You are on page 1of 48

DEPINISYON

PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ito ay isang malalim na paghihimay


sa mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t
ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing
manunulat at katha.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-


aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng
panitikan.
 Isang paraan sa pagsusuri sa kabuuan ng tao –
ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng
pagsasalita at maging ang kanyang pakikipag-
ugnayan sa kanyang kapwa at sa lipunang
kinabibilangan niya.
CRITIQUE OR CRITICISM
(PANUNURI O KRITISISMO)
PANUNURING PAMPANITIKAN
PANUNURI KRITISISMO

Naghahanap ng estruktura. Naghahanap ng mali.


Naghahanap ng kung ano ang pwede Naghahanap ng kulang.
Nagtatanong upang maliwanagan. Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya
maunawaan.
Nakalahad sa mabuti, matapat at Nakalahad sa malupit at mapanuyang
obhetibong tinig. tinig.
Positibo Negatibo
Konkreto at tiyak Malabo at malawak
Nagpapatawa rin. Seryoso at hindi marunong magpatawa
Tumitingin lamang sa kung ano ang Naghahanap ng pagkukulang sa
nasa pahina manunulat at sa akda
PANUNURING PAMPANITIKAN

TANDAAN!
 Ang pamumuna at pagsusuri ay di pamimintas.
 Ito’y pagbibigay-puri sa kagandahan ng akda ng
may-akda at pagbibigay-puna sa kahinaan nito upang
lalo niyang mapaganda ang mga susunod na sulatin.
 Ito’y nagpapahalaga sa lalong ika-uunlad ng
manunulat at panitikan na rin sa kabuuan
KASAYSAYAN
PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang kritisismo ay bahagi ng edukasyong kolonyal na dala


ng mga Amerikano. Kasama sa edukasyong dala-dala nila
ay ang mga panitikang nagmula sa kanilang bansa.
Kasama rito ay ang kritisismong ginagamit sa panitikan na
nagmula rin sa mga kanluraning bansa. Sa madaling
salita, tinuturuan ang mga Pilipino sa mga pamamaraang
hindi angkop sa kanila.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Dito sumibol ang pananaw ng Pambansang Alagad
ng Sining na si Bienvenido Lumbera na nagsilbing
isang hamon sa ating mga mambabasa ng panitikan,
gayundin sa mga iskolar na bumuo ng isang dulog o
panunuring taal na masasabing atin sapagkat lagi na
lamang umano tayong nakaangkla sa kung anumang
ididiktang pananaw ng mga nasa kanluran.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Mayroon na ring mga naunang tala ng pagtatangka ng


panunuring pampanitikan sa Pilipinas noong panahon ng
mga Amerikano. Ayon kay Soledad Reyes, ang mga ito ay
nakasulat bilang mga polemikong sanaysay at polyeto
noon. Ngunit karamihan umano ng mga naunang pag-aaral
at pagsusuri ng panitikan ay walang malinaw na
pamantayan ng pagsusuri.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Isang hamon din ang ipinabatid sa mga mambabasa ni
Pambansang Alagad ng Sining Virgilio Almario (1997) na
tayo ay dapat gumawa ng “Bagong Pormalismong
Filipino” na sagot na natin sa kultura ng kritisismo ng
kanluran. Biglang paglilinaw, ninanais niyang makalaya
tayo mula sa istilo ng pagsusuri ng mga dayuhan at
magkaroon tayo ng sarili nating pagkakakilanlan.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Samu’t saring pananaw at mungkahi ang nagmula
sa mga kritiko at nasa akademya. Ayon kay
Propesor Nicanor Tiongson ng Unibersidad ng
Pilipinas, may limang katanungang dapat mabatid at
masagot ng sinumang nais maging kritiko.
PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Ano ang nilalaman o ipinararating sa atin ng


likhang-sining?
2. Paano ito ipinararating?
3. Sino ang nagpaparating?
4. Saan at kailan sumupling ang likhang-sining na
ito?
5. Para kanino ang likhang-sining na ito?
Mga kilalang KRITIKO
PANUNURING PAMPANITIKAN
Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga
makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G.
Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-
tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang
panahon.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo


noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng pamimili
ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga
buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay
tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,”


isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang
ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon
sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika:
Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso?
Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa
madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?
PANUNURING PAMPANITIKAN

Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang


“Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng
pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay
pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang
“Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon
hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng
pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Iba pang kilalang kritiko:

Teodoro A. Agoncillo, Virgilio S. Almario,


Lamberto E. Antonio, Isagani R. Cruz, Lope K.
Santos,
Federico Licsi, Jr. , Rogelio G. Mangahas,
Fernando B. Monleon, Clodualdo del Mundo,
Ponciano B.P. Pineda
KAHALAGAHAN
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ang bunga ng pagsusuri ay bunga ng paghuhusga sa


akda na kung saan ang mambabasa ay nakalilikom ng
higit na kaalaman tungkol sa likhang sining.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Napaliliwanag ang mensahe at layuning


napapaloob sa akda.
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ang makatarungang pagsusuri ay magiging


sandigan ng higit pang pagpapalawak at pagsulong
ng manunulat at panitikan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Maging ang istilo ng manunulat ay natutuklasan


sa pamamagitan ng pagsusuri.
Kahulugan
at Kahalagahan ng
Sining.
Ang Sining ay nangmula
sa salitang latin na
nangangahulugan ng
kakayahan o kasanayan
Nagagamit ang salitang ito sa
iba’t ibang paraan
1.Sining ng pakikipagtalastasan
2. Sining ng pagbigkas
3. Sining ng Pagtula
4. Sining ng Pag-awit
5. Sining ng Pagtatalumpati
6. Sining ng pagbasa
7. Sining ng pagsulat
8. Sining ng Pangtanghalan
May sining ang Paglikha. Sasimula pa
lamang ay may nakapaloob ng sining
sa pagpaplano ng mga bagay sa pag-
babalangkas at maging sa paglalapat
ng mga ito.
Anumang gawaing pang sining o
likhang sining ay kinapapalooban ng
pagtatangka,pagbabalak,paghahanda,
pagsasakatuparan at paggamit ng
imahinasyon,gayundin ang sining na
nakapaloob dito.
Sa panitikan, ang gawaing pansining o
likhaing-sining ay naipapahayag sa tulong
ng maayos na paglalahad o
paglalarawan.
Si Tolstoy ang nagsabing tanging
relihiyon at lipunan lamang ang dapat na
nakapaloob sa sining kayat ang anumang
sining na hindi nagtataglay ng dalawang
ito ay dapat itiwalag.
“Ang sining ay magbubuklod sa tao nang
walang pagtatangi-tangi ng lahi, kulay
relihiyon at paniniwala”.
Kahulugan at Kahalagahan ng
Panitikan.
Ang Panitikan ay pagpapahyag ng
damdamin ng tao tungkol sa iba,t ibang
bagay sa daigdig.
Ang Panitikan ay bungang isip na
isinatitik.
Ang Panitikan ay matibay at pang-
habang buhay na pagpapahayag ng
mahahalagang karanasan ng tao sa
salitang mahusay na pinili at isinaayos.
Kahulugan at Kahalagahan ng
Panitikan
Ang Panitikan ay isang anyo ng
pagpapahayag ng tao na binubuo ng
maayos at masining na pagtitipun-tipon
ng mga salita.
Ang Panitikan ay Isang matibay at
panghabang panahong pagpapahayag
ng mahahalagang karanasan ng tao sa
mga salitang mahusay na pinili at
isinaayos .
Ang sining ay dapat nagiging matapat
na kinatawan o representasyon ng
daigdig.
Kahulugan at Kahalagahang Panitikan
Ang Panitikan ay pagpapahyag ng
damdamin ng tao tungkol sa iba,t ibang
bagay sa daigdig.

Ang Panitikan ay bungang isip na


isinatitik.

Ang Panitikan ay matibay at pang-


habang buhay na pagpapahayag ng
mahahalagang karanasan ng tao sa
salitang mahusay na pinili at isinaayos.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Mga Teoryang Pampanitikan
A. Bayograpikal
B. Historikal
C. Klasismo
D. Romantisismo
E. Realismo
F. Pormalistiko
G. Humanismo
H. Siko- Analatiko
I. Ekssitensyalismo
J. Instrukturalismo
k. Dekunstrusyon
M. Feminismo
PANUNURING PAMPANITIKAN
BAYOGRAPIKAL Ang layunin ng panitikan ay
ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa
buhay ng mayakda. Ipinahihiwatig sa mga
akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay
ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng
mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.
PANUNURING PAMPANITIKAN

HISTORIKAL -Ang layunin ng panitikan ay


ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao
na siyang masasalamin sa kasaysayan at
bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din
nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi
ng buhay ng tao at ng mundo.
PANUNURING PAMPANITIKAN

KLASISMO -Ang layunin ng panitikan ay


maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol
sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Romantisimo-Ang layunin ng teoryang ito ay


ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang
pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin
at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Realismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita


ang mga karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang
panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Pormalistiko- Ang layunin ng panitikan ay
iparating sa mambabasa ang nais niyang
ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-
akda sa kanyang panitikan ang siyang nais
niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at
walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t
pang-unawa.
PANUNURING PAMPANITIKAN

HUMANISMO Ang layunin ng panitikan ay


ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyangtuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
PANUNURING PAMPANITIKAN

SIKO-ANALITIKO -tanging ang ekonomiya


lamang ang motibo ng lipunan. “ nasa
paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin
ang sarap ng buhay.” -nagkakaroon lamang
ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang
kamalayan sa kahirapan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

EKSISTENSYALISMO Ang layunin ng


panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao
na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
PANUNURING PAMPANITIKAN

ISTRUKTURALISMO -Wika ang mahalaga


dahil bukod sa hinuhubog nito ang
kamalayang panlipunan – ipinalalagay ng
maraming teorista na napakahalaga ng
diskurso sa paghubog ng kamalayang
panlipunan. -’di-makatao’
PANUNURING PAMPANITIKAN
DEKONSTRUKSYON - Ang layunin ng
panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto
na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan
kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na
walang iisang pananaw ang nag-udyok sa
may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-
halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuuan ng pagtao at mundo.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Feminismo- Ang layunin ng panitikan ay
magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan
sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung
ang isang panitikan ay feminismo sapagkat
babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan
SAGUTIN:
1. Ano-ano ang kahalagahan ng Panunuring Pampanitikan ?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang Panunuring Pampanitikan ?
3. Ipaliwanag ang sinabi ni Tolstoy na “Tanging
ang relihiyon at lipunan lamang ang dapat na nakapaloob sa
sining kayat ang anumang sining na hindi nagtataglay ng
dalawang ito ay dapat itiwalag”.
4.Sa Panahon ngayon paano binibigyan tuon ang panitikan ng
ating lahi sa ating kumunidad ?
5.Ipaliwanag ang Pagkakaiba at pagkakatulad ng Panunuri at
Kritisismo.

You might also like