You are on page 1of 4

Mataas na Paaralang Pambansa ng Malinao

Senior High School Department


Balza, Malinao,Albay

I.Pamagat. - Buwan ng Wikang Pambansa


Simposyum ng Katutubong Wika 2019
Proponent - Senior High School Filipino Department
Lokasyon - SHS-EIM Workshop
Petsa - Ika-27 ng Agosto 2019
Pinanggalingan ng Pundo Supreme Student Government (SSG)

I.Mga Taong Kasangkot sa Gawain


Grade 11 at 12 ng mag-aaral ng GAS at HUMSS
Guro ng Filipino sa Senior High School
II.Rasyonale
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng
mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang
bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito
ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan.
Ang bansa ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindihan.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at


nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang
pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo
ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang
salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng
mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang
mga salita na ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas
magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang
paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na karaniwang
ginagamit ng mga kabataan at mga bakla.

Alinsunod dito ang Komisyo ng Wikang Filipino (KWF) ay nangunguna sa


pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa mula ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto
alinsunod sa itinakdang pampanguluhang proklamasyon Blg. 1041,s.1997 bilang tugon
sa proklamasyon ng UNESCO na International Year of Indigenous Language
(Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika) ang taong 2019.Bilang pagsuporta sa
Memorandum Pangkagawaran Blg.079,s.2019 para sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa na naglalayon na ilaan ang pagdiwang sa pagpupunyagi para sa mga
katutubong wika sa bansa .Hinihikayat ang lahat na paaralan na magsagawa ng mga
gawain para sa pagdiriwang.Ito ay may layunin na mahikayat ang iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang na may layong
makapagpapataas ng kamalayan sa wika.At higit sa lahat ay mabigyang halaga ang
wikang nagdulot ng kagalakan at kalayaan ang mga Pilipino.

III.Layunin
Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay may layunini:

 Maiangat ang kamalayan ng mga mag-aaral ukol sa halagang


multilingguwalismo sa paglikha ng isang bansang may pagkakaunawaan .
 At mapangalagaan ang karapatang pangwika ng mga tao laban sa
diskriminasyong pangwika.
 Mahikayat ang mga mag-aaral na magpatupad ng mga programang pangwika na
makatugon sa pangangailangan ng mag-aaral
 Maipakilala ang simbolo ng wikang Filipino.

IV.Plano ng Dapat Gawin


1.Pagpapasa ,pag-aaproba at paglalabas ng badyet.
2.Pagbibigay impormasyon tungkol sa nasabing proyekto
3.Paghahanda ng dapat kakailnganin sa proyekto.
4.Alamin kung sino-sino ang kasangkot sa proyekto at ang magiging tagapanayam sa
simposyum.
5.Pagkakaroon ng pagpupulong ang mga taong magsisilbing tagapagbantay sa kanila.
6.Ibigay ang dahilan kung bakit isasakatuparan ang nasabing proyekto .
7.Pagkatapos ng simposyum ,inaasahan na magkakaroon ng naratibong ulat ang mga
magaaral tungkol sa paksang tinalakay.
8.At ang mga taong nagsilbing facilitator ay kinakailangan na gumawa ng katitikang
pulong para sa kanilang head .

Gagamitin ang lecture method sa gawaing ito sa iba’t ibang panayam upang mabigyan
ng linaw ang mga paksa na tatalakayin ng mga tagapanayam.At inaasahan na gagawa
ang mga mag-aaral ng naratibong ulat ukol sa magaganap na simposyum .Upang
magsilbing paraan para subukin ang mga mag-aaral sa kung paano sila mangangalap ng
datos.At inaasahan din ang masusing pagbabantay ng mga guro sa mga mag-aaral
upang maging matagumpay ang simposyum.At sa mga taong naging parti ng simposyum
ay inaasahan na gagawa ng dokumentaryong ulat at katitikan ng pulong sa kada paksang
tatalakayin .

V.Badyet
Supplies Bilang Yunit Presyo Kabuuan

1.Cartolina 10 10 7 70
assorted
2.Thumb tucks 3 3 20 60

3. Pins 100 100 0.5 50

4.Token 5 5 100 500

5. Papel ng 5 5 5 25
Sertipiko
Kabuuan 705
VI.Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito
Ang pagkakaroon ng simposyum sa isang paaralan ay isang paraan para mabigyan ng
kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa isang paksa .Isa na rito ang pagbibigay halaga
sa wikang Filipino na madalas ng kalimutan ng mga tao dahil sa modernong
teknolohiya.Ang programang ito ay isang paraan maimulat ng mga mag-aaral ang
kanilang isipan sa kung anu ang tama at mali.Ito ay magsisilbing pakinabang sa mga
guro partikular sa mga nagtuturong Filipino para mabigyan ng halaga ang kanilang
asignatura.At higit sa lahat tayong lahat ay magkakaroon ng kaalaman sa kung paano
tangkilikin ang sariling wika na nagsilbing paraan upang maging malaya laban sa mga
dayuhan.

Inihanda ni:

Irica Mae Ciervo

Senior High Federated Officer

You might also like