Professional Documents
Culture Documents
LEARNING MODULE
Filipino 10
Kwarter 4 / Ika-2 Linggo
2|Page
―Rizal’s Life, Works, and Writings‖ ni G. Gregorio F. Zaide, ang tinutuluyan nilang apartment ay may sariling
canteen pero sa halip na kumain doon, dahil sa mas mapapamahal sila, ay bumili na lamang si Rizal ng isang
latang biskuwit at ilang kape para sa mga almusal nilang dalawa sa loob ng isang buwan. Ang ginawa pa ni Dr.
Rizal, hinati niya nang pantay para sa kanilang dalawa ang mga biskuwit. Si G. Alejandrino, dahil sa hindi
nakasusunod sa kaniyang rasyon o kung ilang biskuwit lamang ang kaniyang kailangang kainin sa isang araw,
ay halos maubos na ang kaniyang mga biskuwit sa loob lamang ng kalahating buwan. Samantala, si Dr. Rizal
ay nagawa mismong tipirin ang sarili sa pagkain para lamang maipalimbag ang kaniyang nobela. Subalit sa
hindi magandang palad, tulad sa mga nangyari sa kaniya habang ipinapalathala ang unang nobela, muli na
namang kinapos sa salapi si Dr. Rizal. Naubos na ang perang nakuha mula sa pagsangla niya sa kaniyang mga
alahas. [Hindi lamang malinaw kung may kinita siya mula sa mga pinagbilhan ng kaniyang unang nobela.]
Muli na naman siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kaibigan ngunit natalagan bago dumating kaya
noong 6 Agosto 1891 ay itinigil ang paglilimbag sa nobela na noo’y nasa ika-112 pahina na. Hindi nagtagal,
tulad muli sa mga nangyari habang ipinapalimbag ang Noli Me Tangere, ay dumating ang salaping kailangan ni
Dr. Rizal mula sa isa sa kaniyang mga kaibigan na si Valentin Ventura na noo’y nasa Paris. Sa tulong ng sugo
ng Diyos, ang ikalawang nobela ni Dr. Rizal ay natapos sa pagpapalimbag noong 18 Setyembre 1891.
Ang El Filibusterismo ay binigyan ng iba’t ibang saling-pamagat. Sa wikang Ingles, ito ay isinalin
bilang “The Filibustering”. May salin din ito sa wikang Ingles na ang pamagat ay “The Reign of Greed” na
tinumbasan naman sa wikang Tagalog ng “Ang Paghahari ng Kasakiman”. Sa ibang aklat sa wikang Ingles, ito
ay “The Subversive” na ang salin naman sa wikang Filipino ay “Ang Subersibo”. Anuman ang pamagat, ang
salitang filibusterismo ay nanggaling sa salitang Kastila na “filibuster” na hiniram naman sa salitang Pranses na
“flibustier” na tumutukoy sa sumusunod na mga kahulugan: pirata (pirate), isang taong mangingikil ng buwis o
pag-aari ng iba (plunderer), at isang taong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa ibang bayan para
suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter). Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na mababasa rin sa ginawang
introduksiyon ng kaibigan niyang si Ferdinand Blumentritt para sa kaniyang ikalawang nobela, ang Filibuster
ay nangangahulugang mapanganib na taong (makabayan) mamamatay kahit na anong oras‖. Ito ang
kontekstuwal na pagpapakahulugan ng mga Espanyol at ilang Filipino noon na nakaaalam ng salitang ito.
Unang pagkakataon na narinig ito ni Dr. Rizal ay noong binitay ang tatlong paring martir dahil sa pagkakadawit
sa Cavite Munity. Labis-labis na pagkabalisa ang idinulot ng salitang ito sa mga Pilipino maging sa mga
nakapag-aral dahil ito ay parang parusang bigla na lamang ipapataw ng mga Espanyol sa kung sinumang
Pilipinong nais nilang mamatay. Dahil dito, ipinagbawal mismo ni Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal, ang
pagbanggit ng mapanganib na salitang ito, maging ng mga salitang ―Cavite‖ at ―Burgos‖ (isa sa tatlong
paring martir na kaibigan ng kapatid ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan para kakaunti lamang ang nakaaalam
ng salitang ito.
Labing-isang taong gulang pa lamang noon si Dr. Rizal nang masaksihan niya ang kalunos-lunos na
pagbitay sa tatlong paring martir, ang GOMBURZA, na sina Mariano Gomez de los Angeles, Jose Apolonio
Burgos y Garcia, at Jacinto Zamora y del Rosario. Marami ang nalungkot at marami ang nagalit dahil pinatay
ang tatlong paring inosente na dinawit lamang sa Cavite Mutiny. Ang Cavite Mutiny ay ang pag-aaklas noon sa
Cavite ng tinatayang 200 pinagsama-samang manggagawang Pilipino at lokal na mga sundalo dahil sa
sapilitang paggawa o polo y servicio at pagkakaltas ng buwis ng mga Espanyol sa natatanggap nilang bayad.
Gayunman, ang pag-aaklas na ito ay hindi naging matagumpay dahil lahat ng nagsipag-aklas ay hinuli,
pinarusahan, at pinatay. Sinuman ang sumubok na sumuporta at tumulong sa pag-aaklas ay parehong kapalaran
ang sinasapit. Dahil sa maraming Espanyol lalong-lalo na ang mga prayle ang galit at naiinggit sa
GOMBURZA, idinawit nila ang mga pangalan ng tatlong pari bilang mga filibustero. Sila ay binitay sa
pamamagitan ng garote sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta Park) noong 17 Pebrero 1872. Ang karumal-dumal
na pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang lumipas, ay kumintal sa isipan at bumiyak sa puso ni Dr.
Rizal kaya ang GOMBURZA ang kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo. Ano’t
anuman, nang isulat ni Dr. Rizal ang dedikasyon sa nobela ay nagkaroon ng kaunting pagkakamali ang bayani.
Sa kaniyang orihinal na sipi, naisulat niya na binitay ang GOMBURZA noong 22 Pebrero 1872 at hindi 17
Pebrero 1872 na siyang talang pangkasaysayan. Maging sa pagsasama ng edad ng tatlong paring martir ay
nagkaroon ng dalumat: si Mariano Gomez na namatay sa edad na 72 ay nailahad ni Dr. Rizal ng 85 taong
gulang; si Jose Burgos, ayon sa bayani ay namatay sa edad na 30 pero ayon naman sa mga historyador ay 35
taong gulang; at si Jacinto Zamora naman ay namatay sa edad na 36 pero ayon kay Dr. Rizal ay 35 taong
gulang.
Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng tekstong ito: nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng
naisulat na niya sa ikalawang nobela noong 1888. Ito ay may kinalaman mismo sa kaniyang naging mga
3|Page
inspirasyon sa pagsusulat; ngunit naiiba sa mga inspirasyon ng ibang manunulat―ang kaniyang masasakit na
karanasan sa totoong buhay―dahilan para maging mabigat ang mga emosyon at mga pangyayaring mayroon sa
El Filibusterismo. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: ang pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga
magsasaka ng Calamba at sa kanyang pamilya―matutunghayan sa Kabanata 4; ang pagkamatay ng dalawang
Filipino sa Madrid na sina Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang si Jose Maria Panganiban; ang away
nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna dahil sa isang babae, si Nelly Bousted; ang tunggalian sa pagitan nila
ni Marcelo H. del Pilar sa pamumuno ng samahan ng mga Kastila at mga Filipino sa Espanya―mababasa sa
unang mga bahagi ng nobela ukol sa pagpapatayo ng
Akademya ng wikang Kastila; at ang pagpapakasal ng kanyang kasintahang si Leonor Rivera sa isang
inhinyerong Ingles na si Henry C. Kipping―matutunghayan sa huling mga bahagi ng nobela, sa kabanata kung
saan nagpakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez.
Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa nobelang ito ay hinango mismo ni Dr. Rizal sa tunay na
buhay: ang ginagalang na paring Pilipino na si Padre Florentino ay walang iba kundi si Padre Leoncio Lopez na
malapit na kaibigang pari ni Dr. Rizal; si Isagani ay si Vicente Ilustre na isang makata; si Paulita Gomez ay si
Leonor Rivera, ang pinsan ni Dr. Rizal na naging kasintahan niya, si Leonor Rivera din si Maria Clara sa Noli
Me Tangere, mapapansin na magkaiba ang mga katangian nina Maria Clara at Paulita Gomez pero pareho
lamang hinalaw sa iisang tao; si Simoun, ang pangunahing tauhan, ay walang iba kundi si Simon Bolivar, ang
tagapagpalaya ng Katimugang Amerika mula sa pananakop ng Espanya; si Padre Salvi ay si Padre Antonio
Piernavieja; si Donya Victorina ay si Donya Agustina Medel; at si Kapitan Tiago ay si Kapitan Hilario Sunico.
Para sa inyo, alin nga ba ang superyor o mas nakaaangat: ang Noli Me Tangere ba o ang El
Filibusterismo? Sa bagay na ito, nahati ang mga opinyon ng mga kaibigan ni Dr. Jose Rizal. Para kina
Ferdinand Blumentritt, Graciano LopezJaena, Dr. Rafael Palma (kapatid ni Jose Palma na siyang nagsatitik ng
―Lupang Hinirang‖), at marami pang iba, ang higit na nakaaangat ay ang El Filibusterismo. Para naman kina
Marcelo H. del Pilar, Wenceslao Retana (hindi siya kaibigan ni Dr. Rizal, sa katunayan ay isa siya sa mga
Espanyol na bumatikos ng Noli Me Tangere at nakaaway mismo ng bayani pero nang mamatay si Dr. Rizal ay
doon siya labis na humanga rito at siya ang kauna-unahang gumawa ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal), maging
kay Dr. Jose Rizal, ang superyor ay ang Noli Me Tangere. Sang-ayon mismo kay Dr. Rizal, siya ay
nakaramdam ng tabang (grain of salt) o tampo sa mga nagsabing mas nakaaangat ang kaniyang ikalawang
nobela. Sa kabila ng kaniyakaniyang opinyon, dumating naman ang pinakamagandang reaksiyon mula sa isa sa
mga kaibigan ng bayani―si Mariano Ponce― ―It is, indeed, excellent. I can say nothing of your book, but
this: it is really marvelous like all the brilliant productions of your pen. It is a true twin of the Noli.
BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang
mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na
pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra
na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi
ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila.
Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain
ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay
di napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di
magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak
niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara
upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay
na nang hápong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang samâ ng loob ukol sa kabiguang
natamo, ay nagdaos ng isang salusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas
habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga
Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga
paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay
ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si
Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila,
si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni
Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya
pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay
Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina
Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang
dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa
lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad
siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong
5|Page
pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugisgranada
at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at
Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang
pagkakayari. Ang ilawán ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung
minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang
fulminato de mercurio, ang granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng
kiyoskong kakanan — at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na
pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na
pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lámang ng gabí ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakadlakad sa tapat ng bahay ng
pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di
malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana ngunit namalas niyang dumating si
Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin kaya't
napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas
ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa
ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa
baybáyin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahúli nang buháy. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at
isinalaysay niya dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang búhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas
buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya
na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang
paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng magaalahas, kayamanang naging
kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang
kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.
Mahusay! Ating tayain ang iyong pagkakaunawa sa iyong binasa. Sagutin ang sagutin Natin sa iyong LAS.
Mahusay! Upang malaman ang mo ang tungkol kay Basilio, iyong basahin ang nasa ibaba.
Kabanata 6 – Si Basilio
Sa pagpatak ng hatinggabi, tumugtog ang mga kampana ng simbahan, tinatawagan ang taong-bayan na
dumalo sa Misa de Gallo. Samantalang abala ang mga taga-San Diego sa paghahanda para sa misa, si Basilio
ay tahimik na lumabas sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Makailang beses din siyang nagpaliko-liko sa madidilim
na lansangan, palingon-lingon upang tiyaking walang sumusunod o nagmamatyag sa kanya. Sa wakas ay
narating din niya ang kalsada tungo sa kakahuyang dati’y pag-aari ng mga Ibarra, isang mayamang angkan sa
San Diego, na nang kumpiskahin ng gobyerno ay binili na ni Kapitan Tiyago.
Nakatungong tinunton ni Basilio ang daan at unti-unti siyang nilamon ng karimlan at katahimikan ng
kagubatan. Paminsan- minsan ay tinitingala niya ang mga bituing kanyang natatanaw sa mga puwang sa
pagitan ng malalabay na dahon ng mga punongkahoy. Makalipas ang kalahating oras, sumapit siya sa isang
sapa. Tinawid niya ito at inakyat ang isang maliit na burol sa kabilang pampang.
Sa tuktok ng burol na ito ay may isang malaking puno ng balete. Dahandahang nilapitan ni Basilio ang
puno at lumuhod sa harap ng isang tumpok ng mga bato, nakayuko at tila nagdarasal. Ang mga batong ito ang
tanging palatandaan sa huling hantungan ng kanyang ina, na binawian ng buhay labintatlong Pasko na ang
6|Page
nakalipas. Mula noon ay taon-taon na niyang dinadalaw ang puntod ng pinakamamahal na ina. Tulad ng mga
lumipas na taon, muling nagbalik sa alaala ni Basilio ang kanyang buhay sa piling ng ina at nakababatang
kapatid. Masaya sa una, ngunit unti-unting nabahiran ng lungkot at pighati, hanggang humantong ang kanyang
mga mahal sa buhay sa mapait na katapusan.
Nagbalik din sa alaala ni Basilio kung paano nagbago ang kanyang buhay nang gabing mamatay ang ina.
Noo’y nasa kanyang kandungan pa ang walangbuhay na katawan nito, nang biglang may sumulpot na isang
lalaking sugatan at hapong-hapo. Inutusan siya nitong manguha ng mga kahoy na panggatong.
Dala ng labis na kalungkutan at pagkabigla, sinunod ni Basilio ang lalaki nang hindi tinatanong kung
sino siya at para saan ang mga kahoy. Para siyang makinang naghanap ng mga tuyong sanga sa kagubatan,
manhid ang isip at damdamin dala ng labis na kalungkutan.
Sa kanyang pagbabalik sa lugar kung saan iniwan ang ina at ang lalaki, naratnan ni Basilio ang isa pang
lalaki na nakaluhod sa tabi ng bangkay ng una. Nang makita ng bagong dating na si Basilio, nagpatulong
siyang sunugin ang bangkay ng lalaki. Tinulungan din niya si Basilio na ilibing ang ina. Pagkatapos ay
binigyan ng lalaki si Basilio ng kaunting halaga at sinabihan na lisanin na ang San Diego.
Iyon ang una at huling pagkakataong nakita ni Basilio ang lalaking iyon. Isang matangkad at
matipunong binata, maputla ang mga labi at matangos ang ilong, namumula ang mga mata sa pag-iyak.
Agad- agad nilisan ni Basilio ang San Diego at nagtungo sa Maynila. Sa lungsod ay sinubok niyang
mamasukan bilang utusan, ngunit walang gustong tumanggap sa kanya. Ilang linggo ding naging palaboy si
Basilio sa mga lansangan ng Maynila, hinang-hina ang katawan dala ng sakit at hindi pagkain. Hindi minsang
naisip ni Basilio na wakasan na ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagkitil sa sariling buhay. Sa
kabutihang-palad, minsan niyang nakita si Kapitan Tiyago na sakay ng isang karwahe. Sinundan ni Basilio ang
matandang lalaki, na kilala niya mula sa San Diego, at nagprisintang maging katulong nito kapalit ng pagtustos
sa kanyang pag-aaral. Pumayag naman ang matanda, na nahabag sa kalunos-lunos na anyo ni Basilio, at agad
siyang ipinatala sa Colegio de San Juan de Letran.
Sa simula ng kanyang pag-aaral sa Letran, minaliit si Basilio ng kanyang mga guro at kamag-aral dahil
sa kanyang kahirapan. Nahirapan din siya sa pagaaral ng Latin, lalo pa’t wala siyang maintindihan dito at tila
walang interes ang kanyang propesor na siya’y turuan. Subalit sa pagtitiyaga at kasipagan sa pagaaral,
nakapasa pa rin si Basilio sa pagsusulit na ginanap sa pagwawakas ng taong-aralan.
Sa kanyang ikatlong taon ng pag-aaral, isa sa kanyang mga propesor ang nag-akalang si Basilio ay
mangmang. Sinubukang ipahiya ng guro si Basilio, ngunit hindi siya nagtagumpay dahil nasagot nang tama ng
binatilyo ang kanyang mga tanong. Nainis sa kanya ang propesor kung kaya’t hindi na siya pinansin sa klase.
Dahil dito’y nawalan ng gana sa pag-aaral si Basilio. Ano pa ang silbi ng kanyang pagpupursigi kung hindi
naman kinikilala at pinahahalagahan ang kanyang pagsisikap?
Nang sumunod na taon, naging paborito si Basilio ng isa sa kanyang mga propesor. Dahil dito at dahil
na rin sa panunumbalik ng kanyang interes sa pagaaral, natanggap ni Basilio ang pinakamataas na grado at
karangalan noong taong iyon. Ang kahusayan ng binatilyo ang nag-udyok kay Kapitan Tiyago na ilipat si
Basilio sa Ateneo Municipal, na noo’y kinikilala bilang pangunahing lunsaran ng edukasyon at karunungan sa
Pilipinas.
Ang mga taong ginugol ni Basilio sa Ateneo ay naging masaya at produktibo. Labis siyang nalugod sa
pagtuturo ng kanyang mga propesor, kung kaya naman lubos siyang nagsumikap sa kanyang pag-aaral. Sa
kanyang pagtatapos, nakatanggap si Basilio ng matataas na marka at papuri mula sa kanyang mga guro.
Matapos matanggap ang kanyang batsilyer mula sa Ateneo, ipinasiya ni Basilio na mag-aral ng
medisina. Ganoon na lamang ang husay ni Basilio kung kaya’t hindi pa man nakapagtatapos ay
nakapanggagamot na siya. Mula sa kanyang panggagamot, kumikita siya nang sapat upang makapag-ipon para
sa kanyang kinabukasan. Ang kanyang naipong salapi ay binalak ni Basilio na ipangtaguyod sa pamilyang
kanilang bubuuin ng kasintahang si Juli.
Mahusay! Upang mataya ang iyong pagkakaunawa sa akdang binasa ay iyong sagutin ang Madali Lang Iyan sa
iyong LAS.
Ilagay ang iyong sagot sa Gawain#3: Madali Lang Iyan A, B, at C sa iyong LAS.
Repleksyon
7|Page
Hindi lamang talino ang puhunan ng isang tao upang makapagtapos ng pag-aaral sa halip ay sabayan ito ng sipag
at tiyaga upang makamit ang pangarap at magtagumpay.
Aling bahagi ng buhay ni Basilio ang hinangaan mo. Bakit?
Binabati kita napagtagumpayan mo ang iyong Gawain at Aralin! Pakibalik po ang LAS na may sagot.
Gawain#1: Simulan Natin
1. C 2. E 3. D 4. A 5. B
Gawain#2: Sagutin Natin
A. 1. TAMA 2. TAMA 3. MALI 4. TAMA 5. MALI
B. 1. A 2. B 3. C 4. B 5.B
C. 1. D 2. D 3. A 4. C 5. C
Gawain#3: Madali Lang Iyan
A. 1. D 2. B 3.D 4.B 5.A
B. (iwawasto ng guro)
C. (iwawasto ng guro)
Hanay A Hanay B
9|Page
____ 5. Si Basilio ay nakilala nang ipakita niya ang galing sa _________.
A. klase C. pagsasayaw
B. pakikipagkaibigan D. pagtitinda
B. PANUTO: Nagpapakita ng mga pinagdaanan ni Basilio ang mga larawan sa ibaba. Pumili ng isa na
maiuugnay mo sa iyong sariling karanasan. Ipaliwanag ang inyong sagot. (Mga larawan mula sa Google)
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
C. Sa ating buhay, marami tayong pinagdadanan upang makamit natin ang ating hinahangad. Sa buhay mo
ngayon, ano na ang pinakamatindi mong pinagdaanan?
PANUTO: Isalaysay ang pangyayari sa iyong buhay na masasabing mong pinakamatindi mong
pinagdaanan. Paano mo ito nalampasan? Nakatulong ba ito sa kung sino ka ngayon? Ipaliwanag. Isulat
ito sa isang malinis na papel. Makikita sa ibaba ang pamantayang magsisilbing gabay mo sa paggawa.
11 | P a g e