You are on page 1of 17

11

Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
Unang Markahan
Modyul 6
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa (Unang Bahagi)
Panimula
Ang aralin na ito ay naglalayong matalakay ang pinagmulan ng wika tulad
ng Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon gayundin sa ebolusyon ng wika
na tinatampukan ng iba’t ibang teorya.

Matatalakay din sa araling ito ang detalyadong kasaysayan ng Wikang


Pambansa sa iba’t ibang panahon.

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

(F11PS – Ig – 88) Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo


sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa
(F11PB – If – 95) Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na
kasaysayan ng wika.
Pagkatapos ng Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Naiisa-isa ang mga teorya at paniniwala sa pinagmulan ng wika;
• Naipapaliwanag ang pinagdaanang pangyayari sa pagkakabuo ng Wikang
Pambansa;
• Nakasusulat ng isang pagsusuri mula sa pananaw ng iba’t ibang awtor sa
kasaysayan ng wika;
• Naipapakita ang kahalagan ng wika sa pagkakabuklod ng mamamayang
Pilipino.

Subukin

I. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag, isulat sa papel ang titik ng


tamang sagot.
1. Ang teoryang naniniwala na wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop.
A. Bow-wow B. Ding-dong C. Pooh-pooh D. Ta-ta
2. Batay sa teoryang ito na wikang ito nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan.
A. Bow-wow B. Ding-dong C. Pooh-pooh D. Ta-ta
3. Ayon sa teoryang ito may koneksyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao
sa paggalaw ng dila. Ito raw ay nagging sanhi ng pagkatuto ng taong
lumikha ng tunog at matutong magsalita.
A. Bow-wow B. Ding-dong C. Pooh-pooh D. Ta-ta
4. Ang teoryang naniniwala na nagmumutawi raw ang wika sa mga salitang
namumutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng

1
masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan at
pagkabigla.
A. Ding-dong B. Pooh-pooh C.Ta-ta D. Yoheho
5. Teoryang naniniwala na nagmumula raw ang wika sa pagsamasama ng mga tao
kapag nagtratrabaho o nagtitipon-tipon.
A. Ding-dong B. Pooh-pooh C.Ta-ta D. Yoheho
6. Sa panahon ng mga katutubo, nabatid nating an gating mga ninuno ay nagmula sa tatlong
malalaking pangkat ng dayuhan sa ating bansa. Ano ang ibinunga nito sa pag-unlad ng
wika?
a. Nahirapang makipagkalakalan ang ating mga ninuno.
b. Walang isang wika ang nanaig sa bansa
c. Hindi nag-usap ang ating mga ninuno
d. Lahat ng nabanggit.
7. Ang ating mga ninuno ay nakatuklas ng sarili nilang paraan ng pagsulat at pagbasa-ang
baybayin. Nang dumating ang mga Espanyol ay sinunog nila ang mga ito. Ano ang sanhi ng
pagsunog nila dito?
a. Labis ang pagkamuhi ng mga espanyol sa mga katutubo. Gusto nilang buwagin ang
simbolo ng pagakakaisa ng mga ito.
b. Mahirap unawain at pag-aralan ang baybayin, hindi sila magkakaunawaan kung ito
ang gagamitin.
c. Ayon sa kanila ito raw ay gawa ng diyablo, pero ang totoo naisip nilang
makakahadlang ito sa pagpapalaganap ng kristiyanismo.
d. A at B
8. Noong panahon ng Espanyol ay ginamit ang wikang katutubo sa pakikipag-usap sa mga
mamayan . Ano ang sanhi dito?
a. Naniniwala ang Espanyol na mas mapapalaganap nila ang pananampalataya kung
wikang nauunawaan ng mga katutubo ang gagamitin.
b. Nabatid ng mga espanyol na mas maganda pala ang wikang katutubo kaysa sa kanilang
wika
c. Nagdududa ang mga espanyol sa kakayahan ng mga katutubong matuto ng bagong
wika.
d. Wala sa nabanggit.

9. Ang Gobernador Heneral na nagmungkahi na turuan ang mga Indio ng wikang


Espanyol?
a. Gobernador Tello c. Gobernador Lopez de Legazpi
b. Gobernador Luis Perez d. Gobernador Cristobal
10. Ang hari ng Espanya na nag-utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa
lahat ng katutubo noong ika-2 ng Marso 1634?

a. Haring Felipe II c. Haring Carlos II


b.Haring Carlos IV d. Haring Felipe IV

2
Aralin
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
5 (Unang Bahagi)

Alamin

Sa Modyul na ito matatalakay ang pinagmulan ng wika tulad ng Paniniwala


sa Banal na Pagkilos ng Panginoon gayundin sa ebolusyon ng wika na tinatampukan
ng iba’t ibang teorya tulad ng teoryang ding dong, teoryang bow-wow, teoryang pooh-
pooh, teoryang ta-ta, at teoryang yo-he-ho.

Mababasa rin ditto ang unang bahagi ng mas detalyadong kasaysayan ng


Wikang Pambansa Tulad ng panahon ng Katutubo, Panahon ng mga Espanyol, at
Panahon ng Rebolusyong Pilipino.

Balikan/Pagganyak

Sariling Interpretasyon
Panuto: Ilarawan sa anim na salita ang kahulugan ng Larawang ito. Isulat ang sagot
sa kahon.

Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

3
Tuklasin

Ang Pinagmulan ng Wika


Batid natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay. Ito ay isang instrument
ng pagkukuanawan, Ayon sa mga propesor sa Komunikasyon na sina Emmert at
Donaghy (1981), ang wika, kung ito ay pasalita, ay isang sistema ng mga sagisang
na binubuo ng mga tunog:kung ito naman ay pasulat , ito ay iniuugnay natin sa mga
kahulugang nais nating iparating sa ibang tao. Ngunit saan nga ba nagmula ang
wika? Walang nakaaalam kung paano ito nagsimula ngunit maraming mga haka-
haka at teorya tungkol sa pinagmulan ng wika. Ang mga lingguwistang nag-aaral at
nagsuri ng wika ay nakakalap ng iba’t ibang teoryang maaring magbigay-linaw sa
pinagmulan ng wika, bagama’t ang mga ito ay hindi makapagpapatunay o
makapagpapabulaan sa pinanggalingan ng wika. Ang ilan sa mga ito ay makikita sa
kabilang.

1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon


Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan
sa banal na aklat. Sa Genesis 2:20 naisulat na “at pinangalanan ng lalaki ang
lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid,, at ang bawat ganid sa
parang.” Ayon sa bersong ito magagamit kasabay ng pagkalalang sa tao ay ang
pagsilang din ng wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Sa Genesis 11:1-9 naman ay ipinakikita ang pinagmulan ng pagkakaiba-iba
ng wika. Basahin ang sumusunod na mga berso mula sa Bibliya.

Genesis 111;1-9 Ang Bagong Magandang Balita sa Bibliya

Ang Tore ng Babel

Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat
ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan,[a] nakarating sila sa
isang kapatagan sa Shinar at doon na nanirahan. Nagkaisa silang gumawa ng
maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato
at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng isang
lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang
magkawatak-watak sa daigdig.” Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at
ang toreng itinayo ng mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at
iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi
magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. Ang mabuti'y
bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.” At
ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya
natigil ang pagtatayo ng lunsod. Babel[b] ang itinawag nila sa lunsod na iyon,
sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-
watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.

4
2. Ebolusyon

Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga ang
mga tao ay nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip. Umunlad ang kakayahan
ng taong tumuklas ng mga bagay nakakailanganin nila upang mabuhay kaya sila
ay nakadiskubre ng mga wikang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Sa
huling bahagi ng labindalawang siglo, ang mga iskolar ay nagsimulang mag-usisa
kung paanong ang mga tao ay nagkaroon ng mga wika. Nagsulputan ang
sumusunod na mga teoryang nagtatangkang ipapaliwanag ang pinagmulan ng
wika.

a. Teoryang Ding Dong

Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga


sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan. Ito marahil ang dahilan kung bakit
ang boom ay palaging naikakabit sa pasabog, splash sa paghampas ng tubig
sa isang bagay, at whoosh ng pag-ihip sa hangin. Sinasabing ang paggaya sa
mga tunog ng kalikasan ay bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita ng
mga sinaunang tao. Ipinakikita ng teoryang ito na ang lahat ng bagay ay may
sariling tunog na maaring gamitin upang pangalanan ang bagay na iyon.
Malaking tulong ang paggaya ng mga tunog sa paglikha nila ng sariling wika.

b. Teoryang Bow-Wow

Katulad ng Teoryang Ding-Dong, ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng


mga sinaunang tao sa mga tunog na nalilikha ng mga hayop, katulad ng bow-
wow para sa aso, ngiyaw para sa pusa, kwak-kwak para sa pato, at moo para
sab aka. Pinaniniwalaang nabuo ng mga primitibong tao ang kanilang mga
unang salita sa panggagaya sa mga ito. Sinasabi pang kagaya ng mga sanggol
na nag-uumpisang magsalita, ginagaya ng mga ito ang mga tunog sa kanilang
naririnig. Hindi rin nakapagtataka kung bakit tinawag na “tuko” ang tuko.
NGunit marami ang hindi sang-ayon sa teoryang ito sapagkat sa bawat bansa
ay naiiba ang tawag sa mga tunog na nililikha ng mga hayop gayong pare-
pareho naman ang mga ito.

c. Teoryang Pooh-Pooh

Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang


namumutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdamdam sila ng
masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at
pagkabigla. Ang patalim ay tinatawag na ai ai sa Basque sa kadahilang ai ai
ang winiwika kapag nasasaktan. Ang ibig sabihin ng ai ai sa Basque ay
“ayay.”

d. Teoryang Ta-Ta

Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kompas o galaw ng kamay ng tao
sa paggalaw ng dila. Ito raw ay naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha
ng tunog at matutong magsalita. Ayon sa mga nag-aaral ng ebolusyon ng
tao, ang salita raw ay mula sa mga galaw at kumpas na humantong sa
paglikha ng wika.

5
e. Teoryang Yo-he-ho
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pinagsama-sama, lalo na kapag
nagtatrabaho nang magkakasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa
mga bibig ng tao kapag sila ay nagtatrabaho nang sama-sama ay sinasabing
pinagmulan ng wika.

Sa sanaysay na isinulat ni Jean-Jacques Rosseau, ang paglikha ng wika ay hindi


nagmula sa pangangailangan nito ngunit nanggagaling sa silakbo ng damdamin. Ang
pangangailangan ay maaring makapaghati-hati sa mga tao at magtulak sa kanilang
magkanya-kanya, ngunit ang silakbo ng damdamin ang nagtulak na mamutawi sa bibig
ng mga tao ang iyak, bahakhak, sigaw, galit na maaring pinagmulan ng sinaunang wika.
Sa kabila ng maraming teoryang nagtangkang magpaliwanag sa pinagmulan ng wika,
hindi pa rin matiyak kung saan, paano, at kalian nagsiimula ang paggamit ng tao
rito.Ngunit sa gitna ng pagtuklas sa pinagmulan ng wika, nanatili ang katotohanang ang
wika ay umuunlad at nagbbago kasabay ng pagbabago ng panahon at lipunan.

Suriin

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Panahon ng Katutubo

1. Teorya ng Pandarayuhan
Kilala rin ang teoyang ito sa tinaguriang wave migration theory na
pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo
noong 1916.Naniniwala si Beyer na may tatlong pangkat ng taong
dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino. Ang mga ito ay
ang mga grupo ng Negrito, Indones, at Malay. Ngunit bunga ng masigasig
na pananaliksik at pag-aaral, ang mga haka-haka at pag-aalinlagan ukol
sa mga unang lahing naninirahan sa bansa ay unti-unting nagkaroon ng
liwanag. Nasira ang teorya ni Beyer nang matagpuan ng pankat ng mga
arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni Dr.
Robert B. Fox ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa
yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962. Ang natagpuang bungong ito
ng tao ang nagpatunay na mas unang dumating sa Pilipinas ang tao kaysa
sa Malaysia na sinasabing siyang pinanggalingan ng mga Pilipino.
Tinawag na Taong Tabon ang mga labing kanilang natagpuan dito.
Tinatayang nanirahan ang mga unang taong ito sa yungib ng tabon may
50,000 tao na ang nakararaan. Kasama sa mga nahukay na labi ng Taong
Tabon ay ang ilang kagamitang bato tulad ng chertz, isang uri ng quartz,
gayundin ang mga buto ng ibon at panicking nagpapatunay na nabuhay

6
ang mga taong ito sa pagkuha ng pagkain sa kapaligiran. May nakuha
ring mga bakas ng uling na katibayan ng kaalaman sa pagluluto ng
pagkain.
Sa mga makabagong impormasyon nakalap noong 1962, lumabas na
unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa Malaysia at sa Indonesia.
Pinatunayan din nina Landra Jocano sa kanyang pag-aaral ukol sa
kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for Advance Studies noong 1975 at
mga mananaliksik ng National Museum na ang bungong nnatagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas. Ayon din sa kanilang
ginawang pagsusuri, ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong
Peking na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java na
kabilang sa Homo Erectus.
Ngunit makalipas ang ilang taon ay natagpuan naman ni Dr. Armand
Mijares ang isang buto na paa na sinasabing mas mas matanda pa sa
taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong Callao
na sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalilipas.

2. Teoryang Pandarayuhan
Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing
Pilipino ay ang Teoryang Pandarayuhan mula sa rehiyong
Austronesyano. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang mga Pilipino ay
nagmula sa lahing Austronesian. Ang Austronesian ay hango sa
salitang Latin na auster na nangangahulugang “south wind” at nesos
na ang ibig sabihin ay “isla”
May dalawang paniniwalaang teorya kung saan nagmula ang
mga Austronesian. Ayon kay Wilheim Solheim II, Ama ng Arkeolohiya
ng Timog-Silangang Asya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga
isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Sa pamamagitan ng
kalakalan, migrasyon at pag-aasawa ay kumalat ang mga Austronesian
sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Ayon naman kay Peter Bellwood ng
Australia National University , ang mga Austronesian ay nagmula sa
Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5000BC.
Anuman ang totoo sa dalawang teoryang ito. Isa lng ang tiyak na
ang mga Pilipino ay isa sa mga pinakaunang Austronesian. Bilang
lahing Austronesian, kilala ang mga Pilipino bilang unang nakatuklas
ng bangkang may katig. Sa paglipas ng panahon ay naging makabago
ang pamamaraan ng paglalayag ng mga Pilipino na siyang naging
dahilan upang kumalat ang lahing Austronesian sa iba’t ibang panig
tulad ng Timog-Silangang Asya, Australia, New Zealand, Timog Africa,
at maging Timog Amerika. Ang mga Austronesian din ang kinikilalang
nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng
Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe. Naniniwala rin ang lahing ito sa
mga anito na naglalakbay sa kabilang buhay gayundin sa paglilibing sa

7
mga patay sa isang banga tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa
Palawan.
Kung susuriin, batay sa
mga nabanggit na mga teorya,
ang unang taong naninirahan sa
Pilipinas ay nagtataglay na ng
mga patakarang pangkabuhayan,
kultura, at paniniwalang
panrelihiyon. Gayundin,
mahihinuha na sila man ay may
sarili nang wikang ginagamit
bagama’t pinaniniwalaang
walang isang wikang nanaig sa
Pilipinas noon. Gayunpaman,
napatunayang marunong
sumulat at bumasa ang mga katutubo. . May
sinusunod silang pamamaraan na pagsulat na tinatawag na baybayin.
Ang mga ito ay matatagpuang nakasulat sa biyas ng kawayang
matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad ng
Santo Tomas. Sinasabing malaking bahagi ang kanilang ginawa noon
ay hindi na matatagpuan sapagkat sinunog na ng mga dayuhang
Espanyol ang mga ito sa dahilang kagagawan daw ito ng diyablo.
Maliban sa dahilang iyon,nabuo sa kanilang sarili na magiging sagabal
iyon sa paglaganap nila ng pananmpalatayang Katoliko.
Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong titik-tatlong patinig at
labing-apat na katinig.
Binibigkas ang katinig na may kasamang tunog na patinig na
/a/. Kung ang patinig ay bibigkasin ng may patinig na /e/o /i/
nilalagyan ng titik ng tuldok sa itaas , samantalang tuldok sa ibaba
naman kung nais isama ay /o/ o /u/.

Halimbawa:

Ang baybayin ay gumagamit ng dalawang guhit na pahilis (//) sa


hulihan ng pangungusap.

Panahon ng Espanyol
Pagkatapos ng katutubo, ang mga Kastila naman ang nandayuhan sa
Pilipinas. Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
Ayon sa mga katutubo noon kung kaya’t dapat lamang nilang gawing sibilisado ag

8
mga ito sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. Ngunit naging malaking
usapin ang wikang gagamitin sa pagpapalawak ng Kristiyanismo. Naniniwala ang
mga Espanyol noong panahon na iyon na mas mabisa ang paggamit ng katutubong
wika sa pagpapatahimik sa mamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Ang
pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ay naging katumbas na ng pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Ang mga prayleng Espanyol ang siyang naging institusyon ng mga
Pilipino. Upang maisakatuparan ang kanilang layunin, inuna nila ang paghahati ng
mga isla ng pamayanan. Nakita nila na mahirap palaganapin ang relihiyon,
patahimikin at gawing masunurin ang mga Pilipino kung iilan lamang ang prayleng
mangangasiwa. Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa apat na orden ng misyonerong
Espanyol na pagkaraay naging lima. Ang mga ordeng ito ay ang Agustino,
Pransiskano, Dominiko, Heswita at Rekoleta.

Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa


pakikipagtalastasan ng mga katutubo. Nang sakupin ng mga Espanyol ang mga
katutubo, mayroon na ang mga ating sariling wikang ginagamit sa pakikipag-usap
at pakikipagkalakalan, ngunit pinigil nila. Sa loob ng maraming taon, sinikil nila ang
kalayaan ng mga katutubong makipagkalakalan sa ibang lugar upang hindi na rin
nila magamit ang wikang katutubo. Kahit na inalis ang restriksiyong iyon, hindi
parin nila maggawa ang pag-alis-alis at paglipat-lipat ng bayan dahil sa takot sa
prayle , moro, at mging mga tulisan.

Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga


misyonerong Espanyol mismo ang nag-aaral ng mga wikang katutubo. Nakita nilang
mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat ang
wikang Espanyol. Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon mas
magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung ang mismong banyaga angmismong
nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito ang mga prayle ay nagsulat ng mga
diksyunaryo at aklat-panggramatika , katekismo at mga kumpesyonal para sa mas
mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika.

Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng pamamahala ng simbahan


ang edukasyon ng mamamayan noong panahon ng mga Espanyol. Nagging usapin
ang wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino. Iniutos ng Hari na gamitin ang
wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi naman ito nasunod. Nagmungkahi
naman si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol. Sina
Carlos I at Felipe II naman ay naniniwalang kailangang maging bilingguwal ang mga
Pilipino. Iminungkahi naman ni Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang
wikang Espanyol. Sa huli napalapit ang mga katutubo sa mg prayle dahil sa wikang
katutubo ang ginamit nila samantalang napalayo naman sa pamahalaan dahil sa
wikang Espanyol ang gamit nila.

Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang


Espanyol sa lahat ng katutubo noong ika-2 ng Marso 1634. Nabigo ang nabanggit
na kautusan kaya si Carlos II ay lumagda ng isang deskrito na inuulit ang
probisyong ng nabanggit na kautusan. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga
hindi susunod dito.Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa isa pang
dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatag
sa pamayanan ng mga Indio.

9
Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na nanganib ang wikang katutubo. Sa
panahong ito, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at
nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo . Hindi nila itinanim sa isipan ng mga
Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng kanilang mga damdamin.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino


Matapos ang mahigit na tatlong daang taong pananahimik dahil sa
pananakop ng mga Espanyol, namulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang
dinaanan. Sa panahong ito, maraming mga Pilipino ang naging matindi ang
damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga
karunungan.

Nagkaroon din ng kilusan ang propagandista noong 1872, ng siyang nagging


simula ng kamalayan upang maghimagsik. Itinatag nina Andres Bonifacio ang
Katipunan. Ang wikang tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at
pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtaguyod ng wikang
tagalog.

Nang panahong iyon sumibol sa mga maghihimagsik na Pilipino ang


kaisipang “isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol. Pinili nilang gamitin
ang Tagalog. Sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, kwento, liham at mga talumpati na
punumpuno ng damdaming makabayan. Masisidhing damdamin laban sa mga
Espanyol ang pangunahing paksang kanilang isinulat. Kahit si Rizal at iba pang mga
propagandista na sumulat na gamit ang wikang Espanyol ay nakababatid na ang
wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.

Masasabing ang unang konkretong pagkilos ng mga Pilipino ay nang


pagtibayin ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899. Ginawang opisyal na
wika ang Tagalog bagama’t wlang isinasaad na ito ang magiging wikang Pambansa
ng Republika.

Nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo, isinasaad sa


Konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opisyal. Doon lamang sa mga
gawaing nangangailangan ng paggamit ng wikang Tagalog ito gagamitin.Sinasabing
ang pamamayani ng mga ilustrado sa Asembleyang Konstitusyonal ang
pangunahing dahilan nito. Nais ding maakit ni Aguinaldo ang mga di Tagalog.
Nakalulungkot isiping nagging biktima ng politika ang wikang tagalog. Nag-uumpisa
pa lamang sana itong lumago ay napailalim na naman ito sa dayuhang wika.

Palawakin Natin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa isang buong papel.

(NOTE:Isumite. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at


bilang ng modyul.)

1. Ano ang ginawa ng mga lingguwista o dalubwika upang maipaliwanag


ang pinagmulan ng wika?
2. Batay sa mga nabanggit na teorya, ano-ano ang mga katangian taglay
ng mga unang taong naninirahan sa Pilipinas?

10
3. Bakit biglang nawala ang naiambag ng mga katutubo sa kasaysayan ng
wikang Pambansa sa pagdating ng sumunod na nandayuhan?
4. Ano ang pangunahing layunin ng mga Espanyol nang sakupin nila ang
Pilipinas?
5. Bakit sinasabing naging biktima ng politika ang wikang tagalog?

Isaisip

Alam mo ba?
Sinasabing ang wika sa Pilipinas ay kabilang sa malaking pamilya ng
mga wikang Austronesian. Kabilang sa pamilyang ito ang sumusunod:

• Mga wika mula sa Formosa sa hilaga hanggang New Zealand sa


Timog.
• Mula sa isla ng Madagascar sa may baybayin ng Africa hanggang
Easter Island sa gitnang Pasipiko

Isagawa

Kilalanin Natin
Panuto: Gumawa ng isang Dayagram na kagaya sa ibaba. Palitan ang mga larawan
ng mga pahayag na nagsasalaysay sa mga naiambag ng mga sumusunod na kilalang
mga katauhan sa kasaysayan ng wika sa Pilipinas. Gawin ito sa isang buong papel.
(NOTE:Isumite. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at
bilang ng modyul.)

https://www.google.com/search/image

Dr. Henrey Otley Beyer Peter Bellwood


Kasaysayan ng Wika

Dr. Robert B. Fox Wilheim Solheim II

F. Landra Jucano Dr. Arman Mijares


11
Karagdagang Gawain /Pagyamanin

Gawin Natin
Panuto: Pumili ng ISA sa mga gawain na nasa ibaba. Ilarawan ang
pagkakasusunod-sunod ng pangyayari, mula sa pinagmulan ng wika hanggang sa
pagkabuo ng Wikang Pambansa. Gawin ito sa isang long bond paper.
(NOTE:Isumite. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at
bilang ng modyul.)

• Pagguhit ng Larawan
• Paggawa ng Timeline gamit ang graphic organizer.

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa ginawang gawain.

Pamantayan 4 3 2 1
Mensahing Malinaw na Taglay ang Bahagyang Hindi makikita
nakapaloob malinaw ang mensahe sa taglay ang sa ginawang
mensahe na ginawang mensahe sa gawain ang
napapaloob sa gawain ginawang mensahe.
ginawang gawain gawain

Pagkamalikhain Maayos na Maayos ang Di gaanong Hindi Maayos


maayos ang pagkakasunod- maayos ang ang
pagkakasunod- sunod ng mga pagkakasunod- pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa sunod ng mga sunod ng mga
pangyayari sa ginawang pangyayari sa pangyayari sa
ginawang gawain. ginawang ginawang
gawain. gawain. gawain.

Tayahin

Gawain 1: Sagutin Natin


II. Panuto: Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag, isulat sa papel ang
titik ng tamang sagot.

(NOTE:Isumite. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at


bilang ng modyul.)

12
1. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pinagsama-sama, lalo na kapag
nagtatrabaho nang magkakasama?
a. Teoryang Yoheho c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tata d. Teoryang Dingdong
2. Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang namumutawi
sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdamdam sila ng masisidhing
damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan, at pagkabigla?
a. Teoryang Yoheho c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tata d. Teoryang Dingdong
3. Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kompas o galaw ng kamay ng tao sa
paggalaw ng dila?
a. Teoryang Bow-wow c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tata d. Teoryang Dingdong
4.Katulad ng Teoryang Ding-Dong, ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng mga
sinaunang tao sa mga tunog na nalilikha ng mga hayop?
a. Teoryang Bow-wow c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tata d. Teoryang Dingdong
5. Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang
tao sa mga tunog ng kalikasan?
a. Teoryang Bow-wow c. Teoryang Pooh-pooh
b. Teoryang Tata d. Teoryang Dingdong
6. Ang tawag sa paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga katutubo?
a. alibata b. baybayin c. abakada d. alpabeto
7. Ang teoryang pandarayuhan na hango sa salitang Latin na auster na
nangangahulugang “south wind” at nesos na ang ibig sabihin ay “isla”?
a. Malay b. Austronesian c. Indonesian d.Hindu
8. Ilang titik ang bumubuo ng baybayin?
a. 21 b. 15 c. 17 d. 16
9. Kagustuhan ng mga Espanyol na maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ano ang ibinunga nito?
a. Ang mga misyonerong Espanyol ay kumuha ng taga salin upang makipag-unayan sa
mga katutubo
b. Ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aaral ng wikang katutubo.
c. Ipinaglaban ng mga misyonerong Espanyol ang paggamit ng wikang Espanyol
d. Wala sa nabanggit.
10. Ano ang ibinunga ng pagsibol ng kaisipang”isang bansa, isang diwa” ?
a. Gumawa ng batas ang mga Espanyol na gawing wikang pambansa ang tagalog.
b. Pinilit ng mga maghihimagsik na pag-aralan ang wikang Espanyol.
c. Nabatid ng mga maghihimagsik na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod
ang mga kababayan nila.
d. Lahat ng nabanggit.

13
Gawain 2: Ilahad Natin

Panuto: Nauunawaan mo ba ang pinagdaanang pangyayari ng ating wika sa


naunang tatlong panahong nabanggit sa araling ito? Magbigay ng apat na
mahahalagang pangyayari sa bawat panahon. Gawin ito sa isang buong papel.

(NOTE:Isumite. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon at


bilang ng modyul.)
1.Panahon ng Katutubo:

• _______________________________________________________
• _______________________________________________________
• _______________________________________________________
• _______________________________________________________

2. Panahon ng mga Espanyol

• _______________________________________________________
• _______________________________________________________
• _______________________________________________________
• _______________________________________________________

3. Panahon ng Rebolusyong Pilipino

• _______________________________________________________
• _______________________________________________________
• _______________________________________________________
• _______________________________________________________

14
Sanggunian
Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, Pheonex
Publisher House Inc, Quezon City, 2016

https://www.google.com/search/image

ADM Module, DepEd

15

You might also like