You are on page 1of 10

FILIPINO 10 Ikaapat na Markahan – Modyul 5/Linggo 5

El Filibusterismo: Si Basilio
(Kabanata 7, 23, 26, 31, 33, at 34)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN

Araw at Asignatura Kasanayang Gawaing Paraan ng Paghatid


Oras Pampagkatuto pampagkatuto
Nabibigyang-kahulugan Mula sa SLM Ang magulang ang
ang mga sagutin ang mga inaasahang kumuha
matatalinhagang sumusunod ng modyul at
Apat na FILIPINO
pahayag na ginamit sa inaatasang magpasa
Oras Sagutin ang
binasang kabanata ng ng output ng anak sa
10 Paunang
guro sa paaralan sa
nobela sa pamamagitan Pagsubok
araw ng Huwebes
ng pagbibigay ng Sagutin ang mga ang oras ay naaayon
halimbawa katanungan sa sa kanilang
F10PT-IVb-c-83 Balik-Aral seksiyon.
Natutukoy ang papel na Basahin at
Unawain ang Ang mga mag-aaral
ginampanan ng mga
lektura ng Aralin ay hinihikayat na
tauhan sa akda sa
Sagutin ang magtanong ukol sa
pamamagitan ng
gawain 1 aralin sa
pagtunton sa mga pamamagitan ng text
pangyayari, pagtukoy sa Sagutin ang message,
mga tunggaliang Gawain 2,3 messenger
naganap, pagtiyak sa
tagpuan at pagtukoy sa
wakas
F10PB-IVb-c-87
FILIPINO Naibabahagi ang Buong katapatang Pagpapatuloy ng
ginawang pagsusuri sa sagutin ang mga mag-aaral sa
10 napakinggang buod ng Paglalahat pagsagot sa mga
binasang akda batay sa gawaing iniatas.
Sagutin ang
tunggalian ng mga Pagpapahalaga
Ang mga kasama sa
tauhan,
sambahayan ang
pagkamakatotohanan ng magsisilbing gabay
mga pangyayari at tung- Sagutin ang
panapos na ng mag-aaral
galian sa bawat
pagsusulit.
kabanata ng mga tauhan
F10PS-IVb-c-86 Ibuod ang
binasang mga
Naisusulat ang buod ng kabanata
binasang mga kabanata
F10PU-IVb-c-86

1
Bago ka magpatuloy sa aralin ngayong araw, kilalanin mo muna ang ilan sa mga tauhan
ng nobelang El Filibusterismo.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Kilalanin ang mga tauhang binanggit sa sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.
______ 1. Isang maganda at mayuming dalaga mula sa Tiani, Laguna. Handang magsakripisyo
para sa mga mahal sa buhay.
A. Juli C. Paulita
B. Maria Clara D. Pepay _____
______ 2. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik
niyang paghahasik ng rebolusyon.
A. Basilio C. Makaraig
B. Isagani D. Simoun _____
______3. Estudyante ng medisina na labis na nagsikap mag-aral sa kabila ng mga kasawiang
naranasan sa buhay, ngunit sa huli ay muli ring nabigo.
A. Basilio C. Makaraig
B. Isagani D. Sandoval _____
_____ 4. Nalulong sa opyo magmula nang pumasok sa kumbento ang
kaisa-isang anak. Ang Kumupkop kay Basilio at nagpapaaral dito.
A. Don Custodio C. Padre Florentino
B. Kapitan Tiago D. Simoun
_____ 5. Kasama ni Basilio sa pangkat ng mga mag-aaral na nagsusulong sa pagtatag ng
Akademya ng Wikang Espanyol. Kasintahan ni Paulita Gomez at pamangkin ni Padre
Florentino.
A. Isagani C. Makaraig
B. Juanito Pelaez D. Sandoval

BALIK-ARAL
PANUTO: Ilapat ang mga pangyayari at tunggalian batay sa inilahad na simula sa buhay ni
Basilio.

Si Basilio sa Maynila, gutom, nanlilimahid, kalaban ang


 __________________________________________________________________________________________
 __________________________________________________________________________________________

ARALIN
Panimulang Gawain
A. Pagganyak/Pagbuhay ng Dating Kaalaman:
PANUTO: Suriin ang larawan at sabihin kung ano ang ipinahahayag nito tungkol sa isang
rebolusyon.
a. Ano kaya ang kaugnayan ng larawang ito sa araling ating tatalakayin?

2
Ang nasa larawan ay tungkol sa
French Revolution. Inilalarawan
nito ang pagbagsak ng Bastille
noong Hulyo 4, 1789.

Ang larawan ay hango sa google images

Paglalahad ng Teksto
Sa bahaging ito, iisa-isahin natin ang buod ng mga kabanata na naglalahad ng buhay ni
Basilio ngunit hinihikayat ko kayo na basahin ang buong kabanata upang maunawaan ang buong
nobela.

KABANATA 7
Si Simoun

Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig na
mga yabag. Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan. Nagtago ito at nakitang nandoon si
Simoun na mag-aalahas. Inalis nito ang kanyang salamin at nag-umpisa sa paghuhukay. Habang
pinanonood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na alaala sa kanya, labing tatlong taon na ang
nakalipas. Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at kay Elias. Nagulantang si
Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong nang makita niyang pagod at
patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay.
Nagpakilala si Basilio at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at
ni Elias kaya’t siya naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun. Binalak ni Simoun na patayin si
Basilio upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais
makapaghiganti. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng
wikang Espanyol. Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay-
pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang
pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil. Dagdag pa niya, ang
pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa di pagkakaunawaan. Taliwas naman ang
paniniwala ni Basilio.
Aniya ang Espanyol ang siyang magbubuklod sa mga pulo at makapaglalapit sa mga Pilipino
sa pamahalaan. Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio. Ani Simoun ang
wikang Espanyol kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat bayan ay may
sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito. Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio
na sumali sa kanyang planong paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila. Ngunit hindi
pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni Simoun dahil naniniwala ito na walang katapusan ang
karunungan. Ang galing ng tao ang siyang magiging paraan upang maging malaya ang lahat ng
tao.
https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-7

KABANATA 23
Isang Bangkay

Sa ikapito ng gabi ay naroon na si Simoun. Naroong umalis at bumalik nang makalawa sa


kaniyang bahay na may kasamang ibang tao. Naroong may binabantayan sa isang daang kalapit
ng kumbento ng Sta. Clara at naroong nakita ni Camaroncocido sa dulaan na may kausap na
mag-aaral. Tapat ang hangarin ni Basilio na mapagaling ang kaniyang tagapag-ampon. Ngunit

3
ipinagtataka nito kung bakit sa kaniyang panggagamot sa ospital ay dinatnan niya si Kapitan
Tiago na tulog, naglalaway, at namumutlang parang isang patay.
Hindi niya malaman kung sino ang nagbibigay ng apyan gayung si Simoun at Padre Irene
lamang ang dumadalaw dito. Nang gabing iyon ay nagsadya si Simoun sa bahay ni Basilio upang
ipaalam ang gagawing himagsikan noong gabing iyon. Nais ni Simoun na pangunahan ang isang
pulutong na gigiba ng pinto ng kumbento upang makuha si Maria Clara. Subalit huli na ang lahat
dahil si Maria Clara ay namatay nang hapon ding iyon. Sa una ay di makapaniwala si Simoun
ngunit naniwala lang ito nang may ipadala si Padre Salvi kay Padre Irene upang ipaalam kay
Kapitan Tiago ang pagkamatay ng dalaga. Halos sumabog ang puso ni Simoun sa balitang
natanggap dahil ito ang dahilan ng kaniyang paghihimagsik. Samantala’y naiwan si Basiliong
awang-awa kay Simoun.
https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-23

KABANATA 26
Ang Paskin

Maagang bumangon si Basilio dahil sa marami siyang nakatakdang gawain sa araw na iyon.
Dadalaw siya sa kaniyang mga maysakit, tutungo sa pamantasan para sa kaniyang lisensyura, at
makikipagkita kay Makaraig upang manghiram ng salapi para sa kanyang pagtatapos. Ang
malaking bahagi ng kanyang naimpok ay pinantubos niya kay Juli at pinambili ng isang maliit na
dampa para sa kanilang maglolo. Nang makarating si Basilio sa San Juan de Dios at tanungin ng
kaniyang mga kaibigan tungkol sa paghihimagsik ay napalundag si Basilio at naalala ang binalak
ni Simoun na hindi natuloy dahil sa sakunang nangyari dito. Nalaman ni Basilio na maraming mag-
aaral ang nasasangkot.
Lumayo ito sa mga nag-uusap. Sa kaniyang paglalakad ay may nakasalubong siyang isang
propesor sa klinika. Tinanong ang binata kung kasali ba ito sa piging at kung kasama ba ito sa
kapisanan ng mga mag-aaral. Pinayuhan ito ng propesor na iligpit ang anumang papel na
maaaring magdala dito sa panganib. Nalaman nitong ang dahilan ay ang pagkakalagay ng mga
paskin na may masasamang sinasabi sa pamahalaan. Ang pinaghihinalaang may kagagawan ay
ang mga mag-aaral. Nang nagtungo si Basilio sa pamantasan ay nakita niyang itinataboy ng
gwardiya sibil ang mga estudyanteng lumalabas sa paaralan. Tumuloy si Basilio sa loob ng
pamantasan. Nagtungo ito sa bahay ni Makaraig upang manghiram ng salapi nang matapos
pumunta sa pamantasan. Sa kanyang pagpasok ay may sumalubong na dalawang gwardiya sibil
at tinanong ang kaniyang pakay. Nang malamang siya si Basilio ay dinakip ito kasama ni
Makaraig.
https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-26

KABANATA 31
Ang Mataas na Kawani

Ang pahayagan sa Maynila ay naglalaman lamang ng tungkol sa nabunyag na patayan sa


Europa, pagbibigay karangalan sa mga predikador sa Maynila at sa tagumpay ng operatang
Pranses. Wala man lang nabalita tungkol sa nangyari kay Juli. Balita din ang pag-alis sa bayang
iyon ni Padre Camorra upang manirahan sa kumbento ng Maynila. Dahil sa pagsisikap ng mga
kamag-anak ng mga bilanggong mag-aaral ay unti-unti silang nakalaya. Sunud-sunod na nakalaya
ang mga mag-aaral, sina Makaraig at Isagani. Hindi pa rin nakalalaya si Basilio dahil sa
kasalanang pagkakaroon ng mga aklat na ipinagbawal.
Ipinagtanggol ng mataas na kawani si Basilio ngunit lalo iyong nakasama nang malaman ng
Kapitan Heneral na ito’y naging utusan lamang. Pinangatawanan ng mataas na kawani ang

4
pagtatanggol kay Basilio. Dahil dito, higit na naging malubha ang alitan sa pagitan ng mataas na
kawani at ng Kapitan Heneral.
https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/#Kabanata-31

KABANATA 33
Ang Huling Matuwid

Dumating na ang araw na pinakahihintay. Umaga pa lang ay abala na si Simoun sa pag-


aayos ng kaniyang mga hiyas at sandata. Kasama niya ang Kapitan Heneral sa kaniyang pag-alis.
Marami ang nagsasabi na takot si Simoun na maiwang mag-isa dahil baka raw paghigantihan siya
ng mga pinagsamantalahan at inapi. Dumating ang kahambal-hambal na si Basilio. Payat na
payat, gusot ang buhok at walang kaayusan ang damit. Lumapit siya kay Simoun at sinabing siya
ay masamang anak at kapatid. Habang nagsasalita si Basilio ay tahimik lang na nakikinig si
Simoun. Kung noong una’y ipinagkait ni Basilio ang tulong kay Simoun, ngayon ay handa na itong
sumama at tumulong dahil sa utang nito kay Simoun ang kaniyang kalayaan. Biglang napawi ang
pag-aalinlangan ni Simoun dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang kaniyang hinahanap.
Isinama ni Simoun si Basilio sa kaniyang laboratoryo. Inilabas nito ang isang lampara na may
katangi-tanging itsura. Matapos na maalis ang ilawan ay inilantad ang loob ng sisidlan. Nagulat si
Basilio at napaurong sa takot nang makita niyang nitrogliserina ang laman. Ayon kay Simoun, sa
gabing iyon ay maririnig ng Pilipinas ang putok na dudurog sa mga maniniil at sa mga
mapagsamantalang nagkukubli sa simbahan at pamahalaan.
Pagkatapos ay inayos na muli ni Simoun ang lampara. May bagay na itinurnilyo siya roon.
Sinabi ni Simoun na ang lamparang iyon ay ilalagay sa gitna ng isang kioskong kakainan sa
pistang gaganapin din sa gabing iyon. Ang lampara ay may maningning na liwanag, pagkaraan ng
dalawampung minuto ay unti-unting mawawala ang liwanag nito. Kapag may nagtangkang itaas
ang mitsa nito ay puputok nang
malakas. Si Simoun at Kabesang Tales ay magkikita sa siyudad upang iyo’y kunin habang sina
Basilio na nasa arabal ay tatayo sa mga tulay upang saklolohan sila. Kinuha ni Simoun ang isang
rebolber at iniabot ito kay Basilio. Nagbilin si Simoun na maghintay sa tapat ng simbahan ng San
Sebastian sa ganap na ikasampu para sa susunod na utos. Matapos siyasatin ni Basilio ang
armas ay agad itong itinago sa kaniyang bulsa.

https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod/# KABANATA 33

KABANATA 34
Ang Kasal

Nasa daan na si Basilio ikapito pa lang ng gabi. Wala siyang mapuntahan at ginugulo ng
lampara ang kaniyang isip. Nang mga sandaling iyon ay may dumaan sa harap niyang sunud-
sunod na sasakyan. Sa isang karuwahe ay nakita niya ang bagong kasal. Naawa si Basilio kay
Isagani. Makalipas pa ang ilang oras ay naiinip na si Basilio sa mabagal na takbo nito. Nakita ni
Basilio na lumabas si Simoun sa bahay bitbit ang lampara. Nakita rin niya ang kutsero ng
karuwaheng sinasakyan nito na walang iba kundi si Sinong. Maliwanag ang dating bahay ni
Kapitan Tiago. Dinig din ang masasayang tunog na gawa ng orkestra, ang mga tawanan at
salitaan ng mga tao sa loob. Malaki na ang pinagbago ng dating bahay ni Kapitan Tiago.

5
PAGSASANAY 1:
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Ipaliwanag ang iyong pagkakaunawa
sa pangyayaring naganap sa nobela. Iugnay ito sa mga pangyayari sa kasalukuyan.

1. “… iba’t ibang anyo ng kasakiman ang namasid kong nakapangyayari – kubli, hayag, malupit
parang lawing nagpapasasa sa isang bangkay.”
___________________________________________________________________________ _
2. “Namamana ng mga anak ang paraan ng pag-iisip mabuti man o masama. Magkatotoo sana
ang iyong kaisipan ukol sa masayang buhay, mabuhay nawa ang panaginip ng alipin na humihingi
lamang ng basahan para maipambalot sa kadena niya para hindi makalikha ng ingay o masaktan
ang balat.” ____________________________________________________________________
3. “Hindi mo ba naiisip na ang buhay na hindi ginugol sa dakilang kaisipan ay walang kabuluhan?
Ito ay maliit na batong napawalay sa halip na nakabuo sa pagtatayo ng gusali.”
_____________________________________________________________________ _______
Rubriks sa Pagwawasto
5 puntos – Malinaw at napapanahon ang kaisipang nais iparating at maayos na naorganisa ang mga
salita sa pangungusap.
4-3 puntos – Malinaw at napapanahon ang kaisipang nais iparating ngunit hindi organisado ang
paggamit ng mga salita.
2-1 puntos – Malinaw ngunit hindi napapanahon ang kaisipang nais iparating

PAGSASANAY 2:
PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangyayari. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 upang
maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kanyang buhay.

a. Inaglahi si Basilio ng mga taong kanyang nakasalamuha sa paaralan dahil sa aba


niyang kalagayan at kakaiba niyang bihis at anyo.
b. Naging aliping walang bayad ni Kapitan Tiyago si Basilio kapalit ng libreng
pagpapaaral nito sa kaniya.
c. Inilipat siya ni Kapitan Tiyago sa Ateneo kung saan siya naging matagumpay sa
kanyang pag-aaral.
d. Lumuwas ng Maynila si Basilio at halos magpatiwakal sa hirap na naranasan.
e. Binigyan ng salapi si Basilio ng di kilalang lalaki pagkatapos nilang magkatulungan
sa may kagubatan.

PAGSASANAY 3

PANUTO: Gamit ang Ladder Organizer, ilahad ang mga pangyayari, tunggalian, at lugar na
pinangyarihan upang mailarawan ang buhay ni Basilio.

Si Basilio bilang kasintahan, kaibigan at kalaban ng lipunan,


Wakas  ________________________________________________________________
 ________________________________________________________________

Si Basilio sa Ateneo

Gitna  ____________________________________________________
___________
 ____________________________________________________ 6
Si Basilio sa kagubatan, kalaban ang lipunan nang sila ay
Simula maparatangan at ang bunga ng kasawian ng kanyang magulang,
 _________________________________________________________
_______

PAGLALAHAT
PANUTO: Ipaliwanag ang binitiwang pahayag ni Nicollo Machiavelli na “The end justifies
the means and might makes right”. Sumasang-ayon ka ba rito? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Sagutin ang tanong.
Kung ikaw ay isang mag-aaral na may natatago palang talento at galing, ano ang gagawin mo
upang maipakita mo ito at magtagumpay tulad ni Basilio? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
ISAGAWA
Pumili ng isang kabanata sa buhay ni Basilio at buoin ang balangkas ng kabanata sa tulong ng
graphic organizer.

Pamagat

Mga tauhan Simula Tunggalian


Kasukdulan Wakas
an

RUBRIKS SA PAGWAWASTO
5 puntos – Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa kabuuan ng mga
talata. Maayos na naibigay ang mga hinihinging tala.
4-3 puntos – Hindi sunod-sunod ang pagkatala ng mga pangyayari sa kabanata.
2-1 puntos – Wala sa ibinigay na kabanata ang mga pangyayaring itinala.

RUBRIKS

7
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang.
___1. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “ngayong pudpod na ang parang, lilipat sa iba
ang baling.”
A. Maraming dumadayo sa parang.
C. Walang pumapansin sa kaparangan.
B. Walang nabubuhay na damo sa kaparangan.
D. Di na pinapansin ang isang bagay na wala ng pakinabang
___ 2. Bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio kahit na alam nito ang kanyang lihim?
A. Naaawa siya dahil pareho na silang ulila.
B. May utang na loob siya sa magulang nito.
C. Naaawa siya dahil sa hirap na pinagdaanan nito.
D. Nais niyang maging kakampi ito sa paghihimagsik.
___ 3. Naging marangal ang kanyang puso at nagpamalas ng hindi pagkiling.
A. Basilio C. Mataas na Kawani
B. Isagani D. Simoun
___ 4. May masamang kutob na si Juli subalit nagpatuloy pa rin siya sa pagpunta sa kumbento
sapagkat _________
A. nais niyang makalaya si Basilio. C. natatakot siya kay Padre Camorra.
B. nagtiwala siya kay Hermana Bali. D. naniwala siya na makikinig ang pari.
____ 5. Ano ang nais patunayan ng pagbibitiw ng Mataas na Kawani sa kanyang tungkulin?
A. Di niya kaya ang trabaho. C. Makahahanap siya ng ibang trabaho.
B. Natakot siya sa Kapitan Heneral. D. Nananangan sa tunay na katarungan.

8
Sanggunian:
Kung may katanungan maaaring
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng magtext/tumawag sa mga sumusunod na
Pilipinas, Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Vibal
guro:
Group, Inc.: Pasig City, 2015
Marasigan, Emily V., Pinagyamang Pluma,
Analyn B. Pojas- 09308130943
Feliciana D. Enriquez- 09103376469
Alinsunod sa K-12 Curriculum, Aklat 2, El
Bernardo M. Viaña- 09778315294
Filibusterismo. Phoenix Publishing House, Inc.:
Jackielyn S. Ortal - 09389342659
Quezon City, 2016

Susi sa Pagwawasto (Si Basilio)

Paunang Pagsusulit Pagsasanay 2 Panapos na pagsusulit


1.A 1.5 1.D
2.D 2.4 2.D
3.A 3.3 3.C
4.B 4.2 4.A
5.A 5.1 6.D

9
10

You might also like