You are on page 1of 17

Ang Pagtataguyod ng

Wikang Pambansa sa Mas


Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa
Ikalawang Linggo
Ano ang Wika?
Sa Pilipinas, ang ating pambansang wika ay Wikang Filipino. Lubos
na lamang ang ating pasasalamat kay G. Manuel L. Quezon na naging
kilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil siya ang nagsulong ng
ating Wikang Pambansa at siya rin ang nagtatag ng Surian ng Wikang
Pambansa. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay isang institusyon na
nagsuri ng wikang gagamitin bilang wikang pambansa at ito ay kilala na
ngayon bilang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Ang naging basehan
ng ating wikang Filipino ay ang Tagalog na isangkatutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo.
Sulong Wikang Pambansa (Panayam Kay Bienvenido Lumbera)

● Ang wika ay palatandaan ng pagkakaroon ng identidad ng isang bayan.


● Kapag ginagamit sa edukasyon, nakatutulong ng malaki sa
pagpapalalim sa mga ideya ng pagmamahal sa bayan at
pagpapahalaga sa kasaysayan.
● Ang panitikan at wika ay mahalagang bahagi ng karanasan ng
estudyanteng nagdaan sa isang paaralan.
● Ang wika ay nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya,
komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon at bayan.
CHED Memorandum Order
No. 20 2013
“General Education Curriculum: Holistic
Understandings, Intellectual and Civic
Competencies.”
● Ang Ched Memo 20 - 2013 ay bunga ng kolonyal na edukasyon, na laging iginigiit sa
atin na kinakailangang iadjust ng mga Pilipino ang kanilang edukasyon sa umiiral na
pamantayan ng kanluran, sa pag-angkop na yun, nagkakaroon ng mentality na
kinukumpuni palagi ang ating sistema ng edukasyon.
● Ang Ched Memo 20 - 2013 ay isang malinaw na pagkumpuni doon sa sistema (pag-
angkop sa kanluran).
● Hindi lubusang pinag-aralan ang magiging implikasyon nito o hindi napag-isipan na
magkakaroon ng unemployment ng maraming tao at Ano na ang gagawin sa mga titser
na matagal nang nagtuturo ng Filipino at ngayong wala ng trabaho?
● Isang malaking problema talaga na dapat kilalanin ng mga namamahala sa ating
sistema ng edukasyon ay yung ibinunga ng kolonyal na edukasyon.
● Batay sa nasabing memorandum na ito, ang asignaturang Filipino ay hindi
na ituturo sa mga estudyante pagkatungtong nila ng kolehiyo kapag
naipatupad na ang K-12 na programa. Nasa memorandum din na ang mga
general education courses ang ipapatupad sa pagtuturo ng mga grade 11
at grade 12 na mga estudyante. Kabilang ang asignaturang Filipino sa
nasabing general education courses na ito.
● Dahil sa pangunahing isyu batay sa CHED memo 20 series of 2013 na
summary sa itaas, nabuo ang isang alyansang tinatawag na “tanggol wika”
na binubuo ng mga guro at propesor, kung saan ang isa sa kanilang mga
layunin ay ang pagpapanatili ng pagtuturo ng asignaturang filipino sa mga
estudyante kolehiyo.
Mga Posisyong Papel ng Iba’t-ibang Unibersidad
Kaugnay ng Filipino sa Kolehiyo
● Ang pahayag na ito ay bahagi ng pahayag ng Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Manila sa Paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto 2014.
● Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang
wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang
pang-edukasyon sa Pilipinas…
● Ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung
may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.
● Ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na
ating pinaglilingkuran.
● Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo
sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo
nito sa ibang bansa.
● Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho
ng mga guro ang adbokasiyang ito. Ang adbokasiyang ito’y
pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating
kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at
pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon.
CMO 20 s. 2013 – Pamaslang sa Filipino
1. Walang asignaturang Filipino
2. Malabong tuntunin sa mga paaralan sa paggamit ng medium
3. Iwan sa mga paaralan ang desisyon sa kung anong
gagamiting panturo
4. Pagwalang-saysay sa nilalaman ng Saligang Batas
PAHAYAG NG ANTI- FILIPINO
1. Di na raw dapat ang Filipino at Ingles na lamang dahil iyon na
lang daw ang advantage natin sa ibang ASEAN countries

2. Duplication daw kapag may Filipino pa sa college dahil


mayroon na sa elementarya at hayskul

3. Ang Filipino raw ay Tagalog lang kaya dapat di na ituro

4. Fascist daw ang CHED kapag ipinilit na ituro ang Filipino


MGA ARGYUMENTO NG TANGGOL WIKA
• Ang Filipino ay disiplina, asignatura bukod na larangan ng pag-aaral at hindi simpleng wikang
panturo lamang.
• Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino- at may potensyal itong maging isang
nangungunang wikang global.
• Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa Filipino sa NAT.
• Hindi pinaunlad, Hindi napaunlad at hindi mapauunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang
Mga Argyumento ng Tanggol Wika
ekonomiya ng bansa.
• Binigyan ng DEpED at CHED ng espasyo ang mga wikang dayuhan sa kurikulum kaya lalong
dapat na may espasyo ang wikang pambansa.
• Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang
asignatura.
CHED MEMO 59, SERIES 1996
Itinatakda ng Artikulo XIV Seksyon 6 ng 1987 Kostitusyon na ang
Filipino bilangwikang pambansa ay itinatadhanang opisyal na wika ng
edukasyon. Bilang pagtugon, angCommission on Higher Education o CHED
na itinatag noong 1994 sa bisa ng Commission onHigher Education Act ay
nagpalabas ng kanyang kauna-unahang kautusan noong 1996. Ito angCHED
MEMORANDUM No. 59 s. 1996 o “New General Education Curriculum”
(GEC).
CHED MEMO 59, SERIES 1996
Isinasaad ng kurikulum na ito na simula 1997, ang GEC-Filipino rekwayrment ay
siyam (9) nayunit katumbas ng tatlong (3) kurso / sabjek para sa Humanities, Social
Sciences at
Communication o HUSOCOM na mga digri. Bago inimplementa ang memorandum nang
sumunod na taon, muling nagpalabas ang 45 CHED ng kautusan at ito ay ang
Commission Memorandum (CM) No. 04 s. 1997, ang “Guidelines to Implementation of
CMO No. 59 s. 1996 (GEC). Dito, nakasaad ang anim (6) nayunit ng Filipino rekwayrment
katumbas ng dalawang (2) kurso/sabjek para sa mga digring di-HUSOCOM
CHED MEMO 4, SERIES 2018

Naglabas si CHED Officer-in-Charge (OIC) J. Prospero De Vera


ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 04 series of 2018 o ng
“Policy on the Offering of Filipino and Panitikan Subjects in All Higher
Education Programs as Part of the New General Education
Curriculum” na may petsang Abril 11, 2018 alinsunod sa Supreme
Court En Banc Resolution na may petsang Abril 21, 2015.
CHED MEMO 4, SERIES 2018

Sa nasabing ruling, inuutusan ang CHED na huwag


ipatupad ang mga probisyon ng CMO No. 20 series of 2013
(The General Education Curriculum: Holistic Understandings,
Intellectual and Civic Competencies) “insofar as it excluded
from the curriculum for college Filipino and Panitikan as core
courses.”
Maraming Salamat!

You might also like