You are on page 1of 14

EPEKTO NG MODERNISASYON SA ESTILO NG PAGSULAT

SA PILIPINAS

Isang Kwalitatibong Pananaliksik na


Iniharap kay G. Mark Joseph L. Pacheco
Guro ng Departamento ng Sekondarya

Bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa


Filipino 11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
At Kulturang Pilipino
Unang Semestre 2019

Don, Wesley
Santiago, Leo
Sumayop, Camille
Telig, Charlotte
Verzosa, Keirsten
Vidallon, Faith
Mananaliksik

Oktubre 2019
PANIMULA

Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong

teknolohiya ay patuloy din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino.

Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli

ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino, ilang halimbawa ng

pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng

mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita

upang masmadaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng

mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas magandang bigkasin

at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang paggamit ng mga

balbal na salita, ang pinakamababang antas ng wika nakaraniwang ginagamit ng

mga kabataan. Tayong mga Pilipino ay nabubuhay sa panahong ito kung saan

tayo ay unti-unting namumulat sa teknolohiya dahil sa modernisasyon. Ngunit dahil

sa modernisasyong ito, marami ang nagbabago sa ating kultura lalo na sa estilo

ng ating pagsulat. Maraming taon na rin ang lumipas kaya’t hindi mapagkakaila na

may mga estilo ng pagsulat sa Pilipinas ang nakalimutan, nawala, at patuloy na

naglalaho. Katulad ng bansang Tsina, mayroon din silang sariling estilo ng

pagsulat. Sa bansang China, Han Character ang tawag sa pagsusulat.Sa Hapon

ay Kanji, Hiragana, at Katakana. Sa Korea ay Hangul at sa Thailand ay Sukothai

Script. Ang Pilipinas ay mayroon ding sariling estilo ng pasulat. Ito ay ang Baybayin

o mas kilala sa tawag na Alibata.

Ayon kay Jenny Burce (2013), Ang baybayin ay isang mabisang paraan ng

mga ninuno ng pagsusulat ‘di lamang upang makipagusap sa isa’t isa kundi makita
rin nila ang kanilang mga paniniwala sa pamamagitan ng pagbaybay sa mga salita.

Bago paman dumating ang Espanyol upang ituro ang alpabetong Romano,

mayroon nang baybayin bilang sinaunang alpabeto ng Pilipinas. Mula ito sa

salitang “baybay” ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nasa gilid ng

dagat at ng “pagbaybay” na nangangahulugan ng ispeling. Maituturing na regalo

ng kultura at ng kasaysayan ang linggwahe at paraan o sistema ng pagsusulat sa

isang komunidad. Ngunit, sa pagdaan ng mga panahon, dahil sa kolonisasyon at

globalisasyon, unti-unting nawawala ang mga pamanang ito at napapalitan ng

kolonyal na kulturang popular.

Dahil sa modernong panahon o modernisasyon, marami itong epekto sa

tuluyang pagkawala ng estilo ng pagsulat sa Pilipinas. Marami sa kabataan kapag

tinanong, mas mabilis nilang makilala ang sulat ng ibang bansa tulad ng Korean,

ngunit pag dating sa estilo ng pasulat ng ating bansa ay hindi alam. Alam natin na

napakaluma na ng alpabetong baybayin at ito ay hindi kayang maintindihan ng

ibang bansa.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na matukoy ang mga epekto ng

modernisasyon sa estilo ng pagsulat sa bansang Pilipinas.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tugunan ang sumusunod na mga

katanungan:

1. Ano-anu ang estilo ng pagsulat sa Pilipinas?

2. Anong aspeto ng modernisasyon ang nakakapagpabago sa estilo ng pagsulat

sa Pilipinas?

3. Ano-anu ang positibo at negatibong epekto ng modernisasyon sa estilo ng

pagsulat sa Pilipinas?

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay imulat ang tao patungkol sa estilo ng

pagsulat sa Pilipinas. Ang pananaliksik na ito ay layunin na:

1. Upang malaman ang mga estilo ng pagsulat sa Pilipinas.

2. Upang malaman ang aspeto ng modernisasyon ang nakakapagpabago sa estilo

ng pagsulat sa Pilipinas.

3. Maibigay ang positibo at negatibong epekto ng modernisasyon sa estilo ng

pagsulat sa Pilipinas.
METODOLOHIYA

Nakapaloob sa bahaging ito ang disenyong ginamit sa pangangalap at

pananaliksik ng mga impormasyon. Ipapakita dito ang mga metodo o mga

pamamaraang ginamit sa pananaliksik.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng tatlong paraan – gamit ang

makabagong teknolohiya sa pagkalap ng impormasyon sa internet, sa

pakikipanayam, at sa obserbasyon – upang mabigyan ng kasagutan ang

kasalukuyang pananaliksik.

Sa pagkalap ng impormasyon gamit ang internet, tiniyak ng mga

mananaliksik na lehitimo ang bawat impornasyon.

Sa pagkalap naman ng impormasyon sa pamamaraan ng pakikipanayam,

pumili kami ng dalawang respondente lamang na alam naming may sapat na

kaalaman sa paksa. Ang mga napili naming respondente ay guro na halos 30 taon

nang naninilbihan sa pagtuturo at isang estudyante. Ang unang respondente ay

guro sa Filipino at ang pangalawa naman ay estudyante na nasa ika-sampung

baitang. Ang aming katanungan ay naglalayong mas mabigyang linaw at

mabigyan ng kasagutan patungkol sa estilo ng pagsulat. Ang unang tanong ay

tumutukoy kung ano-anu ang kanilang nalalaman sa mga estilo ng pagsulat sa

Pilipinas, ikalawang tanong ay tumutukoy kung anong aspeto ng modernisasyon

ang nakapagpabago sa estilo ng pagsulat sa Pilipinas, at ikatlo ay tumutukoy kung


ano ba ang positibo at negatibong epekto ng modernisasyon sa estilo ng pagsulat

sa Pilipinas.

Ang huling pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik ay obserbasyon.

Ang mga mananaliksik ay nagtala sa isang kwaderno gamit ang estilo ng pagsulat

sa Pilipinas noon upang matukoy kung mayroon bang papansin dito.


RESULTA AT DISKUSYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga nakalap na resulta gamit ang

instrumento sa pananaliksik. Ipapakita rito ang mga nakuhang impormasyon na

sumasagot sa mga katanungan sa pamamagitan ng pananaliksik gamit ang

internet, pakikipanayam, at obserbasyon.

Ano-anu ang estilo ng pagsulat sa Pilipinas?

Resulta

Baybayin

- isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga

Kastila. Ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng pagsulat ng mga taong Java

na tinatawag na kayi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay pinaniniwalaang ginagamit

na noong 14 na siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang

salitang baybayin ay nangangahulugang spelling o pagbaybay

Abecedario

- ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng

pagbigkas at pagsulat. Alpabetong Kastila; isinusulat ang titik gaya ng sa

alpabetong Romano.
Abakada

- Alpabetong batay sa wikang tagalog; binuo ni Lope K. Santos at

naisapubliko sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa: a, b, k, d, e, g, h, I, I, m,

n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y

Alpabetong Pilipino (1976)

- ang dating abakada na binubuo ng dalawampung titik ay

nadagdagan ng labing-isa pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na

titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, at z.

Alapabetong Filipino (1987)

- binubuo ng 28 titik: lima ang patinig at dalamwampu’t tatlo naman

ang katinig. Ang paraan ng pagbigkas ay batay sa Ingles.

Base sa aming nakalap na impormasyon gamit ang pakikinayam,

alpabetong baybayin, abecedario, at alpabetong Filipino lang ang alam ng guro

na aming nakapanayam. Sa estudyante naman na aming nakapanayam ay

alpabetong baybayin at alpabetong Filipino lang ang kaniyang nabanggit.

Diskusyon

Ang mga estilo ng pagsulat sa Pilipinas ay ang baybayin, abecedario,

abakada, alpabetong Pilipino, at alpabetong Filipino. Ngunit base sa aming

nakapanayam na guro at estudyante, napansin ng mga mananaliksik na tila ba

kulang ang mga nabanggit na estilo ng pagsulat sa Pilipinas. Isa itong patunay
na mapa guro man o estudyante ay naaapektohan ng modernisasyon o

modernong panahon kaya’t kanilang nakalimutan o hindi nalaman ang ibang

estilo ng pagsulat sa Pilipinas.

Anong aspeto ng modernisasyon ang nakakapagpabago sa estilo ng pagsulat sa

Pilipinas?

Resulta

Ayon sa guro na aming nakapanayam, ang modernisasyon sa wika at

teknolohiya ang ilan sa aspeto ng modernisasyon na nakakapagpabago ng estilo

ng pagsulat sa Pilipinas. Sa modernisasyon ng wika ay nagsimula pa noong tayo

ay sakupin ng kastila. Dito nagsimulang magbago ang ating estilo ng pagsulat

hanggang sa sakupin pa tayo ng ibang bansa kaya’t ang estilo ng ating pagsulat

ay nagbago hanggang naging alpabetong Filipino. Kasama na rin dito ang

pakikipag-ugnayan sa ibang bansa kaya’t talagang mag babago ang estilo ng

pagsulat. Modernisasyon naman sa teknolohiya dahil sa mga social media tulad

ng Fb na isa ring dahilan kung kaya’t ang estilo ng ating pagsulat ay nagbabago

sapagkat hindi maaaring gamitin ang ibang estilo ng pagsulat sa Pilipinas dahil

hindi ito mauunawan ng ibang tao. Sa estudyante naman na aming nakapanayam,

modernisasyon sa teknolohiya ang isa sa nakakapagpabago sa estilo ng pagsulat

sa Pilipinas. Sapagkat habang umuunlad ang bawat bansa, ay dapat

magkaintindihan at magkaroon ng iisang estilo ng pagsulat upang

magkaunawaan. Sa mga bagong salita na nalilikha gamit ang social media ay

talagang makakapagpabago ng estilo ng pagsulat at kapag mayroong mga


makabagong teknolohiya o application ang ilalabas sa publiko, kailangan ay

makasabay din tayo kaya’t magbabago talaga ang estilo ng pagsulat.

Base rin sa obserbasyon na aming ginawa, sumulat kami sa isang karton

na ang nakalagay ay, “Libreng tubig, punta na rito” sa paraan ng baybayin na

pagsulat. Nilagay namin ito sa basketball court at naghihintay kami kung may

lalapit ba. Ngunit walang lumapit.

Diskusyon

Sa ating ikadalawampu’t isang siglo, higit na umusbong ang makabagong

teknolohiya na tila ba ay kada taon ay may mga papatok sa social media. Nang

umusbong ang mga uri ng social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at

Youtube, tila ba’y halos lahat ng mga Pilipino ang nakatutok dito lalong-lalo na ang

mga kabataan. Dulot nito, unti-unti na nating nakakalimutan ang ating kultura at

kaugaliang Pilipino at ang labis na naapektuhan ay ang ating Wikang Filipino. Dahil

na rin nga sa modernisasyon ng wika, patuloy itong magbabago at marami pang

dadagdag na patuloy na magiging dahilan ng pagbago ng estilo ng pagsulat sa

Pilipinas. Sa aming obserbasyon, sumulat kami sa isang karton na ang nakalagay

ay, “Libreng tubig, punta na rito” sa paraan ng baybayin na pagsulat. Nilagay

namin ito sa basketball court at naghihintay kami kung may lalapit ba. Ngunit

walang lumapit. Isang senyales na ang modernisasyon ng wika at teknolohiya ay

nakapagpabago ng estilo ng pagsulat sa Pilipinas sapagkat hindi na ito

maintindihan at natatabunan na nito ang estilo ng pagsulat sa Pilipinas. Ang bawat


sign sa daan at ang mga batas trapiko para sa mga drayber sa daan ay papalitan

ng baybayin na pagsulat, hindi agad ito maiintindihan. Kung ang mga nakasulat

nga sa daan gamit ang alpabeto ngayon na para sa mga driver ay hindi binabasa,

pano pa kaya kung baybayin ito na mayroong kahirapan kapag binasa. Kung ang

Jollibee na salita ay papalitan at lahat ng mga salitang nakikita mo ngayon sa

paligid mo ay mapapalitan ng baybayin na pagsulat. Sasakit ng lubusan ang ating

ulo at babagal ang pagbasa ng bawat tao na tila ba isang bata. Kami ay sumulat

muli ng mga salita at pinakita sa aming mga kakilala, tinuruan sila na konting

kaalaman patungkol sa baybayin ngunit hirap parin silang intindihin at basahin ito.

Ano-anu ang positibo at negatibong epekto ng modernisasyon sa estilo ng

pagsulat sa Pilipinas?

Resulta

Ayon sa aming nakapanayam na guro, ang positibong epekto ng

modernisasyon sa estilo ng pagsulat ay (1) mas mapapadali ang pagkatuto ng

mag-aaral o ng indibidwal, (2) maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan, at (3)

nakakasabay tayo sa pag-unlad ng ibang bansa. Ang negatibo naman ay ang

pagkalimot sa mga estilo ng pagsulat sa Pilipinas. Sa estudyante naman na aming

nakapanayam, ang positibong epekto ay (1) mabilis na pagkakaunawan ng tao, at

(2) nakakasabay tayo sa uso. Ang negatibo naman ay ang pagkalimot sa sariling

estilo ng pagsulat sa Pilipinas.

Diskusyon
Base sa aming nakalap na impormasyon gamit ang pakikipanayam,

mapapansin na ang sagot ng guro at estudyante ay halos magkaparehas. Ang

epekto ng modernisasyon sa estilo ng pagsulat sa Pilipinas ay mayroon talagang

positibo at negatibo. Dito na nga papasok ang mga bagay na nagagawa natin

ngayon tulad ng pagbasa at pagsulat ng mabilis. Sapagkat kung baybayin pa ang

ating estilo ng pagsulat ay mayroong kaunting kahirapan sa pagbasa at pagsulat.

Ganoon din sa pakikipag-komunikasyon, mas napapadali at naiiwasan ang hindi

pagkakaintindihan. Ang negatibo naman ay tiyak na sa ating lahat, na dahil sa

modernisasyon ay nakalimutan at natatabunan na ang estilo ng pagsulat sa ating

bansa.
KONKLUSYON

Sa aming impormasyon at resultang nakalap. Nagpagtanto namin na

napakalaki ang naidulot ng modernisasyon sa estilo ng pagsulat sa Pilipinas. Mula

pa noong pananakop ng kastila ay nagbago na ito hanggang sa lumipas ng

lumipas ang panahon at natabunan ang nakalimutan ang baybayin at iba pang

estilo ng pagsulat sa Pilipinas. Gamit ang pakikipanayam namin sa guro at

estudyante, mas naliwanagan na ang pagkawala ng baybayin at iba pang estilo

ng pagsulat sa Pilipinas ay isa sa epekto ng modernisasyon. Ang mga aspeto

naman ng modernisasyon na nakakapagpabago sa estilo ng pagsulat ay dahil sa

(1) modernisasyon ng wika, at (2) modernisasyon sa teknolohiya. Ang panghuli

naman ay patungkol sa positibo at negatibong epekto ng modernisasyon sa estilo

ng pagsulat sa Pilipinas. Ito ay ang:

Positibo

1. Madaling pagkatuto ng mag-aaral o indibidwal

2. Maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan; at

3. Makakasabay sa uso at pag-unlad ng ibang bansa

Negatibo

1. Pagkabura sa isipan ng indibidwal ang mga estilo ng pagsulat sa Pilipinas


REKOMENDASYON

1. Sa mga bata, kailangan ay kahit sa murang edad nila ay mapakita na sakanilang

mata ang baybayin upang sa paglaki nila ay may kaalaman na sila rito.

2. Sa mga kabataan, walang masama sa pag-aaral ng ibang lenggwahe at sa

estilo ng pagsulat sa Pilipinas, ngunit kailangan paring pag-aralan ang sariling atin

sapagkat pwede natin itong ipagmalaki bilang Pilipino.

3. Sa mga magulang, kailangan ay mabigyan agad nila ang kanilang mga anak ng

konting pasilip sa baybayin upang magpatuloy nang magpatuloy ang baybayin at

hindi ito tuluyang mabura sa isipan ng tao.

4. Sa mga guro, maaari niyo ring turuan ang inyong mga estudyante patungkol sa

estilo ng pagsulat sa Pilipinas nang sa gayon ay mayroong kaalaman sa

kasaysayan ng estilo ng pagsulat sa Pilipinas ang mga kabataan.

5. Sa mga susunod na mananaliksik, maaari itong magsilbing gabay para sa mga

susunod na mananaliksik, ang pagpapalawak pa sa pag-aaral na ito ay isang

magandang pagpapayo. Ang pagtuklas sa higit pang mahahalagang datos o

impormasyon ay maaring makatulong upang lumawak pa ang kaalaman tungkol

sa estilo ng pagsulat sa Pilipinas.

You might also like