You are on page 1of 10

Inihanda ni: Shella Mae Palma

Ang ponema ay ang pinakamaliit na yunit


ng tunog na nagpapaiba ng kahulugan. Ang
ponemang suprasegmental ay kumakatawan
sa makahulugang tunog sa bahagi ng
pananalita at sulatin sa pamamagitan ng
tono o intonasyon, diin, at antala o hinto.

Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw


na naipapahayag ang damdamin, saloobin,
at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
Ang diin ay tumutukoy sa malakas na
pagbigkas ng pantig na binigyang-diin sa
isang salita. Ang haba naman ay
tumutukoy sa haba ng pagbigkas ng salita.
Binabago ng pamamaraan ng pagbibigay-
diin at pagpapahaba ng pagbigkas ang
kahulugan ng salita.
Ginagamit ang simbolong (.) upang
matukoy ang pantig ng salita na may diin.
Ginagamit din ang malaking titik upang
makilala ang diin ng pantig.
HALIMBAWA:

/buHAY/- sa wikang Ingles ay alive


/BUhay/- sa wikang Ingles ay life

/PUno/- sa wikang Ingles ay tree


/PuNO/- sa wikang Ingles ay full
Ang tono ay paraan ng pagbigkas sa isang
salita na maaaring pagalit, marahan,
pasigaw, mahigpit, o matapang. Samantalang
ang intonasyon ay pagtaas at pagbaba ng
tinig sa pagsasalita batay sa ipinapahayag na
layunin at damdamin. Karaniwang pataas ang
tono kapag patanong at padamdam.
Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman,
at mataas na tono. Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman,
at bilang 3 sa mataas.
Halimbawa: 2
3 ha
pon
1 1
ka ka
2 3
ha pon

Sa unang halimbawa, ang nagsasalita ay


nagdududa o nagtatanong, samantalang ang
ikalawa namang halimbawa, ang nagsasalita
ay nagsasalaysay.
Iba pang mga halimbawa:

3. Masarap ang pakbet ng Ilocos? (nagdududa)

4. Ang sarap ng pakbet ng Ilocos. (nagsasalaysay)

5. Ang sarap ng pakbet ng Ilocos! (nagpapahayag ng


kasiyahan/paghanga)
Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng
pagsasalita upang higit na maging nalinaw
ang mensaheng ipinahahayag. Sa pagsulat,
sinisimbolo ng kuwit (,) ang panandaliang
paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng
pahayag.
Halimbawa:

1. Hindi, malakas ang pagbigkas niya ng tula.


Ibig sabihin malakas ang pagbigkas niya ng
tula.

2. Hindi malakas ang pagbigkas niya ng tula.


Pinatutunayang hindi malakas ang
pagbigkas niya ng tula.
Iba pang mga halimbawa:

3. Hindi siya si Jose.


Sinasabing hindi siya si Jose.

4. Hindi, siya si Jose.


Pinatutunayang siya talaga si Jose.

5. Hindi siya, si Jose.


Sinasabing hindi siya kundi si Jose raw.

You might also like