You are on page 1of 6

Performance Task

Kultura, Paniniwala, at Pagpapahalaga ng


Pagiging Mamamayan na Asyano
Mini Task 1
Ang pagiging mamamayang Asyano ay dapat pahalagahan, Dahil ang
bansang Asya ay mayaman sa Kultura, Historya, Paniniwala at Likas na
Yaman. Dapat itong bigyan dangal at maging makabayan. Sapagkat
bilang isang Asyanong mamamayan ikaw ay isang tao na nanggaling sa
bansa na makulay at masining ang kultura at magrasya ang paniniwala.

Ang pagiging Asyano ay tunay nga namang maipagmamalaki sa buong


mundo dahil sa mayaman na kultura at paniniwala ng mga bansang
nabibilang sa kontinenteng ito. At bilang isang Pilipino na mamamayan
ng Asya, masasabi ko na kung kultura at paniniwala ang
pinagbabasehan ng pagiging mayaman ng isang bansa ay siguradong
isa na ang Pilipinas sa nangunguna dito. Pagkat alam naman natin na sa
mga tradisyon pa lamang ay may ipinagdiriwang araw - araw sa iba't -
ibang bahagi ng bansa.

Ang mga paniniwala nman natin ay talagang hindi nawawala anumang


oras. Sa relihiyon pa lang natin ay may kanya - kanyang paniniwala ang
mga pangkat ng tao kaya naman napakarami nang relihiyon ang
bumubuo sa Pilipinas. Pati na rin ang mga pang - araw - araw na
paniniwala na tinatawag nating pamahiin ay tunay namang
pinapahalagahan din ng iba.
Masasabing talagang iniingatan ng mga Asyano ang sari - sariling
kultura at paniniwala kaya naman patuloy itong umuusbong sa paglipas
ng panahon. At ang mga Pilipino na may malaking naiibahagi sa Asya
pagdating sa kultura at paniniwala, sana ay patuloy pa natin itong
pagyamanin ng mga ngayon pati na rin ang mga susunod pang
henerasyon bilang pagpapakita ng pagpapahalaga natin sa pagiging
isang Asyano.

Mini Task 2
Kultura
Ang pagiging Asyano ay tunay nga namang maipagmamalaki sa buong
mundo dahil sa mayaman na kultura at paniniwala ng mga bansang
nabibilang sa kontinenteng ito. At bilang isang Pilipino na mamamayan
ng Asya, masasabi na kung kultura at paniniwala ang pinagbabasehan
ng pagiging mayaman ng isang bansa ay siguradong isa na ang
Pilipinas sa nangunguna dito. Pagkat alam naman natin na sa mga
tradisyon pa lamang ay may ipinagdiriwang araw - araw sa iba't - ibang
bahagi ng bansa. Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa
Asya. Tinatampok nito ang iba’t ibang mga uri ng pamanang
pangkultura ng maraming mga kabansaan, mga lipunan, at mga
pangkat etniko ng rehiyon, na nakaugaliang tinatawag bilang isang
kontinente magmula sa pananaw na Kanluranin hinggil sa Asya. Ang
rehiyon o lupalop ay mas pangkaraniwang hinahati sa mas likas ng mga
kabahaging rehiyon na pangheograpiya at pangkultura, kabilang na ang
Gitnang Asya,Silangang Asya, Timog Asya (ang “subkontinente ng
India”), Hilagang Asya, Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya. Sa
heograpiya, ang Asya ay hindi isang namumukod tanging kontinente; sa
kultura, mayroong kakaunting pagkakaisa at karaniwang kasaysayan
para sa maraming mga kultura at mga tao ng Asya. Ang sining, musika,
at lutuin, pati na panitikan, ay mahahalagang mga bahagi ng kulturang
Asyano. Gumaganap din ng isang pangunahing gampanin ang
pilosopiya at relihiyon, na kinabibilangan ng Hinduismo, Taoismo,
Kompusyanismo,Budismo, Kristiyanismo at Islam; ang lahat ng mga ito
ay may pangunahing mga gampanin. Isa sa pinakamasasalimuot na
mga bahagi ng kultura ng Asya ay ang ugnayan sa pagitan ng mga
kulturang nakaugalian at ang mundo ng Kanluran. Ang kultura ay
salamin ng ating bansa kung kaya't sa bawat kultura na ating ginawa ay
mapapansin ang bawat butil o katiting na guhit sa ating bansa. Marami
tayong iba't ibang kultura at kasaysayan mula sa iba't ibang parte ng
Asya. Ngunit ang iba sa mga mga kultura ay hindi man naalis o
nakalimutan at may mga nadagdag na pagbabago.

Paniniwala

Ang mga paniniwala nman natin ay talagang hindi nawawala anumang


oras. Sa relihiyon pa lang natin si ay may kanya - kanyang paniniwala
ang mga pangkat ng tao kaya naman napakarami nang relihiyon ang
bumubuo sa Pilipinas. Pati na rin ang mga pang - araw - araw na
paniniwala na tinatawag nating pamahiin ay tunay namang
pinapahalagahan din ng iba. Ang paniniwala ng mga Pilipino ay nakuha
pa noong sinaunang panahon at pinasa sa bawat henerasyon. Ito ay
pinapanagutan rin ng siyang naniniwala dito. Ilan sa mga tampok na
pamahiin na kadalasa’y sinusunod nating mga mamayang Pilipino ay
ang mga sumusunod:

● Bawal magbunot sa gabi


● Bawal maggupit kapag gabi
● Bawal magwalis kapag may patay
● Pag sabi ng tabi-tabi

Mini Task 3

Pagpapahalaga

Isa ka ba sa kasapi ng mga Asiano? Alam mo ba kung ano ang mga


katangian ng mga Asiano? Para sa amin, konti lang pero nakikita namin
sa bawat tao na nasa aming paligid. Ang Pilipinas ay kasapi ng mga
Asyanong bansa. Napapansin namin sa mga telenobela at sabi-sabi ng
ibang mga tao, na yung nasa ibang bansa ay nagpopokus lagi sa
kanilang mga trabaho, may tatlo hanggang limang trabaho ang kanilang
pinanasukan araw araw. Malalaki ang kanilang sweldo sa isang buwan
ngunit malaki rin ang ibabayad ng buwis. May malalaking gusali at
napaka high-tech and kanilang lugar.
Halos lahat ay mayayaman kaunti lamang ang mahihirap. Mauunlad ang
kanilang mga bansa kaya may ibang mga Pilipino na nangangarap na
magkatrabaho sa ibang bansa upang makatulong sa kanilang pamilya.
Pero napapansin mo ba ang kakaiba sa ating bansa na wala sila? Kahit
mahihirap lamang ang ibang mga Pilipino, nagkakaroon tayo ng
pagmamahal at malapit sa ating pamilya. Inaalagahan natin, minamahal
ang ating mga magulang ngunit sa ibang bansa ilalagay na lamang nila
sa Home for the Aged. Ang mga Pilipino ay may katangiang ngumiti
dahil sa tayo magiliw na tao hindi gaya ng ibang bansa na walang oras
ngumiti dahil sa seryoso sa kanilang gawain araw araw. Kaya maraming
mga tao doon na namamatay ng maaga, walang kaligayahan sa
kanilang buhay at naghahangad ng saya dahil sa wala silang oras na
mag-aksaya ng panahon para sa kanilang buhay.
● Kaya kahit hindi maulnlad ang ating bansa, ipinagmamalaki ko parin
ang ating bansa dahil sa tayo ay may katangiang tumulong, may
pagmamahal sa ating pamilya at pagiging makatao sa ating kapwa
tao.

References:

You might also like