sa akda,

Napag-alaman ko ring ang teoryang _____________________ ay naglalarawan


ng kalagayan ng lipunan at sa uri ng mga taong namamayagpag sa
panahong isinulat ang akda.

Natutunan ko ring sa pagsusuri ng isang


pelikula,bumubuo ka ng isang pagpapaliwanag sa mga
detalyeng nais na bigyan ng pansin at mahalaga ang
paggamit ng pang –ugnay na_________________ upang
mapadulas ang pagsasalita at __________________ upang
mapahusay ang pagpapaliwanag.

Tayahin

I. Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot .


( 1 puntos bawat bilang )

1. Ayon sa akda, kung ikaw ay nakapatay ng tao sa isang tribo paano ka


makikipagkasundo ng kapayapaan sa kalahi nito?

a. Mag-alay ng isang katribo sa lahi ng taong napatay.


b. Makipagdigma sa kabilang tribo.
c. Ang isa sa mga anak ng nakapatay ang ipapalit sa nasawi.
d. Humingi ng tawad sa pamilyang pinagkasalaan

2. Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang


kagiliw-giliw _______ tradisyon ng Taga- Africa.Ano ang angkop na pang
–ugnay sa patlang ?

a. ng b. g c. Na d. tulad ng
3. Alin sa sumusunod na bahagi ng akda ang pananaw sosyolohikal ?
a. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan si
Okonkwo sa buong nayon.Dahil dito, siya ay kinikilalang lider ng
kanilang tribo.
b. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.Naging magiliw at
magkasundo silang dalawa.Itinuring si Okonkwo
bilang panga- lawang magulang ng bata.
c. Lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudo ang planong pagpatay
ni Ikemefuna at binalaan niya si Okonkwona
huwag makialam sa planong ito.
d. Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito
upang imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte
subalit
natagpuan na lamang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal
si Okonkwo.

Para sa bilang 4- 5, basahin at suriin ang sitwasyon mula sa iskrip ng “Ang


Munting Prinsesa “

MISS MINCHIN : ( sharply) Anong kawawa ? Mas kawawa tayo! Hindi tayo
bahay ampunan, baka akala mo .
Hindi ko na problema iyon… Alam mo namang nakasangla sa bangko ang
eskwelahang ito … baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan
na ang utak mo, Amelia ?Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama
ni Sarah ???

4. Ang sumusunod ay sitwasyong mahihinuha natin sa iskrip Maliban sa


__.
a. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah.
b. Kabutihang loob ni Miss Amelia kay Sarah
c. Kabutihang loob ni Miss Minchin kay Sarah
d. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia 5.Paano ipinakita ni Amelia
ang kabutihang loob kay Sarah?
a. Paalisin si Sarah sa tinutuluyang boarding house ng paaralan.
b. Nagmungkahi kay Miss Minchin na patirahin sa boarding house ng
paaralan si Sarah.
c. Ipaampon ni Mr, Crisford si Sarah.
d. Dalhin sa bahay-ampunan si Sarah.
Karagdagang Gawain
Panuto : Panoorin ang pelikulang “Sarah ang Munting Prinsesa “.
https://yuotu.be/uRs7c9RRCQs
Bumuo ng isang talatang pagsusuri sa nasabing pelikula / o maaari ding
magsusuri sa ibang pelikulang iyong naibigan kung walang internet.
Bilugan ang mga ginamit na pang-ugnay sa ginawang pagsusuri.(15 puntos)

RUBRIK SA PAGSULAT NG PAGSUSURI

Pamantayan 5 3 1

Maayos at malinaw ang


organisasyon ng mga ideya. Lumihis sa
Hindi masyadong
Organisasyon ipinapagawao sa dapat
malinaw ang organisasyon
ipapahayag na
ng mga ideya.
mensahe ng gawain.

Nagagamit nang wasto ang May 1-5 mali sa paggamit May 6 o higit pang mali
Gramatika: mga pang-ugnay na pang- ng pang –ugnay na sa paggamit ng
angkop at pangatnig sa pangangkop at pangatnig pangugnay na pang-
Paggamit ng
pagsusuri . sa pagsusuri. angkop at pangatnig
pang-ugnay na
pang-angkop at
pangatnig

Walang pagkakamali sa Kakikitaan ng 1-5 Kakikitaan ng 6 o higit


mga bantas at pagbaybay. pagkakamali ng bantas at pang pagkakamali sa
pagbaybay. mga bantas at
pagbaybay.
Mekaniks
Susi sa Pagwawasto
Gawain

Balikan
A. 1. A. 1.
2. X
2.
3.
4.
Pagyamanin 3.
5. 1. C 4.
B. 1. T 2. A 5. X
2. M 3. A B. 1. At
3. T 4. B 2. na
5. D
4. T 3. ng
4. kapag
5. T 5. kapag

ISAISIP TAYAHIN
Tradisyon 1. A
2. C
Sosyolohikal 3. A
Pang-angkop 4. C
Pangatnig 5. B
Sanggunian:
Kagawaran ng ng Edukasyon, (2015). Filpino –Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral , Quezon City:

Vibal Group, Inc.,pp322-328

Lorenza P. Avena,(2000).Wika at Panitikan. III .Quezon City;JGM & S Corporation, pp.170

Emily V. Marasigan &Mary Grace Del Rosario.(2015).Pluma 10. Quezon City :Phoenix Publishing House ,Inc.pp.

252 - 253

https://yuotu.be/uRs7c9RRCQs
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons,
With the Yakans in unity
Boholanos, Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I I think that I shall never see
dreamed that I was walking A poem lovely as a tree.
along the beach with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) Against the earth’s sweet flowing
sets of footprints – one belong to breast;
me and the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I
And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of
footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? A nest of robins in her hair;
Why? Why did you leave me
when I am sad and helpless?” Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
And the LORD replied “My son,
My son, I have never left you. Poems are made by fools like me,
There was only one (1) set of But only God can make a tree.
footprints in the sand, because it
was then that I CARRIED YOU!

You might also like