You are on page 1of 9

Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 nakikilala at naipaliliwanag mo ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan ng wika (Biblikal at
Pansiyentipiko);
 natutukoy mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba't ibang teorya sa pinagmulan ng wika;
 natitimbang at kritikal na nasusuri mo nang may katalinuhan sa katotohanan ang iba’t ibang teorya ng
pinagmulan ng wika;
 nasusubok mo na manaliksik at makagawa o makalikha ng personal na teorya ukol sa pinagmulan ng wika
ng tao sa mundo.

 Ano-ano ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika?


 Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba’t ibang teorya na pinagmulan ng wika?

Sa pag-aaral ng iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika, mahalagang maunawaan natin ang kahulugan
ng wika at teorya.

Kahulugan ng Wika
 Binanggit ni Asenjo (2015) sa kaniyang papel na Tungo sa Multilingguwalismo at Pagkakapantay-pantay:
Wika at Kasarian sa Panitikan na ang kaniyang turing sa wika ay ayon sa pagpapakahulugan ng Aleman na
si Karl Marx. Ayon kay Marx, ang wika ay isang kamalayang praktika. Ipinaliliwanag ng kaisipang ito na
ang wika ay isang elementong nagtutulak sa tao upang lumikha. Sa pamamamagitan ng wika, ang tao ay
nakauugnay sa daigdig.
 Ayon naman sa Introduction to Applied Linguistics ni Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas
ng mga binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng
mga tao sa isang tiyak na kultura. Samakatuwid, ang wika ay isang prosesong nagsisimula sa pagbuo ng
kaisipang tinutumbasan ng makabuluhang mga tunog.

Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika


 Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit pang
penomenon ay nagkauugnay sa bawat isa.
 Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng anumang bagay na
naitala sa kasaysayan.
 Tinatayang may 3,000 taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng interes ang tao na pag-aralan ang
pinagmulan ng wika (Pena, 2015).
 Nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1) ang Teoryang Biblikal at
(2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham.

Ang Teoryang Biblikal


May dalawang tala mula sa Bibliya ang tumalakay tungkol sa paglaganap ng iba't ibang wika sa panig ng mundo. Ito
ay ang kasaysayan ng Tore ng Babel na binabanggit sa Lumang Tipan, at ikalawa ang Pentecostes na nasa
Bagong Tipan naman.

Tore ng Babel

 Lalong kilala ito sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na sinasabing noon ay
may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang Armaic.
 Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa silang magtayo ng isang tore sa kapatagan ng
Shinar na sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit, at magiging tanyag sa daigdig.
 Ang kapangahasang ito ng mga tao ay nasaksihan ng Diyos, kaya iniba-iba Niya ang wika (Carpio 2012).

Pentecostes

 Matatagpuan ito sa ikalawang aklat ng mga Gawa bersikulo 1-12.


 Tinutukoy nito ang Pentecostes ng pagsapit ng banal na Espiritu Santo.
 Nakasaad dito na minsang nagtipon-tipon sa isang lugar ang mga Apostol nang may narinig na ugong na
nagmumula sa langit at may tila apoy na hugis dila ang lumapag sa bawat isa, at sila ay napuspos ng
Espiritu Santo.
 Pagkatapos nito, nagsimula silang magsalita ng iba't ibang wika.

Ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham


Nagsimula noong ika-12 siglo ang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa mundo. Narito ang mga
sumusunod na teorya:

Teoryang Bow-wow

 Ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika sa pangagaya o panggagad ng tao sa mga tunog na
nagmumula sa kalikasan.

Halimbawa:
Tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig sa talon

Teoryang Ding-dong

 Tanyag din ang teoryang ito sa tawag na Teoryang Natibistiko.


 Ipinapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika mula sa pagbigay ngalan ng tao sa mga bagay batay sa
tunog na maririnig mula rito, sa ibang salita buhat sa onomatopeia na maikakabit sa bagay.

Halimbawa:
Tunog ng kampana ay ding-dong, habang tik-tak ang salita para sa orasan

Teoryang Pooh-Pooh

 Tinataya ng teoryang ito na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng tunog, na natuto ang tao
na makipag-usap sa kagustuhan niya na maipahatid ang kaniyang emosyon.

Halimbawa:

Sakit: Aray! Paghanga: Wow!

Teoryang Yo-he-ho

 Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at magkakasama sa
kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
 Ang teoryang ito ay nakatuon sa tunog na nalilikha ng tao na nagmumula sa kaniyang puwersang pisikal.

Halimbawa:
Tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat na bato

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

 Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang sibilisasyon, sa
kanilang mga ritwal at dasal.

Halimbawa:
Sa ritwal na sayaw ng mga Mangyang Alangan
 Mahalagang maunawaan na ang mga teorya ay pangkaraniwang nakabatay rin sa personal na
pagpapalagay ng mga indibidwal na nagsusulong o nagtataguyod nito.
 Maraming iskolar sa larangan ng wika ang nagtangkang ipaliwanag ang kahulugan at katuturan ng wika
gaya nina Asenjo, Marx, at Gleason.

Mahahalagang Kaalaman
 Mayoong dalawang kategorya ng mga teoryang nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng wika ng tao sa
daigdig: Teoryang Biblikal at Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
 Kabilang sa Teoryang Biblikal ang Teorya ng Tore ng Babel at Teorya ng Pentecostes.
 Ayon sa Teorya ng Tore ng Babel, ang pagkakaroon ng wika ay naganap nang tangkain ng mga tao na
magtayo ng napakataas na tore na sisimbolo sa katanyagan ng tao.
 Ayon sa Teorya ng Pentecostes, nag-ugat ang pagkakaroon ng iba't ibang wika sa daigdig nang nilukuban
ng Espiritu Santo ang mga apostoles ni Kristo at nagsalita sila ng iba't ibang wika.
 Kabilang naman sa mga teoryang makaagham ang mga teroyang Bow-wow, Ding-dong, Pooh-pooh, Yo-
he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.
Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na

 nabibigyang kahulugan mo ang gamit ng wika bilang instrumental sa lipunan; at


 natutukoy mo ang tatlong anyo ng gamit ng wika bilang instrumental.

 Ano ang kahulugan ng gamit ng wika bilang instrumental sa lipunan?


 Ano-ano ang tatlong anyo ng gamit ng wika bilang instrumental?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Gamit ng Wika Bilang Instrumental


Ang wika ay ginagamit bilang instrumental kung ang pakay ng tagapagsalita ay maimpluwensiyahan ang
kaniyang tagapakinig o mambabasa.

May tatlong anyo ang paggamit ng wika bilang instrumental:

 makapagbigay ng impormasyon,
 makapukaw ng damdamin, at
 makapagpakilos.

Magbigay ng Impormasyon (Communicative Usage of


Language)
Sa pakikipag-usap, palaging mayroong pag-iimpluwensiya sa tagapakinig. Bukod sa paglalahad ng mensahe,
nagagamit din ito upang mapaniwala ang kausap o tagapakinig sa bawat pangungusap na babanggitin.

Halimbawa:

 "Maniwala ka. Inosente ako."


 "Siya ang nagkasala."
 "Mahal kita."

Makapukaw ng Damdamin (Suggestive Usage of Language)


Mula sa pagkabata ay nakondisyon na ang tao na may emosyong dapat ikinakabit para sa partikular na mga salita.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagbigay ng apirmasyon, pagtanggi, at pagsabi na nagustuhan, o pag-ayaw sa
mensahe ng tagapagsalita.

Halimbawa:

 "Magagalit si Nanay kung ginawa mo iyan."


 "Magsisisi ka na sa iyong kasalanan dahil paparating na ang araw ng paghuhusga."
 "Ang husay naman ng anak ko!"
 "Ang ganda mo ngayong araw!"

Magpakilos (Promotive Usage of Language)


Iba ito sa regulatoryong gamit ng wika na tuwirang nag-uutos. Ito ay dahil ang pagpapakilos ay ginagawa sa
pamamagitan ng paglalahad, sa paraang pailalim na naglalarawan na lamang ng kasalukuyang sitwasyon, o
naipapabatid ang nais ipagawa.

Halimbawa:

 "Gutom na ako. Magaling ka magluto, ‘di ba?” (Nais mag-utos na magluto ang tagapagsalita sa kausap.)
 “Mabilis ka masyado magmaneho.” (Nais pabagalin ng tagapagsalita ang nagmamanehong kausap.)
 “Marami siyang nakurakot noong una siyang nanungkulan.” (Nais mangkumbinsi na huwag iboto ang
partikular na kandidato.)
 “Ito ang bagay sa iyong kulay ng lipstick.” (Nais ng tagapagsalita na makumbinsi ang kausap na bilhin ang
produktong iyon.)

Maaaring tugunan ang gamit ng wika bilang instrumental sa paniniwala at pagsuporta, o sa pagtanggi sa sinasabi
ng tagapagsalita.

Buod
Tinutukoy sa gamit ng wika bilang instrumental ang kakayahan ng wika na maging kasangkapan upang
maimpluwensiyahan ang kaniyang tagapakinig o mambabasa. Magagawa ang pag-impluwensiyang ito sa tatlong
paraan---mapaniwala sa impormasyon, makapukaw ng damdamin, at magpakilos.

Sanggunian:

 Mabilin, Edward. Transpormatibong Komunikasyong sa Akademikong Filipino. Malabon: Mutya Publishing


House Inc, 2012.
 CHART.TESL “Michael Halliday”. Being and Work. 5 April 2016. Web. 28 January 2011.
 n.a. “Informative Texts”. Skillwise English and maths for Adults. 21 April 2016. Web. 2011.
 n.a."Instrumental usage of language". Digital Text International. 23 April 2016. Web. n.d

You might also like