You are on page 1of 29

F LIPINO 11

Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Panitikang Filipino
KASAYSAYAN NG
K S y +s y n+ N=
WIKANG PAMBANSA
Wi k N= p m+ b n+ s
SA PANAHON NG MGA
S p n ho n+ N= m N=
KATUTUBO
K to t o bo
TEORYA ng PANDARAYUHAN
Te O r = y N= p n+ d r yu h n+
Kilala rin ang teoryang ito sa taguring
wave migration theory na pinasikat ni
Dr. Henry Otley Beyer.
Naniniwala na may tatlong pangkat ng taong
dumating sa Filipinas; ang Negrito, Indones at Malay.
TAONG
T O N=
TABON
t bo n+
Natagpuan ng mga arkeologo ng Pambansang
Museo ng Filipinas sa pangunguna ni Dr.
Robert B. Fox ang isang bungo at isang buto
ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan
taong 1962.
Ano ang implikasyon
ng Taong Tabon?
Tinatayang 50, 000 taon na nakararaan nang
manirahan ang taong ito sa yungib ng Tabon kung
kaya’t nagpapatunay ito na mas unang dumating
sa Filipinas ang tao kaysa sa Malaysia.
Pinatunayan ni Felipe Landa Jocano
(1975) sa kanyang pag-aaral kasama ang
mga mananaliksik ng National Museum
na ang bungong natagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Filipino sa
Filipinas.
Ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong
Peking (Peking Man) na kabilang sa Homo Sapiens
o modern man at ang Taong Java na kabilang sa
Homo Erectus.

Taong Tabon
(TabonMan)
Taong Java
Taong Peking (Java Man)
(Peking Man)
Natagpuan naman ni Dr. Armand
Mijares ang isang buto ng paang
sinasabing mas matanda pa sa
taong Tabon sa Kuweba ng Callao,
Cagayan.

Tinawag itong Taong Callao


(Callao Man) na sinasabing
nabuhay nang 67, 000 taon
na ang nakalipas.
TEORYANG PANDARAYUHAN SA
Te O r = y N= p n+ d r yu h n+ A

REHIYONG AUSTRONESYANO
Re Hi Y N+ A W +S +T +Ro ne S I no
Sinasabing ang mga Filipino ay nagmula sa lahing
Austronesian. Ang Austronesian ay hango sa salitang
Latin na auster na nangangahulugang “south wind” at
Griyegong nesos na ang ibig sabihin ay “isla.”
TEORYA ni…
Wilhelm Solheim II (Ama ng
Arkeolohiya sa Timog-Silangang Asya)
ang mga Austronesian ay nagmula sa
mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag
na Nusantao.
TEORYA ni…
Peter Bellwood (Australia National
University)
ang mga Austronesian ay nagmula sa
Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa
Filipinas noong 5,000 BC.
Solheim at Bellwood kasama si Xiao Chua
Isa lang ang tiyak!

Ang mga Filipino ay isa sa mga


pinakaunang Austronesian.
Tayo ang nagsimula ng isa sa
pinakamahalagang imbensyon sa
kasaysayan ng pandaragat.

Ang outrigger
canoe o ang
mga bangkang
may katig.
Dahil iisa ang pamilya ng wika, sa kabila ng 171 na mga
wika sa Filipinas, may pagkakahalintulad ang ating mga
salita, halimbawa…
Ang bahay sa Tagalog ay kogneyt ng bale sa
Pampanga, balay sa Visayas, at balay rin sa
Bahasa.

PANSININ
Ang mga Austronesians din ang nagpaunlad ng
pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng
Hagdang-hagdang Palayan sa Banaue.

Naniniwala din tayo sa


mga kaluluwa at anito
na naglalayag
pakabilang-buhay at
naglilibing sa banga
tulad ng makikita sa
isang banga na tulad ng
makikita sa isang banga
na natagpuan sa
Manunggul Cave,
Palawan.
Ang BAYBAYIN
A N= B Y= B Yi n=

Isang lumang paraan ng


pagsulat ng mga
kayumangging Filipino bago
pa nakarating sa kapuluan
ang mga dayong Kastila.

Pinaniniwalaang ginamit noong ika-8ng siglo sa


pulo ng Luzon.

Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang


Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng
pagsulat ng mga titik ng isang salita, o “to
spell”sa English.
_______________

May mga
ebidensiyang
magpapatunay
sa paggamit
ng mga
sinaunang
Filipino ng
baybayin.
Ang sistema ng
pagsulat ay ayon sa
sistemang abugida
na gumagamit ng
pagpaparis ng
katinig at patinig.
Bawat titik, kung
isulat sa payak na
anyo, ay isang
katinig na
nagtatapos sa A.
Upang isulat ang isang katinig na nagtatapos
sa ibang patinig, maaaring maglagay ng
kudlit.

Kudlit sa IBABAW kapag nais isama sa patinig na E o I.

pa
pe/pi
i
Upang isulat ang isang katinig na nagtatapos
sa ibang patinig, maaaring maglagay ng
kudlit.

Kudlit sa ILALIM kapag nais isama sa patinig na O o U.

ga
go/gu

i
Ang paglalagay
A
ng kudlit ay a
naangkop
lamang sa mga
katinig, at hindi
maaaring gawin
E
e/i
sa patining. May
sariling mga
marka ang mga
patinig.
O
O/U
________________
Ang simbolo para sa D o R
_____________________________________
May isang simbolo
para sa sa D o R dahil
ang mga ito ay

d
tinatawag na
“allophones,” na
kung saan ang D ay
maaaring may initial,
final, pre-consonantal
o post-consonantal na
posisyon, at ang R
naman ay may
intervocalic.
Sa orihinal na anyo, ang
isang nagsosolong katinig
(isang katinig na walang
kasamang patinig) ay
hindi maaaring isulat.
Ito ang dahilan kung bakit
ang Kastilang si Padre
Francisco Lopez noong
1962 ay nagsimulang
gamitin ang kanyang
sariling pagkukudlit na
nag-aalis ng patinig sa
katinig.
Ang ginamit niyang kudlit
ay nasa anyong “+”,
bilang pagtukoy sa
Kristianismo.
n
Gumagamit ng
dalawang guhit
na pahilis ( // ) sa

//
hulihan ng
pangungusap
upang
magsilbing
tuldok.
Mga SANGGUNIAN:
Del Rosario, M. (2017). Pinagyamang pluma:
Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang
filipino. Lungsod Quezon: Phoenix Publishing House,
Inc.
Lanuza, F., Daguison J., at Espinoza, M. (2010).
Komunikasyon sa akademikong filipino. Lungsod
Dagupan: JC & C Publishing
Almario, V. (2014). Madalas itanong sa hinggil sa
wikang pambansa. Maynila: Komisyon sa Wikang
Filipino
_______________________________________________
slmT= S pkikinig+//
Sa la ma t sa pa ki ki ni g.
______________________________
JEFERSON A. AUSTRIA
Instruktor I
Pangasinan State University
Bayambang Campus

You might also like