You are on page 1of 9

La Salette of Quezon, Inc.

Samonte, Quezon, Isabela

JUNIOR HIGH SCHOOL


SY 2020-2021

LEARNING MODULE
Filipino 10
Ikalawang Kwarter, Ika-3 Linggo

LSQ: ONE WITH YOU!

La Salette of Quezon, Inc. SY 2020-2021 Junior High School


1|Page
FILIPINO 10
SELF-LEARNING MODULE (SLM)
Ikalawang Kwarter, Ika-3 Linggo

Magandang araw, Saletinong Mag-aaral! Nasa Ikalawang Kwarter na tayo. Binabati kita dahil
nagawa mo ang mga gawaing inihanda sa Unang Kwarter.

A. Panimula:
Nang mga layunin natin sa Aralin 2:
1. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
2. Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan
3. Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
4. Nakikilala ang pokus ng pandiwang ginamit sa pangungusap.

Para sa pagsisimula, basahin at unawain ang Alam mo Ba?


ALAM MO BA?
ALAM MO BA?
Ang Macbeth ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na trahedya at isa rin sa pinakapopular sa mga
dulang isinulat ni William Shakespeare kung ang dalas o bilang ng pagtatanghal ang pag-uusapan. Ito rin ang
pinakamaikli sa mga dulang isinulat niya na halos kalahati lang ng haba ng isa pa niyang dulang Hamlet.
Sinasabing nabuo niya ito sa pagitan ng mga taong 1603 hanggang 1607.
May mga pamahiing iniuugnay sa dula na kilala ng mga artista sa teatro bilang "Curse of Macbeth."
Maraming kuwento ng kababalaghan ang iniuugnay rito, Isa sa mga kuwento ang tungkol daw sa biglang
pagkamatay ng batang lalaking gumaganap bilang Lady Macbeth sa araw ng unang pagtatanghal ng dula.
Marami pang ibang kuwento tulad ng pagkakagamit daw ng totoong patalim sa halip na props o di totoong
patalim na naging sanhi ng pagkamatay ng tauhan.
May mga ginagawa ang mga artista upang makaiwas sa kamalasang dala raw ng dula sa mga
nagtatanghal nito. Isa na rito ang hindi nila pagbanggit nang malakas sa pamagat ng dula kapag sila'y nasa loob
ng tanghalan maliban na lang sa aktuwal na pagsasadula. Sa halip, tinatawag nila itong "The Scottish Play" o
"That Play." Ang remedyo raw
kapag aksidenteng nabanggit ang pamagat ng dula ay ang paglabas muna ng taong nakagawa nito, pag-ikot ng
tatlong beses, pagdura, at pagmumura nang malakas.
Gayumpaman, ang isang paliwanag kung bakit may mga nasasaktan sa pagsasadula nito ay dahil sa
napakaraming eksenang may pisikal na
labanan sa Macheth. Hindi tuloy maiiwasang may masaktan at kapag ang mga kuwentong ito ay nagpasalin-
salin na sa bibig ng mga tao, nagiging bahagi na ito ng tinatawag na "Curse of Macbeth."

Mahusay! Upang mapagyaman pa ang kaalaman ay sagutan ang Payabungin Natin sa iyong LAS.

 Isulat ang iyong sagot sa Gawain#1: Payabungin Pa Natin sa iyong LAS.

Iyong basahin ang panitikan upang magkaroon ka pa ng kaalaman tungkol sa akdang MACBETH ni William
Shakespeare Isang Malayang Salin

MACBETH (BUOD NG DULA)


William Shakespeare
(Isang Malayang Salin)
Si Macbeth at ang kaibigan niyang si Banquo, kapwa mga heneral ng kaharian ng Scotland na
pinamumunuan ni Haring Duncan, ay papauwina mula sa matagumpay nilang pakikidigma sa dalawang

2|Page
hukbong magkahiwalay na sumalakay sa kanilang kaharian. Nakasalubong ng magkaibigan ang tatlong
manghuhulang may nakatatakot na itsurang tila mga bruhang hindi nagmula sa daigdig ng mga tao. Binati nila
si Macbeth bilang Thane ng Glamis (na siya niyang tunay na titulo) at Thane ng Cawdor (na kanyang
pinagtakhan dahil hindi naman siya ang Thane ng Cawdor). Sinabi rin nilang magiging hari siya balang araw.
Kay Banquo naman ay sinabi ng mga manghuhula na magmumula sa kanyang lahi ang magiging tagapagmana
ng korona. Nang maglaho ang mga manghuhula ay naiwan ang magkaibigang hindi makapaniwala sa kanilang
narinig. Maya-maya'y dumating ang mga tauhang ipinadala ni Haring Duncan upang batiin at pasalamatan ang
dalawa at upang sabihin ding si Macbeth ay hinihirang bilang Thane ng Cawdor bilang kapalit ng dating thane
na nagtraydor sa kaharian at naparusahan ng kamatayan. Dito napagtanto ng magkaibigan na nangyari nga ang
unang bahagi ng hula. Nang tanungin ni Macbeth si Banquo kung umaasa ba siyang sa lahi niya magmumula
ang magiging tagapagmana,
ipinagkibit-balikat lang niya ito at sinabing ang demonyo minsan ay nagsasaad ng kalahating katotohanan
upang maakit ang taong gumawa ng makasasama sa sarili. Hindi ito pinansin ni Macbeth na nag-iisip kung
magkakatotoo nga kayang siya'y magiging hari at kung basta na lang ba ito ibibigay sa kanya o matutupad ito
sa pamamagitan ng paggawa niya nang hindi mabuti. Nang magkita sina Haring Duncan at ang dalawang
heneral ay nagpasalamat nang labis ang hari sa kanilang kabayanihan at saka inihayag na ang gusto niyang
maging tagapagmana ng trono ay ang kanyang anak na si Malcolm Sinabi rin ng hari na gusto niyang
maghapunan at magpalipas ng gabi sa kastilyo ni Macbeth. Sumulat si Macbeth sa kanyang asawang si Lady
Macbeth upang ipaalam ang planong pagdalaw ng hari gayundin
ang mga sinabi sa kanya ng tatlong manghuhula.
Nang mabasa ni Lady Macbeth ang liham ng asawa tungkol sa inihayag ng tatlong manghuhula ay labis
niyang inasam na mapunta ang trong sa kanyang asawa at ang naiisip lang niyang paraan ay ang pagpatay ni
Macbeth sa hari habang ito'y nasa kanilang kastilyo. Pinag-isipan ni Macbeth ang kagustuhan ng asawa subalit
hindi niya maatim na gawin ito dahil napakabuti ng hari at wala siyang dahilan para patayin ito maliban sa
kanyang ambisyon subalit ikinagalit ito nang labis ni Lady Macbeth. Pinagsabihan siyang duwag at
kinuwestiyon ang kanyang pagkalalaki. Hinikayat siya nito sa pamamagitan ng isang plano; paiinumin niya ng
alak ang dalawang bantay ng hari para makatulog. Pagkatapos ay sasaksakin
ni Macbeth ang natutulog na hari at ang dugo'y ipapahid sa dalawang guwardiya upang sila ang
mapagbintangan. Nakumbinsi si Macbeth at kinagabiha'y isinagawa nga nila ang planong pagpatay sa hari.
Kinabukasan, natuklasan ni Macduff, isa pang maginoong pinagka- katiwalaan ng hari ang kanyang
bangkay. Ang krimen ay ibinintang ng mag-asawang Macbeth sa dalawang guwardiya. Sinabi ni Macbeth na
napatay rin niya ang dalawa dahil sa matinding galit niya sa ginawa nilang pagpaslang sa hari. Hindi
makapaniwala si Macduff na kayang patayin ng mga guwardiya si Haring Duncan at siya'y nagsimulang
magsuspetsa. Sa pagkamatay ng hari, si Macbeth ang hinirang na hari ng iba pang
maharlika: Ang dalawang anak ng haring sina Malcolm at Donalbain ay agad na tumakas dahil sa takot para sa
kanilang kaligtasan. Alam nilang kung sinuman ang pumatay sa kanilang ama ay gugustuhin ding isunod sila.
Si Malcolm ay nagtungo sa England at si Donalbain ay nagtungo sa Ireland. Bagama't naging hari na ay hindi
pa rin nawala sa isipan ni Macbeth ang sinabi ng tatlong manghuhula ang
magiging tagapagmana ng kaharian ay magmumula sa lahi ni Banquo. Inimbita nilang mag-asawa si Banquo sa
pagtitipong gagawin sa kanilang palasyo kinagabihan. Ang hindi alam ni Banquo ay kumausap na pala si
Macbeth ng dalawang mamamatay-tap upang ipapatay siya at ang anak niyang si Fleance. Kinagabihan, may
ikatlong mamamatay-taong ipinadala upang makatulong sa dalawang kinausap ni Macbeth. At nang patungo na
nga sa palasyo ang mag-ama ay inabangan at sinugod sila ng mga mamamatay-tao subalit si Banquo lang ang
napatay at nakatakas si
Fleance.
Sa pagtitipong inihanda ni Macbeth para sa lahat ng maharlika sa Scotland ay nagpakita sa kanya ang
multo ni Banquo. Labis na natakot at nataranta si Macbeth na ikinagulat ng kanyang mga panauhin. Sinikap ni
Lady Macbeth na ayusin ang sitwasyon subalit ang pangyayari'y nakasira
hindi lang sa marangyang pagtitipon kundi sa paningin din ng mgamaharlikang bisita para sa kanilang bagong
hari. Binalikan ni Macbeth ang tatlong manghuhula at kanilang inilahad ang sumusunod na hula para sa kanya:
Kailangan niyang mag-ingat kay Macduff, na hindi siya kailanman mapapatay ng sinumang "iniluwal ng isang
babae"; at magiging ligtas siya hangga't hindi niya nakikita ang gubat
ng Birnam Wood na papalapit sa kastilyo ng Dunsinane. Nakahinga nang maluwag si Macbeth at nakadama ng

3|Page
kapanatagan dahil sa pagkakaalam niya, ang lahat ng tao ay iniluluwal ng babae, at ang kagubatan ng Birnam
Wood ay hindi naman puwedeng gumalaw at magpunta sa Dunsinane.
Ang hindi alam ni Macbeth ay tumakas na pala si Macduft upang pumanig kay Malcolm. Sinubok muna
ni Malcolm ang katapatan ni Macduff bago niya ito tinanggap. Nang maláman ni Macbeth ang
ginawang pagpanig ni Macduff kay Malcolm ay agad niyang ipinag-utos na kubkubin ang kastilyo nito at
ipapatay ang asawang si Lady Macduff at ang kanilang mga anak. Galit na galit at labis na nagdalamhati si
Macduff nang makarating sa kanya ang ginawa ni Macbeth sa kanyang pamilya at sumumpang
ipaghihiganti ang nangyari sa kanila. Bumalik sila ni Malcolm sa Scotland kasama ang sampung libong
sundalong ipinahiram ni Haring Edward para labanan ang hukbo ni Macbeth. Suportado sila ng mga
maharlikang Scottish na tumutol na rin sa mapaniil na pamumuno at malupit na pagpatay ni Macbeth maging sa
mga inosente. Sa kabilang dako, si Lady Macbethay unti-unti nang inuusig ng kanyang
konsensiya. Siya'y naglalakad sa kanyang pagtulog at ipinagpipilitang may dugo ang kanyang mga kamay na
hindi kayang hugasan ng tubig.
Bago dumating ang mga kalaban ni Macbeth ay nakarating sa kanya ang balitang nagpakamatay ang
kanyang asawa. Ikinabagabag niya ang balitang ito subalit lalo pa niyang pinalakas ang puwersa sa Dunsinane
at inisip na dahil sa sinabi ng mga manghuhula ay hindi siya matatalo. Gayumpama'y labis siyang natakot nang
malamang ang hukbo nina Malcolm at Macduff ay paparating na at may dalang pinutol na mga sanga mula sa
kagubatan ng Birnam Wood upang maikubli
ang tunay nilang bilang. Nangyari na ang isa sa mga hula.
Nakipaglaban nang buong giting si Macbeth subalit malakas ang hukbo mula sa England. Unti-unting
natalo ang kanyang hukbo at nang magkaharap sila ni Macduff ay sinabi nitong hindi siya iniluwal ng kanyang
ina kundi mula sa sinapupunan ng kanyang ina, siya'y tinanggal upang mailabas (ito ang kilala natin ngayong
CS o panganganak sa pamamagitan ng cesarean section) Kahit alam na niyang matatalo siya ay ipinagpatuloy
pa rin ni Macbeth ang pakikipaglaban hanggang sa mapatay siya ni Macduff. Si Malcolm, anak ni Haring
Duncan ang itinanghal na hari ng Scotland.

Mahusay! Upang maihambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa
sadaigdig ay sagutin ang Buoin Natin sa iyong LAS.
 Ilagay ang iyong sagot sa iyong LAS.

Mahusay! Iyo namang nasahinat unawain ang uri ng dula at element nito.

ALAMIN NATIN
MGA URI NG DULANG PANTANGHALAN AYON SA ANYO
Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.
Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng taogayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay
isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o
makapagbigay ng mensahe. Ang dula ay isang sining na nagpapaabot sa mga manonood o
mambabasa ng damdamin at kaisipang nais nitong iparating gamit ang masining na pagsasatao ng mga karakter
ng dulang pantanghalan. Ito ay maaaring mauri ayon sa paksa o nilalaman. Nagkakaroon din ito ng iba't ibang
anyo batay sa damdaming nais palitawin ng may-akda nito. Ang epekto ng damdaming taglay ng dula ay
nagdudulot ng higit na kulay at kahulugan di lamang sa mga manonood kundi maging sa mga taong gumaganap
nito.
Narito ang ilan sa mga uri ng dula ayon sa anyo:
1. Komedya-Katawa-tawa, magaang ang mga paksa o tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa
wakas.
2. Trahedya-Ang tema o paksa nito'y mabigato nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos ang mga
tauhang karaniwang nasasadlak sa hindi mabubuting sitwasyon, mabibigat na suliranin, kabiguan,
kawalan, at maging sa kamatayan. Ito'y karaniwang nagwawakas nang malungkot.
3. Melodrama-Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala nang masayang bahagi sa
buhay kundi pawing problema at kaawa-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito ay
karaniwang mapapanood sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon.

4|Page
4. Tragikomedya--Sa anyong ito ng dula ay magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may mga
tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli'y nagiging
malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan.
5. Saynete-Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop ng mga
Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o
katutubo, sa kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. Isang halimbawa nito ang la India
Elegante y Negrito Amante ni Francisco Baltazar na isa sa mga nakaaaliw na libangang saynete noong
panahon ng mga Espanyol.
6. Parse-Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento. Ang mga aksiyon ay slapstick na
walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan, at magbitiw ng mga kabalbalan, Karaniwan itong
mapapanood sa mga comedy bar.
7. Parodya-Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita, at pag-
uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya'y pambabatikos na katawa-tawa
ngunit may tama sa damdamin at pagkatao ng kinauukulan.
8. Proberbyo-Ito ay isang dulang may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain. Ang kuwento'y
pinaiikot sa aral na taglay ng salawikain upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

MGA ELEMENTO NG DULANG PANTANGHALAN


Ang dulang pantanghalan, katulad ng maikling kuwento at nobela ay nagtataglay rin ng mahahalagang sangkap o
elemento. Kung ang katawan ng tao ay may mga bahagi, ang dulang pantanghalan ay nagtataglay rin ng
mahahalagang bahagi. Ito ay may simula, gitna, at katapusan.
Sa simula matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkapoelemento. Makikilala sa bahaging ito ang tauhan at
ang papel na gagampanan na maaaring bida at kontrabida. Ipakikilala rin dito ang tagpuan o ang pangyayarihan ng mga
eksenang naghahayag ng panahon, kung tag-init o tag-ulan, gayundin ang oras at ang lugar.
Sa gitna naman ay makikita ang banghay o ang maayos na daloyo pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena.
Dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng dula, walang iba kundi ang diyalogo. Ang diyalogo ay ang usapan
ng mga tauhan. Mahalagang maging natural at hindi artipisyal ang diyalogo. Kagaya rin ng sa nobela, sa gitna rin ng dula
makikita ang sumusunod na katangian: ang saglit na kasiglahan na magpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa problema; ang tunggalian na tahasang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang
maaaring sa kanyang sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. At ang panghuli ay ang kasukdulan, ang pinakamadula o
pinakamaigting na bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng
tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
Sa wakas matatagpuan ang kakalasan at ang wakas ng dula. Sa kakalasan unti-unting bababa ang takbo ng
istorya. Sa kakalasan makikita ang kamalian o kawastuhan at pagkalag sa mga bahaging dapat kalagin. Sa
pagwawakas naman mababatid ang resolusyon na maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
May mga dulang hindi winawakasan sa dalawang huling sangkap. Iniiwan na lamang itong bitin sa kasukdulan at
hinahayaan na lamang angmambabasa o manonood na humatol o magpasiya sa dapat na kahinatnan. Mapanghamon ang
ganitong wakas sa isip ng mga mambabasa o manonood. Ang huling elemento ng dulang pantanghalan na sadyang
mahalaga rin ay aspektong teknikal. Mahalagang bahagi nito ang epektong pantunog sapagkat ang dula ay ginaganap sa
harap ng madla, kaya't kailangang malinaw na maipahatid ang bawat linya ng dula sa pamamagitan ng maayos na tunog.
Kasáma na rin dito ang sound effects, musika, at iba pang
kaugnay na tunog sa pagtatanghal. Ang isa pang mahalagang aspektong teknikal sa dula ay ang pag-iilaw upang higit na
mabigyang-búhay ang mahahalagang tagpo ng dula. Kabilang din sa aspektong teknikal ang iba pang kagamitang higit na
magbibigay ng buhay at pagkamakatotohanan sa itinatanghal na dula.
Dahil sa ang dula ay isang sining, ang bawat bahagi nito ay mainam na pinag-aaralan ng may-akda at maging ng direktor
nito. Hindi ito basta-basta isinusulat at sa halip ito ay pinag-aaralan batay sa balangkas nito- kung saan ang mga bahagi ay
malinaw na nahahati sa yugto (act), tanghal-eksena (scene), at tagpo (frame).
Ang yugto kung baga sa nobela ay ang kabanata. Ito ang malalaking hati ng dula. Ang isang dula ay maaaring
magkaroon ng isang yugto lang, dalawa, tatlo, apat, o higit pa. Sa tanghalan, ang bawat yugto ay
maaaring gamiting pagkakataon upang ihanda ang susunod pang mga yugto, upang ayusin ang tanghalan para sa isang
bagong tagpuan, upang makapagpahinga sumandali ang mga gumaganap at mga manonood. Ang pansumandaling
pamamahingang ito ay maaaring tumagal hanggang labinlimang minuto na nagagamit din ng mga tagapanood upang
maisagawa ang personal na pangangailangan tulad ng pagkain o pag-inom, o pagbisita sa palikuran. Ang bawat yugto
naman ay binubuo ng kung ilang eksena, kaya angpanahong nagugugol sa isang yugto ay hindi pare-pareho. Maaaring
ang unang yugto ng isang dulang may tatlong yugto ay buoin ng pitong eksenang maaaring tumagal ng tatlumpung
minuto; ang ikalawang yugto ay binubuo ng labindalawa, kaya maaaring tumagal ng limampu o animnapung minuto.
Gayundin sa ikatlong yugto, ang bilang ng eksena ay iba rin at ang panahon ay maaaring magtagal o sandali rin. Kung
ang yugto ay binubuo ng mga eksena, ang eksena naman ay binubuo ng mga tagpo. Ang eksena ay maaaring magbadya
5|Page
ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kungsaan gaganapin ang susunod na pangyayari. Ang tagpo rin at ang paglabas at
pagpasok ng kung sinong tauhan ang gumanap o gaganap sa eksena.

ISAISIP NATIN
POKUS NG PANDIWA
(Pinaglalaanan at Kagamitan)
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap.
Naririto ang dalawa pang pokus ng pandiwa:
Pinaglalaanan (tinatawag ding tagatanggap) ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ng pangungusap
ang pinaglalaanan o tagatanggap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Ipinaghanda ng mag-asawang Macbeth ang mga maharlika sa Scotland.
Kagamitan ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o simuno ay ang kagamitang ginamit sa pagsasagawa ng
kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Ipinambukas niya ng pintuan ang susi ng
palasyo.

Upang lubos na maunawaan ang pokus ng pandiwa ay iyong agutan ang Madali Lang Iyan sa iyong LAS.
 Isulat ang sago sa Gawain#3: Madali Lang Iyan sa iyong LAS.

REPLEKSYON
Bakit nakakasama ang labis na paghangad ng kapangyarihan? Ipaliwanag.
 Isulat ang iyong sagot sa Gawain#4: Repleksiyon sa iyong LAS.

-Wakas ng SLM-
Binabati kita napagtagumpayan mo ang iyong Gawain at Aralin!
Pakibalik po ang LAS na may sagot at itago ang SLM na siyang magsisilbing gabay sa iyong pag-aaral

La Salette of Quezon, Inc. SY 2020-2021 Junior High School


FILIPINO 10
LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
Ikalawang Kwarter, Ika-3 Linggo
Pangalan: ________________________________________________________________________________
Baitang: ______________

Gawain#1: Payabungin Pa Natin

Ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba. Isagawa ang hinihingi sa bawat bilang.
1. Ang salitang heneral mula sa pahayag na "kapwa heneral ng kaharian ang magkaibigan" ay hiram natin
sa ibang wika. Ano kaya ang orihinal na anyo o baybay ng salitang ito at ano kaya ang kahulugan nito?
Orihinal na baybay: __________________________________________________________________
Kahulugan: _________________________________________________________________________

6|Page
2. Ang salitang kastilyo ay hiram natin mula sa salitang Espanyol na castillo. Ipaliwanag ang kahulugan ng
salitang ito.
Ang kahulugan ng kastilyo ay__________________________________________________________
3. Ang salita bang ambisyon ay salitang hiram o likas na sa atin?
Magbigay ng paliwanag kung saan nagmula ang salitang ito.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4. Ang salitang kitokuwestiyon mula sa pahayag na "kinukuwestiyon ng babae ang dahilang ibinigay ng
asawa" ay hiram natin sa ibang wika. Ano kaya ang orihinal na anyo o baybay ng salitang ito at ano kaya
ang kahulugan nito?
Orihinal na anyo at baybay:.___________________________________________________________
Kahulugan:_________________________________________________________________________
5. Ang salitang inosente ay hiram natin mula sa salitang Espanyol na inocente. Ipaliwanag ang kahulugan
ng salitang ito. Ang kahulugan ng inosente ay ___________________________________
Gawain#2: Buoin Natin A
Panuto: paghambingin ang bansang tagpuan ng dula (Scottland) at an gating bansang pilipinas.
Gamiting pamantayan sa paghahambing ang mga gabay sa ibaba.

Paghahambing batay sa: Bansang tagpuan ng dula Bansang Pilipinas


(Scottland)
Pinuno ng Estado

Uri ng Pamahalaan

Tawag sa Mamamayan

Kalagayan ng buhay ng
nakararami sa mamamayan

Tirahan ng mga pinuno

Iba pang kultura at kaugalian ng


dalawang bansang nabanggit

B.
Panuto: Pagkatapos mong maihambing ang ilang bahagi ng kultura ng bansang Scotland sa ating
sariling kultura, anong damdamin o saloobin ang umiral sa iyo? Ilahad ito at isulat din ang mga bagay na
gagawin mo upang tulad ng mga mamamayan ng Scotland ay maging mabuti at maunlad din ang buhay mo at
maging ng iba pang mamamayang Pilipino sa hinaharap.
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
7|Page
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Gawain#3: Madali Lang Iyan

Panuto: Sa halip na maging masamang impluwensiya tulad ni Lady Macbeth, ang babae at lalaki man ay dapat
maging magkatuwang sa mga gawaing makabubuti sa kanilang pamilya. Basahin ang bawat pangungusap.
Salungguhitan ang paksa o simuno at ikahon ang pandiwa. Pagkatapos ay isulat sa linya kung ang pandiwa ay
may pokus sa pinaglalaanan o kagamitan.
_________________________1. Iginawa ng plano ng mabuting babae ang kanyang asawa.
_________________________2. Ang naipong pera ay ipinambayad niya sa training nito sa TESDA.
_________________________3. Ipinaghanda niya ng mga kagamitan ang kabiyak.
_________________________4. Ipinagluluto rin siya lagi ng baon.
_________________________5. Ipinambibili niya ng baon ang perang kita mula sa kanilang munting tindahan.

Gawain#4: Repleksiyon

Bakit nakakasama ang labis na paghangad ng kapangyarihan? Ipaliwanag.


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
---WAKAS ng LAS---

La Salette of Quezon, Inc. SY 2020-2021 Junior High School


FILIPINO 10
ANSWER KEY (AK)
Ikalawang Kwarter, Ika-3 Linggo

Gawain#1: Payabungin Pa Natin (iwawasto ng guro)

Gawain#2: Buoin Natin A at B (iwawasto ng guro)


Gawain#3: Madali Lang Iyan

1. Pinuno – asawa
Pandiwa – ipinagpagawa
Pokus – pinaglalaanan
2. Pinuno – pera
Pandiwa – ipinambayad
Pokus – kagamitan
3. Pinuno – kabiyak
Pandiwa – ipinaghanda
Pokus – pinaglalaanan
4. Pinuno – siya
Pandiwa – ipinagluto
Pokus – pinaglalaanan
8|Page
5. Pinuno – pera
Pandiwa – ipinambaon
Pokus – kagamitan

Gawain#4: Repleksiyon (iwawasto ng guro)

-Wakas ng AK-

9|Page

You might also like