You are on page 1of 3

MGA URI NG TEKSTO

1. TEKSTONG IMPORMATIBO
Ito ay tekstong naglalamn ng mga makatotohanan, obhrektibo at mga impormasyong nabeberipika.
Layunin ng agnitong teksto ang maghatid ng kaalaman, magpaliwanag ng mga ideya, magbigay
kahulugan sa mga ideya. Layunin din nitong maging daluyan ng makatotohanang impormasyon sa
mambabasa.
Halimbawa:
Ensayklopedya Peryodiko
Almanac Artilkulo
Batayang aklat Pananaliksik
Dyornal Balita

“HULWARAN NG ORGANISAYON NG TEKSTONG IMPORMATIBO” (Bernales, et al., 2010)


• KAHULUGAN (depinisyon)
Binibigyang-kahulugan ang isang di pamilyar na termino o mga salitang bago sa pandinig at
susulat ng isang sanaysay o ano pa man.
• PAG-IISA-ISA
Ito ay nauuri sa dalawa; SIMPLE AT KOMPLIKADONG PAG-IISA-ISA
o SIMPLENG PAG-IISA-ISA.
Pagtatalakay sa sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang
salita.
o KOMPLIKADONG PAG-IISA-ISA
Pagtatalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mag kaugnay na
kaisipan na naglilinaw sa paksa. Dito tinatalakay nang sunod-sunod o nang sunod-sunod o
nang magkakahiwalay at magkakaugnay na talata ang mga bagay na iniisa-isa.
• PAGSUSURI
Dito nagkakaroon ng pagkakataon na makapagsuri ng isang teksto sa pamamagitan ng
mataimtim na pagsusuri ng tatlong bahagi: Intoduksyon, katawan, at wakas.
• PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAS
Tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay,
kaisipan, o ideya at maging pangyayari.
• SANHI AT BUNGA
Tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari o epekto nito.
• SULIRANIN AT SOLUSYON
Pagtalakay sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus nito.
• PAGSUSUNOD-SUNOD O ORDER
Pag-oorganisa ng mga pangyayari o detalye para sa mas malinaw nap ag-unawa.
URI NG PAGSUSUNOD-SUNOD:
o SIKWENSYAL
Ang teksto kung ito ay kinapapalooban ng serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t
isa na humahantong sa isang pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na humahantong sa
isang pangyayari na ito ang pinapaksa ng teksto.
o KRONOLOHIKAL
Ang teksto kung ang paksa nito ay mga tao o kung ano pa mang bagay na inilahad ng
isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol na inilahad ng isang paraan batay sa isang
tiyak na baryaybol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami,
at iba pa.
o PROSIDYURAL
Tungkol ng serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO
Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama: paningin, pandinig, panlasa,
pang-amoy, at pandama. Maaari nitong paksain ang ano mang may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang tao, lugar, bagay, at pangyayari. Pangunahing layunin ng isang tekstong
naglalarawan o deskriptiboay ang makabuo ng isang malinaw na biswal, larawan, at imahen upang
mapalutang ang pagkakakilanlan nito. Masidhi na maihahatid sa mambabasa ang larawang-diwa na
nais bigyang-diin o ipahayag.
URI NG PAGLALARAWAN
• KARANIWANG PAGLALARAWAN
Literal at pangkaraniwang paglalarawan. Payak o simple lamang ang paggamit ng mga salita upang
maibigay ang kaalaman sa nakita, narinig, nalasahan, naamoy, at nararamdaman sa paglalarawan.
Halimbawa:
Paningin – itim ang kanyang damit
Pandinig – maingay sa bulwagan
Panlasa - matamis ang mangga
Pang-amoy – malansa ang isda
Pandama – magaspang ang kanyang kamay

• TEKNIKAL NA PAGLALARAWAN
Pangunahing layunin ng siyensya ang mailarawan nang akma ang anumang dapat at kailangang
malaman tungkol sa mundo at kalawakan. Kalimitang gumagamit ang manunulat ng ilustraysong
teknikal na sulatin upang maipakita sa mambabasa ang larawan o itsura ng nilalarawan.
• MASINING NA PAGLALARAWAN
Hindi literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matatalinghaga o idyomatikong pagpapahayag.
Malayang nagagamit ang malikhaing imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang isang imahen o
larawan.
3. TESKTONG PERSUWEYSIB
Ang tekstong nanghihikayat ay ginagamit ng isang may-akda upang kumbiinsihin ang mga
mambabasa na tama o tiyak ang kanyang isinulat. Ito ay literal na pagtutulay at pagpasa ng
paniniwala ng may-akda sa kaniyang mambabasa.
Ang tekstong nanghihikayat ay maaaring nangangaral, nag-uuyam, nanghahamon, nambabatikos,
nagpaparinig.
Paraan ng manunulat upang makahikayat ayon kay Aristotle sa aklat ni Bandrl,2016; Atanacio,
et. al., 2016
• ETHOS
Tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Ang kaniyang paniniwala, saloobin, damdamin, pag-uugali,
at ideolohiya sa kanyang karakter. Ito ay ginagamit upang makapagganyak o makahikayat ng mga
kaisipan at kaugalian. (karakter, imahe, o reputasyon ng manunulat o tagapagsalita)
• LOGOS
Pagiging rasyonal ng isang ng isang manunulat ang paraan na ito. Nangangailangan ito ng tiyak na
katibayan upang makahikayat.
• PATHOS
Ang emosyon o damdamin sa isang paksa ay ang paraan na ginagamit ng may-akda upang
mahikayat ang mga mambabasa.
Nagagawa ng may-akda na mahikayat ang kaniyang mambabasa sa pamamagitan ng paglalapat ng
kaniyang saloobin, maging ito man ay galit, masaya, nagungutya, at iba pa.
4. TESKTONG NARATIBO
Ang mga pangyayari sa tekstong naratibo ay may pagkakasunod-sunod. Pinapadaloy ang mga
pangyayari ayon sa nais ng manunulat. Dahil pagsasalaysay ang pangunahing ginagawa ng tekstong
naratibo, nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na makabuo ng imahe sa kaniyang isip.
Halimabawa:
Maikling kwento, nobela, kwentong-bayan, alamat, parabola
Anekdota, talambuhay,paglalakbay

ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO


• BANGHAY
Tumutukoy sa pagkakaayos ng mga pangyayari habang isinasalaysay ito; pinag-iisipan kung paano
ilalahad at pinipili kung alin ang mga itatampok na pangyayari. Tumutukoy ito sa paraan ng
pagkakalahad ng mga pangyayari.
• TAGPUAN
Nagaganap ang isang pangyayari sa isang tiyak na oras, araw, o panahon. Ito rin ang dahilan kung
bakit may nauunang pangyayari at may nahuhuli.
• TAUHAN
Ito ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay. Sila ang kumikilos sa mga
pangyayari at karaniwang nagpapausad nito. Maaring manggaling sa kanila ang dahilan ng
pagbabago-bago ng mga pangyayari.
• SULIRANIN O TUNGGALIAN
Ito ang pinakamadramang tagpo ng kwento at inaasahang may maidudulot na mahalagang
pagbabago patungo sa pagtatapos.
• DIYALOGO
Ginagamit ang diyalogo upang gawing mas makatotohanan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng
pag-uusap ng mga tauhan.
5. TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Ayon kay Bandril, et. al., (2016), ang pangangatwiran ay mga pahayag na nagtataglay ng paniniwala
o paninindigang maaaring tama o mali. Umiikot ito sa pagdududa ng isang mananalaysay o
mananalumpati.
Ito ay nakatuon sa layuning manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan
o lohika. Maaring tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o panig, pagbibigay
kasalungat o ibang panig laban sa nauna, gamit ang ebidensya mula sa kanyang sariling karanasan,
nabasa mula sa ibang teksto o akda.
6. TEKSTONG PROSIDYURAL
Nagbibigay panuto o direksyona kung paano gawin ang isang bagay. Ito ay binubuo ng mga panuto
upang masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay.
ELEMENTO NG TEKSTONG PROSIDYURAL
• LAYUNIN
Ang layunin nito ay kadalasang tumutukoy sa kalalabasan o bunga na dapat matamo pagkatapos
magawa ng wasto ang lahat ng hakbang. Kung kaya dapat malinaw na nakasaad sa teksto ang
layunin at ang bawat panutong dapat sundan upang maisakatuparan ang inaasahang epekto sa
mambabasa.
• KAGAMITAN/MATERYALES
Nakalista sa pinakaunang bahagi ng tekstong prosidyural ang mga kagamitan ayon sa
pagkakasunod-sunod ng paggamit sa mga ito.
• HAKBANG
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng tekstong prosidyural, sa bahaging ito nakalahad ang mga
panuto kung paano gagawin ang buong proseso upang makamit ang layunin.

You might also like