You are on page 1of 46

IKALAWANG MARKAHAN

BUOD NG KABANATA
Ang kabuoan ng kabanatang ito ay naglalayon na maipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa
sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya. Inaasahang makasusulat sila ng sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.
Bawat aralin ay tumatalakay sa isang genre na sasalamin sa kultura ng mga bansa sa Silangang
Asya. Ang mga batayang kasanayan sa bawat aralin ay naghahanda sa mga mag-aaral upang magampanan
nang mahusay at may kritikal na pag-iisip ang pamantayang pagganap. Bilang paghahanda sa
pagsasagawa ng inaasahang pagganap ang mga mag-aaral ay: magsasaliksik ng kulturang nakapaloob sa
Tanka at Haiku, magbabahagi ng kakaibang katangian ng Pabula sa pamamagitan ng isang
pagtatanhal, magtatalumpati upang maipahayag ang saloobin, makasasaliksik ng tradisyon, paniniwala at
kaugnayan ng mga Asyano batay sa maikling kuwento, makasusulat ng dula at maisasadula.
Sa pamamagitan ng paglinang ng talisalitaan, panonood, pagsasalita, pagsusulat, wika at
gramatika, at estratehiya sa pag-aaral, inaasahang ang mga mag-aaral ay magiging bihasa sa
pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita at makapagmamalas ng kakayahang komunikatibo,
mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitika.

UNANG LINGGO: Paksa sa Panitikan: Tanka At Haiku

Wika: Ponemang Suprasegmental
PAMANTAYANG
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
PANGNILALAMAN
tradisyonal ng Silangang Asya.

PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng

PAGGANAP pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.

Most Essential Learning Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakahalintulad ng estilo ng pagbuo ng

Competencies (MELCs) Tanka at Haiku.

21st Century Learning Skills Creative and Critical Thinking, Communication

Character and Competence

Core Values
Reference/s: (Please be guided by the following references to help you perform the given daily activities,)

A.Printed:
Dayag, A. M., et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 9. Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House. Pp 168-186
B. Online: https.//www.slideshare.net/ritchelleassia.
ARALIN 1: Paksa sa Panitikan: Tanka at Haiku
Wika: Ponemang Suprasegmental

PANIMULA:

Sa bahaging ito ay iyong makikilala ang dalawang uri ng tulang namayani sa bansang Hapon ang
Tanka at Haiku. Ating aalamin ang mga paksa at pagkakabuo ng mga tula. Ang mga bansa na kabilang sa
Silangang Asya ay Japan, South Korea, Taiwan, China at Mongolia. Ito ay ang mga bansa na maunlad sa
iba’t ibang larangan tulad ng ekonomiya, teknolohiya at maging sa kanilang panitikan.
Ang Japan ay tanyag o kilala rin sa larangan ng amimation hindi lamang sa Asya kundi maging sa
buong daigdig. Bagama’t makabago na ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa bansang Japan,
napananatili pa rin nila ang kanilang sinaunang kultura at pagpapahalaga sa panitikan. Patuloy nila itong
ginagamit at pinagyayaman tulad na lamang ng tanka at haiku.
Sa pagkakataong ito, sisimulan mo na ang pagtuklas ng bagong kaalaman. Babasahin at uunawain
mo ngayon ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku upang matuklasan mo kung paano

1
pinahahalagahan ng mga taga-Japan ang kanilang kultura at tradisyon sa pamamagitan ng ilang akdang
pampanitikan.

LAYUNIN:
1. Nasusuri ang ibig kahulugan ng tula
2. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa tanka at haiku
3. Naisusulat ang sariling tanka sa tamang anyo at sukat

Punan ang K-W-H-L tsart sa ibaba

Ang aking mga Ano ang aking nais Paano pa ako Ano-anu ang aking mga
nalalaman matuklasan matututo natutunan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

MGA GABAY NA TANONG TUNGO SA PAGKATUTO:

Ang mga tanong sa ibaba ay ang iyong magiging gabay na tanong sa paggawa ng mga pagsasanay sa
araling ito.

1. Ano ang pagkakaiba sa estilo ng pagkakasulat ang tanka at haiku?

PAGGANYAK:

Mula sa pinapakita ng larawan, Ano ang alam mo ukol sa bansang inilalarawan nito?
____________________________________________________________________________________

2
TALAKAYAN:

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku

(Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson)
Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang
tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin
ang mga ideya at mensahe sa pamamagitan ng kakunting salita lamang.
Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyosho o Collection
of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang
ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng
sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat
sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng
pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalong siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang
nilinang mula sa karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng Hapon. Tinawag na Kana
ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.
Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng
panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila. Maikling awitin ang ibig sabihin ng
tanka na puno ng damdamin. Bawat tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Nagiging daan ang
tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din
sa paglalaro ng aristocrats ang tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang
tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang tanka. Gaya nga ng naipahayag na sa unang bahagi ng
tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong
anyo ng tula ay tinawag na haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang haiku. Ang
pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag
dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang kireji naman ang salitang
paghihintuan o cutting word. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng
bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na
paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang
berso sa sinundang berso. Maaari din namang makapagbigay daan ito sa marangal na pagwawakas.
Ang mga salita na ginagamit ay maaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang
kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay “unang ulan sa pagsisimula
ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng tanka at haiku ang kultura at paniniwala ng mga
Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.
Halimbawa ng Tanka
A. Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na
**** Ang sukat ay 5-7-5-7-7
**** Ang tema ay tungkol sa pag-ibig

B. Sa murasaki
Ang bukid ng palasyo
Pag pumunta ka
Wag ka sanang makita
Na kumakaway sa ‘kin
**** Ang sukat ay 5-7-5-7-7
**** Ang tema ay tungkol sa pag-ibig

Halimbawa ng Haiku

3
A. Mundong ‘sang kulay
Nag-iisa sa lamig
Huni ng hangin
**** Ang sukat ay 5-7-5
**** Ang tema ay tungkol sa kalikasan
B. Ngayong taglagas
‘Di mapigil pagtanda
Ibong lumilipad.
**** Ang sukat ay 5-7-5
**** Ang tema ay tungkol sa kalikasan
PAGSASANAY
A. Hanapin at bilugan ang kasalungat ng salitang may salungguhit mula sa iba pang salita sa loob
ng pangungusap. Pagkatapos ay isulat ang kasingkahulugan nito sa patlang bago ang bilang.
Piliin ang iyong sagot sa kahon.
Hihinto Dilat pag-edad
Ginaw Tagtuyot Paghina
Halimbawa:
dilat_______1. Kanina’y mulat ang kanyang mga mata, ngunit sa pagod ngayo’y pikit na.
_____________2. Bago pa lang nagsisimula ang kanyang paghihirap ay naniniwala siyang titigil din
ito.
_____________3. Ang lamig na naramdaman niya kahapon ay naging matinding init ngayon.
_____________4. Sa pagtanda ng kanyang isipan ay siya namang pagbata ng kanyang itsura.
_____________5. Nakalulungkot panoorin ang mga puno sa panahon ng taglagas, ngunit hindi na
dapat mag-alala darating din ang tagsibol.
B. Suriin ang nilalaman ng bawat tula at sagutin ang hinihingi sa bawat tanong.

Bigyan mong pokus ang tula sa Tanka

Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na

1. Ano ang paksa ng tula?

_____________________________________________________________________
2. Ano ang damdamin na pinapakita ng tula?
_____________________________________________________________________
Bigyan mong pokus ang tula sa Haiku
Mundong ‘sang kulay
Nag-iisa sa lamig
Huni ng hangin
3. Ano ang paksa ng tula?
_____________________________________________________________________
4. Bilang kabataan, paano mo mapapahalagahan ang kalikasan?
_____________________________________________________________________
REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process question/focus question
1.Ano ang pagkakaiba sa estilo ng pagkakasulat ang tanka at haiku?

 Ano ang tanka?

4
. Maikling tula ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig (31) na may limang
taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 5-7-5-7-7 na karaniwang pumapaksa sa
pag-ibig.
 Ano naman ang haiku?
Ang haiku ay mas maikli sa tanka. May labimpitong (17) bilang ang pantig na may
tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 5-7-5. Ang paksang ginagamit
ay tungkol sa kalikasan at buhay.

PAGLALAGOM: PAGLALAHAT/ SINTESIS/ PAGBUBUOD

:
Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang
tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-
samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakunting salita lamang.
Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon. Ang tanka ay binubuo ng tatlumpu’t
isang pantig (31) na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 5-7-5-7-7
Samantala ang haiku ay may labimpitong (17) bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang
hati ng pantig sa mga taludtod ay 5-7-5. Karaniwang paksa ng tanka ay pag-ibig at kabiguan samantala
ang paksa sa haiku ay tungkol sa kalikasan at buhay kung saan pareho itong nagpapahayag ng
masidhing damdamin.

5
Department of Education
Division of Quirino
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya
Saint Louis School
Name of School
DBES LEARNING ACTIVITY SHEET / GAWAING PAGKATUTO

SUBJECT: FILIPINO 9
TEACHER: ________________________

Pangalan : ___________________________ Petsa: ____________________________

Baiting at Pangkat: ____________________ Iskor: ____________________________
Bilang ng linggo.:1

WRITTEN WORKS

Gawain 1: Bumuo ng graphic organizer na nagpapakita ng kaibahan at pagkakatulad ng Haiku at Tanka

( 5 puntos)

Pagkakatulad

Haiku Tanka

Gawain 2: Piliin ang titik ng tamang kahulugan sa kolum B ng matatalinhagang salita sa kolum
A. ( 5 puntos)

Sagot Kolum A Kolum B

1. Para makapasa at makapagtapos ng pag-aaral, kailangang a. magkawangis
magsunog ng kilay.
2. Nahuli siya sa pagdating, palibhasa lakad-pagong kung siya’y b.mag-aral ng mabuti
maglakad
3. Mababaha ang luha ni Juana sapagkat nagsisimula palang ang c. nagbibingibingihan
drama ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
4. Nakaupo at nagtataingang kawali nalang si Jhun habang inuutusan d. iyakin
siya ng kanyang lola.
5. Si Carla at si Ana ay parang pinagbiyak na bunga e. mabagal

6
Mini Task

A. Pagbubuo: Bilang pagdiriwang ng buwan ng wika sa agosto, ikaw ay inatasan ng iyong guro na
makilahok sa patimpalak na bumuo ng isang tanka patungkol sa pag-ibig sa sariling wika.
Sundin ang tuntunin sa paggawa ng taka (liman taludtod; 5-7-5-7-7) ( 20 puntos)

__________________
Pamagat

Pamantayan sa pagbuo ng Haiku at Tanka

Kraytirya Napakahusay(4) Mahusay (3) Nalilinang(2) Nagsisimula(1)
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming kakulangan
komprehensibo ang nilalaman ng sagot kakulangan sa sa nilalaman ng sagot
nilalaman ng sagot. Wasto Wasto ang lahat ng nilalaman ng
ang lahat ng impormasyon impormasyon sagot. May ilang
maling
impormasyong
nabaggit
Organisasyon Organisado, malinaw, Malinaw at Maayoss ang Hindi maayos ang
simple at may tamang maayos ang presentasyon ng presentasyon ng mga
pagkasunod-sunod ang presentasyon ng mga ideya. May ideya. Maraming
presentasyon ng ideya. mga ideya mga bahaging bahagi ang hindi
Malinaw ang daloy at Malinaw ang daloy hindi gaanong malinaw sa
organisado ang paglalahad ng paglalahad ng malinaw paglalahad ng
ng kaisipan kaisipan kaisipan
Karikitan Orihinal, maganda, at Orihinal at Hindi gaanong Ang tula ay nagmula
kakaiba ang kabuoan na maganda ang mahusay ang sa iba.
ginawang tula kabuoan na pagkakagawa ng
ginawang tula tula, may mga
saknong na
nagmula sa iba.
Kaangkupan May malaking kaugnayan sa Di gaanong may Kaunti lang ang Walang kaugnayan sa
paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sapaksa paksa

Kalinisan Malinis na malinis ang Malinis ang Di gaanong Marumi ang

pagkakabuo pagkabuo malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo

7
IKALAWANG LINGGO:Ponemang Suprasegmental
PAMANTAYANG
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
PANGNILALAMAN
tradisyonal ng Silangang Asya.
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
PAMANTAYANG PAGGANAP
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.
Most Essential Learning Nagagamit nang wasto ang suprasegmental
Competencies (MELCs)
21st Century Learning Skills Creative and Critical Thinking, Communication

Character and Competence

Core Values
Reference/s: (Please be guided by the following references to help you perform the given daily
activities,)
A. Printed
Dayag, A. M., et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 9. Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House. P 158-174
B. Online: https.//www.slideshare.net/ritchelleassia.
ARALIN 2: PONEMANG SUPRASEGMENTAL

PANIMULA:
Sa araling ito, ating tatalakayin ang Ponemang Suprasegmental kung saan tumutukoy sa
antala/hinto, diin, at tono. Mahalaga ang tungkulin ng ponemang suprasegmental lalong-lalong na sa
komunikasyon sapagkat mas nabibigyang linaw ang mensahe o diwa ng kaisipan sa pamamagitan ng
paggamit sa mga ito.

LAYUNIN:
1. Nabibigyang katuturan ang Suprasegmental
a. antala/hinto
b. diin
c.tono
2. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono nang wasto
3. Nakabubuo ng isang maikling talata sa pagpapahalaga sa tula na ginagamitan ng ponemang
suprasegmental.

Punan ang K-W-H-L tsart sa ibaba:

Ang aking mga Ano ang aking nais Paano pa ako Ano-anu ang aking mga
nalalaman matuklasan matototo natutunan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

GABAY NA TANONG TUNGO SA PAGKATUTO:

Ang mga tanong sa ibaba ay ang iyong magiging gabay na tanong sa paggawa ng mga pagsasanay sa
araling ito.

1. Ano ang ponemang suprasegmental?

2. Ano ang kahalagahan ng ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan?

TALAKAYAN

8
Ang mga ponemang suprasegmental ay nakatuon sa diin (stress), tono o intonasyon (pitch), at
hinto o antala (juncture).

1. Ang diin ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga
salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.

Halimbawa:
a. HaPON—bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japan)
b. HApon ---bigkas malumay at may diin sa unang pantig (afternoon)
c. BUhay ---bigkas malumay at may diin sa unang pantig (life)
d. buHAY ---bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (alive)

2. Ang tono o intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng

isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging malinaw ang pagsasalita at nang
magkaunawaan ang nag-uusap. Ang pagbigkas ng salita ay naihahalintulad sa musika may tono o
intonasyon- may bahaging mababa, katamtaman, at mataas. Maaring makapaghayag ng iba’t ibang
damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan ang pagbabago ng tono o intonasyon. Subukin
mong magsalita nang hindi nababago ang tono o intonasyon at hindi mo maipararating nang tama
ang iyong mensahe.
3.
Halimbawa
Nagpapahayag ---------- Madali lang ito.
Nagtatanong ---------- Madali lang ito?
Nagbubunyi --------- Madali lang ito!

4. Ang hinto o antala ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na malinaw ang
mensaheng ipinahahayag. May hinto bago magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin
pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may nais ihiwalay na mga ideya
upang higit na maunawaan ang nais nitong ipahayag. Kuwit (,) ang ginagamit sa hinto.

Halimbawa
a. Hindi siya si Kesa.
-Nasa dulo ang hinto at nagsasaad na hindi si Kesa ang pinag-uusapan.
b. Hindi, siya si Kesa.
-Ipinahahayag ng hinto pagkatapos ng “hindi” na si Kesa ang pinag-uusapan.
c. Hindi siya, si Kesa
- Ipinahihiwatig ng hinto pagkatapos ng “siya “na hindi ibang tao ang nasa isip kundi si
Kesa.

PAGSASANAY 1:
Punan ang angkop na salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

BUkas 1. Uuwi ako nang maaga (BUkas, buKAS) kapag hindi ka na galit.
_________2. Ang pridyider ay nakita kong (BUkas, buKAS) kaninang madaling araw at ubus ang
itinago kong ubas.
_________3. Ikaw kung kaya mong umakyat ng (liGAW, LIgaw) sa iyong minamahal.
_________4. Ikaw pa rin ang hanap ng pusong (liGAW, LIgaw)
_________5. Bumili ako ng (Gala, gaLA) na damit para bukas.
_________6. Ikaw ang taong (Gala, gaLA) kaya nadisgrasya ka.
_________7. Kakantahan kita ng kantang pinamagatang (Buko, buKO)
_________8. Huwag ka ng magpalusot kasi (Buko, buKO) ka na.
_________9. Ikaw pa rin ang (buHAY, BUhay) ko.
________10. Tumigil ka! (buHAY, BUhay) pa siya.!

9
REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process question/focus question
1. Ano ang ponemang suprasegmental?
Ang ponema ay tumutukoy sa makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental,
malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
2. Ano ang kahalagahan ng ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan?
Sa pamamgitan ng diin, tono, at intonasyon, matutukoy natin ang wastong kahulugan,
kaisipan, intensiyon o kaya ay layunin ng isang pahayag. Ito ay napakahalaga lalo na sa
pakikipagtalastasan nang sa gayon tayo ay magkaintindihan.

PAGLALAGOM: PAGLALAHAT/ SINTESIS/ PAGBUBUOD

:
Ponemang Suprasegmental- Ito ay nakatuoan sa diin, tono, at antala kung saan makatutulong upang
malinaw na malaman ang kahulugan, kaisipan, layunin o intensiyon ng isang pahayag lalong-lalo na sa
pasalitang paraan ng komunikasyon.
DIIN- ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay
isang ponema sapgkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago ng kahulugan nito. (bigyan ng lakas/ puwersa sa pagbigkas ang nakasulat sa malaking
titik upang mabasa nang tama)

Halimbawa: BU:hay- kapalaran ng tao bu:HAY-humihinga

TONO/INTONASYON- ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,

makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbibigay- kahulugan at makapagpahina ng usapan
upang higit na maging mabisa ang pakikipag-usap sa kapuwa. Maaaring gamitin
ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa: Kahapon=2 1 3 pag-aalinlangan Talaga= 2 3 1 pagpapatibay

ANTALA/HINTO- bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng
ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo na kuwit (,) dalawang guhit na pahilis (//) o
gitling (-).

Halimbawa:
Hindi// ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng salitang HINDI. Nagsasabing siya
talaga si Joshua)

Hindi ako// si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng salitang AKO. Nagsasabing hindi
siya ang may gawa kundi si Joshua)

10
Department of Education
Division of Quirino
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya
Saint Louis School
Name of School
DBES LEARNING ACTIVITY SHEET / GAWAING PAGKATUTO

SUBJECT: FILIPINO 9
TEACHER: ________________________

Pangalan : ___________________________ Petsa: ____________________________

Baiting at Pangkat: ____________________ Iskor: _____________________________
Bilang ng linggo.: 2

WRITTEN WORKS

Gawain 1: Basahin ang bawat pahayag at ipaliwang kung ano ang ibig sabihin nito. Bigyang-pansin ang
kuwit na ginamit. Ang unang bilang ay ginawa para sayo.
1. Nars si Angela.
Paliwanag: Si Angela ay nars__
2. Tatay, Gemma Dela Cruz po.
Paliwanag: _______________________________________________________________________
3. Hindi, si Kessa ang lumapit
Paliwanag: _______________________________________________________________________
4. Hindi, si Lando ito.
Paliwanag: ______________________________________________________________________
5. Hindi si Lando ito.
Paliwanag_________________________________________________________________________

MINI TASK

Sitwasyon:
Sa kasalukuyan ay iilan na lamang ang nakaaalam o nagbibigay halaga sa tulang tanka at haiku at iba
pang uri ng tula sa Silangang Asya.

Role: Bilang isang mag-aaral sa ika-siyam na baitang, ikaw ay naatasan ng iyong guro upang sumali sa
isang patimpalak na gaganapin sa ating paaralan na naglalayong payabungin ang mga panitikang tula gaya
ng tanka at haiku. Kaugnay nito, ikaw ay inaasahang magawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na
gawain. Pumili lamang ng isa.
1. Ikaw ay gagawa ng isang sanaysay na nanghihikayat sa kabaataang tulad mo na tangkilikin at
payabungin ang mga panitikang tula. Gumamit ng 3-5 na ponemang suprasegmental at
salungguhitan ito.
2. Ikaw ay gagawa ng isang slogan na humihikayat sa mga kabataang sumulat ng mga panitikan.
Gumamit ng 1-3 na ponemang suprasegmental.
3. Ikaw ay gagawa ng isang awitin na may temang pagpapahalaga ng panitikan ng Asya. Gumamit
ng 3-5 na ponemang suprasegmental.

__________________
(Pamagat)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

11

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Ang mensahe ay di-gaanong naipakita Medyo magulo ang Walang mensaheng
mabisang naipakta ang mensahe mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at malinaw Maganda ngunit di Di maganda at
napakalinaw ang ang pagkasulat gaanong malinaw ang Malabo ang
pagkasulat pagkasulat pagkasulat
Kaangkupan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang kaugnayan sa
kaugnayan sa paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sapaksa paksa
Paggamit ng Nasunod ang bilang Kulang ang ginamit Isa lang ang ginamit Walang ginamit na
Ponemang ng ponemang na ponemang na ponemang ponemang
Sprasegmental suprasegmental na suprasegmenta. suprasegmental suprasegmental.
ginamit sa gawain
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di gaanong malinis Marumi ang
ang pagkakabuo pagkabuo ang pagkakabuo pagkakabuo

12
IKATLONG LINGGO: Paksa sa Panitikan: Ang Mag-inang Palakang Puno
Wika: Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

PAMANTAYANG
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal
PANGNILALAMAN
ng Silangang Asya
PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga
PAGGANAP sa pagiging isang Asyano

Most Essential Nasusuri ang mga pangyayari, at ang mga kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
Learning lipunang Asyano sa akdang napakinggan.
Competencies
(MELCs) Nagagamit nang wasto ang mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon o
damdamin.
21st Century Learning Creative and Critical Thinking, Communication
Skills
Character and Competence
Core Values
Reference/s: (Please be guided by the following references to help you perform the given daily
activities,)
A .Printed:
Dayag, A. M., et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 9. Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House. Pp179-181

ARALIN: Paksa sa Panitikan: Ang Mag-inang Palakang Puno

Wika: Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

PANIMULA:
Sa araling ito ay ating susuriin ang mga pangyayari sa akdang ang “Mag Inang Palakang Puno,”
at ang mga kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano pagkatapos ay ating aalamin at
gagamitin nang wasto ang mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin.

LAYUNIN:
1. Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin.
2. Napahahalagahan ang mga kaugaliang Asyano na makikita sa akda
3. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

Punan ang K-W-H-L tsart sa ibaba:

Ang aking mga Ano ang aking nais Paano pa ako Ano-anu ang aking
nalalaman matuklasan matototo mga natutunan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

GABAY NA TANONG:

Ang mga tanong sa ibaba ay ang iyong magiging gabay na tanong sa paggawa ng mga pagsasanay sa
araling ito.

13
1. Ano ang pabula?
2. Ano ang layunin ng mga pabulang isinusulat?
3. Ano ang pinapakitang pagpapahalagang Asyano sa pabulang binasa?
4. Bakit mahalagang malaman ang paraan ng pagpapahayag ng damdamin?

PAGSASANAY 1

Talasalitaan: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat ang letra ng sagot sa
patlang.
______1. Ang mag-inang palaka na lamang ang namumuhay sa ilalim ng puno dahil yumao na ang
ama.
a.nagkasakit b.umalis c.namatay d.nangibang-bayan
______2. Masipag na nagtrabaho ang inang palaka dahil mag-isa na siyang nagtataguyod sa kanyang
anak. Hindi naglaon ay nagkasakit ang inang palaka.
a.lumipas b.nagtagal c.nainip d.namalayan
______3. Nang tinanong niya ang anak ay hindi ito umimik.
a, kumibo b. nagalit c. nangatwiran d. nakinig
______4. Mag-isang naglaro ang batang palaka sa gilid ng batis
a.dulo b.gitna c.tabi d.itaas
______5. Labis ang pighati ng anak dahil sa nangyari sa kanyang ina.
a.pagkagalit b.pagsisisi c.kalungkutan d.pagdurusa

TALAKAYAN

Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si
Kristo, may itinuring ng pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol
sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.
Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng
mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable. Ang pabula ay isang
maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin
gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop
na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Ang ahas halimbawa ay
karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad. Ang kalabaw,
matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Marami pang
hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at
sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw. Itinuturo ng pabula ang tama, patas,
makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil
sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
Ang pabulang iyong babasahin ay tungkol sa mag-inang palaka. Ito ay nanggaling pa sa bansang
Korea. Sa pabula na ito ay isinalaysay ang ibayong pagmamahal ng inang palaka sa kanyang nag-iisang
anak.
Buod ng “Ang Mag Inang Palakang Puno”
Sa isang malaking sapa may mag-inang berdeng palaka ang naninirahan doon. Ang anak na palaka
ay isang sutil na batang palaka lagi niyang kinukunsumi ang kanyang ina dahil sa kanyang mga
ginagawang di tama. Kadalasan ang kanyang ginagawa ay salungat sa lahat ng utos ng kanyang ina. Lahat
ng sinasabi at ipinagagawa ng kanyang ina ay kabaligtaran niya itong ginagawa. Hindi na malaman ng
inang palaka kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang anak. Gustong-gusto niya na maiwasto ang
baluktot na pag-uugali ng kanyang anak.
Minsan naman ay tinuruan ng inang palaka ang kanyang anak kung paano maka kokak ng wasto
ngunit katulad ng dati ang batang palaka ay hindi pa din sumunod sa ipinagagawa ng ina bagkus kanyang
binagligtad ang pagkokak. Ginawa niya itong Kakok.
Araw-araw ay hindi nawawalan na pag-asa ang ina na mapabuti ang kanyang anak na palaka. Lagi
niya itong pinagsasabihan ngunit patuloy pa din ito sa pagsuway sa kanya. Kung kaya sa pag-aalala sa
kanyang anak ang palakang ina ay nagkasakit. Ngunit sa kabila ng kanyang pagkakasakit ang batang
palaka ay patuloy pa din sa mga gawaing di maganda. Isang araw tinawag ng inang palaka ang kanyang

14
anak. Binilinan niya ito na kung siya ay mamatay ay Ilibing siya sa Sapa at hindi sa bundok, sinabi ng
inang palaka iyon sa anak sapagkat alam niya na kabaligtaran ng bilin niya ang gagawin ng anak. Lumipas
nga ang araw ang inang palaka ay namatay. Umiyak ng umiyak ang batang palaka at labis na nagsisi sa
kanyang nagawa. Dahil sa pagiging pasaway niya ang kanyang ina ay nagkasakit. Sinunod ng batang
palaka ang habilin ng ina na siya ay ilibing nga sa sapa. Hindi niya binaligtad ang utos ng ina. Kung kaya
ng magkaroon ng malakas na pag ulan ang libingan ng kanyang ina ay naanod. Gayon na lamang ang iyak
ng batang palaka habang pinapanood na maanod ang libingan ng ina. Simula nga noon ang mga berdeng
palaka ay nag-iingay kapag umuulan.
WIKA: Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

Maraming emosyon o damdamin ang nararamdaman ng bawat isa sa atin, hindi man tayo
magkakapareho dahil sa ating mga pananaw at opinyon subalit kailangan natin itong bigyan ng pansin.
Mayroon din tayong iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon upang epektibo nating
maiparating ang ating nararamdaman. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng
damdamin o emosyon,

1.Mga pangungusap na padamdam – ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding

damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!)
Halimbawa
1. Takbo! may asong padating!

2.Maikling sambitla – ito ay mga sambitlang iisahi o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng

matinding damdamin.
Halimbawa –Yehey! Wow! Naku! Huwag!

3.Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao.

Halimbawa
a.kasiyahan –Natutuwa ako at Nakita kita ngayon.
b.Pagtataka –bakit siya ang unang tinawag?
c.Pagkalungkot –Ikinalulungkot ko ang nangyaring dayaan.
d.Pagkagalit –galit ako sa kanyang ginawa sayo.
e. Pagsang-ayon –tunay na Mabuti para sa atin ang magtulungan.
f.Pagpapasalamat –salamat sa pang-unawa mo sa aking kalagayan.

4.Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan.

Halimbawa
1.Nakalulungkot isipin na siya ay sumakabilang buhay na.
*kahulugan ng sumakabilang buhay—pumanaw ,namatay

PAGSASANAY:
iantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o damdamin. lagyan ang bilang
3-pinakamataas at 1-pinakamababa

a. ______ hindi nagustuhan

______hindi pinansin
______ayaw na ayaw

b._______suwail
_______hindi sumusunod
_______matigas ang ulo

15
c._______nagpahirap sa kalooban
_______nagpasama sa loob
______nagdulot ng pagtatampo

d. ______humikbi
______nagpalahaw
______lumuluha

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process question/focus question

1. Ano ang pabula?
Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay
sa mga bata at kabataan para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng
kuwento ay pawang mga hayop.

2. Ano ang layunin ng mga pabulang isinusulat?

Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa
ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay
nito.
3. Ano ang pinapakitang pagpapahalagang Asyano sa pabulang binasa?
Ang pagpapahalagang Asyano na makikita sa pabula ay ang pagmamahal at
pagpapahalaga sa pamilya sapagkat napatunayan ng akda na mapagmahal ang ating magulang at
bilang anak kailangan din natin silang igalang, mahalin at pahalagahan.
4. Bakit mahalagang malaman ang paraan ng pagpapahayag ng damdamin?
Mahalagang malaman ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin nang sa
ganoon maipapahayag natin ang ating damdamin nang maayos at hindi nakakasakit ng
nararamdaman ng iba.

PAGLALAGOM: PAGLALAHAT/ SINTESIS/ PAGBUBUOD

:
Ang Pabula ay isang uri ng tuluyan kung saan hayop ang gumaganap ngunit kumikilos at
nagsasalita na tulad ng tao. Madalas na inilalarawan dito ang dalawang hayop na may magkaibang ugali
at nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali at nang-iiwan ng aral.

Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam- ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding

damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam(!)
Halimbawa:
Naku po, hindi ko magawang pagtaksilan ang aking kaibigan!
Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!

2. Maiikling sambitla-ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na na nagpapahayag ng

matinding damdamin.
Halimbawa:
Aray! Wow!
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao- ito’y mga
pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin ngunit ito ay
nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may mga taong handing magbuwis ng kanilang buhay.

16
Pagkagalit: Hindi ko inaakalang magagawa mo ang bagay na iyan. Isa kang taksil.
Pagsang-ayon: Tama ang naging desisyong ng matalinong kuneho na tulungan ang tao.

4. Mga Pangungusap na nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan- ito ay mga

pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan.
Halimbawa:
Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak.
(Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit)

17
Department of Education
Division of Quirino
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School

Name of School
DBES LEARNING ACTIVITY SHEET / GAWAING PAGKATUTO

SUBJECT: FILIPINO 9
TEACHER: ________________________

Pangalan : ___________________________ Petsa: ____________________________

Baiting at Pangkat: ____________________ Iskor: ____________________________
Bilang ng linggo.3

WRITTEN WORKS
GAWAIN 1
Panuto: Ikaw ay susulat ng pangungusap na nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na ayon sa teksto na
nakasulat sa kahon.

May mga tao na mabait sa mga hayop, subalit may mga tao rin na walang awa at pagmamalasakit
sa kanilang mga alagang hayop. Minsan sa aking paglalakad nakita ko ang isang mamang humahabol
sa isang pusa na may dalang malaking pamalo, Napansin ko rin na ang pusang hinahabol ay duguan
sa parte ng kanyang paa. Bilang isang kabataan, Ano ang masasabi mo tungkol dito?

1.Damdamin : galit
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2.Damdamin: lungkot
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3.Damdamin: pagkatakot
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

GAWAIN 2: Mula sa akda makikita ang pagpapahalaga sa pamilya. Bilang isang Asyano paano mo
maipapakita ang iyong pagmamahala sa iyong mga magulang?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

18
IKAAPAT NA LINGGO: Panitikan: Ako si Jia Li, Isang ABC
Wika: Paggamit ng angkop na mga pahayag sa
pagbibigay ng sariling opinyon /pananaw

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang

PANGNILALAMAN tradisyonal ng Silangang Asya

Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga

PAMANTAYANG sa pagiging isang Asyano
PAGGANAP

Most Essential Learning Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa

Competencies (MELCs)
21st Century Learning Creative and Critical Thinking Communication
Skills
Character and Competence
Core Values
Reference/s: (Please be guided by the following references to help you perform the given daily activities,)

A . Printed:
Dayag, A. M., et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 9. Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House. Pp 216-219

ARALIN: Panitikan: Ako si Jia Li, Isang ABC

Wika: Paggamit ng angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng Sariling Opinion

PANIMULA:
Sa araling ito ating susuriin ang mga pangyayari sa akdang Ako si Jia Li, Isang ABC upang masagot
natin ang mga katanungan tungkol sa akda. Ipaliliwanag din natin ang mga salitang di lantad ang
kahulugan batay sa konteksto ng mga pangungusap. Sa kabuuan, makakasulat tayo ng isang talumpating
naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa mga napapanahong mga isyu sa ating komunidad.

LAYUNIN:
1.Naipaliliwanang ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap.
2.Nababasa nang may buong pag-iintidi ang kwento
3.Naipahahayag ang kahalagahan ng pagbibigay ng opinyon
4.Naisusulat ang isang sanaysay na naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa napapanahong isyu

Punan ang K-W-H-L tsart sa ibaba:

Ang aking mga Ano ang aking nais Paano pa ako Ano-anu ang aking
nalalaman matuklasan matototo mga natutunan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

MGA GABAY NA TANONG TUNGO SA PAGKATUTO:

Ang mga tanong sa ibaba ay ang iyong magiging gabay na tanong sa paggawa ng mga pagsasanay sa
araling ito.

1. Ano ang maikling Sanaysay?

2. Ano ang ibig sabihin ng walang superyor na kultura?

19
PAGGANYAK:

Ang Tsina ay bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Umaabot na ang
populasyon nito sa 1.35 bilyong katao. Itala ang iba pang iyong nalalaman tungkol dito.

Mga nalalaman ko
tungkol sa bansang
Tsina

PAGSASANAY 1

Bago mo basahin ang Sanaysay, Iyo munang sagutin ang Talasalitaan

Talasalitaan : Bigyang kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan.Lagyan ng tsek ( / ) ang
pahiwatig na kahulugang maiuugnay sa bawat pahayag. Gawing gabay ang mga salitang
nakasulat nang madiin.
Halimbawa:
Napakahalaga ang pamilya sa aming mga Tsino, kaming mga anak ay hindi basta bumubukod
Sa aming magulang kahit pa may sarilng pamilya na. ipinapahiwatig ng pahayag na ito na…
____ malapit ang pamilyang Tsino sa isat isa
____ independent o mas gustong mamuhay nang mag-isa ang mga Tsino.
____ hindi mabubuhay nang mag-isa ang mga Tsino

1. Subalit kapag nasa bahay ako, higit na nangingibabaw ang kulturang Tsino sa paraang ng pagpapalaki
sa aming magkakapatid ipinapahiwatig ng pahayag na ito na…
____mahigpit sa mga anak ang magulang ng nagsasalaysay.
____hindi nahahawa ng ibang I, pluwensiya ang mga Tsino
____malakas ang impluwensiyang Tsino sa kanyang mga mamamayan.
2. Mula pa noong bata ako ay si Wai po na ang lagi kong kasa-kasama kapag nasa trabahao ang
aking magulang at ang dalawa kong nakatatandang kapatid.Ipinahihiwatig ng pahayag na…
____ang lola ang naging tagapag -alaga ng bata sa pamilya.
____ hindi mapag-aruga ang magulang ng bata
____alagain ang bata dahil sa espesyal niyang pangangailangan.
3. Hinding-hindi namin papayagang malayo sa aming si wai po. Tiyak na malulungkot siya roon at
malulungkot din ako dahil kaming dalawa ang magkasama sa silid . Ipinahihiwatig ng pahayag na…
____nagpapaalam na ang kanyang Wai po upang lumipat ng tirahan.
____mahal na mahal ng bata ang kanyang Wai po.
____mahirap sa pamilyang mawala ang matandang tagapag-alaga nila ng anak.
4. Bata pa lang ako ay lagi nang pinaaalala sa akin Na si wai po na hinding-hindi ko dapat itusok
sa gitna ng kanin ang aking mga chopstick dahil ito raw ay nangangahulugang ng kamatayan
Ipinapahiwatig ng pahayag na ito na…
_____hindi naniniwala sa pamahiin ang bata
_____makaluma ang pamilya
_____ mapamahiin ang mga tsino

TALAKAYAN

Ako si Jia Li, Isang ABC

20
Merong isang batang nagngangalang Jia Li na isang ABC o isang American born Chinese.

ABC ang tawag sa kanila dahil ang mga magulang nila ay mga Tsino pero lumaki sila sa Amerika at
ipinagmamalaki nya ang pagiging ABC nya.

Dinadala ni Jia Li ang kanyang Wai Po sa mga Football games at nagkwekwentuhan lang sila at
pagkatapos ng game ay kumakain sila ng hotdog, hamburger at ibat ibang pagkaing amerikano.

Sinabi ng kaibigan ni Jia Li na si Lian na “We have the best of both worlds”
Dahil rin sa kultura ng Tsino, maraming kababaigan sa Tsina ang ni hindi nakapipili ng kanilang
mapapangasawa dahil ang magulang ang pumipili at nakikipagsundo sa mapapangasawa ng kanilang anak
na babae. Kailangan niya ring sumunod sa tatlong utos: unang pag sunod ay nagsasaad na Kapag siya’y
bata pa , kailangan niyang sumunod sa magulang ; ang ikalawang pagsunod ay nagsasaad na kapag siyay
may-asawa na ay dapat siyang sumunod sa kanyang asawa at ang ikatlong pagsunod ay nagsasaad na
kapag siyay nabalo na ay kailangan niyang sumunod sa kanyang anak na lalaki.

KARAGDAGANG KAALAMAN:

Sanaysay ito ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa. Ito ay isang genre
o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa
kapaligiran maging tao, hayop, pook, bagay, at guniguni. Ayon kay Alejandro Abadilla, ang sanaysay
ay pagsasalaysay ng isang sanay. Kaya’t ang sinumang susulat nito ay nangangailangan ng malawak na
karanasan, mapagmasid sa kapaligiran, palabasa, o nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa paksang
napiling isulat. Nararapat na magpokus sa isang paksa lamang at maghanda ng balangkas upang
magkaroon ng kaisahan ng daloy ang mga ideya.

Tinatawag ng mananaysay ang manunulat ng sanaysay. Kinakailangan ng masining na pag-aaral

at kasanayan ng sinumang susulat nito. Katunayan, kabilang sa matatawag na sanaysay ang mga akdang
pandalub-aral gaya ng tesis, disertasyon, pamanahong papel, at panunuri, at ang mga sulating
pampamahayagan gaya ng tanging lathalain. Karaniwang paksa ng mga sanaysay ay ang mga isyung
panlipunan gaya ng kahirapan, droga, pantay na karapatan, diborsyo, parusang kamatayan, at marami pang
iba.

Narito ang bahagi ng sanaysay na dapat niyong maunawaan upang makabuo ng tiyak at maayos
na pagkakasunod ng mga ideya:

A. Simula-pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga
mambabasa. Ito ay dapat nakapupukaw ng atensyon.
B. Gitna-makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
C. Wakas-nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay

Uri ng Sanaysay

A. Pormal
Tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim ng
pagkaunawa sa paksa. Ang mga salita'y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong
ginagamit na kaugnay ng asignaturang ginawan ng pananaliksik.
Halimbawa: kay Estella Zeehandelar, talumpati, editoryal, pagtatalo/debate

B. Di-pormal
Tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal. Karaniwang
nagtataglay ng opinyon at paglalarawan ng isang may-akda. Naglalaman ng nasasaloob at kaisipan
tungkol sa iba't ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may-akda
Halimbawa: talambuhay o karaniwang pangyayari sa buhay mo

Ang paggamit ng angkop na mga pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon /Pananaw

Sa araw-araw nating pakikipag-usap sa ating kapwa ay madalas na nakapagbibigay tayo ng sarili

nating opinyon o pananaw tungkol sa isang bagay.

21
Tandaan ang sumusunod sa
paglalahad ng opinion o pananaw

2. Makinig nang Mabuti sa sinasabi

1. Ilahad ang opinion sa paraang ng kausap kung sakaling hindi man
maayos kahit pa salungat ang kayo pareho ng pananaw o
inyong pananaw sa pananaw ng Opinyon ay mabuting maipahayag
iba mo rin ang iyong pinaniniwalaan

3. Huwag pilitin ang kausap na 4. Maging magalang at huwag

sumang-ayon o pumanig sa iyong magtaas ng boses kung sakaling
pananaw kung may matibay kailangan mong sumalungat
siyang dahilan para maniwala sa
kasalungat ng iyong pananaw

6. Gumamit ng mga salitang

5. Makabubuti kung ang iyong simple para madaling
ipahahayag ay nakabase sa maintindihan.
katotohanan o kaya’y
sinusuportahan ng datos

Mga angkop na pahayag na maaring gamitin sa pagbibigay ng opinyon o pananaw

 Sa aking palagay…
 Sa tingin ko ay …
 Para sa akin …
 Kung ako ang tatanungin …
 Ang paniniwala ko ay …
 Ayon sa nabasa kong datos …
 Hindi ako sumasang-ayon sa sinasabi mo dahil …
 Maari po bang magbigay ng aking mungkahi?...
 Maari po bang magdagdag sa inyong sinabi?...

PAGSASANAY 2
Suriin kung ang sumusunod na pagpapahayag ng opinion o pananaw ay angkop o hindi
base sa paalalang binasa.Lagyan ng tsek ( / ) ng kahon kung angkop at ekis (X) kung
hindi.Isulat sa patlang ang tamang sagot.
___/ 1. Sa aking palagay, tama lang na magsama-sama sa isang tahanan ang magkakapamilya kahit pa
ang mga anak ay may asawa na para makapagbigay sila ng suporta sa isa’t isa.
_____2. Hindi ako sumasan-ayon na tumira pa rin ang anak na may asawa na sa bahay ng kanilang
magulang.Dapat kapag nag-asawa na nag tao ay bumukod na sila at matutong tumayo sa sariling
mga paa.
_____3. Mali ka talaga eh. Kung gusto kong tumira sa magulang ko, may magagawa ka?
_____4. Nasa iyo iyan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit maging sa Bibliya ay
sinasabing “dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyan
asawa at sila’y magiging isa”

22
_____5. Ah basta, hindi ako nainiwala sa sinasabi mo. Bahala ka

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process question/focus question

1. Ano ang maikling sanaysay?
Ang sanaysay ay itinuturing isang akdang tuluyan na pagsasalaysay ng isang sanay hinggil sa
isang paksa. Ito ay tumatalakay sa anumang isyu sa kapaligiran maging tao, hayop, bagay, lugar,
pangyayari na nangangailangan ng malawak na kaalaman ng sinumang susulat.

2. Ano ang ibig sabihin ng walang superyor na kultura?

Walang kulturang superyor sa ibang kultura sapagkat lahat ng kultura ay pantay-pantay at
mayroong pagkakaiba kung saan bawat kultura natutugunan ang pangangailangan, paniniwala ng
mamamayang gumagamit ditto kaya nararapat lamang na irespeto ang kultura ng bawat isa.

PAGLALAGOM: PAGLALAHAT/ SINTESIS/ PAGBUBUOD

:
‘Ako Si Jia Li, Isang ABC,” isang sanaysay na tumatalakay sa kultura ng isang Tsino na nakatira
sa bansang Amerika. Binigyang-diin dito ang kagandahan ng pagkaranas sa iba’t ibang kultura. Pinapakita
rin ng akda ang pagpapahalaga sa iba’t ibang kultura, traidisyon at paniniwala kung saan walang superyor
na kultura sapagkat tayo ay may sariling pagkakakilanlan, at pinaniniwalaan kaya nararapat lamang na
irespeto ang isa’t isa.

Ang binasang akda ay isang sanaysay kung saan ito ay isang akdang tuluyan na tumatalakay sa
isang paksa. Lahat ng paksa ay maaaring talakayin sa isang sanaysay sa pamamagitan ng dalawang uri,
ang pormal at di-pormal. Kinakailangan lamang ng malawak ang kaalaman ng sinumang susulat ng
sanaysay sapagkat kailangang matalakay nang masusi ang nilalaman ng sanaysay.

Sa pagsusulat ng sanaysay, maaari ring gumamit ng iba’t ibang angkop na pahayag sa pagbibigay
ng opinyon upang lubusang maibahagi ang kaisipan sa mga mambabasa. Ang mga sumusunod ay mga
angkop na pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi.
Sa aking palagay… sa aking pananaw…
Sa tingin ko… sa totoo lang…
Para sa akin… kung ako ang tatanungin…
Ang paniniwala ko ay… ang akala ko ay…
Sa ganang akin… sumasang-ayon ako…
Hindi ako sumasang-ayon… kumbinsido akong…
Lubos kong pinaniniwalaan… labis akong naninindigan…
Buong igting kong sinusuportahan…

23
Department of Education
Division of Quirino
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School

Name of School
DBES LEARNING ACTIVITY SHEET / GAWAING PAGKATUTO
SUBJECT: FILIPINO 9
TEACHER: ________________________

Pangalan : ___________________________ Petsa: ____________________________

Baiting at Pangkat: ____________________ Iskor: ____________________________
Bilang ng linggo.:4

WRITTEN WORKS

GAWAIN 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa akdang pinamagatang “Ako si Jia Li”.
1. Ano ang ibig sabihin ng ABC?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bakit kailangang maingat ka sa pagpapahayag ng iyong opinyon?
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kultura ng ibang bansa?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ano sa tingin mo an dahilang ng awtor kung bakit niya isinulat ang akdang ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mini Task:

Bumuo ng isang sanaysay tungkol sa napapanahong isyu, isaalang-alang ang wastong paggamit sa mga
angkop na salita sa pagbibigay ng opinyon o pananaw. Gawing gabay ang mga pamantayan sa ibaba.
Pumili ng paksa sa ibaba o maaring bumuo ng sariling pamagat

1. Ang mga Pinoy sa panahon ng COVID19

2. Ang Halaga ng Edukasyon sa panahong may COVID
3. Ang Aking karanasang Di makalilimutan sa panahon ng COVID.

________________________________________

24

Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos

Pamantayan Mahusay (3) Kainaman (2) Mahina (1)
Pagtalakay Napakadetalyado ang Detalyado ang pagtalakay sa Di-gaanong detalyado at
pagtalakay sa paksang paksang pinag-usapan malinaw ang pagtalakay.
pinag-usapan.
Organisasyon Napakahusay ng Mahusay ang paglalahad sa Napakalabo ang
pagkakalahad ng detalye mga detalye. pagkakalahad sa mga
detalye.
Pagkakalahad ng Ang mga kaisipang May ilan sa mga inilahad na Lahat ng inilahad ay hindi
mga kaisipan inilahad ay tunay at kaisipan ang hindi kinakitaan tunay at walang
makatotohanan ng katotohanan. kaliwanagan dahil sa
kawalan ng pruweba.

25
IKALIMANG LINGGO: Panitikan: Hashnu, Ang Manlililok ng Bato

PAMANTAYANG Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling

PANGNILALAMAN akdang tradisyonal ng Silangang Asya
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
PAMANTAYANG PAGGANAP pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Most Essential Learning Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa

Competencies (MELCs) kulturang nabanggit sa nabasang kuwento.

21st Century Learning Skills Creative and Critical Thinking Communication

Character and Competence

Core Values
Reference/s:
Dayag, A. M., et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 9. Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House. Pp 221-222

5 ARALIN: Panitikan: Hashnu, Ang Manlililok ng Bato

Wika: Uri ng Maikling Kwento

PANIMULA:

Sa pagkakataong ito, sisimulan mo na ang pagtuklas ng bagong kaalaman hinggil pa rin sa

Maikling Kuwento. Ating susuriin ang mga pangyayari sa akdang Hashnu, Ang Manlililok ng Bato upang
masagot natin ang mga katanungan patungkol sa akda. Sa pamamagitan nito, matutukoy natin ang mga
kaisipang nakalahad sa akda at mabigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa kwento. Kaakibat nito
ay makakagawa tayo ng sariling sanaysay batay sa ating mga karanasan na may kaugnayan sa kaugalian
o kulturang nabanggit sa kwento
LAYUNIN:
1. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang
kuwento
2. Nabibigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang akda
3. Nasasagot ang mga katanungan ukol sa binasa.

Punan ang K-W-H-L tsart sa ibaba:

Ang aking mga Ano ang aking nais Paano pa ako Ano-anu ang aking
nalalaman matuklasan matototo mga natutunan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

GABAY NA TANONG TUNGO SA PAGKATUTO:

Ang tanong sa ibaba ay ang iyong magiging gabay na tanong sa paggawa ng mga pagsasanay sa araling
ito.
1. Paano nakabubuo ng isang pagsasalaysay?
2. Ano ang mensahe ng kuwento?

26
PAGSASANAY 1

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilis sa parirala.

1. pagal na katawan (pagod)
2. nagliliyab na kahoy (___ ___g-a___ ___ o__)
3. nilukuban ng tela (t___n___ ___ ___a___)
4. hindi naglaon (__ag__ ___ ___ a___)
5. kagyat na nanumbalik (__ g__ d)

TALAKAYAN

Hashnu, Ang Manlilikok ng Bato

Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng nanjing sa Tsina ay naninirahan si Hashnu, isang
manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-ukit ng bato sa matagal na panahon. Ang trabahong ito ay
halos araw-araw niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sikat g araw. Mapapansing buong tiyaga
niyang ginagampanan ang kanyang gawain. Ngunit isang araw ay nasambit niya sa sarili “Naku! Pagal
na pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng matitigas na bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao
na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pait at maso rito araw-araw. Uupo ba
lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na kailangang magdala ng maso paroo’t parito araw-araw a
kalsada.

Tula nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip ang naganap sa
kanyang buhay. Nang nagkagulo ang mga tao sa daang malapit sakanyang inuukit ay nakita niyang
naroon pala ang hari. NBapansin niya kaagad sa dakong kanan ang mga sundalong ayos na ayos ang
pananamit at may sandata na handang sumunod sa ipag-uutos ng hari. Sa kaliwa naman ay nakita niya
ang mga tagasunod nitong gumagawa ng paraan para lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin si
Hashny, nag-isip siyang maganda palang maging isang hari at magkaroon ng mga alalay na sundalo at
mga tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad may naring siyang tinig, “Magiging hari ka.”

Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-maligaya si hashnu. “Hindi na ako taga-ukit
ng mga bato na nakaupo sa gilid ng daan na may hawak na pait at mabigat ng maso. Isa na akong hari
nga nakasuot ng baluti, helmet, at nakasakay sa pagitan ng mga sundao, at may tagasunod na pawang
mapitagan sa akin. “ Mayabang siya sa paglakad kaya’t ang kanyang mga tauhan at talagang
gumagalang sa kanya.

Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang dikit sa kanyang ulo na umaabot sa mga kilay
kaya nararamdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya. Namumutla at napagod siya dahil sa
matinding sikat ng araw. Naisip niyuang kaya pala panghinain at talunin ng raw ang makapangyarihan at
iginagalang na hari. Muli niyang naisip “ Mas makapangyarihan ang Araw. Napanghina niya ang aking
katawan!” Naisip nman niyang maging araw at pagkasabi nito ay isang milagro muli na siya’y nakarinig
ng tinig na narinig noon at dagli siyang naging Araw.

Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumisikat nang matindi sa kalupaan. Hindi siya
sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot na sinag nito ay bumagsak sa mundo.
Kaya ang mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo. Ang mga tao ay lubhang nanangis sa pangyayaring
ito. Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ang Araw hanggang sa napansin niyang ang Ulap pala ay
maaaring makulob sa pagitan ng Araw at ng Mundo. Napatunayan niya na higit na makapangyarihan ng
Ulap sapagkat kaya nitong takpan sa kanyang sinag. Dahil sa kaisipang ito ay ninais naman niyang
maging Ulap.

Nilukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at bumagsak sa paraang ulan sa mundo.
Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang pagbagsak ng dami ng ulan. Ang
matinding ulan ang naging sanhi ng pagkabuwal at pagkabunot ng mga puno. Nawala ang mga tahanan
at ang mga naninirahan dito.

Pinagmasdan iya ang Lupa at napako ang kanyang paningin sa mga bato na hindi man lang natinag sa
kanyang kinalalagyan pagkatapos ng mga sakunang nagdaan tulad ng malakas na ulan at hangin at

27
maging matinding sikat ng araw. Muli siyang napaisip. Ninais naman niyang maging isang Bato at hindi
siya nabigo. Tulad ng dati may tinig siyang narinig upang sabihing siya’y maging isang bato. Naang siya
ay Bato na, narinig niyang muli ang tunog ng pait habang ito’y ipinupukpok sa kanya. Pati na rin ang
maso na ramdam niyang malaks na tumatama sa kanyang katawan at ulo. Nalaman niya ngayon na hindi
nga siya natibag sa malakas na ulan at hangin subalit siya ay nakayang hugisan ng ano mang anyo ng
isang manlililok. Nagmuni-munis siya. Natanto niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya. Mulat
sa katotohanan, muling humiling si hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang
nanumbalik sa dating gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye na nakaupo at nagsisimula na
namang humugis ng iba’t ibang anyo sa mga bato. Nagmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong
husay si hashnu. Panatag ang kanyang kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.
Source: Dayag, A. M., et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 9. Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House

PAGSASANAY 2: Pagtalakay sa kuwento.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Bakit ninais niyang mabago ang kanyang buhay?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga ninais ni Hashnu?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabuhay sa ibang katauhan o kalagayan, ano ito at
bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process question/focus question
1. Paano nakabubuo ng isang pagsasalaysay?
Ang pagsasalaysay ay maaaring ibatay sa sariling karanasan, nasaksihan o napanood,
napakinggan o nabalitaan, nabasa at maaari ring likhang isip lamang. Ang karanasan at nakikita sa
kapaligiran ay maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.

2. Ano ang mensahe ng kuwento?

Binibigayng-diin ng kuwento ang pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan sapagkat tayo ay
iba-iba at mayroong sariling kagalingan kaya gamitin natin ito nang tayo ay maging matagumpay at
makatulong sa ating lipunan. Kaugnayan nito, kailangan nating makuntento kung ano mang mayroon
tayo ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi na tayo mangangarap para sa ating sarili.
PAGLALAGOM: PAGLALAHAT/ SINTESIS/ PAGBUBUOD
: Ang pagkukuwento ay matagal nang bahagi ng buhay ng mga Pilipino.Mapatradisyonal man,
may bahid ng elementong kanluranin at makabago, Lahat ng ito ay nagging bahagi na ng panitikan sa
pilipinas na nagkaroon ng Malaking impluwensya sa ating kultura at pamumuhay ng bawat pilipino.
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento,” ang maikling
kuwento ay isang akdang pampanitikan na Likha ng guni-guni at bungang isip na hango sa isang tunay
na pangyayari sa buhay. Isa itong uri ng akdang pampanitikan na likha ng maguni-guning imahinasyon
na maaring hango sa tunay na buhay o produkto lamang ng isang mahusay na manunulat batay sa
kanyang malikhain pag-iisip.May taglay itong damdamin na mag-iiwan ng isang kakintlang kukurot sa
bawat mambabasa. Maaring sa pamamagitan ng paglalahad ng isang kuwento ng buhay ay mapagagalaw
ang isipan ng bawat mambabasa.

Ang binasang maikling kuwento ay nanggaling sa bansang Hapon kung saan tinatalakay nito ang
isang kaugalian ng tao na dapat iwaksi. Ipinaparating ng akda ang mensaheng dapat makuntento ang tao
kung ano mang mayroon siya. Pinapakita rin dito na tayo ay iba’t iba kaya iba-iba rin ang ating

28
karanasan, paniniwala, ideya, kaisipan at may kaniya-kaniya tayong kagalingan kaya nararapat lamang
na gamitin natin ang kasanayan at talentong ito upang mapabuti ang ating buhay at maka-ambag sa ating
lipunan.

29
Department of Education
Division of Quirino
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School

Name of School
DBES LEARNING ACTIVITY SHEET / GAWAING PAGKATUTO

SUBJECT: FILIPINO 9
TEACHER: ________________________

Pangalan : ___________________________ Petsa: ______________________

Baiting at Pangkat: ____________________ Iskor: ______________________
Bilang ng linggo.: 5

WRITTEN WORK:

GAWAIN 1: Kaugnay sa binasang kuwento, iyong alamin at tukuyin ang ibig sabihin ng pahiwatig na
ginamit sa akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. ”Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng
paet at maso rito araw-araw” Wika ni Hashnu.
a. Napapagod at nagsagawa na si Hashnu sa paulit-ulit na kanyang ginagawa.
b. Nangangarap siya ng buhay na perpekto kung saan ang tao ay mabubuhay sa mundo, kahit
hindi na magtrabaho.
c. Ayaw na niyang gamitin ang paet at maso sapagkat para sa kanya ang paggamit nito ay isang
Nakababagot na gawain.

2. Tila nagdilang angel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip ang nangyari sa
kanyang buhay.
a. Nagkatutuo ang mga sinambit ni Hashnu kaya tila isang himala o panaginip ang nangyari sa
Kanya.
b. Isang anghel ang nagpaliwanag at nagbigay katuparan sa kanyang mga panaginip.
c. Nakatanggap ng isang pahayag si Hashnu mula sa anghel na siya ay magkakaroon ng
Kakaibang panaginip.

3. Mayabang si Hashnu sa paglakad kaya’t ang kanyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya
a. Iginalang ng kanyang mga tauhan si Hashnu sapagkat sa paraan pa lamang ng kanyang
Paglalakad ay masabing siya ay isang ganap na hari.
b. Sa kanyang pagiging hari ay naging mapagmataas siya kung kaya’t ang kanyang mga
tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
c. Ang paggalang ng kanyang mga tauhan sa kanya ay bunga ng labis na paghanag sa kanya
dahil sa husay niyang maglakad.
4. Namumutla at napagod si Hashnu dahil sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya palang
pahinain at talunin ng araw ang makapangyarihan at iginagalang na hari.
a. Ito ay patunay lamang na ang lakas at kapangyarihan ng tao ay may hangganan kahit ano
pa ang kalgayan niya sa buhay.
b. Ang matinding sikat ng araw ay maaaring makapuksa sa kalusugan ng tao.
c. Ang tao at ang hari ay madalas na magpaligsahan kung sino ang higit na malakas sa
kanila.

5. Nagmuni-muni si Hashnu natanto niyang walang higit n amalakas kundi siya, mulat sa katotohanan
muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok.
a. Ipinahihiwatig nitong bawat tao ay may kani-kanyang kalakasan, ang kailangan lamang ay
tuklasin at pagyamanin ito.
b. Ipinahihiwatig nitong ang manlililok ang maituturing na pinakamalakas na nilalang sa

30
mundo.
c. Ipinahihiwatig nitong kung nais ng isang taong maging malakas piliin niyang maging
manlililok.

MINI TASK:

Sitwasyon: Sa kasalukuyan ay iilan na lamang ang nakaaalam sa kaugalian o kultura tungkol sa

binasang akda na pinamagatang “Si Hashnu, Manlililok ng Bato”.

Role: Bilang isang mag-aaral sa ika-siyam na baitang, ikaw ay naatasan ng iyong guro na makibahagi sa
pagsusulat ng isang sanaysayna naglalayong payabungin ang mga kaugalian at kulturang Asyano.
Kaugnay nito, ikaw ay inaasahang gumawa ng isang sanaysay na hindi hihigit sa tatlong talata na
nagsasalaysay ng iyong sariling karanasan na may kaugnayan sa kaugalian o kultura nabanggit sa
nabasang kuwento. Gawing gabay sa pagsulat ng sanaysay ang mga sumusunod na pamantayan.

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Ang mensahe ay di-gaanong naipakita Medyo magulo ang Walang mensaheng
mabisang naipakta ang mensahe mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at malinaw Maganda ngunit di Di maganda at
napakalinaw ang ang pagkasulat gaanong malinaw ang Malabo ang
pagkasulat pagkasulat pagkasulat
Kaangkupan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang kaugnayan sa
kaugnayan sa paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sapaksa paksa
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di gaanong malinis Marumi ang
ang pagkakabuo pagkabuo ang pagkakabuo pagkakabuo

_______________________________________

31
IKAANIM NA LINGGO:Uri ng Maikling Kwento

PAMANTAYANG
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
PANGNILALAMAN
tradisyonal ng Silangang Asya
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
PAMANTAYANG pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
PAGGANAP

Most Essential Learning Nasusuri ang maikling kwento batay sa estilo ng pagsisimula,
Competencies (MELCs) pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay.

21st Century Learning Skills Creative and Critical Thinking Communication

Competence and Character
Core Values
Reference/s: (Please be guided by the following references to help you perform the given daily activities.)

Dayag, A. M., et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 9. Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House. Pp 227-228

6 ARALIN: URI NG MAIKLING KUWENTO

PANIMULA:
Kayo ba ay mahilig makinig o magbasa ng maikling kuwento? Para sa iyo, ano-ano ang mga
naibibigay ng pagbabasa ng mga maikling kwento? Halina’t alamin natin ang katuturan at mga uri ng
maikling kwento.

LAYUNIN:
1. Naiisa -isa ang uri ng maikling kwento
2. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kwento

Punan ang K-W-H-L tsart sa ibaba:

Ang aking mga Ano ang aking nais Paano pa ako Ano-anu ang aking
nalalaman matuklasan matototo mga natutunan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

GABAY NA TANONG

Ang tanong sa ibaba ay ang iyong magiging gabay na tanong sa paggawa ng mga pagsasanay sa
araling ito.

1. Ano ang maikling kwento at ang mga iba’t ibang uri nito?
TALAKAYAN

Ano ang Maikling Kwento?

Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito
ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

32
Mga Uri ng Maikling Kwento
1. Kuwento ng Tauhan
- Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kuwento ng Katutubong Kulay
- Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
3. Kuwentong Bayan
-Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kuwento ng Kababalaghan
-Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Kuwento ng Katatakutan
-Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kuwento ng Madulang Pangyayari
-Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
7. Kuwento ng Sikolohiko
-Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan.
8. Kuwento ng Pakikipagsapalaran
-Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kuwento ng Katatawanan
- Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kuwento ng Pag-ibig
- Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

PAGSASALAYSAY

Ang pagsasalaysay ay uri ng pagpapahayag na may layuning ikuwento ang mga kawil na pangyayari na
maaaring pasalita o pasulat kung saan ginamit ito sa maikling kuwento.

Dapat Isaalang-alang Sa Pagsusulat

1. May maganda o mabuting pamagat

-Dapat ay maikli, hindi nakakatawa at lumilikha ng pananabik

2. May mahalagang paksa o diwa

-Kapupulutan ng aral, nagbibigay ng bagong kaalaman, naiuugnay sa karanasa o kalagayan na
makatutulong sa pag-unlad.

3. May Wasto o Maayos na Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

-Karaniwang pagsasalaysay ay nag-uumpisa sa simula ng mga pangyayaring sinusundan ng mga
gitnang pangyayari at pagkatapos ay wakas ng pangyayari.

4. May Kaakit-akit na simula

-Nakakalikha ng pananabik sa mambabasa upang makakuha ng atensiyon.

5. May Kasiya-siyang wakas

-Ang wakas ay nagkikintal ng isang mensahe o aral.

Ang isang talatang nagsasalaysay ay dapat magtaglay ng sumusunod na mga katangian upang
maging mabisa:

1. Ang mga kaisipan ay nagtataglay ng kaisahan.

2. Nagbibigay-diin sa mahahalagang pangyayaring isinasalaysay.
3. Mayroong paglalarawan upang may buhay ang pangyayari.
4. May kasukdulan na lumilikha ng pananabik sa bumabasa o nakikinig.

Tatlong Uri ng Pananaw

33
1. Unang Panauhang Pananaw (First Person Point of View)
-Ang nagsasalaysay ay gumagamit ng panghalip (Gumagamit ng ako)

2. Ikatlong Panauhang Pananaw (Third Peson Point of View)

-Ang nagsasalaysay ay gumagamit ng panghalip panaong siya.
-Ito ay limitado lamang sapagkat hindi nababasa ang isip at damdaming taglay nito.

3. Mala-Diyos na Pananaw (Omnipotent Point of View)

-Gumagamit ng panghalip na panaong siya o sila.
-Maaari niyang mabasa at matukoy ang damdamin ng tauhan

PAGSASANAY 1

TAMA O MALI: Suriin ang bawat pahayag, isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan at MALI kung hindi. Isulat ang sagot bago ang bilang.
____________1. Ang kwento ng katutubong kulay ay maaring tumatalagay sa karaniwang
pamumuhay ng isang tauhan sa isang lalawigan.
____________2. Ang kwento ng katatakutan ay nagpapakita ng mga pangyayaring hindi
kapanipaniwala.
____________3. Ang akdang “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato “ ay isang kwento ng pag-ibig.
____________4. Ang Kwentong sikolohikal ay mga kwentong tumatalakay sa mga kaisipan.
____________5. Ang layunin ng kwentong katatawanan ay magbigay aliw at magpangiti sa mga
mambabasa.

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process question/focus question

1. Ano ang maikling kwento at ang mga iba’t ibang uri nito?
Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-
iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. May mga iba’t ibang uri rin ang maikling
kwento gaya ng mga sumusunod:
1. Kuwento ng Tauhan
2. Kuwento ng Katutubong Kulay
3. Kuwentong Bayan
4. Kuwento ng Kababalaghan
5. Kuwento ng Katatakutan
6. Kuwento ng Madulang Pangyayari
7. Kuwento ng Sikolohiko
8. Kuwento ng Pakikipagsapalaran
9. Kuwento ng Katatawanan
10. Kuwento ng Pag-ibig

PAGLALAGOM: PAGLALAHAT/ SINTESIS/ PAGBUBUOD

: Ang maikling kuwento ay isang halimbawa ng pagsasalaysay. Ang pagsasalaysay ay isang uri ng
pagpapahayag na may layuning ikuwento ang mga kawil na pangyayari na maaaring pasalita o pasulat.
Ito ay isa sa mga pinakagamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa. Ang
pagsasalaysay ay maaaring ibatay sa sariling karanasan, nasaksihan o napanood, napakinggan o
nabalitaan, nabasa at maaari ring likhang isip lamang. Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring
pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.
Mga Katangian
1. May Maganda o Mabuting Pamagat
2. May Mahalagang Paksa o Diwa
3. May Wasto o Maayos na Pagkakasunod ng mga Pangyayari
4. May Kaakit-akit na Simula

34
5. May Kasiya-siyang Wakas-

Sa kabuoan, ang isang talatang nagsasalaysay ay dapat magtaglay ng sumusunod na katangian

upang ito ay maging mabisa:
1. Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng kaisahan.
2. Kinakailangang ito ay nagbibigay-diin sa mahahalagang pangyayaring isinasalaysay.
3. May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at buhay ang mga pangyayari.
4. May kasukdulan na siyang lumilikha ng pananabik sa bumabasa o nakikinig.

Uri ng Pananaw o Paningin: Dito nababatid kung sino ang naglalahad o nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa kuwento.
1. Unang Panauhang Pananaw (First Person Point of View)
2. Ikatlong Panauhang Pananaw (Third Person Point of View)
3. Mala-Diyos na Pananaw (Omnipotent Point of View)

35
Department of Education
Division of Quirino
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School

Name of School
DBES LEARNING ACTIVITY SHEET / GAWAING PAGKATUTO
SUBJECT: FILIPINO 9
TEACHER: ________________________

Pangalan : ___________________________ Petsa: ____________________________

Baiting at Pangkat: ____________________ Iskor: ____________________________
Bilang ng linggo.:6

WRITTEN WORK/S

GAWAIN 1: Maramihang Pagpipili

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang akdang pamapanitikan na likha ng maguni-guning imahinasyon na hango sa tunay na pangyayari
sa buhay.
a. Dula b. Maikling Kwento c. Nobela d. Tula

2. Umiikot ang buong kuwento sa pakatagni-tagni ng mga pangyayari mula sa simula patungo sa saglit na
kasiglahan hanggang sa kasukdulan at kakalasan.
a. Kuwento ng Kaisipan b. Kuwento ng Katutubong Kulay
c. Kuwentong Makabanghay d. Kuwento ng Talino

3. Namamayani sa ganitong kwento ang tagpuan. Binibigyang diin ditto ang kapaligiran at pag-uugali ng
mga tao sa isang kalagayan o lugar.
a. Kuwento ng Kaisipan b. Kuwento ng Katutubong Kulay
c. Kuwentong Makabanghay d. Kuwento ng Talino

4. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento.”

a. Deogracias Rosario b. Edgar Allan Poe
c. Lope K. Santos d. Severino Reyes

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng maikling kwento?

a. Kuwentong Kaisipan b. Kuwento ng Katatawanan
c. Kuwentong Pag-ibig d. Kuwento ng Pakikipagsapalaran

6. Anong bahagi ng kwento ang binibigyang pansin ng pahayag sa ibaba?

a. Lugar b. Pangyayari c. Suliranin d. Tauhan

“Unti-unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop na kapaligiran. Ang mga bahay na
malalayo ang agwat, nagliliitan ang iba’y nakagiray na, pulos na yari sa kugon at kawayan ay waring
nagsisipagbantang lumupsay sa anumang sandal. Sa malayang hangin ay nagsasanib-sanib ang kahol ng mga
aso, kakak ng mga manok at itik, unga ng kalabaw, langitngit ng nagtatayugang kawayan at pagaspas ng
dahon.” (mula sa Lugmok na ang Nayon ni Edgardo Reyes)
7. Ang mga sumusunod ay mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang talatang nagsasalaysay
MALIBAN SA ISA.
a. Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng kaisahan.
b. May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at buhay ang mga pangyayari
c. Nagbibigay diin sa mahahalagang pangyayaring isinasalaysay
d. Nagtataglay ng magandang pihit

8. Siya ang naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayaring gumagamit ng panhalip panaong siya.
a. Ikalawang Panauhang Pananaw

36
b. Ikatlong Panauhang Pananaw
c. Mala-Diyos na Pananaw
d. Unang Panauhang Pananaw

9. Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang talatang nagsasalaysay na isasaalang-alang ng
manunulat MALIBAN sa isa.
a. May kaakit-akit na simula
b. May magandang pamagat
c. May maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
d. May nakababagot na katapusan

10. Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabasa, maliban sa:

a. Nagbibigay ito ng kabutihang-asal.
b. Nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.
c. Nagsisilbing gabay sa buhay.
d. Napapalawak nito ang imahinasyon.

MINI TASK:

Panuto: Suriin ang maikling kwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
kwento.

Ang akdang “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato “ay isang kwentong punong-puno ng
kababalaghan. Ito ay naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat ito ay
sumasalungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip. Gayundin naman, mabibilang din ang
akdang ito bilang isang maikling kwento ng katutubong kulay sapagkat ito ay nagbibigay diin sa uri ng
pag-uugali, paniniwala at pamumuhay ng pangunahing tauhan na isang Tsino.

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Ang mensahe ay di-gaanong naipakita Medyo magulo ang Walang mensaheng
mabisang naipakta ang mensahe mensahe naipakita
Kaangkupan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang kaugnayan sa
kaugnayan sa paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sapaksa paksa
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di gaanong malinis Marumi ang
ang pagkakabuo pagkabuo ang pagkakabuo pagkakabuo

Punan ang graphic organizer sa ibaba.

Pamagat Hashnu, Ang Manlililok ng Bato

Tauhan Tagpuan

1._____________________ *__________________________
2._____________________ *__________________________

Pagsusuri sa pagsisimula
*Ilahad ang simula ng kwento___________________________________________
___________________________________________________________________
*Tama ba ang simula nito? Bakit? ________________________________________
____________________________________________________________________

Pagsusuri sa pagpapadaloy

*Maayos ba ang mga pagkasunod-sunod ng pangyayari? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

37
__________________________________________________________________________________

Pagsusuri sa pagwawakas

*Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa kwento, paano mo ito wawakasan? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

38
IKAPITONG LI NGGO: Talumpati ukol sa Pagbabago ng Klima

PAMANTAYANG
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
PANGNILALAMAN
tradisyonal ng Silangang Asya
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
PAMANTAYANG pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano
PAGGANAP

Most Essential Learning Naipaliliwanag ang naging bisa ng nabasang akda sa sariling kaisipan at
Competencies (MELCs) damdamin

21st Century Learning Skills Creative and Critical Thinking Communication

Core Values Competence and Character, Excellence

Reference/s: (Please be guided by the following references to help you perform the given daily activities.)

Dayag, A. M., et.al. (2018). Pinagyamang Pluma 9. Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House. Pp 227-228

7 ARALIN: Talumpati ukol sa Pagbabago ng Klima

PANIMULA:
Ang akdang iyong babasahin ay isang talumpati na nagbibigay kamalayan tungkol sa
kalagayan ng klima sa kasalukuyan. Ipinapakita rito ang pagpapahalaga sa ating kalikasan sapagkat
mayroon itong malaking epekto sa ating pamumuhay.

LAYUNIN:

1. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa konteksto ng pangungusap

2. Nababasa nang wasto ang talumpati
3. Naiisa-isa ang mga mahahalagang bagay tungkol sa talumpati
4. Nakabubuo ng isang mahusay na talumpati

Punan ang K-W-H-L tsart sa ibaba:

Ang aking mga Ano ang aking nais Paano pa ako Ano-anu ang aking
nalalaman matuklasan matototo mga natutunan

Mga kakayahang aking inaasahan na gamitin:

GABAY NA TANONG TUNGO SA PAGKATUTO

Ang mga tanong sa ibaba ay ang iyong magiging gabay na tanong sa paggawa ng mga pagsasanay sa
araling ito.

1. Ano ang talumpati?

2. Bakit mahalaga ang talumpati?

TALAKAYAN

39
PAGSASANAY 1

Pagbibigay kahulugan :Ibigay ang kahulugan ng mahihirap na salitang nakasulat nang

madiin batay sa konteksto ng pangungusap

1. Ang mekanismong ito ang magpapakilala sa mundo ng mga layuning kusang inilatag ng mga
umuunlad na bansa.
Kahulugan __________________________________________________________________
2. Kapag ito ay nagawa na natin ay saka pa lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong siklo sa
mundo.
Kahulugan ________________________________________________________________________
3. Katulad nang ipinangako,ipinahahayag ng Korea ang layuning pagaanin ang problema
Kahulugan ________________________________________________________________________
4. Maghahanap din kami ng mga makinang magtataguyod ng pagsulong,magbibigay ng maraming
trabaho at luntiang kinabukasan.
Kahulugan ________________________________________________________________________
5. Kung ano man ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan.
Kahulugan ________________________________________________________________________

Talumpati Ukol sa Pagbabago ng Klima

Conpenhagen, ika-8 ng Disyembre-Ang babasahin ay ang talumpating binigkas ni Pangulong

Lee Myung-Bak. Pangulo ng Timog Korea, sa pulong ng United Nations Tungkol sa Climate Change.

Una sa lahat, kasama ninyo ako sa pagpapahatid ng pagsasalamat sa buong pamahalaan ng

Denmark at lahat ng mamamayan ng Copenhagen sa paghahanda ng pagtitipong ito.

Ang mga desisyong gagawin natin ditto ngayon ay hindi lamang makaapekto sa ating mga sarili
kundi pati sa kabataan at sa kinabukasan n gating planeta. Halos pitong bilyong tao ang nanonood sa
atin. Dapat hindi sila mabigo, maging tayo ay hindi rin dapat mabigo.

Kung nais talaga natin ng tunay na pagbabago, ang tanging paraan ay magsama-sama. Imbes na
sabihing “ikaw muna” ay umpisahan nating sabihing “ako muna.”

Ang usapin hinggil sa pagbabago ng panahon ay dapat lamang mag-umpisa sa paggawa ng ating
bahagi at kapag ito ay nagawa na natina y saka pa lamang tayo makapagsisimula ng isang positibong
siklo sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit ang Korea ay nagpanukala ng pagpapatala ng NAMA.

Ang mekanismong ito ang magpapakilala sa mundo ng mga layuning kusang inilatag ng mga
umuunlad na bansa. Ito rin ang magdadagdag ng transparency at magbibigay ng tulong upang matamo
nila ang kanilang layunin. Ito ay isang paraan upang mahikayat ang mga bansang kumikilos nang kusa.

Katulad ng ipinangako, ipanahahayag ng Korea ang layuning pagaanin ang problema. Bilang
isang bansa, ay nangangako kaming maibigay ang pinakamataas na pangangailangang inerekomenda
ng pandaigdigang komunidad.

Kagaya ng alam niyo, ang ekonomiya ng Korea ay palaging nagangailangan ng enerhiya. Sa

nakalipas na labinlimang taon dumoble ang produksiyon ng greenhouse gas ng Korea. Hindi medaling
tumupad sa pangako para sa ganitong bansa, ngunit pinili ng Korea na manguna sa usapin ng pagbabago
ng klima.

Maraming mga negosyante ang ilang beses na nagpulong upang making sa mga hinaing at
pagangailangan ng isa’t isa. Sa huli ay napagkasunduan naming gawin ito sapagkat makabubuti ang
pagkilos sa atin at sa kabutihan ng mundo.

Tunay ngang naniniwala akong ang saloobin “ako muna” ag pinakamabilis na paraan upang
sagipin ang mundo. Mga pinuno at mga mamamayan ng buong mundo! Tayo ay nagkasundong bawasan
ang produksiyon ng greenhouse gas, ngunit papaano?

Maraming mga kuro-kuro at opinyon kung paano ang mabisang oagtugon sa katanungang ito.
Kaya rito sa Conpenhagen, dapat pagtuonan ang pagsagot sa kung paano mababawasan ang

40
produksiyon ng greenhouse gas. Kung tutuosin kapang isinaalang-alang natin ang pagsulong ng
ekonomiya, ang paghanap ng solusyon ay napakahalaga.

Sa puntong ito, kinakailangan nating pagtuonan kung paano mababawasan ang produksiyon ng
greenhouse gas kagaya ng ginagawa natin sa pagtugon kung paano kadami ang dapat ibawas.

Sa kaso ng Korea, nagtakda kami ng Low Carbon Green Growth bilang bagong pambansang
bisyon naming. Taon-taon ang dalawang porsiyento n gaming GDP ay inilalaan sa esearch and
Development ng mga bagong makakalikasang teknolohiya at imprastraktura. Dahil dito, sa katapusang
ng taong ito, ang Basic Law on Green Growth ay ipapasa. Gagawin naming ang aing makakaya uoang
mabawasan ang produksiyon ng carcbon, ngunit maghahanap din kami ng mga makinang magtataguyod
ng pagsulong, magbibigay ng maraming trabaho at luntiang kinabukasan. At umaasa akong
maibabahagi ko ito sa inyo. Ito ay isang dahilan kung bakit ang Korea ay magtatayo ng Global Greem
Growth Institute o GGGI sa kalagitnaan ng susunod na taon. Ang GGGI ay tutulong sabawat isa sa atin
upang maibahagi natin ang ating galing at kaalaman.

Pagsama-samahin natin ang mga iskolar, siyentipiko, at mga lider ng lipunan sa buong mundo
na magkaroon ng mga posibleng solusyon sa ating suliranin. Sa diwa ng pandaigdigang pakikipag-
ugnyana, ang GGGI ay maaaring maging global think tank at maaaring maging tulay upang mapag-
ugnay ang mauunlad at papaunlad pa lang na mga bansa.

Kaugnay nito, ang Korea ay handang tumulong sa pagbubukas ng post 2012 regime sa
pamamagitan ng pagiging bansang pagdarausan ng COP 18 sa 2012.

Mga pinagpipitaganan, mga ginoo at binibini, mga mamamayan ng buong mundo,

napagkasunduan natin ang dalawang digring layunin. Ngayon ay panahon na upang kumilos. Binigyan
na tayo ng isang makasaysayang responsibilidad. Huwag nating kalilimutang na kung ano man ang
makakamit natin mula rito at kung ano ang ating gagawin dito ay siyang huhubog sa ating kinabukasan.

Ngayon ay panahon na upang sama-sama tayong kumilos.

PAGSASANAY 2
Pagsagot sa mga tanong : Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang pangunahing layunin ng pangulo ng South Korea nang binigkas niya ang kanyang
talumpati sa kumprehensiya ng United Nations?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng Pangulo noong sinabi niyang dapat umpisahan ang lahat sa
pagsasabi ng “ako muna”?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Masasbi mo bang makabubuti ang mga hakbang ng bansang Korea sa usapin ng pagbabago ng
panahon?__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

KARAGDAGANG KAALAMAN

Sa ating aralin sa umagang ito ,malalaman natin kung ano ang Talumpati at mga dapat tandaan sa
pagsasagawa nito.

TALUMPATI
Isang sining ng pakikipagtalastasan na naglalayong ilahad ang kaisipan at damdamin hinggil sa
isang paksa sa pamamagitan nang wasto at mabisang pagbigkas.

41
Layunin

Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,

magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o manghikayat sa isang kilusan o
paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang
layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang o okasyon.

Bahagi ng talumpati

Panimula – inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na

ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla

Katawan – nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng

mananalumpati.

Katapusan – ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng

isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na
katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng
pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati

Paghahanda sa Talumpati

1.Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang kaalaman, karanasan at
interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati. Kapag nakapili na ng paksa.

2. Magtitipon ng mga materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya

namanggagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating
kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga
awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos makatipon ng mga materyales na gagamitin sa talumpati

3. Maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin sa tatlong bahagi:

panimula, katawan at pangwakas.

4.Maaari pang mapabuti ang talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang
mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa
balangkas

42
5.Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na magkaroon ng
magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman sa
paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati

6. Dapat din tandaan ng mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay din at kaugnayan
(rapport) sa madla.

****Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa Talumpati ,Sumangguni sa ating

Sangguniang aklat Pinagyamang Pluma Pahina 268- 272

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process question/focus question

1. Ano ang talumpati?
Ang talumpati ay pagbabahagi ng ideya, opinyon, kaisipan sa isang masining na
pagbigkas sa harap ng mga tagapakining.

2. Bakit mahalaga ang talumpati?

Mahalaga ang talumpati sapagkat nakabibigay ito ng bagong kaisipan, ideya,
impormasyon na ating magagamit sa ating buhay. Maliban dito nadadagdagan ang ating
kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay nang sa ganoon lubos natin itong maunawaan.

PAGLALAGOM: PAGLALAHAT/ SINTESIS/ PAGBUBUOD

: Ang binasang akda ay isang talumpati na tumatalakay sa pagbabago ng klima. Kaugnayan nito,
pinapaalala ang kahalagahan ng kalikasan at epekto nito sa ating buhay.

Ang Talumpati ay masining na pagbigkas sa pagbabahagi ng kaalaman, ideya, opinyon, o

kaisipan sa isang paksa. Maaring maglayong magbigay aliw, o magbigay kaalaman at iba pa. Ang
talumpati ay mayroon ding bahagi, ito ang panimula, katawan, at katapusan. Mayroon ring uri ang
talumpati maaaring, manuskrito, isinaulo o impromptu. Maraming hakbang ang ginagawa sa
paghahanda ng talumpati dahil kailangan itong pag-isipang mabuti, at ihandang masusi nang sa gayon
maibabahagi ito nang buong husay sa tagapakinig.

43
Department of Education
Division of Quirino
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School

Name of School
DBES LEARNING ACTIVITY SHEET / GAWAING PAGKATUTO
SUBJECT: FILIPINO 9
TEACHER: ________________________

Pangalan : ___________________________ Petsa: ____________________________

Baiting at Pangkat: ____________________ Iskor: ____________________________
Bilang ng linggo.:7

PERFORMANCE TASK:

A.Pagbubuo: Bumuo ng sariling talumpati (sanaysay) na nagpapakita ng pagpapahalaga at

pagmamalaki sa isang pagiging Asyano. Isaalang-alang ang mga bahagi at mga dapat tandaan.
Gawing batayan ang pamantayang nasa ibaba.
________________________________
(Paksa /Pamagat)

44
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Ang mensahe ay di-gaanong naipakita Medyo magulo ang Walang mensaheng
mabisang naipakta ang mensahe mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at malinaw Maganda ngunit di Di maganda at
napakalinaw ang ang pagkasulat gaanong malinaw Malabo ang
pagkasulat ang pagkasulat pagkasulat
Kaangkupan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang kaugnayan sa
kaugnayan sa paksa kaugnayan sa paksa kaugnayan sapaksa paksa
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di gaanong malinis Marumi ang
ang pagkakabuo pagkabuo ang pagkakabuo pagkakabuo
Organisasyon Maayos na maayos Maayos ang Hindi gaanong Magulo at Malabo
ang pagkakalahad at pagkakalhad ng maayos ang ang pagkakasunod-
pagkakasunod-sunod kaisipan o ideya pagkakalahad ng mga sunod ng mga
ng ideya o kaisipan ngunit mayronng ideya o kaisipan kaisipan.
kaunting hindi
magkaugnay na
kaisipan.

45
46

You might also like