You are on page 1of 22

109

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 5
ANG MGA KAISIPANG LUTANG SA AKDA
(Sa Ilalim ng Kubyerta, Sa Bahay ng mga Estudyante, Ginoong Pasta,
Ang Palabas, Ang Prayle at Ang mga Pilipino, Ang Piging at Ang Hiwaga)
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Ang mga Kaisipang Lutang sa
Akda Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gelyn I. Inoy
Editor: Gelyn I. Inoy, Rico C. Tañesa
Tagasuri: Christopher D. Montecino, Dustin Kieth P. Jagunos, Corazon N.
Ras, Freddie E. Ebañez, Rico C. Tañesa, Gelyn I. Inoy
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Ang mga Kaisipang Lutang sa Akda!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Ang mga Kaisipang Lutang sa Akda!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad


ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang


iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Binabati kita dahil maluwalhati mong natapos ang mga naunang


modyul ng El Filibusterismo. Natiyak kong, nakilala mo nang lubusan ang
karamihan sa mga tauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal pati na ang ilan sa
kanyang mga paniniwala.
Sa pagkakataong ito, isa na namang modyul ng El Filibusterismo
ang pag-aaralan mo. Bukod ni Dr. Jose Rizal, makikilala mo rito ang iba
pang mga tauhan at kung paano ipinakita ng ating pambansang bayani
ang kanyang galit laban sa mga mapaniil at mapang- abusong kastila.
Malalaman mo rin dito ang mga kahayupang ginawa ng mga kastila at iba
pang sakit ng lipunan na nais ipamulat sa atin ni Dr. Jose Rizal.
Malalaman mo ang lahat ng ito, kung uunawain mo ang mga kabanatang
nakapaloob sa modyul na ito tulad ng Kabanata II – Sa Ilalim ng Kubyerta,
Kabanata XIV – Sa Bahay ng mga Estudyante, XV – Si Ginoong Pasta,
Kabanata XXII –Ang Palabas, Kabanata XXVII- Ang mga Prayle at Ang
Pilipino at Kabanata XXXVII – Ang Hiwaga.

Tiyak na magugustuhan mo ang mga kabanatang ito dahil


mamumulat ka sa tunay na kalagayan ng mga Pilipino noong Panahon ng
Kastila at bukod pa riyan may mga gawaing sadyang ginawa ko para sa
iyo, mga gawaing tutulungan kang malinang ang iyong kakayahan.
Kasabay nito, maaari mong maiugnay ang mga dati mo nang alam, pati
ang iyong karanasan sa bagong kaalamang makukuha mo rito.
Huwag kang mabahala. Madali lamang ang mga gawain sa modyul
na ito. Maniwala ka, kaya mo ito kaya magsimula ka na.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1
MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa akda;


2. Nakasusulat ng isang tula hinggil sa mga mahahalagang kaisipang o
mensaheng nakapaloob sa akda;
3. Nakabubuo ng paglalarawan ng buhay ng mga Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila; at
4. Napalalakas ang pagmamahal sa Diyos, bayan, kapwa-tao at sa
magulang.

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod tanong at pahayag.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno o sagutang papel.

1. Ang tanging nag-iisip sa Pilipinas.


A. Simoun B. Isagani C. Basilio D. Benzayb
2. Ang mga nasa ibaba ng kubyerta ay nangakaupo lamang sa ____.

A. bangko B. papag C. silya D. kama


3. Bakit agad na umalis si Mr. Leeds sa kabila ng kanyang pagtatanghal?

A. natakot kay Padre Salvi C. natapos na ang palabas


B. luluwas siya sa hongkong D. natuklasan ang kanyang lihim
4. Ayon kay Isagani, ang taong pinagkakaitan ng katotohanan ay tinuturuan ng

___.
A. katarungan B. kabutihan C. kasinungalingan D. katatagan
5. Sinabi ni Padre Fernandez na ang karunungan ay para lamang sa mga _____.

A. kastila C. masunurin
B. karapat-dapat magtamo nito D. matalino
2
Para sa bilang 6-8

Sa itaas ng kubyerta ay naroroon ang mga Europeo, mga prayle at matataas


na tao at sa ilalim ng kubyerta ay makikita ang mga Pilipino, mga kalakal at ang
mainit na makina

6. Batay sa binasang pahayag, ang dalawang pangkat ng mga manlalakbay


ay sumisimbolo sa_____.
A. pagkakaiba-iba sa lipunan C. pakikipaglaban ng mga Pilipino
B. kahirapan ng buhay ng mga mamamayan D. pagmamalupit ng mga kastila

7. Ano ang tawag sa mga taong nasa ilalim ng Kubyerta?


A. maharlika b. indiyo c. kastila D. makapangyarihan

8. Sa tingin mo, ano ang masasalalim natin sa Pilipinas noon sa panahon ng


mga Kastila?
A. makapangyarihan ang mga prayle
B. mababa ang tingin ng mga Pilipino sa sarili
C. magkaiba ang katayuan ng mga tao sa lipunan
D. nakahihigit ang mga taong may kapangyarihan

9. Ang Bapor Tabo ay sumasagisag sa__________.


A. uri ng sasakyan noon
B. tiwaling pamamahala noon
C. pananaw ng kastila sa mga Pilipino
D. pagwawalang-bahala ng pamahalaan

Para sa Bilang 10-11


Ang tubig ay matabang at maiinom, ngunit lumulunod sa alak at serbesa at
pumapatay ng apoy, na kapag pinainit ay sumusulak, nagiging malawak
na dagat at gumugunaw ng santinakpan.

10 Batay sa binasang pahayag, anong kaisipan ang nais iparating ni Isagani ukol
dito? A. tunay na nakamamatay ng apoy ang tubig
B. maaaring maghimagsik ang mga Pilipino lalo na’t silay magkaisa
C. tubig ang maaaring magamit upang matighaw ang uhaw ng mga tao
D. bawat damdamin ay maaaring pagalitin upang magkaroon ng paglalaban

11. Ano ang sinisimbolo ng salitang tubig sa pahayag?


A. inumin B. damdamin C. kapangyarihan D. kalinisan
12. Nangingilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun dahil sa _____.

A. ito ay mayaman C. kaibigan nito ang Kapitan Heneral


B. ayaw nila ng alahas nito D. tutol ito sa kanilang panukala

13. Naniniwala si Simoun na_____________.


A. ang tubig ay pumapatay ng apoy
B. ang mga Pilipino ay mahilig sa alahas
C. ang bapor Tabo ay daong ng pamahalaan
D. kaya niyang lutasin ang problema ng Ilog Pasig

3
14. Sinabi ni Simoun na ang “sama ay nasa mga tulisan sa loob ng bayan
at lungsod.” ipinahihiwatig niya na _________
A. masasama ang mga Prayle C. dapat mag-ingat sa lungsod
B. may mga tulisan sa lungsod D. dapat mag-ingat ang mga Prayle

“Kapag may mga uban na ako na tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at
makita kong gumawa ako alang- alang sa sarili lamang, hindi ginhawa at ang
nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga
mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging
tinik sa akin ang bawat uban at sa halip na ikaluwalhati ko’y dapat kong ikahiya”,
‘ani Isagani.

15. Paano ginamit ng nagsasalita ang uban upang ipahayag ang kanyang saloobin?
A. ipahiya si G. Pasta C. natakot na magkaroon ng uban
B. paghahambing nito sa tinik D. paggamit upang imulat ang kausap

TUKLASIN

Panuto: Buuin ang mga ginulong salita na nasa loob ng kahon upang makilala mo
ang mga tauhan at malalaman mo ang papel na kanilang ginagampanan sa
akdang iyong pag-aaralan.

Unismo Gemakara seledrm oibasly

Ganisia gnoiong atsap inotaju ealzep

1. Anong mga salita ang iyong nabuo? Kilala mo ba sila?

2. Ano ba ang papel na kanilang ginagampanan sa akda? Mahalaga ba


ito? Bakit?

4
SURIIN

Handa ka na ba? Basahin mo at alamin ang paksa.

Kabanata 2: Sa ilalim ng Kubyerta

Sa ilalim ng Kubyerta ay naroon naman sina Isagani, Basilio, Kapitan Basilio


na kasama ang mga maleta, bagahe, mga alagang manok at iba pang mga kalakal.

Pinag-uusapan naman dito ang tungkol sa binabalak nilang pagtatayo ng


Akademya ng Wikang Kastila na ang magtuturo’y kalahating Pilipino at kalahating
Kastila at ang bahay na gagamitin ay kay Makaraig, hanggang sa madako ang
usapan kay Paulita Gomez at Donya Victorina, hanggang sa dumating si Simoun
na nagsabing di makabibili ng alahas at hindi pa niya nararating ang bayan nina
Basilio sapagkat ang lalawigang ito ay mahirap at di makabibili ng alahas. Waring
dinaramdam ito ni Isagani kaya nagwikang hindi nila kailangan ang hiyas.

Habang nag-uusap, inanyayahan ni Simoun na uminom ng serbisa ang


dalawang estudyante ngunit tumanggi ang dalawa. Nawika tuloy ni Simoun ang
sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ito ng
tubig at hindi serbesa. Kaagad itong sinagot ni Basilio na kung siya ay iinom ng
tubig, sa halip na serbesa, sila ay magtatagumpay at walang maririnig na
alingasngas at dinagdag pa ni Isagani na ang tubig ay matabang at naiinom,
ngunit nakapapawi ng alak at serbesa at pumapatay ng apoy, kapag pinainit ay
nagiging singaw, kapag pinagalit ay nagiging dagat na malawak at minsang
nagwasak ng sangkatauhan at nagpayanig sa buong daigdig.

Lihim na humanga si Simoun at natigil ang usapan nang dumating ang


isang utusan upang tawagin si Isagani. Siya ay pinatawag ni Padre Florentino. Di
umano, ang paring ito ay anak ng mayamang angkan na nagpari dahil sa pangako
sa kanyang ina, kahit na siya ay may kasintahan. Si Isagani ay inaruga niya na
ayon sa ibang matatabil ang dila ay anak niya sa dating katipan nang ito’y mabalo
at ayon sa iba ay anak ng isang pinsan babae sa Maynila.

Kabanata 14: Isang Tahanan ng mga Mag-aaral

Ang bahay ni Makaraeg ay malaki at mayroong dalawang palapag. Tahimik


dito tuwing umaga at magulo pagsapit ng hapon.

Unti-unting napawi ang ingay nang magsidatingan ang mga kamag-aral na


inanyayahan ni Makaraeg upang ibalita ang nilalakad nilang akademya ng wikang
Kastila.

5
Unang dumating si Isagani at Sandoval. Sumunod sina Pecson at Pelaez.
Dumating si Makaraeg dala-dala ang magandang balita.

Sinabi niya ang pakikipag-usap ni Padre Irene sa Kapitan Heneral. Ibinalita din
niya ang pagsalungat ni Don Custodio sa planong akademya ng wikang Kastila.
Nakaisip sila ng dalawang paraan kung paano nila mapapapayag si Don Custodio.

Una ay paki-usapan si Ginoong Pasta, isang manananggol na


pinangangayupapaan ng Don, ikalawa ay si Pepay na isang mananayaw.
Napagkaisahan ng lahat na unang kausapin si Ginoong Pasta dahil ayon kay
Isagani kailangang maging marangal ang kapamaraanang gagawin nila.

Kabanata 15: Ginoong Pasta

Nagtungo si Isagani sa bahay ni Ginoong Pasta upang ito ay hikayatin na


sumang-ayon sakaling sumangguni si Don Custodio dito. Ngunit ito ay nabigo
dahil napagpasyahan na ng ginoo na huwang makialam sa panukala.

Ayon sa kaniya ay kailangan niyang maging maingat dahil siya ay


maraming pagmamay-ari kung kaya’t kailangan niyang kumilos ng ayon sa batas.

Pag-alis ni Isagani ay naiwang nag-iisip si Ginoong Pasta. Siya ay humanga


sa katalinuhan at estado ng pag-iisip ni Isagani ngunit para sa ginoo ito ay kaawa-
awa.

Kabanata 22: Ang Palabas

Punong-puno ng tao ang dulaan. Huli na ng labinlimang minuto bago


nagsimula ang palabas dahilan bakit di na napigilang mag-ingay ng mga tao.

Ang mga mag-aaral ay nakapuwesto sa palkong katapat ng kinalalagyan ni


Pepay. Ipinuwesto din malapit dito si Don Custodio upang mapasang-ayon ito.

Nang hapon ding iyon ay sumulat si Pepay at tinipan si Don Custodio, kaya
hindi naiwasan nitong di dumalo sa dulaan.

Masaya ang lahat maliban kay Isagani sapagkat nakita niya si Paulita na
kasama si Juanito Pelaez.

Habang nagpapatuloy ang palabas ay patuloy ding sinasalin ni Tadeo sa


Kastila ang mga salitang Pranses. Ganun din si Pelaez sa magtiyahing kasama niya.

Sinang-ayunan na ni Padre Irene ang kahilingan ng mga mag-aaral na


magtayo ng akademya ngunit sasailalim pa ito sa isang korporasyon kung sakaling
hindi iibigin ng mga Dominikanong masama ang akademya sa Unibersidad.

Kakasimula palang ng ikalawang bahagi ng palabas nang nagtayuan at


lumabas ang mga mag-aaral.

6
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino

Kasalukuyang nagsasalita sa mga kaibigan nito si Isagani nang siya ay


ipatawag ni Padre Fernandez. Dinatnan niyang malungkot at nakakunot ang noo
ng pari nang ito’y pumasok sa silid.

Agad naman itong tumindig nang makapasok si Isagani. Ayon sa pari,


narinig niya itong nagsasalita. Itinanong ng pari kung kasama ba si Isagani sa
nangyaring hapunan, hindi naman itinatwa ito ng binata.

Pinuri ng prayle ang binata dahil sa pagkakaraon ng sariling panghulo. At sa


lahat ng mag-aaral na kaniyang nakasalamuha ay isa si Isagani sa mga kakaunting
mag-aaral na nakakapagsalita ng tapat o harapan kung sila ay pinupulaan.

Ayon kay Isagani, hindi ang mga mag-aaral ang may kasalanan kundi ang
mga gurong nagtuturo sa kanila ng pagbabalatkayong ugali. Sinabi ng pari na
malayang makapaglahad ng anuman si Isagani nang walang pag-uusig, bagkus ay
itinatangi pa niya ito.

Dahil sa mga sinabi ng pari ay napangiti si Isagani. Nagpasalamat ito at


sinabing natatangi din ang pari. Sa kadahilanang ang pag-uusap ay di lamang
tungkol sa kanilang sarili, minabuti nilang ibahin na ang usapan.
Tinanggap ni Padre Fernandez ang paraan ng pakikipag-usap ni Isagani. Sinabi
nitong kausapin siya bilang isang guro at hindi prayle, habang kakausapin din si
Isagani ng pari bilang isang mag-aaral.

Dahil dun, tinanong ng pari si Isagani kung ano ang nasa sa kanila ng mga
mag-aaral na Pilipino. Nabigla ang binata sa tanong ng pari kaya pabigla din itong
sumagot.

Ninanasa nilang magsitupad ang mga prayle sa kanilang mga kautangan.


Dahil aniya tungkulin ng mga prayle na pabutihin ang mga bata at mabigyan ang
mga ito ng maayos na bayan.

Muling nangahas na magtanong si Isagani sa pari kung tinutupad nga ba ng


mga prayle ang gayong tungkulin. Agad namang sumagot ang prayle at sinabing
siya’y tumutupad, ngunit hinadlangan naman ito ng binata. Ani Isagani maaaring
tinutupag nga ni Padre Fernandez ang kaniyang tungkulin ngunit ang kalipunang
prayle ay hindi.

Dagdag ni Isagani, nagkakaisa ang mga prayle at ang pamahalaan upang


mapanatiling mangmang ang mga Pilipino. Sinabi pa niya na kung ano ang mga
Pilipino ay dahil iyon sa kagagawan ng mga prayle. Ramdam ni Padre Fernandez
ang lahat ng mga tugon ni Isagani.

Noon lamang niya naranasan na talunin ng isang mag-aaral na Pilipino.


Dahil sa kagipitan, sinabi ng pari na ang pamahalaan ang taga-utos at sila’y
tagasunod lang. Upang mapaikli at malusutan ng pari ang usapan, nagtanong ito
kung ano ang ibig ng mga mag-aaral na gawin ng mga prayle para sa kanila.

7
Ang sagot ni Isagani ay tumulong at huwag tumutol sa kalayaan ng mga ito.
Ani Padre Fernandez ang hinihiling ng binata ay katumbas ng kanilang
pagpapatiwakal.

Nagpatuloy pa sa pag-uusap ang dalawa hanggang sa nangako itong


sasabihin sa mga kaparian ang mga sinabi ng binata.

Kabanata 35: Ang Pista

Mag-iikapito na ng gabi nang magsimulang magsidatingan ang mga panauhin.


Nandoon ang ibanag panauhin nang dumating ang bagong kasal kasama si Donya
Victorina. Huling dumating ang Kapitan Heneral kasama ang asawa nito.

Habang nagsasaya ang lahat, si Basilio naman ay nasa harap ng tahanang


iyon at pinapanood ang mga panauhin.
Nakaramdam ng awa si Basilio sa mga taong walang sala, ngunit nang makita nito
si Padre Salvi at Padre Irene ay muling nagsiklab ang kaniyang kalooban.

Maya-maya pa’y dumating ang karuwaheng sinasakyan ni Simoun. Bumaba


ito dala-dala ang lampara at pumanhik ng bahay. Marami ang pumalibot kay
Simoun upang bumati at marami din ang humanga sa dala nitong lampara.

Muli na namang umiral ang kabaitan ni Basilio. Naisip niyang iligtas ang
mga walang kasalanan kung kaya’t sinubukan nitong pumasok sa bahay ngunit
hinarang naman ito ng mga bantay dahil sa karumihan ng kaniyang damit.

Ilang sandali pa ay bumaba na si Simoun sa bahay. Nakita ni Basilio na


ito’y paalis na kaya’t nangatal ito sa takot at lumayo sa tahanang iyon.

Nang papalayo na ay nakita nito si Isagani. Nakiusap si Basilio na sumama


ito sa kanya ngunit hindi ito pinansin. Walang magawa si Basilio kundi sabihin ang
totoo kay Isagani.

Hindi naman sumama si Isagani kaya mag-isa nalang itong lumayo. Nang
mapansin ni Isagani na totoong takot si Basilio ay mabilis itong nagpasiyang
lumabas ng bahay dahil sa pag-aakalang totoo nga ang magaganap na pagsabog.

Samantala, sa lansangan ay may isang papel na may titik na tintang pula


ang nagpalipat-lipat sa kamay ng mga mataas na panauhin.

Nang itanong ng Kapitan Heneral kung sino iyon ay sumagot si Don


Custodio. Aniya’y iyon ay napakasamang biro, sapagkat ang nakalagda sa papel
ay ang sulat kamay na pangalan ni Juan Crisostomo Ibarra, ang pilibusterong
mahigit sampung taon nang namatay.

Marami ang natakot. Kahit iniutos ng Kapitan Heneral na ipagpatuloy ang


pagkain ay walang nangahas dahil sa takot na baka malason. Nangungulimlim na
ang ilaw sa lampara. Ipinataas ng heneral ang mitsa kay Padre Irene.

8
Ngunit ng mga sandaling iyon, sa isang kisap-mata ay may pumasok na
anino at dali-daling sinunggaban ang lampara sabay tapon nito sa ilog. Maliksi ang
anino. Bago pa man magkailaw muli ay nakalundag na ito sa ilog.

Kabanata 37: Ang Hiwaga

Kumalat ang balita sa madla bagaman ito ay pilit na nililihim. Ang lahat ay
nakikinig sa mga kuwento ni Chichoy.

Aniya, nung siya’y maghatid ng hikaw kay Don Timoteo para sa bagong
kasal ay napansin niyang ginigiba ang kiosko at nakita din nito ang mga bayong ng
pulburang nasa ilalim ng lamesa, sa bubong, at sa mga suluk-sulok. Mamutla-
mutla si Chichoy habang ibinabalita niya ang nakita.

Si Momoy na ilan din sa mga dumalo ay natakot sa mga narinig. Ayon kay
Ginoong Pasta maaaring ang may gawa noon ay taong may galit kay Don Timoteo
o di kaya’y kaagaw ni Juanito kay Paulita.

Napatingin ang mga dalaga kay Isagani dahil batid ng lahat na siya ang
dating kasintahan ni Paulita.

Pinayuhan ni Kapitan Loleng na magtago si Isagani dahil baka raw ito


pagbintangan. Ang binata ay di sumagot, sa halip ay ngumiti lang.

Hindi malaman ni Don Custodio kung sino ang may gawa noon gayong sila
lang ni Simoun ang namamahala sa piging.

Ayon kay Kapitan Toringgoy, maaaring ang mga prayle, o si Quiroga o si


Makaraeg ay may kagagawan nun.

Nagulat ang lahat nang umiling Chichoy at sinabing si Simoun ang


naglagay ng bayong na puno ng pulbura.

Naalala din ni Chichoy ang di-kilalang nagnakaw sa lampara. Anito mabilis


na tumalon sa ilog at walang makakapagsabi kung iyon ba ay isang Kastila, Intsik,
o Indio.

Noon lamang nagsalita si Isagani. Aniya hindi mabuti ang kumuha ng hindi
kaniya. Kung nalaman lang sana ng magnanakaw ang pakay ay hindi niya
kukuhanin ang lampara.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong mga kaisipan ang tumatak sa iyong puso’t isipan mula sa mga
akdang nabasa?
2. Bakit mahalaga ang mga kaisipang napulot mo mula sa akda?
3. Paano mo isasabuhay ang mga kaisipang ito?

9
PAGYAMANIN

Panuto: Gamit ang iyong imahinasyon, hayaan mong maglakbay ang iyong isipan
at bumuo ka ng isang senaryo o larawan ng Pilipinas noong ito ay nasa ilalim pa
ng mga mapaniil na mananakop. Maaaring ito ay isang larawang-guhit o simbolo
hinggil sa mga kaisipang nakapaloob sa akda.

10
ISAISIP

Ang nagaganap sa bawat kabanata ng El


Filibusterismo ay masasalamain sa mga
kasalukuyang nangyayari sa bansang
kinabibilangan natin tulad na lamang ng
diskriminasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa
ring namamayagpag na ang mga mahihirap ay
lalong naghihirap at naaapakan ngunit, nais ng
May-akda na hindi dapat nating hahayaan ang mga
mapang-api na tayo ay aapihin at tatapak-tapakan.
Dapat kikilos tayo ng sabay-sabay at iisa upang
tagumpay at kaunlaran ay makamtam. Higit sa
lahat, iwasan ang maghiganti dahil hindi ito ang
lunas sa sakit ng kahapon.

ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng 1-3 saknong na tula hinggil sa mga kaisipang lutang o mensaheng
nakapaloob sa akdang tinalakay. Maaaring ang paksa ay tungkol sa pag-ibig sa kapwa,
bayan, Diyos, pamamalakad ng pamahalaan o kabuluhan ng edukasyon o iba pa.
Pamantayan sa Pagsulat at Pagwawasto ng Tula
Kompleto ang Kulang ang mga Hindi nakitaan ng
Nilalaman mga impormasyong mga impormasyong
impormasyong inilahad. inilahad.
inilahad.
Napakahusay ng Mahusay Hindi malinaw ang
pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakasunod-
Organisasyon sunod ng mga sunod ng mga sunod ng mga
detalyeng detalyeng detalyeng inilahad.
inilahad. inilahad.
Walang mali sa May ilang mali sa Halos lahat ng salita
pagkagamit ng pagkagamit ng ay mali sa paggamit
mga salita at sa mga salita at sa at pagbaybay. Hindi
Wastong gamit pagbaybay nito. pagbaybay nito. nakitaan ng
ng mga salita Gumamit ng mga Hindi masyado paggamit ng mga
at pagbaybay pang-ugnay sa gumamit ng mga pang-ugnay sa
\ pagbuo ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga
pangungusap. pagbuo ng mga pangungusap.
pangungusap.
Kabuuan

11
TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong at pahayag.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Para sa bilang 1-3


“Kapag may mga uban na ako na tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at
makita kong gumawa ako alang- alang sa sarili lamang, hindi ginhawa at ang
nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga
mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging
tinik sa akin ang bawat uban at sa halip na ikaluwalhati ko’y dapat kong ikahiya”,
‘ani Isagani.

1. Ano ang sinisimbolo ng uban ayon sa binasang pahayag?


A. puting buhok ng abogado
B. pamamahala ni G. Pasta bilang isang pinuno
C. gawaing ginawa ni G. Pasta bilang mamamayan
D. tungkulin ni G. Pasta bilang mamamayan sa bansa

2. Batay sa pahayag, bakit kaya ito nasabi ni Isagani kay G. Pasta?


A. dahil sa pagiging makasarili ni G. Pasta
B. dahil hindi sila tinulungan sa kanilang kahilingan
C. dahil takot si G. Pasta para sa kanyang sarili at ari-arian
D. lahat ng nabanggit

3. Paano ginamit ng nagsasalita ang uban upang ipahayag ang kanyang


saloobin?
A. ipahiya si G. Pasta C. pagkatakot na magkaroon ng uban
B. paghahambing nito sa tinik D. paggamit upang imulat ang kausap

Para sa bilang 4-5


Ikawalo’t kalahati ang takdang pagsisimula ng palabas ngunit kulang
lamang ng labinlimang minuto sa ikasiyam ay hindi pa itinataas ang tabing dahil
hindi pa dumarating ang Kapitan Heneral.

4. Anong kaispan ang angkop sa pahayag na nabanggit?


A. dapat simulan kaagad ang mga bagay-bagay
B. agahan ang anumang gawain para matapos kaagad
C. dapat na hindi mahuhuli ang mga panauhing pandangal
D. ginto ang oras na hindi dapat sayangin kaya disiplina ang kailangan
sa anumang galaw o gawain

5. Anong katangian mayroon ang Kapitan Heneral?


A. responable C. mabait
B. mapagsawalang-bahala D. mabuting heneral

12
Para sa bilang 6

“Hubugin at palusugin ang mga binhi, palakihin sila sa buhay na maligaya…

6. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag?


A. Tuturuan ng mabubuting -asal ang mga kabataan nang sa gayon
lumaki sila na mga mabubuting tao
B. Magiging malusog ang mga kabataan kung aalagaan nang maayos
ng kanilang mga magulang
C. Huhubugin ang mga kabataan upang paglaki nila, sila’y magiging
maligaya
D. Dapat ang mga kabataan ay lumaking masaya

Para sa bilang 7-9

Nang malaman ni Isagani ang planong paghihiganti ni Simoun hindi siya nag
atubiling pigilan ang planong ito upang walang masasaktan.
Lumabo ang ilawan at iminungkahi ng Heneral na itaas ang mitsa ngunit
may mabilis na pumasok at itinapon ang lampara sa ilog.

7. Anong mensahe ang mapupulot mo mula sa pahayag?


A. hindi kailanman huli upang maging mabuti at gumawa ng tama
B. mananaig ang kabutihan kaysa kasamaan
C. ang paghihiganti ay hindi paraan upang sakit ay maibsan
D. lahat ng nabanggit

8. Ano ang sinisimbolo ng salitang lampara na ginamit sa akda?


A. ilawan B. galit C. bomba D. pulbura

9. Bakit kaya naisipan ni Isagani na itapon ang lampara sa ilog?


A. dahil nais niyang magiging bayani
B. dahil nais niyang maisalba ang buhay ni Paulita
C. dahil gusto lang niyang itapon ang lampara sa ilog
D. dahil di siya payag sa masamang plano ni Simoun

Para sa bilang 10-11


Pinaplano nila ang pagsali sa kanilang panig nina Don Custodio, G.
Pasta at Pepay, isang mananayaw na kaibigan ni Don Custodio sa
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

10. Ano ang layunin ng mga mag-aaral sa pagpapasali nila kina Don Custodio,
G. Pasta at Pepay sa planong pagpapatayo ng Akademya ng Wikang
Kastila? 1. para makuha ang kanilang gusto
2. para may tutugon sa kanilang pangangailangan
3. upang matulungan silang maitayo ang Akademya ng Wikang Kastila
4. para may magbabayad sa gastusin sa pagpapatayo ng Akademya ng
Wikang Kastila

13
11. Ano ang magagawa o maitutulong ni Pepay sa planong pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila?
1. siya ang kakausap ni Don Custodio para maipatayo ang Akademya ng
Wikang Kastila
2. siya ang maghahandog ng sayaw para sa pagbubukas ng Akademya
3. siya ang magbibigay- aliw kina G. Pasta at Don Custodio
4. siya ang magbibigay ng pundo para sa Akademya

Para sa Bilang 12-14

Nag-usap ang mga dumalo sa piging. Nagturo kung sino ang may sala o
kung sino man ang may galit kay Don Timoteo o kay Juanito. Naisip nilang si
Simoun ang may sala sapagkat siya’y kaagad na umalis bago pa magsimula
ang hapunan. Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya, ani Isagani na
mahiwang nakangiti. Nagpaalam si Isagani at umalis.

12. Ano ang nais iparating ni Isagani sa pahayag na” Hindi nga mabuting
kumuha ng di kanya” patungkol sa di nagtagumpay na plano ni Simoun?
A. hindi mo dapat angkinin ang mga bagay na hindi para sa iyo
B. hindi kailanman na magtatagumpay ang masamang balak
C. walang karapatan ang sinuman na kumitil ng buhay
D. hindi dapat magnakaw

13. Sa iyong palagay, bakit si Simoun ang itinuro nilang utak sa


pagpapasabog ng lampara?
A. dahil siya ang umalis agad bago pa magsimula ang hapunan
B. dahil sa matinding galit niya sa bagong kasal
C. dahi sa naging kalaban niya si Don Timoteo
D. dahil sa kanyang balak na paghihiganti

14. Paano ipinakita ni Isagani ang pagmamalasakit niya bilang isang


mabuting mamamayan?
A. sa pamamagitan ng pagpaparaya sa kanyang pag-ibig kay Paulita
B. sa pamamagitan ng pagpigil niya sa masamang balak ni Simoun
C. sa pamamagitan ng pagtatapos sa kanyang pag-aaral
D. sa pamamagitan ng pagtulong niya kay Basilo

15.Sa tulang binigkas ni Basilio na “Pagtutulungan ng tubig at ng apoy sa


isang makina. Pagtulungan ng mga Pilipino at Kastila sa mahusay na
sistema ng pamamahala” ay nangangahulugang___________.
A. Ang magkaaway ay hindi maaaring magkasundo
B. hindi maaaring tutulong ang mga kastila sa mga Pilipino
C. Walang pag-asa na magkasundo ang mga Pilipino at Kastila
D. hanggang pangarap lamang daw na magkasundo ang mga Pilipino at
kastila

14
SUSI SA PAGWAWASTO

.10 B

C .10
B .9
D .9
A .8
B .8
B .7
D .7
A .6
A .6
.15 B D .5
.15 C B .5
.14 A C .4 .14 B D .4
.13 D D .3 .13 A B .3
.12 D B .2 .12 C D .2

.11 B A .1 .11 A B .1
SUBUKIN
TAYAHIN

15
MGA SANGGUNIAN

Adriatico, Valerie May V, Inoy, Gelyn I., Selarta, Senen Joy T., David, Crispina P,
Ege, Yolanda A, Lumagas, Champberlyn F., Tañesa, Rico C., Ras, Corazon
N. Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino: Sanayang Aklat. Dumaguete
City: DepEd Negros Oriental Division. 2017.

Ambat, Vilma C., Barcelo, Ma. Teresa B., Cariño, Eric O., Dasig, Mary Jane R.,
Enrijo, Willita A., Molina, Shiela C., Rivera, Julieta U., Salum, Rosalyn T.,
Sayson, Joselyn C., Tabora, Mary Grace A., at Urgelles, Roderic P. Filipino
10 Modyul para sa Mag-aaral. Vibal Group Inc. 2015

Angkop na Pang-Ugnay sa Pagpapaliwanag ng Panunuring Pampelikula


(Accessed August 10, 2020)
https://link.quipper.com/en/organizations/5468ba5a2294ee085c00014a/curric
ulum#curriculum
Covid Editoryal (Accessed August 13, 2020) https://www.google.com.ph/search?
q=covid%20editoryal&tbm=isch&tbs=rimg
%3ACRMq_1E4EbspxYUN78lHui69_1&prmd=isvn&hl=fil&sa=X&ved=0CBIQ
uIIBahcKEwiY1YyF5pfrAhUAAAAAHQAAAAAQSw&biw=360&bih=560#imgrc
=rAZ-Eoi-KnJx2M

Africa (Accessed July 11, 2020)


https://www.britannica.com/place/Africa

Iran (Accessed July 11, 2020)


https://www.britannica.com/place/Iran

San Juan, David Michael M., Diwa at Panitikan 7. Diwa Learning Systems Inc. 2013

Pangatnig Worksheets (Accessed August 11, 2020)


https://samutsamot.com/2013/03/07/pangatnig-worksheets-part-1/

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

17

You might also like