You are on page 1of 5

Pagpapanatili ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Abstrak
Inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) noong Hulyo 28, 2013 ang
Memorandum Order (CMO) bilang 20 serye 2013 na pinamagatang “General Education
Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies” na may
layong pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito ay nagging mahalagang
usapin para sa mga guro, studyante at sa ating bansa. Nangangamba ang mayorya ng
mga gurong nagtuturo ng Filipino na maari silang mawalan ng trabaho. Naging usapin
din ang implikasyon na hindi na muli uunlad pa ang intelektwalisasyon ng ating wika
sapagkat mawawala ang potensyal na mapagaralan ito ng mga studyante upang
magamit sa larangang pampropesyonal. Sapagkat ang ideya ng pagtanggal nito ay dulot
ng epekto ng Globalisasyon, mainam na hindi na lamang tanggalin ang Asignaturang
Filipino at pagaralan na lamang ang iba pang paraan upang makasabay ang Pilipinas sa
Globalisasyon.

Mga susing salita: CHED, Kolehiyo, Wikang Filipino, Kultura

“If we want a national language, and respect for all our Philippine languages, our young
must grow up hearing and using these languages as part of daily practice—not just for
casual conversations but as the language of transaction for science, business, the arts. It
must be a daily practice that becomes part of us, part of the way we think, and live,”

- University of the Philippines Chancellor, Michael Tan (2018)


Bilang isang Pilipino, nasa dugo na natin ang pagtangkilik sa kultura na ating
kinagisnan. Dapat nating pahalagahan ito lalo na ang ating sariling wika. Ang ating
wikang pambansa ang nagging boses at sigaw, instrumento at sandata ng ating mga
bayani na nag sakripisyo para sa ating kalayaan. Sabi nga ng ating yumaong bayani na si
Gat. Jose Rizal “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda;
kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Bagamat mayroong
mahigit 170 dialekto ang bansang Pilipinas, ang pagpili ng pambansang wika ay isang
mahabang proseso na may layuning magkaroon ng pagkakaunawaan at
pagkkaintindihan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng paggamit ng iisang paraan ng
paghayag; at sa pamamalakad ng dating Presidente Manuel Luis Quezon noong 1940,
isinulong ang Executive Order No. 263 na naguutos sa pagtuturo ng napiling Wikang
Tagalog bilang Pambansang Wika sa lahat ng mga pampubliko at mga pribadong
paaralan sa buong bansa.

Ang kaalamang naibibigay ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ay hindi


lamang ukol sa ating wika at panitikan kundi nalilinang din sa mga mag-aaral ang
kaisipang makabayan. Ngunit sa patuloy na pagunlad ng Sistema ng eduskasyon sa nag
daang panahon, dumami ang asignaturang dapat pagaralan upang makasabay tayo as
epekto ng Globalisasyon sa Sistema ng edukasyon tulad ng ibang mga bansa.

Noong Hulyo 28, 2013, inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) ang
Memorandum Blg. 20 series of 2013 na pinamagatang “General Education Curriculum:
Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies” na layuning magtanggal
ng anim na yunit ng Filipino para sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa taong 2018 sapagkat
ang karagdagang taon sa sekondaryang pag-aaral ay sapat na at hindi na kailangan pa
muling pag-aralan sa kolehiyo. Marami ang nagbigay ng negatibong reaksyon at
pagbatikos sa naging desisyon na ito ng CHED. Dito naipakita ng mga Pilipino ang halaga
at pagmamahal sa sariling wika.

Maaaring epekto sa mga Guro at Estudyante.


Marami ang nagulat at nadismaya sa naging desisyon na iyo ng CHED. Ang
ideyang matatanggal ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo ay bangungot sa mga gurong
nakapaglaan na ng oras at panahon upang maituro ang kanilang kaalaman na kanilang
pinagaralan noon paman. Naalarma din ang iba pang guro na asignaturang Filipino
lamang ang itinuturo na baka mawalan na sila ng trabaho pag napatupad ang pagtanggal
nito; lalo pa’t sinabi rin ng CHED na kailangan mag karoon ng “Master’s Degree” bago
makakakuha ng bagong asignatura at makapagturo sa pampublikong paaralan. Naging
banta din sa kinabukasan ng mga kasalukuyang estudyanteng kumuha ng kursong
edukasyon na may mayorya sa Filipino sa Tertiarya dahil kung mawawala na ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo ay paano nila masisimulang magamit ang kaalaman na
pinagugulan nila ng oras ng ilang taon at makahanap ng trabaho. Dahil sa mga nabanggit
na pangamba ng mga Pilipino ukol dito ay masasabi natin na dapat pang pag aralan ng
masusi ng CHED ang kanilang direktiba. Sa ngayon, desisyon na ito ng CHED ay “Status
quo” at naghihintay pa ng pinal na desisyon mula sa Korte Suprema.

Banta sa Nasyonalismo.
Ang makabayan na importansya ng Wikang Filipino ay naisasantabi ng CHED sa
kanilang desisyon. Ang Asignaturang Filipino na lamang ang iba pa nating paraan upang
maisaisip at mapagaralan ang ating wika sa mataas na antas ng pagaaral. Kung wala ito,
mananatili na lamang sa tahanan ang pagsalin sa kaalamang ito na ngayon din ay nasa
krisis na dahil sa epekto ng Globalisasyon. Maraming magulang na tinuturuan ng Ingles
ang kanilang mga anak sa murang edad at karamihan ay naisasantabi na ang pagtuturo
ng malalim na kaalaman tungkol sa ating wikang pambansa. Kung sa tahanan pa lamang
ay may banta na sa Nasyonalismo, paano na lng kung mawawala din ang suporta na
binibigay ng Asignaturang Filipino sa pagbuo ng makabayang pagkilala sa ating wikang
pambansa. Dapat nating tandaan na itong wikang atin lamang ang magiging simbolo na
tayong Pilipino ay iisa. Kung tayo ay patuloy na yayakap sa ibang lenggwahe, maaring
mawala ang ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.

Globalisasyon.
Globalisasyon ang isa sa mga dahilan ng CHED sa kanilang desisyon na tanggalin
ang Asignaturang Pilipino. Ang pagtanggal nito ang nakikitang solusyon ng CHED upang
makamit ng bansa ang Globalisasyon. Ipinunto ng iilan na ituturo naman ang
Asignaturang Filipino sa primarya at sa sekondarya (o sa K – 12 Curriculum). Ang
pagtanngal nito sa Kolehiyo ay magbibigay ng paraan para sa mga magaaral na
makapagbigay ng mas maiging atensyon sa kanilang mga “major subject”. Tutol naman
ito sa pahayag ng iba na ang pagtuturo niyo sa Primary at Sekondarya ay hindi
maihahalintulad sa magiging kalidad ng turo sa Kolehiyo. Kung hindi patuloy na
maituturo ang Asignaturang Filipino hanggang Kolehiyo ay may posibilidad na
makalimutan at mawala ito sa kaisipan ng mga mag-aaral.
Halo-halong reaksyon at pagbatikos ang ating natunghayan sa desisyon na ito ng
CHED at hindi natin maikakaila na negatibo ang nagging tugon ng karamihan. Gulat,
dismaya, galit, lungkot at pagtataka ang nanaig sa mga Pilipinong nangangamba para sa
kanilang kinabukasan at sa kinabukasan ng Asignaturang Filipino. Ang Globalisasyon ay
isang malawak na ideya. Maari tayong makipagsabayan sa larangan ng Globalisasyon ng
hindi tinatanggal ang Asignaturang Filipino. Ang kailangan lamang natin ay mas masusi
pang pag-aaral na dapat pang gawin ng CHED. Ngunit sa hakbang na ito ng CHED,
masasabi nating determinado sila na ituloy ang kanilang direktiba. Bilang mamayan ng
bansang ito, karapatan natin at tungkulin natin na pangalagaan ang ating kultura.
Pahalagahan ang wika na boses na pinaglaban ng ating mga bayani. Sa bandang huli ay
tayong sambayanang Pilipino parin ang mananaig, kung ipaglalaban natin ang sariling
atin. Maiiwasan natin ang mga trabahong maaring mawala at mawawaksa natin ang
banta sa Nasyonalismo; kailangan lamang nating magka-isa at gamitin ang ating boses
bilang isang makabayang Pilipino. Dapat maipakita natin na ang ating wikang pambansa
ay may malaking potesyal upang maging intelekwalisado. Ang kailangan natin ay
mapalawig pa ang ating sariling terminolohiya sa iba’t ibang salita upang hindi na
lamang tayo nakasalalay sa Ingles sa paghahayag at pagbibigay kahulugan. Dito natin
mararating ang mas malalim na gamit propesyonal para sa ating wikang pambansa.
Ngunit mahaba at matagal ang prosesong ito, hindi malabong magawa ito kung hindi
natin tatangalin ang Asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

MGA SANGGUNIAN:
Amurao, J., Felomina S.A., Francisco, E.A., Gubatan, B., Guevarra, R., Holgado, J.J.,
Hongco, J.M., Honda,S., Inocencio, H.S., Tenorio, K.A. (2017). Pagtatanggal ng
Asignaturang Filipino sa Kolehiyo: Epekto sa mga Mag-aaral ng Bachelor of
Secondary Education sa Bulacan State University.
https://www.academia.edu/32046723/Pagtatanggal_ng_Asignaturang_Filipino_
sa_Kolehiyo_Epekto_sa_mga_Magaaral_ng_Bachelor_of_Secondary_Education_
sa_Bulacan_State_University
Arguelles, D., Garcia, R., Marcos, R., Mercado, A. (2015). KULTURA AT WIKANG FILIPINO,
PATULOY NA PAGYAMANIN SA KOLEHIYO. http://komakadt1b-
radar.tumblr.com/
Bugarin, N., Cañacao, G., Cap-atan, Z., Cervantes, M.K., Clave, B., Marso, R. (2015).
KAHALAGAHAN NG PAGPAPANATILI NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO.
https://www.slideshare.net/GlaizaBugarin/kahalagahan-ng-asignaturang-filipino-
sa-kolehiyo
Cariga, C., Giongco, A. (2014). A look into CHED Memo No. 20-2013: The end of a
language? http://thelasallian.com/2014/08/15/a-look-into-ched-memo-no-20-
2013-the-end-of-a-language/

You might also like