You are on page 1of 4

Canja Joshua R.

NR-32
Activity #1
Prof. Siegrid Sereñas Cajuelan

Yunit I- Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa lalong mataas na


Edukasyon.
Layunin:
1. Natatalakay ang mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga
tagapagtanggol ng wika upang maitaguyod ang wikang
pambansa sa lalong mataas na antas nito;
2. Nasusuri ang mga legal na pamantayan sa ipinaglalabang
pagtataguyod sa wikang pambansa sa lalong mataas na antas ng
edukasyon.
3. Nakakabubuo ng diskursong may kinalaman sa mga usaping
pangwika.

Gawain:
1. Magbasa at Magsuri ng tungkol sa Kasaysayan ng
Wikang Pambansa.
2. Pag-aralan at unawain ang nakasaad sa Artikulo XIV
ng Saligang Batas 1987 tungkol sa wika.
3. Alamin at Suriin ang tungkol sa sistemang K to 12
4. Natutukoy ang mga kahalagahan ng K-12 Kurikulum
ng DepEd.
5. Alamin ang mga dapat taglayin ng mga nakapagtapos
ng bagong sistemang edukasyon ang mga larangan
sa pagpakadalubhasa.
6. Talakayin ang mga usapin ng Filipino sa CMO20
series 2013
7. Alamin ang mga argumento ng Tanggol Wika at iba pa
laban sa CMO20 series 2013.
8. Basahin at alamin ang sagot ng kataas-taasang
Hukuman Korte Suprema sa Petisyon laban sa
CMO20 serye 2013.
1. Kasaysayan ng Wikang pambansa
Ang bansang Pilipinas ay isang natatanging bansa na may natatangi ring wika, ang
Wikang Pilipino ay sumasalamin sa mahaba, mapait at makulay na kasaysayan ng
bansa at ng mga Pilipino. Ang maging bahagi ng isang kasaysayan ay isang karangalan
at ang karangalan ang mag-aangat sa bayan, ngunit ang pilit na humahatak at
nagbabaon sa limot ay parang isang masarap na mansanas na sa loob nito ay uod na
ang nakikinabang. Ang sariling Wika ay daan papunta sa sariling pagkaunawa at
pagkatuto. Mga naging bahagi ng ating Wika ay ang mga Negrito ang pangkat namay
kapangyarihang ambag sa panitikan ang mga pasalindilang anyo tulad ng awiting at
pamahiin, ang mga Indones ang may maunlad na kabihasnan na nagdala ng kanilang
alamat, epiko, at mga kuwentong- bayan na naipunla ang kanila ring dalang wika, at
ang mga Malay, sa kanila nagmula ang Sistema ng pamamahala, wika at Sistema ng
pagsulat (Alibata).

2. Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987 tungkol sa wika


Ang Wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, na dapat pangalagaan, pagyabungin,
palaganapin at payamanin, marapat lamang ituro at pag-aralan ng kasalukuyang
henerasyon at ng mga susunod pa, upang mapanatili ang kahalagahan ng ating Wika,
sapagkat ito ang kaluluwa ng ating pagkatao at komunikasyon ng ating isip at puso.
Marapat lamang na magkaroon ng isang matatag na komisyon na magtataguyod ng
Wikang pambansa kaugnay ang iba’t ibang rehiyon nang sa ganoon magkaroon ng
pagkakaisa, disiplina, pagpapalaganap, pagpapaunlad at pagpapanatili ng ating Wika.
Sapagkat higit na mahalaga ang ating Wika kaysa, sa ating pamumuhay.

3. Sistemang K to 12
Ang Departamento ng Edukasyon(DepEd) ang namamahala sa programang ito,
pormal itong itinalaga noong 2013. Mula sa sampung taong batayan ng edukasyon--
anim na taon sa elementarya at apat na taon para sa highschool-- mula taong 1945
hanggang 2011. Kasunod ng implementasyon ng K to 12 kaakibat nito ang
“Kindergarten Education Act” ng 2012 at “Enhanced Basic Education Act” ng 2013,
naging labing tatlong taon na ang basic education ngayon, isang taon para sa
kidergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon para sa junior highschool at
dalawang taon para naman sa senior highschool, sakop nito ang mga edad lima
hanggang labing pitong taong gulang. Maraming magulang ang hindi sumasang-ayon
sa Sistemang ito, marahil sa kabila ng sampung taong pagtataguyod nila sa kanilang
anak ay madaragdagan pa ito ng dalawang taon pang pagsasakripisyo at para sa
kanila isa itong pahirap. Ngunit para saakin isa itong pagaangat ng lebel ng
edukasyon dito sa Pilipinas, at pagbibigay ng sapat na oras at panahon para sa mga
magaaral upang matuto at maging handa, at karapatdapat sa tinatahak nilang
landas.

4. Kahalagahan ng K-12 Kurikulum ng DepEd.


Ang programang K to12 ay nagnanais na ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng
sekondaryang pagaaral, at kung nais na nilang magtrabaho at hindi na ituloy ang
kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagtatrabaho o pagnenegosyo, o sa
kolehiyo mismo. Pinapalawak nito ang kaalaman ng isang estudyante upang mas
maging mahusay sila sa ibang larangan at gawain dahil ang programang ito ay may
mga espesyalisyon tulad ng mga strand na STEM, ABM, HE, ICT at iba pa. Maaari
kang makapili ng gusto mong pagtuunan ng pansin sa pag-aaral. Maaari kang
makapili ng gusto mong pagtuunan ng pansin sa pag-aaral.Bukod pa rito ay ang
pagkakaroon ng asignaturang praktikal na nagagamit sa pang araw - araw na
pamumuhay. Maaari na ding makipagsabayan ang mga Pilipino sa iba't ibang panig
ng mundo. Marami ngang tumututol dito ngunit magpokus tayo kung ano ang mga
magagandang dulot ng programang ito.

5. Ang mga dapat taglayin ng mga nakapagtapos ng bagong


sistemang edukasyon ang mga larangan sa pagpakadalubhasa.

6. Mga usapin ng Filipino sa CMO20 series 2013


Ang memorandum na ito nag-uutos na tanggalin na ang asignaturang Filipino at
Panitikang Pilipino pagdating sa kolehiyo. Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay
ililipat sa senior highschool. Ibig sabihin ay marang propesor sa kolehiyo ang bababa
sa mataas na paaralan para magturo at ang iba ay mawawalan ng trabaho. Marami
ang tutol rito dahil sa mga negatibong epekto kapag naipatupad ito. Nakakadismaya
at makakalungkot isiping ang Wikang Pilipino ay hindi na pinapahalagahan sa
panahong ito. Mas tinatangkilik ang mga banyagang lengguahe kaysa sa sariling wika
na dapatay pinagyayabong at ipinagmamalaki. Ang ating Wikang pambansaay
sumisimbolo sa pagkakakilanlan at kulturanating mga Pilipinokailangan natin itong
gamitin at pagyamanin.
7. Mga argumento ng Tanggol Wika at iba pa laban sa CMO20 series
2013.
Ang alyansa ng mga taga-pagtanggol ng Wikang Pilipino o mas kilala bilang Tanggol
Wika, ay grupo ng mga propesor at mag-aaral ng iba”t-ibang unibersidad at kolehiyo
na tutol sa memorandum ng CHED; CMO20 series 2013. layunin ng grupo na
panatilihin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo at gamitin ang Wikiang Filipino sa
pagtuturo sa mga asignaturang pangkolehiyo. Marami ang nagsasagawa ng petisyon
bukod dito, maraming batas ang malalabag ng kautusang ito, kaya’t nararapat na
ito’y ipatigil.
8. Ang sagot ng kataas-taasang Hukuman Korte Suprema sa Petisyon
laban sa CMO20 serye 2013.
Sinang-ayunan ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng grupong Tanggol Wika
laban sa inilabas na kautusan mula sa CHED, ang CMO20 series 2013. Naglabas ng
TRO (Temporary Restraining Order) ang Korte Suprema na nagsasaad ang
pagpapatigil sa nasabing memorandum. Ayon kay ACT Partylist Rep. Antonio, labag
ito sa saligang batas dahil sa mandato ng estado na paunlarin ang wikang Filipino sa
lahat ng antas ng edukasyon sa ating bansa kaya dapat lang na ibasura ang
kautusang ito. Huwag nating hayaan na pairalin ang ganitong usapin na magdudulot
ng malaking pagkakamali sa ating kasaysayan. Ang wikang Filipino ay wika nating
mga Pilipino. Huwag nating hayaangmapalitan ito ng hindi sariling atin.

You might also like