You are on page 1of 39

FIL.

205: PAGTATAMO AT
PAGKATUTO NG WIKA,
MGA TEORYA AT
PRAKTIKA
IKA-17 NG ENERO, 2021 LINGGO
MGA PUNDASYON SA
PAGTATAMO AT
PAGKATUTO NG WIKA
MGA TAGAPAG-ULAT:

GNG. RONNETE D. EBOJO


GNG. MARICEL M. SAYSON
ANTAS PROTOWIKA

TATLONG (3)
YUGTO NG ANTAS
PAG-UNLAD NG LEKSIKOGRAMATIKO
WIKA
ANTAS NG MAUNLAD
NA WIKA
1. ANTAS PROTOWIKA

• Gumagamit ng mga kilos na may tiyak na ibig sabihin


upang magpahayag.
Halimbawa:
Ang pag-iyak kapag nagugutom.
2. ANTAS LEKSIKOGRAMATIKO /
TRANSISYONAL;

• Nakagagamit ng mga simpleng salita na may lohikal na ayos.


• Nagsisilbing tagapamagitan ng antas na hindi pa makapagsalita ang
sanggol at kumikilos pa lamang at ng pinakamataan na antas o kung
sanay na siyang makapagsalita sa unang wika.
Halimbawa:
“Kain ako” ( Upang malaman na nasa paligid na nagugutom na siya.)
ANTAS NG MAUNLAD NA WIKA

• Nakagagamit naman ng buo-buong pangungusap at


nakapagdidiskurso nang tuloy-tuloy.
Halimbawa:
Pagbuo ng salita, pagkakasunod-sunod ng mga ito,
angkop ang tono, at bantas, at iba pa.
CLASSROOM / KLASRUM
• Isang silid o lugar partikular sa isang paaralan kung, saan
ginaganap ang klase. Sa klasrum matatagpuan ang mga
estudyante at titser na pagkakaroon ng talakayan sa paksang
pinag-aaralan. Ang tinutukoy sa papel na ito ay ang klasrum kung
saan nagaganap ang pagpapalitan ng usapan ng titser at mga
estudyante.
A. OBSERBASYON SA ISANG KLASRUM

 Ang klasrum na ating papasukin ay isang klase sa


pagbasa sa unang baitang sa isang paaralang publiko
sa labas ng Maynila.
A. OBSERBASYON SA ISANG KLASRUM

 Ang klase ay binubuo ng tatlumpu’t limang bata na


pipituhing taong gulang. Galing ang mga bata sa
pamilyang katamtaman lamang ang antas ng
pamumuhay.
A. OBSERBASYON SA ISANG KLASRUM

 Filipino ang unang wika ng mga batang ito. May


tatlong lingo nang nagkaklase ang guro. Naisagawa na
niya ang kahandaan para sa panimulang pagbasa.
A. OBSERBASYON SA ISANG KLASRUM

• Ang mga epektibong guro ay pinamamahalaan ang


kanilang klasrum.
• Ang mga di-epektibong guro ay dinidisiplina ang
kanilang klasrum.
Tutok ang mga mag-aaral sa mga
gawain Ang Guro at
Ano ang ang
Pamamahalan Pamamahala
Matagumpay ang pagtuturo at
g ng Klasrum
pagkatuto Pangklasrum?
Ano-ano ang
mga Ang mag-aaral at ang
isinasaalng- Klasrum
Walang nasasayang na oras alang sa
mabuting
Pamamahalan Ang pagtuturo at
g pagkatuto sa loob ng
Relaks at kalugod-lugod Pangklasrum. klasrum
Bigyang-pansin sa paglalahad ng aralin ang pagpili/ desisyon na
isinagawa ng guro tungkol sa: Paano sinimulan ang liksyon, kung sino
ang tatawagin, kung iwinasto ba ang kamalian ng mag-aaral at iba pa.
Tandaan na ang bawat sabihin at gawin ng guro sa loob ng klasrum ay
bunga ng kanyang mga desisyon na maaaring sinadya o di-sinadya na
hango sa maraming bilang ng pagpipilian.
Maaaring ang pagpiling ito ay bunga ng isang maingat na pagsasaalang-
alang ng mga batayang simulain sa pagkatuto at pagtuturo.
GABAY SA MAAYOS NA
PANGANGASIWA NG SILID-
ARALAN
GAWING MAGAAN ANG LAHAT

• May mga mag-aaral na sinusuri tayong mga guro nila kung ano
at saan nila makukuha ang kiliti nating mga guro kaya mas
mainam na sinimulan natin ang taon sa disiplinadong
pangangasiwa sa silid-aralan nang sa gayon di natin mabigyan
ng puwang ang ating mga mag-aaral na magbigay ng dahilan
para matigil ang daloy ng ating talakayan.
PANTAY ANG PAGTRATO SA MGA MAG-AARAL
ANG KAILANGAN

• Huwag na huwag magkaroon ng paborito sa klase. Ang


mga mag-aaral, gaano man kabata alam kung tayo ay
hindi patas. Kung ang pinakamagaling nating mag-aaral
ay nagkasala,kailangan rin natin silang parusahan.
HARAPIN ANG MGA MAGAGANAP NA SAGABAL
SA WASTONG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

• Huwag hayaang masira ang masayang talakayan ng buong


klase nang dahil lamang sa wlang kabuluhang bagay.
Humanap ng kapani-pakinabang na paraan para di masira
ang takbo ng talakayan. Ang isang mainam na paraan ay
tanungin ang mag-aaral na lumikha ng ingay o alingasngas.
IWASANG MAMAHIYA SA KLASE.

• Oo nga’t may mga mag-aaral na natututo mula sa mga


halimbawa na itinuro natin partikular sa isyung
pangdisiplina pero mas mainam na iwasan pa rin nating
komprontahin ang isang mag-aaral sa harap ng klase
dahil ito ay magdudulot.
IWASANG MAMAHIYA SA KLASE.

Iwasang matigil ang talakayan nang dahil sa maling


pagpapatawa sa kanya para mapahiya sa kanyang mga
kaibigan at kamag-aaral. Dahil diyan, mawawala na ang
iyong kagustuhan na mapatuto ang batang iyan. Kausapin
siya nang nag-iisa na walang sinumang nakakakita o
nakaririnig.
MAGING MAINGAT SA PAGPAPATAWA.

Alamin ang pagkakaiba-ng good humor sa harmful


sarcasm.
LAGING MAGHANGAD NANG MATAAS SA ATING
MGA MAG-AARAL.

Ipabatid natin sa ating mga mag-aaral na mataas ang


ating inaasahan sa kanila sa ating klase hindi para
maliitin kundi para kilalanin ang kanilang kakayahan at
katalinuhanna naibahagi sa talakayan.
IPLANO NANG MAAYOS ANG ARALIN.

Iwasan na magbigay ng maraming free time sa klase.


Kapag ang mga mag-aaral ay maraming free time na
dumaldal sa klase para sa kanila ito ay indikasyon na hindi
sila mahihirapan sa iyo sa pagpapasa ng mga requirements
dahil pinapayagan naman natin sila sa ganoong gawain.
HUWAG PABAGU-BAGO.

Maaaring mawala ang respeto ng mga mag-aaral natin sa


atin kapag araw-araw ay ibang tao tayo. Iyan bang iba-
iba ang mood. Kaya kailangan lagi tayong masigla at
masaya para mahiikayat natin silang matuto.
GAWIN NATING LAGING MALINAW ANG ATING
MGA PAMANTAYAN AT PATAKARAN.

Magagawa lamang na matanggap ng ating mga mag-


aaral ang ating mga patakaran at pamantayan kung
binibigyan natin sila ng pagkakataon na ito ay kanilang
maunawaan gayundin ang kaparusahan kung sila ay hindi
susunod dito.
MAGSIMULA TAYO NANG MASAYA ARAW-ARAW.

Huwag itrato ang mag-aaral sa kung ano ang nagawa nila


kahapon. Simulan ang araw sa pamamagitan ng pagtrato
sa kanila na kaya sila nasa paaralan ay para matuto at
makilahok sa talakayan. Dapat lagging malawak ang
ating pang-unawa sa kanila.
MAGSIMULA TAYO NANG MAAYOS ARAW-
ARAW.

Huwag itrato ang mag-aaral sa kung ano ang nagawa nila


kahapon. Simulan ang araw sa pamamagitan ng pagtrato
sa kanila na kaya sila nasa paaralan ay para matuto at
makilahok sa talakayan. Dapat lagging malawak ang
ating pang-unawa sa kanila.
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Sa pamamagitan ng magandang usapang pangklasrum


ang mga estudyante ay magkakaroon ng aktibong
ugnayan at partisipasyon samantalang ang mga titser ay
magiging tagapamagitan sa isang maliwanag at maayos
na talakayan sa klase.
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng magandang


ugnayan sa isa’t isa dahil dito naipapakita at nararamdaman
nila ang kahalagahan ng kanilang mga gawain sa loob ng
klasrum at ipinipresenta nila ito sa harap ng kanilang titser
nang walang pag-aalinlanagn at buong pagkukusa.
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Bilang estudyante
Kinakabahan ka, baka ikaw na ang susunod tatawagin
ni titser upang sumagot sa ibinigay na tanong.
Natatakot ka baka magkamali ka sa pagsagot at
pagtatawanan ka ng mga kaklase.
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Bilang estudyante
Wala sa konsentrasyon nang bigla kang tinawag ng
titser para sumagot, natulala ka.
Madaling magalit ang titser kaya natatakot kang
magsalita o sumagot
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Bilang estudyante
Naiinis ka sa titser mo dahil paulit-ulit ang mga
binabanggit na halimbawa sa paksang tinatalakay.
Tahimik ka na lang sa tabi o sa iyong upuan dahil matagal
mo nang alam ang sagot sa mga itinatanong ni titser
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Bilang estudyante
Naiinis ka na dahil kanina ka pa gustong sumagot
subalit hindi natatawag ni titser ang pangalan mo.
Makulit at madaldal ang klasmeyt mo kaya wala kang
ganang sumali sa diskusyon sa klase.
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Bilang estudyante
Nakakairita ang klasmeyt mo dahil siya lamang ang
taas nang taas ng kamay at siya lamang din ang
pinapansin ng titser.
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Bilang Titser
Ayaw sumagot ang estudyante tinatawag.
Nakakainis ang ugali ng estudyanteng nakatingin
lamang sa iyo at hindi umiimik tuwing tatawagin.
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Bilang Titser
Malayo ang sagot ng estudyante sa tanong mo.
No ang sagot sa halip na Yes ang inaasahan mo.
Estudyanteng parang parrot sabad nang sabad tuwing
magsasalita ka.
ANG PAPEL NG USAPANG PANGKLASRUM/KLASRUM
DISKORS SA PAGTUTURO-PAGKATUTO

• Bilang Titser
Estudyang salita nang salita sa upuan niya subalit kung tawagin
na’y hindi naman sasagot.
Estudyanteng patango-tango sa mga sinasabi mo ngunit hindi
naman nakasasagot sa follow up na tanong mo.
Napapaos ka na sa kadi-discuss ay hindi pa rin makaintindi.
• Classroom Talk / Classroom
Discourse at Discourse
Analysis

You might also like