You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division of Bulacan
MARIANO PONCE NATIONAL HIGH SCHOOL
City of Baliwag, Bulacan

Unang Lagumang Pagsusulit


Filipino 10

Para sa bilang 1 – 8
Basahin at unawain ang bawat katanungan.
Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya Nakita ang lalaki. Narinig na lamang niya ang
tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino siyang talaga.” Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
tiwala.” Wika niya bago tuluyang lumipad papalayo.

Mula sa akdang Cupid at Psyche


1. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
pagtitiwala.”
a. Walang pag-ibig kung walang pagtitiwala
b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala
c. Wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala
d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
2. Ito ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng kilos at galaw.
a. Padiwa c. Pang-ugnay
b. Pokus ng Pandiwa d. Pang-ukol
3. Ito ay tumutukoy sa relasyong pansematiko o ugnayan ng mga pandiwa at paksa sa pangungusap.
a. Padiwa c. Pang-ugnay
b. Pokus ng Pandiwa d. Pang-ukol
4. Paano naiba ang pokus sa tagatanggap o pinaglalaanan sa iba pang pokus ng pandiwa?
a. kung ang paksa o simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa.
b. kung ang paksa o simuno ng pangungusap ay ang taong nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa.
c. kung ang paksa o simuno ng pangungusap ay ang lugar na pinagganapan mng kilos.
d. kung ang paksa o simuno ng pangungusap ay ang bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbibigay kahulugan sa salitang pandiwa?
a. bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos at galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita
b. bahagi ng pananalita na humahalili sa ngalan ng tao, bagay o pook.
c. naglalarawan sa tao, bagay at pook
d. mga salitang nag-uugnay sa loob ng pangungusap
6. Anong pokus ng pandiwa ang sumasagot sa tanong na “Para Kanino?”. Ito rin ang pokus ng pandiwa kung ang tao
o bagay na nakinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa ng pangungusap.
a. Pokus sa layon c. Pokus sa tagatanggap
b. Pokus sa tagaganap d. Pokus sa kagamitan
7. Alin sa sumusunod na payak na salita ang kasingkahulugan ng salitang gusto?
a. kasali c. mahal
b. nais d. tanggap
8. Anong inuulit na salita ang katulad ng kahulugan ng salitang pagkaganda-ganda?
a. pagkabait-bait c. pagkarilag-rilag
b. pagkasaya-saya d. pagkabango-bango

Para sa bilang 9 - 13
Suriin ang gamit ng pandiwa sa sumusunod na pangungusap:
9. Ipinang-ukit ni Pygmalion sa estatwa ang paet.
a. Pokus sa layon c. Pokus sa tagatanggap
b. Pokus sa tagaganap d. Pokus sa kagamitan
10. Inaayos ni Pysche ang ang mga buto ayon sa pagkakauri nito.
a. Pokus sa layon c. Pokus sa tagatanggap
b. Pokus sa tagaganap d. Pokus sa kagamitan
11. Naglakbay si Pysche patungo sa tahanan ng mga diyos.
a. Pokus sa layon c. Pokus sa tagatanggap
b. Pokus sa tagaganap d. Pokus sa kagamitan
12. Ang binatang si Pygmalion ay lumuhod sa harap ng templo.
a. Pokus sa layon c. Pokus sa tagatanggap
b. Pokus sa tagaganap d. Pokus sa kagamitan
13. Kuniha ni Psyche ang gintong balahibo ng tupa.
a. Pokus sa layon c. Pokus sa tagatanggap
b. Pokus sa tagaganap d. Pokus sa kagamitan

Para sa bilang 14 – 17
Tukuyin ang mga salitang ginamit sa bawat pangungusap na nagpapakita kung anong pokus ng pandiwa ang ginamit.
14. Halimbawa ng pokus sa tagatanggap “Kami ay ipangluto ni nanay ng kare-kare” sa pangungusap na ito, anong
salita ang ginamit na pandiwa at pokus ng pandiwa.
a. ipinagluto – kare-kare c. ipinagluto - kami
b. ipinagluto – si nanay d. ipinagluto - nanay
15. Halimbawa ng pokus sa pinaglalaanan “ipinag-utos ni Apollo na bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang
damit” sa pangungusap na ito, anong salita ang ginamit na pandiwa at pokus ng pandiwa.
a. ipinag-utos – Apollo c. ipinag-utos – Psyche
b. ipinag-utos - bihisan d. ipina-utos - pinakamaganda
16. Halimbawa ng pokus sa kagamitan “Ang pana ni Cupid ay maipanggagamot kay Psyche” sa pangungusap na
ito, anong salita ang ginamit na pandiwa at pokus ng pandiwa.
a. maipanggagamot – cupid c. maipanggagamot – Ang pana
b. maipanggagamot - Psyche d. maipanggagamot – Cupid at Pysche
17. Halimbawa ng pokus sa layon “Kinain ni Psyche ang Ambrosia” sa pangungusap na ito, anong salita ang ginamit
na pandiwa at pokus ng pandiwa.
a. kinain – Pscyhe c. kinain – Ang Ambrosia
b. kinain- Cupid d. kinain– Ambrosia at Pysche

Para sa bilang 18 - 22
Basahin, unawain at suriin ang bawat katanungan.

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay
naging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksyon sa
likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok
sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.

Sipi mula sa Mensahe ng Butil ng Kape

18. Sa iyong palagay ano ang gustong ipahiwatig ng pahayag na “Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila
di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay naging malambot na kumakatawan sa
kahinaan.”
a. Ang bawat tao ay may kanya- kanyang kahinaang taglay.
b. Hindi lahat ng tao ay kayang harapin ang pagsubok.
c. Gaano man katigas ang puso ng tao kaya nitong magpatawad.
d. Sa harap ng kaniyang katapangan may tinatagong bait sa pangangatawan
19. “Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.” Sa pahayag na ito
ano ang nais ipahiwatig nito.
a. Ang bawat tao ay kani-kaniyang pakiramdam
b. Ang bawat tao ay may pagkakaiba-iba higit lalo sa asal o pag-uugali
c. Lahat ng tao sa mundo ay may kanya kanyang hinanakit sa buhay
d. Ang bawat tao ay iba-iba ang nagiging balakid sa buhay
20. Anong uri ng pag-ugnay ang ginamit sa pahayag na nakasalanguhit. “Samantala, ang butil ng kape nang ito ay
mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.”
a. pang-angkop b. pagatnig c. panghalip d. pang-ukol
21. karamihan sa mga tao ay ikinabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng moda, pagluluto, sining at
arkitektura.
a. anapora b. katapora c. sugnay d. pang-ugnay
22. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain at alak. Ang mga taga-France ay
masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.
a. anapora b. katapora c. sugnay d. pang-ugnay
Para sa bilang 23-25
1. Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad,” May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong
sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. 2. Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong,” Ano ba
itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa
iyong tungkulin.” 3. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa
pangangasiwa. Hindi ko kayangmagbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. 4. Alamko na ang
gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan. 9. At nagpatuloy
si Hesus sa pagsasalita. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa
ng mabuti sa inyong kapwa upang kung maubos na iyon at tatanggapin naman kayo sa tahanang walang
hanggan.”10. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang
mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan
sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12. At kung hindi
kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?
-Ang Tusong Katiwala (Lukas 16: 1-4)

23. Batay sa pahayag na “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko
kayang magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos.” Ano ang damdaming nangingibabaw sa
tauhan?
a. pag-aalinlangan b. panghihinayang c. pagkabahala d. pagtataka
24. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang
nandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.” Ipinahihiwatig ng pahayag na:
a. Madaling magkunwari sa mga taong ating nakasasalamuha.
b. Nababatid ng Panginoon ang ating buong pagkatao.
c. Maaari tayong sumikat saiba kung tayo’y susunod sa kanilang kagustuhan.
d. Walang lihim na hindi nabubunyag.
25. Ang ipinahihiwatig ng pahayag na “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon
sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran ng tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa.” ay ______
a. Madaling yumaman sa pandaraya ngunit malaki ang kapalit nito.
b. Batid ng Panginoon ang lahat ng ating ginagawang paglilingkod sa kaniya
c. May kakayahan tayong maglaan ng oras sa Diyos at sa ating pag-unlad.
d. Hindi maaaring maglingkod ang sinuman ng sabay sa Diyos at kayamanan.
Para sa bilang 26 – 30
Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresiyong ginamit sa pamamagitan ng pagkilala sa
damdaming ipinahahayag sa bahagi ng parabula. Ibigay ang damdaming angkop sa pahayag. (Ang Tusong Katiwala)

26. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”
a. galit c. pagkaawa
b. panghihinayang d. pagtataka
27. “Ano ba itong naririnig ko tungkol saiyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita
sa iyong tungkulin.”
a. galit c. pagkaawa
b. panghihinayang d. pagtataka
28. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lipa;
nahihiya naman akong magpalimos.”
a. Pagtataka c. pagkabahala
b. lungkot d. pag-aalinlangan
29. “kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng Mabuti sa inyong mga
kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.”
a. galit c. pagkaawa
b. panghihinayang d. pagtataka
30. “At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa
inyo?”
a. galit c. pagkaawa
b. panghihinayang d. pagtataka
31. Ito ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento
ay nasa Banal na Kasulatan.
a. Maikling kuwento c. parabula
b. sanaysay d. mitolohiya
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na kahulugan ng parabula.
a. Ito ay may realistikong banghay at ang mga tauhan ay tao.
b. Ito ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap na misteryo.
c. Ito ay umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.
d. ito ay nagbibigay kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa

Para sa bilang 33 - 35
1. Ito ang kabuoan ng elgorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang
bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan
mona ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina
kong paniniwala.
2. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinion
sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang ng may
pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing
pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa
publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa
mga bagay na ito.
Ang Alegorya ng Yugib ni Plato
33. Sa pahayag na “Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw.” ay ginamitan ng
_____upang ipakita ang mensahe nito.
a. kaisipan b. pahiwatig c. simbolismo d. tayutay
34. “Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang ng may pagpupunyagi.” Nais
ipabatid ng pahayag mula sa talata 2, na:
a. Ang prinsipyo at paninindigan ay kayang matumbasan.
b. Ang Mabuti ay Mabuti at ang masama ay masama sa may dangal.
c. Matatagpuan sa mga aklat at pag-aaral ang kabutihan at karunun
d. Sinasalamin ng natamong pag-aaral ang kalidad ng gan. pagkatao ng isang indibidwal.
35. Sa pahayag na “Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw.”, ano ang
pinaghahambing?
a. apoy at araw b. bilangguan at mundo c. bilangguan at paningin d. mundo at araw
36. Ito ay uri ng matalinghagang pagsasalaysay na kabahagi ng metaposra. isang kwento kung saan ang mga. tauhan,
tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng. higit pa sa literal nitong kahulugan.
a. parabula b. alegorya c. simbolismo d. wika
Para sa Bilang 37 -40 Analohiya
37. tula: saknong; sanaysay: __________
a. talata b. pangungusap c. salita d. kaisipan
38. puso: pagmamahal; isip: ____________
a. kaluwalhatian b. kabutihan c. kapayapaan d. karunungan
39. galit: paghihiganti; pag-ibig: _________
a. pagmamahal b. kabutihan c. kaligayahan d. kapatawaran
40. saknong: taludtod; talata: _________
a. letra b. pangungusap c. salita d. pahayag
Para sa Bilang 41 -45
Punan ng angkop na ekspresyon ang bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang.

a. Pinaniniwalaan ko b. Sa palagay ko c. Batay sa d. Ayon sa e. Sa tingin ng

41. ______________may-akda, sa alegorya ginagamit ang mga tauhan, aksiyon, at tagpuan bilang mga simbolo na
dapat bigyan ng kahulugan.
42. ______________kailagang dagdagan pa ng pamahalaan ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa K to 12.
43. ______________mga guro ang pagkatuto ng mga mag-aaral at matatamo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan
ng kanilang magulang.
44. ______________Konstitusyon ng 1987, Artikulo 14, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
45. ______________na mas makabubuti sa mga bata at matatanda na manatili na lamang sa loob ng tahanan upang
maiwasan ang sakit na dulo ng Covid-19. Ito ay batay sa aking paniniwala.

Para sa bilang 46 – 50
Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulot siya at hindi mapagpasyahan kung
ang mga iyon ay isasauli o hindi. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang
kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan. Naglalaro sa kaniyang
balintataw ang anyo ng tahimik na tanggapang nasasabitan ng mamahaling kurtina, pinaliliwanag ng
matatangkad na kandilerong brose at may nagtatanod na sa dalawang naglalakihang bantay na dahil sa init ng
pugon ay nakatulog na sa dalawang malaking silyon. Kung kani-kanino siya nanghiram, lumagda sa mga
kasulatan, pinasok kahit na ang mga gipit na kasunduan, kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri
ng manghuhuthot.

Sa harap ng gayong nakagigimbal na pangyayari, si Mathilde ay maghapong naghihintay na sapupo


ng di-matingkalang pangamba. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali-halina, kaibig-
ibig, maging tampulan ng papuri at pangimbuluhan ng ibang babae. Nagulumihanang napahinto ang lalaki
nang makita niyang umiiyak ang asawa.

46. Nagbabantulot a. kagandahan Ang Kwintas


47. Alindog b. naguluhan ni Guy de Maupasssant
48. Balintataw c. nakatatakot
49. Manghuhuthot d. isipan
50. Nakagigimbal e. nag-aalangan
f. inggit
g. nangingikil
ANSWER KEY

1. C 2. A 3. B 4. B 5. C 6. C 7. B 8. C 9. D 10. A

11. B 12. B 13. A 14. C 15. C 16. C 17. C 18. A 19. B 20. B

21. A 22. B 23. C 24. B 25. D 26. D 27. A 28. C 29. B 30. C

31. C 32. D 33. C 34. 35. 36. B 37. B 38. C 39. A 40. C

41. D 42. A 43. E 44. C 45. B 46. 47. 48. 49. 50.

You might also like