You are on page 1of 20

WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON

Ng mga taong mag-aaral ng Senior High School

Isang pamanahong papel na iniharap sa kaguruan ng departamento ng wika, kagawaran ng


Pilipino

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng


Assignaturang Komunikasyon sa pananaliksik sa wika at kulturan Pilipino.

Ng
STEM 6
Oktobre 14, 2016
PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ng paksang “Wikang Filipino, Sa Makabagong Panahon” ay taos

pusong ipininaabot ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon

at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito.

Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod:

 Sa aming mga Magulang, na buong unawa kaming tinulungan at sinuportanhan

sa aming mga pangangailangan.

 Kay Bb. Jennilyn M. Cabanero, ang aming matyagang guro na sumusuporta at

nagtitiyagang magturo sa amin upang lubusang namin maintindihan ang aming

asignatura.

 Sa aming mga respondentes na nagbigay sa amin ng impormasyon na aming

kinakailangan sa pananaliksik na ito.

 sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol

sa aming pananaliksik.

 At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa

mga pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasan.


TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

Layunin ng Pag-aaral. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Kahalagahan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino . . . . . . . . . . . . . . . . 4

Kabanata II Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5-6

Kabanata III DESENYON AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7

Respondante. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .7

Mga Instrumentong Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7

Tritment ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7

Kabanata IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS… . .8-11

Kabanata V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 12

Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13

Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng


mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang
bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito
ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan.
Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindihan.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at


nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang
pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo
ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang
salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng
mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang
mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas
magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang
paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na
karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.
Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng
bokabularyo na nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at
ekonomiya.

1
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral ng
Arellano University ng Senior high school sa patuloy na pag-unlad ng wika sa paglipas ng
panahon. At sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan:

1.Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang Filipino?

2.Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag unlad ng wikang

Filipino?

3.Mahalaga ba ang pag-unlad ng wika?

4.Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?

5.Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?

6.Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang filipino sa kasalukuyan?

7.Nakakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika?

8.Dapat na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa ating wika?

9.Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika?

10.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?

2
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipakomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat
mamamayan. Ito ay talang napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya ay hindi lalago o
uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Kaya ang pag-aaral na ito ay
magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang kanilang


malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita na kanilang
kailangang gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral.

2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa


kahalagahan ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan.

3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari nilang balikan at
ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa sinaunang panahon at kung paano ito
nagbago.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang pagbabago ng wika noong


sinauna hanggang ngayon at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin ng
paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang,
ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pa-aaral ukol dito .

3
DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod

na salita ay binigyang kahulugan:

 Wika – Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng

kaisipan.

 Arkayk – Ay ang Lumang Tagalog na ginamit bago ang paggamit

ng Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo ng tagalog

gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na tila hindi na gaanong

ginagamit sa kasalukuyang panahon.

 Ekonomiya – binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang

area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at

ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon,

at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.

 Balbal – o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa

isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang

kanto o salitang kalye.

4
KABANATA II

LITERATURA

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin.

Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag


na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob
ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon
ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-
aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino:
Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon
noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo
ng Wikang Pambansa.

Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay
multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang
mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi
gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan
ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang
bansa.

Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device
(LAD. Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar in their
brains------basic rules which are similar across all languages.

Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang
Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang luar na
naiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok
at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa
wika.

5
Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika
raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Ang simbolon ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isanasaayos sa ma klase at pattern nga lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na
istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado
ng lipunan.

Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang
kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon.
Maari raw mawala ang matatandang hehnerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika,
naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang
kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga
sumusunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa
nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman
kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabikung gayon na
sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal,
at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang
kasaysayan ng ating wikang Filipino?

6
KABANATA III

DESENYON AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang Sarvey. Aming


tinangkang ilarawan at suriin ay isaliksik ang kaalaman ng mga mag-aral sa senior high school
ng Arellano University tungkol sa aming paksa.

B. RESPONDANTE

Ang aming napiling respondante ay ang mga kabataan “ Senior HighSchool


Student” na nag-aaral sa Arellano University. Sila ang aming napili kasi gusto namin na malaman ang
kanilang kaalaman tungkol sa aming paksa. Ang bilang ng respondante ay Dalawampu (20).

C. MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ang sarbey kwesyuner ay ginamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral.
Ang mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral ng Senior high school na nag aaral sa Arellano
University.
Para aming lalong malaman at masukat ang kaalaman ng aming kapwa mag-aaral sa Arellano
University . Sa paraan ng paghahanap at pagpapasagot sa aming ginawang sarvey kwesyuner.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pagtally ang kinakailangang gawin ng mga mananaliksik upang maibuod ang mga datos

ng pag-aaral

7
Arellano University
Pangalan:____________________________ Baitang at Pangkat:___________ Petsa:___________

Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong napiling sagot.


1. Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino?
Oo Hindi
2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wikang
Filipino?
Oo Hindi
3. Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino?
Oo Hindi
4. Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?
Oo Hindi
5. Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?
Oo Hindi
6. Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?
Oo Hindi
7. Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika?
Oo Hindi
8. Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula sa ating mga ninuno?
Oo Hindi
9. Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika?
Oo Hindi
10. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?
Oo Hindi
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral sa Senior high
School na nagaaral sa Arellano University tungkol sa pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa
makabagong panahon at ang kahalagahan nito sa pa-unlad ng ekonomiya.

Ipinapakita sa Grap 1 na Labingwalo (18) ang sang-ayon at Dalawa (2) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang Filipino?

Grap 1
2
Oo
Hindi
18

Ipinapakita sa Graph 2 na Labing-anim (16) ang sang-ayon at apat (4) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga factor na nakakaapekto sa
pag-unlad ng wikang Filipino?

Grap 2

4
Oo
16
Hindi

8
Ipinapakita sa Grap 3 na Labing-Pito(17) ang sang-ayon at tatlo (3) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino?

Grap 3
3
Oo
17 Hindi

Ipinapakita sa Grap 4 na Labing-siyam(19) ang sang-ayon at Isa (1) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan?

Grap 4
1
Oo
19 Hindi

Ipinapakita sa Grap 5 na Labing-walo(18) ang sang-ayon at Dalawa (2) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pag-unlad ng wika?

Grap 5

2
Oo
Hindi
18

9
Ipinapakita sa Grap 6 na Labing-Pito(17) ang sang-ayon at Tatlo (3) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng wikang Filipino sa kasalukuyan?

Grap 6

3
Oo Hindi

17

Ipinapakita sa Grap 7 na Labing-Pito(17) ang sang-ayon at Tatlo (3) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Nakaimpluwensya ba ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating
wika?

Grap 7
3
Oo
Hindi
17

Ipinapakita sa Grap 8 na Labing-walo (18) ang sang-ayon at Dalawa(2) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating minana mula
sa ating mga ninuno?

Grap 8
2

Oo

18 Hindi

10
Ipinapakita sa Grap 9 na Labing-walo (18) ang sang-ayon at Dalawa(2) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika?

Grap 9
2

Oo
18
Hindi

Ipinapakita sa Grap 10 na Labing-pito (17) ang sang-ayon at Tatlo(3) naman ang di sangayon.
KATANUNGAN: Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay?

Grap 10
3
Oo
Hindi
17

11
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

I.LAGOM

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Wikang Filipino, sa makabagong panahon.


Dalawampung 17respondante ang sumagot sa mga katanungan na aming pinamigay. At ang
resulta ay ang mga sumusunod:

1. Karamihan sa mga 20 respondente 16 ay naniniwala na teknolohiya ang

pinakaunang factor sa pagbabago ng wika. At para sa kanila sa

Ekonomiya mas respondante epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng

wikang Filipino.

2. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit

kailangan umunlad ang wikang Filipino

II. KONKLUSYON

Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay nakita.

1. Mas malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit

kailangan pang mas mapa-unlad ang wikang Filipino.

2. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pag-unlad 17sa ating wika.

3. Karamihan sa mga 20 respondente ay naniniwala na teknolohiya ang

pinakaunang factor sa pagbabago ng wika, sa pag-unlad ng panahon

kasabay din ng pag-unlad ng wika.

12
II. REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng

mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.

1. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya,

mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang

makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon

sa loob ng ating ekonomiya.

2. Maaaring paunlarin ang wika ngunit dapat iwasan ang paggamit ng mga

salitang gaya balbal upang mas maging pormal ito.

3. Kahit nasaan pa man tayo dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating

sariling wika, dahil bukod sa ito na ang ating kinagisnan, ito din ang

magiging daan para sa ating tagumpay sa hinaharap. Katulad nga ng

sinami ni Gat Jose Rizal: ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa

sa hayop at malansang isda.

13
APENDIKS E

SARBEY- KWESTYUNER

Mahal naming respondante,

Maalab na pagbati!

Kami po ay mga mag-aaral ng STEM-6 na kasalukuyang nagsusulat ng isang


pamanahong papel tungkol sa Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon ng Arellano
University.

Kaugnay nito inihanda namin ang kwestyunerna ito upang makatanggap ng mga
datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.

Kung gayon mangyari po lamang na sagutan na sagutan nang buong karapatan ang
mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal na impormasyon ang
iyong mga kasagutan.

Maraming Salamat po!

-Mga Mananaliksik.

You might also like