You are on page 1of 2

AILEEN D.

CRISTOLES

BSE MATH 1

Mula Noon Hanggang Ngayon; Wikang Sarili, Ang Wikang Tulay sa Mabisang
Pagkakaunawaan ng mga Mamamayan sa Ating Arkipelago

“Kalagayan ng Filipino sa Kasalukuyang Panahon”

Lahat ng tao ay isinilang na walng malay sa pangyaayri sa paligid. May sariling


mundo,may sariling lenggwaheng naiintindihan. Sa paglipas ng panahon, unti-unti tayong
natututo sa ating sariling wika at kulturang bumubuo sa ating pagkatao. Ito ang pagkakakilanlan
nating mga Pilipino. Ito rin ang nagsisilbing tulay na kumo-konekta sa bawat isa upang
magkaunawaan at mailahad ang mga damdaming nais iparating.

Naging instrumento ang wika tungo sa pagkakaisa. Isang paglalarawan nito ang pagbuwis ng
ating mga mahal na bayani ng kanilang mga buhay para lamang mapangalagaan ang kultura at
wika n gating bansa. Bilang respeto sa ginawa n gating mga bayani, nararapat lamang na
gamitin natin an gating sariling wika,pagyamanin at paunlarin.

Ngunit sa paglipas ng panahaon, unti-unti na tayong napapalayo, nakakalimot at isinasantabi na


ang wikang Filipino. Lahat ng ito ay dahil sa pag usbong ng teknolohiya lalong lalo na sa social
media. Hindi na maitatanggi na kaugnay nan g ating buhay ang social media dahil parte na ito n
gating pang araw araw. Alinsunod ditto,malaki ang naging epekto nito sa ating wika, lalo na ang
Facebook. Magmula ng sumikat ito, mas tinatangkilik nan g mga Pilipino ang salitang Ingles,
dahil tingin ng lahat mas mukha itong sosyal. Nagkaroonnarin ng mga bagong salita gaya ng
“selfie”, “how to be you po?” at kung ano-ano pa.

Marami ng nagbago, marami ng salita ang naglaho, at tila natatapakan na ang ating pagka
Pilipino. Wika ang salamin ng ating kultura, ngunit dahil sa mga nauuso sa panahon ngayon tila
nakakaligtaan na natin itong pahalagahan. Mas gusto nating gamitin ang lenggwaheng hindi sa
atin para lamang masabing hindi tayo mapag iwanan.
Sa panahon ngayon, kapag ikaw ay matatas manalita ng wikang Filipino, ang tingin sayo ng
marami ay kakaiba o korni sa kanilang pananalita.hindi narin pinapansin ngayon ang mga
panitikang sariling atin,bagkus ay mas tinatangkilik nila ang Wattpad, lalong lalo nan g mga
kabataan. Ang Wattpad ay isang aplikasyon kung saan pwede kang magbasa at gumawa ng
sarili mong kwento. Halos lahat ng mga istorya dito, kung hindi nakasulat sa wikang Ingles ay
nakalimbag sa wikang Tagalog ngunit may halong Ingles na kung tawagin nila ngayon ay
“Taglish”. Sa pamamagitan pa lamang nito ay mapapansin mo ng wala ng ipinapakitang
paggalang ang ating mga kapwa mamamayan sa wikang ipinaglaban pa ng ating mga bayani
noon. Sa inaasta ng karamihan,tila nawalan lamang ng saysay ang pagbubuwis ng buhay n
gating mga bayani magkaroon lamang tayo ng sariling wikang ating magagamit.

Wikang Filipino ang nagsisilbing buklod ng sangkalipunan upang makamit ang kaunlaran at
kapayapaan na ating hinahanagad. Ito ang landas tungo sa pagkakaisa. Sarili nating wika ang
daan upang galit at poot sa ating puso ay tuluyang mawala at tunay na pagmamahal ang
maghari dito. Hindi pa huli ang lahat, maari pa nating simulant ang nararapat.
Maniwala!magtiwala! at umaksyon!Ipakita natin ang ating pagka Pilipino sa pagpapahalaga at
pagbibigay buhay sa wikang Filipino. Mahalin natin ang ating wika at huwag natin itong ipagpalit
sa iba.

You might also like