You are on page 1of 2

KULTURANG MALAUEG SA MAKABAGONG PANAHON

KABANATA 1: KALIGIRAN NG PAG-AARAL


A. PANIMULA
Ang Kultura ang tagapagsalita ng isang nasyon o lahi ng mga katutubo at sumasalamin rin sa kanilang
pagkakakilanlan, paniniwala, kaugalian at mga nakasanayan ng mga tao. Itinuturing rin itong pamana ng
mga ninuno na naipasa sa kasalukuyan at nakakapagbukod-tangi sa kanila gaya ng kanyang mga sariling
pamamaraan sa mga bagay katulad ng: pakikipagkasal, pakikipagkapwa, paglilibing at marami pang iba
ngunit sa paglipas ng panahon, ang kulturang ito na nakasanayan ay unti-unti ng nagbabago at naglalaho
dahil sa makabagong teknolohiya at modernong panahon. Sa bansang Pilipinas, ang kultura ay nagmula pa
sa tradisyunal na nakasanayan ng mga katutubo ngunit iilang bayan na lamang sa ating bansa ang
nagsasabuhay ng Kulturang Pilipino.
Ang kabihasnang malaweg ay matatagpuan sa hilagang Luzon partikular sa munisipalidad ng Rizal,
Cagayan at sinasabi ring may kasaysayang kasali ang Piat at Tuao na gumagamit ng nasabing wika.
Nakasaad din rito na nagmula sila sa Apayao at Kalinga. Tinatawag rin sila noong Irrayas at nang
dumating ang mga Espanyol at silay sapilitang nabago sa kadahilanang kung sila ay hindi aayon sa gusto
ng mga Espanyol na suportahan ang kristiyanismo ay pagmamalupitan sila, ito rin ang dahilan ng paglaban
ng mga Malaweg sa mga Espanyol ngunit nang sila ay natalo tuluyan na silang nabago. Isang makikitang
halimbawa nito ay ang Malaueg Church na matatagpuan sa Rizal, Cagayan.
Ang mga Malaueg ay sinasabing may itim hanggang kayumangging kulay, may katamtamang taas
at malalaking pangangatawan. Sila rin ay kilala bilang tahimik, magalang, at matapat na mga tao. Tulad ng
din ng ibang pangkat etniko, ang pag aagrikultura at pangingisda ang mga pangunahing pinagkukunan nila
ng pangkabuhayan. Ang mga Malaueg ay matapat at pinipilit na magkaron ng iisa lamang na
mapapangasawa sa kanilang buong buhay. Ang mga Malaueg din ay gumagamit ng tradisoynal na paraan
ng panliligaw at pagpapakasal. Kung ang panliligaw ay nauwi na sa sersoyosong kasalan tinatawag nila
itong saripit. Sa paggalang sa tradisyunal na pag aalay,ang mga lalake ay nanga-ngailangang magbigay
ng kahit anong bagay na mayroon sila halimbawa dito ay ginto, pilak o anong bagay na may halaga.
Kailangan na ang alay na ibibigay ng lalake ay sapat sa mga magulang ng babaeng kanyang
mapapangasawa.
Ayon sa pag-aaral ang wikang Malaueg ay kaparehas sa wikang Itawes at wikang Ybanag dahil
may salita sa Malaweg na katulad ng sa Itawes katulad ng talatang, Pasensyan mu laman ya native nga
annu na nangangahulugang ito lamang ang maibibigay naming manok. Ipinakita rin ng talatang nabanggit
ang kultura ng mga malaueg sa pagpapakasal, ito ang kanilang pagbibigay ng alay o Dowry sa salitang
ingles.
Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito na pinamagatang KULTURANG MALAUEG SA
MAKABAGONG PANAHON, layunin ng mga mananaliksik na alamin ang mga salik sa pagbabago ng
kultura ng mga Malaueg. Bukod dito, tinatangka ring ipaliwanag ang kahalagahan ng mga nawalang kultura
ng Malaueg na naisasabuhay noon at hindi na ginagawa ngayon at kung paano nakakaapekto sa kanilang
pamumuhay ang pagbabagong ito.
B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang paglutas sa mga sumusunod na suliranin ay makakatulong
sa paggawa ng isang magandang konklusyon na sasagot sa totoong kalagayan ng kulturang Malaueg sa
paghubog ng kamalayan ng mga mambabasa at ang pananaliksik na ito ay nagnanais na masagot ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang mga pagbabago sa kultura ng Malaueg sa nakalipas na panahon?
2. Paano sumasalamin ang kultura nila sa kanilang pamumuhay?
3. Paano nakakaapekto sa kanilang pamumuhay ang pagabagong ito?
4. Ano ang mga salik na nagpabago ng kanilang kultura:
a. Pagpapakasal
b. Paglipat ng tirahan

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay maaring mapalawig ang kaalaman ng mambabasa tungkol sa isang
ipinagmamalaking bahagi ng kultura at tradisyon ng mga Malaueg. Magbigay ng kasagutan sa mga
katanungan ng nakararami kung ano ang kaibahan ng mga Malaueg sa mga kalapit na wika gaya ng Itawes.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
Mananaliksik. Bilang mga estudyanteng mananaliksik sa kultura, makatulong ang pag-aaral na ito na mas
mapalawak ang kaaalaman sa kultura ng Malaueg upang mas lalo itong maintindihan at makatulong na
maipreserba ang kulturang pinakaiingat-ingatan pa ng kanilang mga ninuno. Magpapatibay sa pag-aaral na
ito ang bawat kaalamang dapat sa mga malaueg.
Mga mamamayan sa Rizal. Ito ay makakatulong sa kanila upang mas maintindihan ang mga pagbabago
sa kanilang kultura.
Sa mga susunod na manaliksik. Maari itong maging basehan ng mga susunod na mananaliksik sa
paggawa ng mas kongkretong depenisyong sa pagbabago ng mga kulturang etniko sa bansa.

You might also like