You are on page 1of 12

Sa pag-aaral ng iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika, mahalagang maunawaan natin ang kahulugan

ng wika at teorya.

Kahulugan ng Wika

 Binanggit ni Asenjo (2015) sa kaniyang papel na Tungo sa Multilingguwalismo at Pagkakapantay-


pantay: Wika at Kasarian sa Panitikan na ang kaniyang turing sa wika ay ayon sa pagpapakahulugan ng
Aleman na si Karl Marx. Ayon kay Marx, ang wika ay isang kamalayang praktika. Ipinaliliwanag ng
kaisipang ito na ang wika ay isang elementong nagtutulak sa tao upang lumikha. Sa pamamamagitan ng
wika, ang tao ay nakauugnay sa daigdig.
 Ayon naman sa Introduction to Applied Linguistics ni Henry Gleason, ang wika ay masistemang
balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyon ng mga tao sa isang tiyak na kultura. Samakatuwid, ang wika ay isang prosesong
nagsisimula sa pagbuo ng kaisipang tinutumbasan ng makabuluhang mga tunog.

Iba’t ibang Kahulugan ng Wika

 Ayon kay Henry Allan Gleason Jr. (linguist at propesor sa University of Toronto) – ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao
na bahagi ng isang kultura sa komunikasyon.
 Ayon kay Henry Sweet (philologist, phonetician, at grammarian) – ang wika ay pagpapahayag ng ideya
sa pamamagitan ng mga pinagsama-samang tunog upang maging salita.
 Ayon kay Ferdinand de Saussure (linguist at semiotician) – ang wika ay pormal na sistema ng mga
simbolo na sumusunod sa patakaran ng isang grammar upang maipahayag ang komunikasyon.

Ang depinisyon ng wika ay nagbabago-bago depende sa gamit ng wika gaya ng pagpapahayag ng ideya o
mahalagang komponent ng komunikasyon.

Limang Kalikasan ng Wika batay sa Depinisyon ni Henry Gleason

Mayroong limang kalikasan ang wika batay sa depinisyon na ibinigay ni Henry Gleason:

Ang wika ay masistemang balangkas dahil ito ay organisado at may sinusundang proseso.
Halimbawa:

(a) Hindi puwedeng “ako tahol” dahil ang tahol ay para sa aso.

(b) Laging may gitling ang salitang inuulit gaya ng sari-sari at laksa-laksa, kung walang buong diwa ang salitang
inuulit kapag nag-iisa na lamang ito.

Ang wika ay sinasalitang tunog. Lahat ng wika ay may grammar (sinusundang proseso ng wika).
Isang halimbawa nito ay mula tunog /a/ ay magiging titik [a], mula sa titik ay magiging pantig -- a, ang pantig
ay magiging salita – a|so, ang salita ay magiging parirala, ang parirala ay magiging pangungusap

Halimbawa:

/a/ --> [a] --> a -->

/s/ --> [s] --> s --> ASO


/o/ --> [o] --> o -->

Ang wika ay arbitraryo. Ibig sabihin, nagbabago-bago ang kahulugan ng salita batay sa mga sumusunod:

 Panahon

Halimbawa:

(a) Ang bakla noong siglo 1800 ay tumutukoy sa pagkaduwag ng isang tao.

(b) Ang bakla sa kasalukuyang panahon ay tumutukoy sa homosekswal na lalaki.

 Konteksto

Halimbawa:

(a) Sa larangan ng panitikan, ang salitang text ay nangangahulugang panitikang binabasa at/o pinag-aaralan.

(b) Sa larangan ng telekomunikasyon, ang text ay nangangahulugang mensaheng pinadadala o nababasa sa cell
phone.

 Gumagamit

Halimbawa:

(a) Uso sa kabataan ang akronim gaya ng LOL, OOTD, at iba pa.

(b) Sa matatanda, tinatawag nilang pridyider ang refrigerator, samantalang sa kabataan, fridge ang tawag dito.

Ang wika ay ginagamit ng tao. May kakayahan ang tao na makapagbigay ng ibang kahulugan sa isang salita
gayundin ay makabuo ng bagong salita.
Halimbawa:

(a) text, load, like, post, share

(b) lobat mula sa low batt, imba mula sa imbalance, DP mula sa default pic

Ang wika ay bahagi ng kultura.

 Repleksiyon

Halimbawa: marami tayong katawagan sa bigas

 May mga salitang sa Pilipinas lang ginagamit

Halimbawa: inin: kanin na malapit nang maluto

Kasaysayan ng Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa


Wikang Filipino ang pambansang wika sa Pilipinas. Ang kasaysayan ng pag-unlad nito ay mahalaga para higit
mong maunawaan ang kahalagahan nito sa iyo at sa bansa.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino


Sa panahon pa lamang ng Rebolusyong Pilipino ay mayroon nang unang hakbang tungo sa pagbuo ng isang
wikang pambansa.

Mahalaga ang pagkakaroon ng wikang opisyal sa pagbuo ng isang wikang pambansa.

Kahalagahan ng Pagkakaroon n Wikang Opisyal

- Isa itong hakbang tungo sa pagkakkroon ng isang wikang pambansa.


-

Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay nagkaroon din ng pag-unlad sa usapin ng wikang opisyal sa
mga paaralan at sa buong bansa.
Isa ring malaking hakbang sa pag-unlad ng wikang pambansa ang mga naganap sa Kumbensyong
Konstitusyonal ng 1935.
Nagkaroon din ng pagbabago sa ginagamit na wikang opisyal sa bansa noong panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Panahon ng Ikatlong Republika

Muling sumigla ang pagpapaunlad sa wikang pambansa sa panahon ng Ikatlong Republika.


Konstitusyon ng 1987

Sa pagbabalangkas ng Konstitusyon ng 1987 ay muling binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng


wikang pambansa sa Pilipinas.

Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika

 Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit pang
penomenon ay nagkauugnay sa bawat isa.
 Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng anumang
bagay na naitala sa kasaysayan.
 Tinatayang may 3,000 taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng interes ang tao na pag-aralan ang
pinagmulan ng wika (Pena, 2015).
 Nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1) ang Teoryang
Biblikal at (2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham.

Ang Teoryang Biblikal

May dalawang tala mula sa Bibliya ang tumalakay tungkol sa paglaganap ng iba't ibang wika sa panig ng
mundo. Ito ay ang kasaysayan ng Tore ng Babel na binabanggit sa Lumang Tipan, at ikalawa
ang Pentecostes na nasa Bagong Tipan naman.

Tore ng Babel

 Lalong kilala ito sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na sinasabing noon ay
may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang Armaic.
 Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa silang magtayo ng isang tore sa kapatagan ng
Shinar na sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit, at magiging tanyag sa daigdig.
 Ang kapangahasang ito ng mga tao ay nasaksihan ng Diyos, kaya iniba-iba Niya ang wika (Carpio 2012).

Pentecostes

 Matatagpuan ito sa ikalawang aklat ng mga Gawa bersikulo 1-12.


 Tinutukoy nito ang Pentecostes ng pagsapit ng banal na Espiritu Santo.
 Nakasaad dito na minsang nagtipon-tipon sa isang lugar ang mga Apostol nang may narinig na ugong
na nagmumula sa langit at may tila apoy na hugis dila ang lumapag sa bawat isa, at sila ay napuspos ng
Espiritu Santo.
 Pagkatapos nito, nagsimula silang magsalita ng iba't ibang wika.

Ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham

Nagsimula noong ika-12 siglo ang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa mundo. Narito ang
mga sumusunod na teorya:

Teoryang Bow-wow

 Ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika sa pangagaya o panggagad ng tao sa mga tunog
na nagmumula sa kalikasan.

Halimbawa:
Tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig sa talon

Teoryang Ding-dong

 Tanyag din ang teoryang ito sa tawag na Teoryang Natibistiko.


 Ipinapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika mula sa pagbigay ngalan ng tao sa mga bagay batay
sa tunog na maririnig mula rito, sa ibang salita buhat sa onomatopeia na maikakabit sa bagay.

Halimbawa:
Tunog ng kampana ay ding-dong, habang tik-tak ang salita para sa orasan
Teoryang Pooh-Pooh

 Tinataya ng teoryang ito na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng tunog, na natuto
ang tao na makipag-usap sa kagustuhan niya na maipahatid ang kaniyang emosyon.

Halimbawa:

Sakit: Aray! Paghanga: Wow!

Teoryang Yo-he-ho

 Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at magkakasama sa
kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
 Ang teoryang ito ay nakatuon sa tunog na nalilikha ng tao na nagmumula sa kaniyang puwersang
pisikal.

Halimbawa:
Tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat na bato

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

 Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang sibilisasyon, sa
kanilang mga ritwal at dasal.

Halimbawa:
Sa ritwal na sayaw ng mga Mangyang Alangan

Mga Paalala

 Mahalagang maunawaan na ang mga teorya ay pangkaraniwang nakabatay rin sa personal na


pagpapalagay ng mga indibidwal na nagsusulong o nagtataguyod nito.
 Maraming iskolar sa larangan ng wika ang nagtangkang ipaliwanag ang kahulugan at katuturan ng wika
gaya nina Asenjo, Marx, at Gleason.

Mahahalagang Kaalaman
 Mayoong dalawang kategorya ng mga teoryang nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng wika ng tao sa
daigdig: Teoryang Biblikal at Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
 Kabilang sa Teoryang Biblikal ang Teorya ng Tore ng Babel at Teorya ng Pentecostes.
 Ayon sa Teorya ng Tore ng Babel, ang pagkakaroon ng wika ay naganap nang tangkain ng mga tao na
magtayo ng napakataas na tore na sisimbolo sa katanyagan ng tao.
 Ayon sa Teorya ng Pentecostes, nag-ugat ang pagkakaroon ng iba't ibang wika sa daigdig nang
nilukuban ng Espiritu Santo ang mga apostoles ni Kristo at nagsalita sila ng iba't ibang wika.
 Kabilang naman sa mga teoryang makaagham ang mga teroyang Bow-wow, Ding-dong, Pooh-pooh,
Yo-he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.

Kahulugan ng Wikang Panturo


Mahalaga sa lipunan at kulturang Pilipino ang edukasyon. Isa sa mga sangkap ng edukasyon ang wikang
ginagamit sa pagtuturo. Sa mga dalubwika, ang wikang panturo ay (mga) wikang ginagamit o itinatalaga ng
pamahalaan para sa edukasyon. Ang (mga) wikang ito ang siyang mahalagang ginagamit ng guro, mga
administrador, at mag-aaral sa loob ng kani-kanilang paaralan.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang wikang panturo ay opisyal na (mga) wikang ginagamit sa
pagtuturo at pag-aaral sa loob ng pormal na sistemang pang-edukasyon.

Sa parehong depinisyon ng wikang panturo, mahahalagang sangkap ang sumusunod:

1. Pamahalaan /Opisyal – kinakailangang may mandato ang wikang panturo mula sa pamahalaan.
2. Sistemang pang-edukasyon – ang wikang panturo ay nakasentro lamang sa sistemang pang-
edukasyon. May pagkakataon na iba ang ang wikang panturo sa wikang pambansa (kaso ng India at
Canada).
3. Kaalaman at/o Pagkatuto– nakatuon sa pagpapalalim at pagpapalawak ng pagkakaroon ng kakayahan
ng mga mag-aaral na matutuhan ang mahahalagang asignatura.

Kahalagahan ng Wikang Panturo

Kung babalikan ang parehong pagpapakahulugan ng wikang panturo, binibigyang-diin nito ang wikang panturo
na behikulo ng pagpapasa ng kaalaman at mahahalagang kakayahan ng isang bata upang maging handa sa
paglaki at makapagtrabaho. Ilan sa punto kung bakit mahalagang usapin ang wikang panturo ay:

 esensyal sa kakayahan ng mag-aaral na maipahayag ang sarili;


 paraan upang makilala pang lalo ng mag-aaral ang sarili bilang mamamayan ng kaniyang bansa;
 daluyan ng kaalaman at hindi dapat maging balakid sa mga mag-aaral sa pagkatuto;
 tulay upang magkaunawaan ang mag-aaral, guro, at ang paksang pinag-aaralan; at
 nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng mag-aaral na matuto nang sabay-sabay.

Kasaysayan ng mga Wikang Panturo sa Pilipinas


Ang wikang panturo sa Pilipinas ay nabuo at umunlad sa pagdaan ng panahon:
Mga Wikang Panturo sa Pilipinas sa Kasalukuyan

Batay sa Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Konstitusyon ng 1987, Filipino at Ingles ang wikang panturo. Noong 2009,
nagkaroon naman ng DepED Order no. 74 na nagsasaad na gagamitin na sa pag-aaral ang mother tongue o ang
unang wika ng bata. Noong 2012, pinalakas pa ito ng DepED Order no 31, na nagsasaad na “Mother tongue
shall be used as a medium of instruction and as subject for Grades 1 to 3. English and Filipino shall be used
from Grades 4 to 10.”

Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education o MTBMLE ay naglalayong gamitin ang unang wika ng mag-
aaral sa pag-aaral sa lahat ng asignatura mula Grade 1 hanggang Grade 3, maliban sa Filipino at English. Sa
kasalukuyan, mayroong 19 na wika ang tinuturing na mother tongue:

Paalala
Ang wikang panturo ay hindi basta pinipili. Kinakailangang may batas na magtatakda nito. Ang batas na
nagsasaad na wikang Filipino at Ingles ang wikang panturo ay ang Artikulo XIV Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng
1987. Samantala, ang batas na nagtatakda sa paggamit ng mother tongue o ng unang wika bilang wikang
panturo ay ang DepEd Order 31 noong 2012.

Buod
Ang wikang panturo ay mahalaga upang maibahagi ng guro at matuto ang mag-aaral ng kaalaman at
kakayahan. Upang hindi basta-basta mabago ang wikang panturo, mahalagang naisasabatas ito. Sa
kasalukuyan, may tatlong wikang panturo sa bansa: mother tongue o unang wika, Filipino, at Ingles.

Opisyal na Wika

Lahat ng bansa ay mayroong opisyal na wika. Kinakailangan ito upang magkaroon ng pagkakaisa at
pagkakaunawaan sa mga desisyon, patakaran, at korespondensya ng pamahalaan. Ginagamit ang opisyal na
wika sa talastasan at mga transaksyon ng pamahalaan sa loob at labas ng mga ahensyang kabilang nito. Sa bisa
ng isang batas na nakapaloob sa Saligang Batas, napipili ang isang wikang siyang maging opisyal na wika.
Dumadaan sa serye ng konsultasyon sa iba’t ibang pangkat ng tao ang pagpili sa opisyal na wika.

Opisyal na Wika ng Pilipinas

Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas ng 1987, binabanggit na, “Ukol sa layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles.” Ibig sabihin, sa kasalukuyan, mayroon tayong dalawang opisyal na wika, ang Filipino at Ingles. Noong
ika-18 ng Agosto 1988, pinirmahan ng dating Pangulong Corazon Aquino ang Executive Order 335 na nag-uutos
sa lahat ng sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino bilang opisyal na wika sa transaksyon at
komunikasyon ng mga sangay ng pamahalaan. Nilalayon din ng nasabing executive order ang mga sumusunod:

Ang Opisyal na Wika, Wikang Pambansa, at Wikang Panturo

Ang opisyal na wika, wikang pambansa, at wikang panturo ay may iba’t ibang papel sa ating lipunan.
Ginagamit ang opisyal na wika sa opisyal na pakikipagtalastasan ng ating pamahalaan sa loob at labas ng
ahensya. Ang mga wikang ito ay mahalaga sa mas malinaw na pakikipagkomunikasyon. Ang wikang panturo
ang wikang ginagamit sa loob ng paaralan. Ito ang mga wikang pangunahing naghahatid ng impormasyon at
nagtatakda ng komunikasyon sa pagitan ng mga kapwa guro, kapwa kamag-aral, guro at mag-aaral, at sa
pagitan ng mga taong nasa loob ng paaralan. Ang wikang pambansa naman ay binuo upang magkaroon ng
pagkakaunawaan at pagkakaisa ang mga Pilipino.

Ang Mga Opisyal, Panturo, at Pambansang Wika at Batas na Nagtakda

Ang mga talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng gamit ng opisyal na wika, wikang panturo, at wikang
pambansa at maging ang mga batas na nagtakda.

Ano ang:
Ano ang silbi ng:

Batas na nagtatakda sa:

Mga Paalala

 Laging isulong ang wikang Filipino sapagkat maliban pa sa pagiging opisyal na wika ay ito rin ang ating
pambansang wika.
 Ang wikang opisyal, wikang panturo, at wikang pambansa ay mayroong mahahalagang papel na
ginagampanan sa ating lipunan.

Mahahalagang Kaalaman

 Ang opisyal na wika sa Pilipinas ay Filipino at Ingles alinsunod sa Saligang Batas ng 1987.
 Gagamitin ang mga nasabing wika sa opisyal na komunikasyon at transaksyon ng iba’t ibang sangay ng
pamahalaan.

NEXT – MGA KONSEPTONG PANGWIKA – 4TH

You might also like