Professional Documents
Culture Documents
Pinagmulan
FILPAN030_Course
Outline_S.Y.2020-2021.docx
PINAGMULAN
umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubòng panitikan. Ang panitikan ang nagsilbing
maraming bagay. Ang mga larawan ay nagpapakita ng panahon, mga tao, at ang mga likhang
naihubog sa paglipas ng mga panahon, Sa madaling salita, ang mga larawang ito ay sumisimbulo
ng pinagmulan ng Panitikang Pilipino. Una, mga tao o pangkat ng taong humubog sa ating
panitikan. Hindi lingid sa ating kaalaman na sinasaklawan nito ang kasaysayan ng Panitikang
Pilipino sa iba't ibang panahong pinagdaanan ng bansang Pilipinas; katutubo, kastila, amerikano
at hapon. Ang buhay noon ay ipinakita sa anyo ng panitikan, na siya ring magiging gabay ng
Panitikang Pilipino ng mga tanyag na mga manunulat, mga bayani, at mga mithiin ng
sangkabansaan. Katulad na lamang ni Dr. Jose Rizal at iba pang mga tanyag na manunulat.
Pangatlo, mga likha ng Panitikang Pilpino; kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling
kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong,
salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga
buhay.
Krayterya:
Nilalaman – 15 puntos
Mekaniks/ Kalinasan- 10 puntos
University of Negros Occidental –Recoletos
College of Arts and Sciences
FILPAN030
Pagsasanay Blg. 2
2. Upang matalos na , katulad ng ibang lahi tayo ay mayroon ding kilala at marangal
na tradisyong ginagamit na puhunang salaysayan sa panghihiram ng mga bagong
kalinangang ito.
5. Ito’y higit sa lahat ,sapagakat tayo’y mga Pilipino at dapat maging katutubo sa atin
ang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling Panitikang Pilipino.
____________ Mahalagang pag-aralan ang ating panitikan, sapagakat tayo’y mga
Pilipino at dapat maging katutubo sa atin ang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating
sariling Panitikang Pilipino. Ayon nga kay Dr. Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa
sariling wika ay katulad ng isang malansang isda”. Kaya marapat na tayo mismong mga
Pilipino ay maging katutubo sa sariling atin. Kalakip na rito ang pagmamalasakit sa
ating panitikan, dahil ito ay tanikalang nag-uugnay sa ating bayang sinilangan. Ating
gamitin at ipagmalaki upang hindi manlupaypay ang ating kaisipang Filipino.
University of Negros Occidental –Recoletos
College of Arts and Sciences
FILPAN030
Pagsasanay Blg. 3
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga katanungan ukol dito.
Kuwentong –Bayan
Naging Sultan si Pilandok
Isang Kuwentong-bayan ng mga Maranaw .Si Pilandok ay nahatulang ikulong ng isang
masamang Sultan sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa paghihimagsik na
kaniyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok
sa kaniyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kaniyang
baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak. "Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?"
nagtatakang tanong ng Sultan kay Pilandok.
"Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong
nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon,"
ang wika ng Sultan. "Hindi po ako namatay, mahal na Sultan, sapagkat nakita ko po ang aking
mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng
kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng
bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw
maniwalang Sultan.’ "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.”
"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng
dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto
ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po s ilalim ng dagat at ang
tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat.
Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak."
Umakmang aalis na si Pilandok. "Hintay," paghinto ng Sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at
nais kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pangkamag-
anak."
Tatawagin na sana ng Sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandokat
pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta
roon ang Sultan sa loob ng isang hawla. "Kung gayon ay ilagay mo ako sa loob ng hawla at
itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng Sultan.
"Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni
Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng
dagat ay magnanais silang magtungo rin doon.”Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting
nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng
isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang
pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro." "Ano ang nararapat
kong gawin?" ang usisa ng Sultan.
"Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona,
singsing, at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon
ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at
isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang
hawlang kinalululanan ng Sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay
ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan.
1. Ilarawan ang mga tauhan. Ano-ano kaya ang naging motibasyon nila sa
kanilang ikinilos? Makatarungan ba ang mga ikinilos nila?
4. Ano kaya ang silbi ng mga kuwentong-bayan sa buhay ng ating mga ninuno?
Ang mga kwentong-bayan o mas kilala bilang folklore ay mga kwento at salaysay
na hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhang kumakatawan sa mga uri ng
mamamayan. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o
rehiyon ng isang bansa o lupain. Samantalang ang Alamat o Legend naman ay isang uri
ng kwentong-bayan at panitikan na nagkukuwento ukol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa daigdig.
University of Negros Occidental –Recoletos
College of Arts and Sciences
FILPAN030
Pagsasanay Blg. 4
Ang Narra ay simbolo ng matibay na pag-ibig. Maraming mga alamat ng Narra ngunit
iisa ang pangunahing paksa. Ito ay ang tungkol sa pagmamahal. Paano nga ba nagkaroon ng
Narra? Alamin sa maikling alamat ng Narra.
Noong unang panahon, sa isang malayong nayon ay nakatira si Nardo. Siya ay may
angking kakisigan at maamong mukha. Kapareha nito ang kaniyang nangingintab na mala-rosas
na bibig. Marami ang nahuhumaling sa kaakit-akit na katangian ng binata, kabaitan at kasipagan.
Kaya naman, halos lahat ng mga dalaga sa kanilang nayon ay humahanga sa kanya.
Dumating ang araw na inaya ni Nardo si Valentina ng kasal. Lubos ang kasiyahan ng
dalaga dahil iyon ang pinapangarap niya. Sa araw ng pamamanhikan, biglang nawalan ng malay
ang dalaga. Labis na nabahala si Nardo at ang kanilang mga magulang. Nang balikan ng malay si
Valentina ipinagwalang-bahala nito ang nangyari at sinabing dala lamang ito ng pagod sa buong
araw.
Ilang linggo bago ang itinakdang kasal, kinausap ni Nardo nang masinsinan ang
kasintahan. “Magtapat ka nga sa akin, Valentina. May sakit ka ba? Napapansin ko kasing
namamayat ka, laging pagod at namumutla,” aniya kay Valentina na pilit inaarok ang
kasintahan. Malungkot na ngumiti ang dalaga at tuluyang ipinagtapat ang kanyang kalagayan.
Nalaman ni Nardo na malubha na ang sakit ng babae. Kung gaano pa tatagal si Valentina
sa mundong ibabaw ay walang nakakaalam. Sa huli ay sinabi ng dalaga kay Nardo, “Nais kong
makipagkalas sana sa iyo upang makahanap ka ng babaeng kaya kang samahan habang
buhay. Isa babaeng mamahalin ka, katulad ng pagmamahal ko sa iyo .” Tumanggi si Nardo
at sinabing si Valentina lang ang minamahal. Kaya niyang pagsilbihan ang babae kahit
anupaman ang sakit nito. Nais niyang makasama ito hanggang sa huling hininga nito.
Natuloy ang kasal. Pinagsilbihan nga ni Nardo ang kanyang asawa hanggang sa ito ay
malagutan ng hininga. Labis na nagdalamhati ang babae sa pagkawala ng kanyang
pinakamamahal kahit na sabihing handa na siya. Kaya naman, nagkasakit si Nardo sa labis na
kalungkutan. Bago siya pumanaw, hiniling niya na ilibing din siya sa tabi ng kanyang
namayapang asawa. Maraming naantig at namangha sa tatag ng pag-ibig ni Nardo. Ang
katibayan ng kanyang pagmamahal sa babae ay labis nilang hinangaan.
Hindi naglaon isang puno ang tumubo sa tabi ng puntod ni Nardo. Lumipas ang mga
araw ay nagging matayog ang paglaki ng puno. Lahat ay nabighani sa angking tibay ng puno ng
kahoy. Kakaiba ito sa lahat ng mga puno sa nayon. Dahil sa ganda ng puno, inihalintulad ito ng
mga tao kay Nardo. Naalala rin ng lahat ang labis na pagmamahal nito sa kanyang asawa at kung
gaano katibay ang pagmamahal niya rito. Kaya’t mula noon ay pinangalanan ang halaman na
Naro, at sa paglipas ng panahon ay tinawag na itong Narra.
University of Negros Occidental –Recoletos
College of Arts and Sciences
FILPAN030
Pagsasanay Blg. 5
Epiko
Ang Hudhud ni Aliguyon
Isang Buod na Halaw mula sa The Epics ni Damiana Eugenio
Ilang taon pa ang lumipas, at ginawan ni Amtalao si Aliguyon ng isang trumpo. Tinuruan niya si
Aliguyon kung paano ito paikutin, at kung paano ito gamitin upang talunin at wasakin ang
trumpo ng iba pa niyang kalaro. Tinuruan rin niya si Aliguyon kung paanong lumikha ng mga
sibat na gawa sa runo at kung paanong makipaglaban gamit ito. Habang tumatanda, madalas
makinig si Aliguyon sa mga dasal pandigma ng tribu. Kalaunan, natutuhan rin niyang usalin ang
mga dasal at salitang makapangyarihan. Dahil sa mga angking galing ni Aliguyon, siya ang
naging pinuno ng mga kabataan sa kanilang tribu.
Nang naging binata na si Aliguyon, tinipon niya ang kaniyang mga kasama upang lusubin ang
kalaban ng kaniyang tatay, si Pangaiwan ng bayang Daligdigan. Subalit nang makarating sila sa
Daligdigan, ang nakaharap niya ay hindi si Pangaiwan, kundi ang anak nitong si Pumbakhayon.
Kasingtapang at kasinggaling ni Aliguyon si Pumbakhayon. Tumagal ang digmaan ng tatlong
taon, nang hindi malinaw kung sino ang mananalo. Dahil sa haba ng digmaan, natutuhang
irespeto ng dalawang bayani ang husay ng bawat isa. Dahil tila magkapantay sa galing sa
pakikipagdigma, nagpasya silang tapusin ang digmaan.
Sa harap ni Pangaiwan, nagkasundo silang pananatilihin ang kapayapaan sa pagitan ng
kanilang mga pamilya. Nang matapos ang pagkakasundo, niligawan ni Aliguyon ang pinakabata
at pinakamaganda sa mga kapatid na babae ni Pumbakhayon, si Bugan. Iniuwi ni Aliguyon si
Bugan sa Hannanga, at lumaki siyang isang napakagandang dalaga. Dumalaw si Pumbakhayon
sa Hannanga upang saksihan ang kasalan sa pagitan ni Aliguyon at ng kaniyang babaeng
kapatid. Naging matapat at makatwirang pinuno ng tribu si Aliguyon at Bugan, at minahal sila
ng kanilang mga katribu.
SIMULA
WAKAS
Salawikain
1.____Ang hipong palatulog, inaanod ng agos._________________________________________________
Bugtong
1.___Tubig sa kaitaasan, ang ulo’y bilugan. – Niyog/buko________________________________________