You are on page 1of 16

ANG TEKSTONG DESKRIPTIV

O PAGLALARAWAN
ANG TEKSTONG DESKRIPTIV
Ito ay may layuning maglarawan ng isang
bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba
pa. Nagbibigay ang sulatin na ito ng
pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral
ang masining na pagpapahayag.
DALAWANG URI NG DESKRIPTIBO
Karaniwan – kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa
pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
Masining– kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay
na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-
akda.
HALIMBAWA
Karaniwang Paglalarawan: Maganda si Matet.
Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng
mamula-mula niyang mga pisngi. Mahaba ang
kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang.
Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan
naman ng kanyang taas.
HALIMBAWA
Masining na Paglalarawan: Muling nagkabuhay si
Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang
mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan
ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang
buhok na bumagay naman sa kainggit-ingit niyang
katawan at itaas.
APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN SA
MALINAW NA PAGLALARAWAN
Wika – ginagamit nang manunulat upang
makabuo ng isang malinaw at mabisang
paglalarawan.
Maayos na detalye - dapat magkaroon ng
masistemang pananaw sa paglalahad ng mga
bagay na makatutulong upang mailarawang
ganap ang isang tao, bagay, pook o pangyayari.
Pananaw ng Paglalarawan – maaaring
magkaiba- iba ang paglalarawan ng isang tao,
bagay, pook o pangyayari salig na rin sa
karanasan at saloobin ng taong naglalarawan.

Isang Kabuuan o impresyon - mahalaga sa isang


naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga
mambabasa o tagapakinig nang sa gayon ay
makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan.
#2
Panuto: Basahin at unawaing maigi ang sitwasyon
sa ibaba at pagkatapos mabasa, sumulat ng
isang komposisyong naglalarawan sa katangian
ng isang taong mahalaga sa inyo.
Sitwasyon:
Naglayag ang buong pamilya
sakay sa isang malaking barko
papuntang Maynila. Dadalo kasi sila
ng isang marangal na handaan para
sa kasal ng isa sa mga kamag-anak
ng matagal ng hindi nabisita.
Sa barko ay masayang nag-uusap at
nagbibiruan ang magkakapamilya na
kinabibilangan nila lolo, lola mga tiyahin
at tiyuhin, mga magpipinsan,
magkakapatid, mga magulang, kaibigan
at kasama pa ang mga kasintahan ng
ilan.
Maya’t maya pa ay naputol bigla ang
kanilang katuwaan nang may malakas na
unos naghihiganting alonna sumalubong sa
gitna na kanilang paglalayag. Mga
higanting alon na ibig ipataob ang barko.
Lumala pa ang takot ng lahat nang biglang
nagdilim ang loob ng barko dahil naputol
ang lahat ng linya ng kuryente at mga
kable.
Nagsisigawan na ang lahat, nag-
iiyakan at nagyayakapan sa sobrang
takot na masawi at may masamang
mangyari sa kanila. Ikaw ay
nataranta na rin, hindi mo na rin
maialis ang pangamba sa iyong puso
kung ano ang mangyayari sa inyo.
Saglit pa ay iyong narinig ang anusyo ng
kapitan ng barko na kailangan tumalon na
ang lahat sa dagat lisanin ang barko dahil
ito’y unti-unti nang lumulubog. Nagsuot na ng
life jacket ang lahat nang may nakita kang
isang nagliliwanag at sinundan mo ito at
nalaman mong ito pala ay isang ‘di
pangkaraniwang nilalang na nagtataglay ng
isang kapangyarihan.
Ibig niyang ipasa sa iyo ang
kapangyarihan ito at dahil
trahedyang kinakaharap n’yo,
walang anu-ano ay tinanggap mo
ang agad ang kapangyarihan ito.
Subalit, ang kasunduan ay kailangan isa
lamang sa iyong mga kamag-anak ang maari
mong tulungan o iligtas. Litung-lito ka ngayon
kung sino sa kanila ang pipiliin mong iligtas.
Lahat sila ay nasa dagat na, sisinghap-singhap
upang hindi lumobog. Isinisigaw nila ang iyong
pangalan.
Sino ang iyong pipiliing iligatas sa
kanila? Ilarawan ang iyong napili
at ang dahilan kung bakit sya ang
iyong napili.

You might also like