You are on page 1of 10

ANG KATAGUMPAYAN NG HOUSE BILL 1022 SA MGA NASA IKA-11 BAITANG NA

MAG AARAL SA COLEGIO DE CALUMPIT, INC. S.Y. 2019-2020

Isang Panukalang Pananaliksik na Iniharap


sa mga Guro ng Colegio de Calumpit, Inc.

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga


Kinakailangan sa Asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Nina:

Galang, Kyle Adrienne


Garcia, James Lowell
Bollena, Shobe
Nabong, Cyrill
Salen, Kliah
Valdez, Ruschelle
KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-Aaral

Ang Baybayin ay sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Ito ay papantig. Galing

ang baybayin sa salitang “baybay” na sa Ingles ay “to spell”. Ang pinagkaiba naman ng Alibata

sa Baybayin ay ang Alibata ay galing kay Dean Paul Versoza ng University of Manila. Ayon kay

Dean, ang Alibata ay gumagaya sa unang dalawang letra ng alpabetong Maguindanao na ang

kahulugan ay “to spell” o baybayin. Pansamantalang nawala ang Baybayin dahil sa lakas ng

impluwensiya ng pananakop ng mga Banyaga sa atin, ngunit nga sa paglago ng teknolohiya,

maraming bagay ang nabago. (Anana, 2009)

Hindi alintana sa mga Pilipino na nakilalang muli ang Baybayin sa panahong ito. Ayon

kay Paul Morrow (2018) ito ay dahil sa mga ekspertong nagsipag-aral at sa paglago ng

Teknolohiya. Ayon naman kay Jean-Paul G. Potet (2018), ang Baybayin ay muling nabuhay

dahil sa sining na taglay ng Baybayin, ang pamamaraan at dahil na nga rin sa teknolohiya.

Kamakailan lamang, dumaan sa senado ang Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

na nakasaad sa House Bill 1022 at naipasa ito. (Press and Public Affairs Bureau, 2018)

Ayon kay Erwin Colcol, isang manunulat galing GMA, ang House Bill 1022 ay nagdedeklara

na ang Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat. Nakasaad din sa bill na ito na lahat ng

mga manufacturers, na ang pangalan ng kanilang mga produkto ay dapat na mayroong katapat

na translation sa Baybayin. Pati narin ang mga signages at sa mga hospital o maging sa mga

pang-gobyernong imprastraktura. Hindi rin nahiwalay sa bill na ito ang mga diyaryo at magasin.

Bagama’t marami na sa mga Pilipino ang di nakaaalam dito, magbibigay ang gobyerno ng mga

babasahin ukol sa Baybayin sa mga pampubliko at pampribadong paaralan.


Batayang Konseptwal

Input Proseso Awtput

Mga Libro, Balita at Pagsasarbey Matukoy ang kaalaman ng mga nasa

Pook-Sapot ika-11 baitang na mag-aaral sa Colegio

De Calumpit, Inc. S.Y. 2019-2020

tungkol sa House Bill 1022

Figura 1. Paradym ng Pag-Aaral

Ang paradaym ng pananaliksik na ito ay ang input-process-output iskim. Napag-diskusyunan

ng mga mananaliksik ang tungkol sa House Bill na ito sapagkat muling lumaganap ang Baybayin

dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at muling paggamit nito sa anumang uri ng sining, at dahil na

rin ang Baybayin ay ginawang batas bilang pambansang sistema ng pagsusulat, kaya aalamin ng

pag-aaral na ito ang mga pangkalahatang kabatiran ng mga nasa ika-labing-isang (11) baitang

ukol sa nabanggit na house bill. Sa pamamagitan ng pagsa-sarbey amin itong patitibayin at

pagkatapos, amin itong lalagumin upang maipahayag ang mga ipormasyong natuklasan sa

paksang ito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik ay maipabatid ang house bill na ito ng mga

nasa ika-11 baitang na mag-aaral sa Colegio De Calumpit Inc. S.Y. 2019-2020.

Layunin din ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod.


1. Gaano karami ang nakakaalam at hindi nakakaalam sa house bill na ito.

2. Anu-ano ang mga salik sa kanilang pagkaalam at hindi pagkaalam.

3. Matukoy ang sanay at hindi sanay sumulat ng Baybayin

4. Anu-ano ang mga salik sa kanilang pagkasanay at hindi pagkasanay.

5. Makatulong sa layunin ng House Bill 1022.

6. Malaman ang kanilang pananaw ukol sa House Bill 1022.

Kahalagahan ng Pag-Aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga ika-11 baitang na mag-aaral sapagkat lalo pang

mabubuksan ang kanilang isipan hinggil sa mga batas na naipatutupad sa senado. Karagdagang

impormasyon din ito para sa kanila. Ayon kay Rishabh Lunawat (2017) ang kaalaman ang

naghihiwalay sa tao sa mga hayop, pagkakaroon superyoridad sa mundo at pagkamit ng mga

bagay-bagay. Makasusuporta rin ang mga nasa ika-11 baitang sa layunin ng House Bill 1022

bilang pambansang sistema ng pagsulat. Mahalaga ang pagsusulat sapagkat ayon kay Florian

Coulmas (2003) ang pagsulat ay isang bahagi ng komunikasyon. Mahalaga din ang pag-aaral na

ito sa mga guro lalo sa mga nagtuturo ng Filipino sapagkat saklaw ng kanilang propesyon ang

pananaliksik na ito. Sa pagdidiskusyon din ng mga mananaliksik ukol sa paksang nabanggit, ang

lahat ng mananaliksik ay walang alam ukol sa House Bill 1022. Dito pumapasok ang

kahalagahan ng kuryusidad, ang kuryusidad ay ang kagustuhang malaman ang isang bagay hindi

lamang basta malaman kundi lubos pang maunawaan. Ang kuryusidad, base sa mga pag-aaral ay

nakapagbibigay ng tiwala sa sarili, aktibong buhay, pagiging malikhain, mas mabuting paggawa
at mas mabilis na pagtuto. (Wolff, 2016) Ang pananaliksik din na ito ay tatalakay sa

importansiya ng batas. Ayon kay Ideasinhat (2018), na isang manunulat ukol sa agham at

pilosopiya, binabawasan ng mga batas ang mga kawalan ng katiyakan, kawalan ng kakayahan at

kakulangan sa pagkakaroon ng pagbabago. Sa Pananaliksik ding ito ay nabibilang ang pananaw

at opiniyon ng mga kabataan. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Wika ni Rizal.

Ipinahihiwatig nito na ang kabataan ay mayroon malaking responsibilidad ukol sa mga darating

na panahon.

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw at limitasyon ng pananaliksik ay ang mga estudyanteng nasa ika-11 baitang na

may edad na 15-18 sa paaralang Colegio De Calumpit Inc. Ang bilang ng estdyanteng

respondente ay isangdaan at sampu (110). Pagsasarbey ang paraang gagamitin upang

masuportahan o maisaayos ang mga impormasyong nangalap. Matatapos ang pananaliksik na ito

sa panahong ibibigay ng aming guro.


Kabanata III

Pamamaraang Ginamit sa Pag-aaral

Ang kabanata III ay tumatalakay sa ginamit na pamamaraan sa pananaliksik, paraan ng

pagpili ng mga kalahok at lokasyon ng pag-aaral, at instrumentong ginamit sa pananaliksik.

Uri ng Pananaliksik

Bilang pag-aaral sa katagumpayan ng House Bill 1022, ang pananaliksik na ito ay

kwantiteytib. Ayon kay Saul Mcleod (2019) ang kwantiteytib na pananaliksik ay isang

pananaliksik na kinukuha ang mga impromasyong nakalap sa anyong numerical form o sa mga

bilang na maaring maging graph. Dagdag pa niya sa kaniyang artikulo, dahil sa ang kwantiteytib

na pananaliksik ay nakabase sa matematika, ang quantitative na mga pananaliksik ay

siyentipikong ma-layunin at makatuwiran. Bilang kwantiteytib na pananaliksik makakakuha ng

impormasyon ang pananaliksik na ito sa pagsa-sarbey .Sa ganitong paraan ang pananaliksik na

ito ay magkakaroon ng tapat na resulta.

Mga Kalahok at Lokasyon ng Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay may edad na 15-18 na nasa ika-11 baitang sa

Colegio De Calumpit Inc. sapagkat sila ay mayroon ng abilidad na makapag-isip ng malawak,

tungkol sa hinaharap, at iba’t ibang mga konsepto (Healthwise, 2018). Kaya napagdiskusyunang

sila ang maging respondente ng pananaliksik na ito sapagkat ang House Bill 1022 ay isang

malaking pagbabago sa ating bansa- ang bansang Pilipinas. Ang bilang ng aming respondente ay

110, gamit ang quota sampling na metodo,. Ang pormularyong ginamit ay ayon kay Devkota

(2019), ito ang kaniyang paliwanag:


Number of Samples taken from a group
= Number of Items in the Group × (Total number of Samples to be taken ÷ Total number of Items in the
population)

Sa pormularyong nabanggit, nakuha ang bilang na 110 dahil sa ang bilang ng populasyon ng

pananaliksik ay 496 na ito rin ang bilang ng nasa group at ang 110 bilang ang Total number of

Samples to be taken na nagsilbing kagustuhang makuha na respondent ng mga mananaliksik.

Instrumentong Gagamitin sa Pananaliksik

Ayon kay Amy Blackstone (2012) ang survey ay ang pagkakaroon ng mga hinandang

katanungan na sasagutin ng mga respondente na makapaglalarawan at matutukoy ang mga

katanungan tungkol sa isang paksa sa isang pangkat. Dagdag pa niya na ito ang mabisang teknik

sa pagkuha ng mga datos o impormasyon. Kaya ang pananaliksik ay gagamit ng pagsasarbey

upang makuha ang mga inaasahan resulta. Ang unang bahagi ng survey form ay ukol sa profayl

ng mga respondente, ang kanilang kasarian at edad sa paraang patanong. Tatanungin din ang

mga respondente kung alam o hindi nila alam ang House Bill 1022 na kilala rin bilang “National

Writing System Act” at mga layunin ng nabanggit na house bill sa pamamagitan ng Dichotomous

Questions o mga tanong na nasasagot ng oo at hindi, ginagamit upang magkaroon ng madaling at

tapat na resulta (Jovancic, 2018). Gayon na rin ang sa pagkasanay sa pagsulat ng Baybayin.

Gagamit ang survey form ng tseklist upang mailahad ang mga salik na nakaapekto sa kanilang

pagkaalam at hindi pagkaalam. Sumunod ay ilalahad ng mga mananaliksik ang House Bill 1022

upang kanila itong lubusang malaman. Ang paggamit din ng Likert Scale ay kabilang sa survey

form ng pannaliksik na ito upang mabatid ang pananaw at opinyon ng mga nasa ika-labing-isang

(11) baitang na mag-aaral sa Colegio De Calumpit, Inc. Sa kabuuan, marapat lamang na

magkaroon ang pananaliksik ng survey form.


Mga Hakbang sa Pagkalap ng Datos

Upang makakuha ng impormasyon at datos, ang mga mananaliksik ay naghanda ng survey

form. Sa baitang ika-labing-isa (11) ay mayroong labing-isang (11) pangkat. Ang lahat ng

pangkat ay tutunguhin upang matugunan ang respondent sample na isang daan at sampu (110),

kaya sa bawat pangkat, ang mga mananaliksik ay may handang sampung (10) survey form na

kanilang sasagutan. Pagkatapos matugunan ang lahat at maabot ang quota ang mga mananaliksik

ay ihahanda ang mga resulta.

Istatistika

Sa pamamagitan ng isang talahanayan, ipapakita ng mga mananaliksik ang kasarian at edad ng

mga respondenteng tumugon. Sa Dichotomous Questions at tseklist, ang hakbang ng mga

mananaliksik para sa bahaging ito ay pagtatally. Kung naisagawa na ang pagtatally, ang

mananaliksik ay kukunin ang bahagdan ng resulta. Sa paggamit ng Likert scale, makukuha ang

mean ng mga kasagutan. Ang talahanayang ito ay magpapakita ng deskripsiyon ng bawat mean

na kinuha.
Talahanayan 1

Tumbasan sa Pagbibigay ng Deskripsyon

Sukat Katumbas na Mean Diskripsyon

5 4.50-5.00 Lubos na lubos na sumasangayon


4 3.50-4.49 Lubos na sumasang-ayon
3 2.50-3.49 Sumasang-ayon
2 1.50-2.49 Hindi sumasang-ayon
1 1.0-1.49 Hinding-hindi sumasang-ayon

Matapos makuha ang mean ng bawat kasagutan, kinuha ng mga mananaliksik ang standard

deviation upang mas malaman ang kredibilidad ng lumabas na resulta.

SANGGUNIAN:

Anana, F. V. (2009, April). Fred's Baybayin Topics. Retrieved October 26, 2019, from fredsbaybayintopics:
http://fredsbaybayintopics.blogspot.com/

Blackstone, A. (2012, December 29). Survey Research: A Quantitative Technique. Retrieved October 26,
2019, from 2012books.lardbucket.org: https://2012books.lardbucket.org/books/sociological-
inquiry-principles-qualitative-and-quantitative-methods/s11-00-survey-research-a-
quantitative.html

Colcol, E. (2018, April 23). House panel OKs bill declaring Baybayin the national writing system. Retrieved
October 8, 2019, from GMA News Online:
https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/651003/house-panel-oks-bill-
declaring-baybayin-the-national-writing-system/story/

Coulmas, F. (2003). Writing Systems An Introduction To Their Linguistic Analysis. In F. Coulmas, Writing
Systems An Introduction To Their Linguistic Analysis (pp. 1-2). Cambridge: The Pitt Building.

Devkota, B. R. (2019). Quota Sampling. Retrieved October 26, 2019, from Mathstopia:
https://www.mathstopia.net/sampling/quota-sampling
Healthwise. (2018, March 28). Cognitive Development, Ages 15 to 18 Years. Retrieved October 25, 2019,
from Health Link BC: https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/te7285

Ideasinhat. (2018, July 7). 3 Reasons Why Laws are Important. Retrieved October 7, 2019, from Essays
on Science and Philosophy: https://ideasinhat.com/2018/07/07/3-reasons-why-laws-are-
important/

Jovancic, N. (2018, June 21). Types of Survey Questions to Get You All the Data You Need. Retrieved
October 26, 2019, from Leadquizzes: https://blog.leadquizzes.com/8-types-of-survey-questions/

Lunawat, R. (2017, September 17). What is the Purpose of Knowledge? Retrieved October 26, 2019, from
Quora: https://www.quora.com/What-is-the-purpose-of-knowledge

Mcleod, S. (2019, July 30). What’s the difference between qualitative and quantitative research?
Retrieved October 25, 2019, from Simply Psychology:
https://www.simplypsychology.org/qualitative-quantitative.html

Morrow, P. (2018, September 20). Ang Baybayin. Retrieved October 5, 2019, from paulmorrow.ca:
http://paulmorrow.ca/baybay1.htm#found

Potet, J.-P. G. (2018). The Rebirth of Baybayin. In J.-P. G. Potet, Baybayin, the Syllabic Alphabet of the
Tagalogs (pp. 207-222). USA: Lulu Press, Inc.

Press and Public Affairs Bureau. (2018, April 28). House approves Baybayin as national writing system.
Retrieved October 26, 2019, from Republic of the Philippines, House of Representatives:
http://www.congress.gov.ph/press/details.php?pressid=10642

Wolff, C. (2016, February 29). The Importance Of Being Curious, According To Research. Retrieved
October 26, 2019, from Simplemost: https://www.simplemost.com/importance-curious-
according-research/

You might also like