You are on page 1of 10

KABANATA IV

LEVEL NG KAALAMAN SA BINAGONG ORTOGRAPIYA NG MGA MAG-AARAL SA

KOLEHIYO NG SORSOGON STATE COLLEGE

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng interpretasyon sa mga

nakalap na datos buhat sa mga respondente ng pag-aaral na ito.

Nagsilbing kasagutan sa mga suliraning inilahad ang mga

nakuhang sagot batay sa mga sumusunod: 1. Antas ng kaalaman sa

binagong Ortograpiyang Filipino ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng

Sorsogon State College, Kampus ng Sorsogon. 2. Suliraning

kinakaharap ng mga mag-aaral sa binagong ortograpiya. 3.

Mabubuong awtput batay sa kinalabasan ng pag-aaral.

1. Antas ng kaalaman sa binagong ortograpiya ng mga mag-aaral sa

kolehiyo ng Sorsogon State College.

Sa Talahanayan 2, ipinapakita ang antas ng kaalaman sa

binagong ortograpiya ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng Sorsogon

State College. Ayon sa resulta, mapapansin na karamihan sa mga

kurso ay parehong may mataas na kaalaman sa binagong ortograpiya

at ang mean ( x́ ) nito ay batay sa nakuhang iskor sa pinasagutang

talatanungan. Ang nakuha ng mga kursong BS Entrepreneurship,


Bachelor in Elementary Education at BS Accountancy ay may mean na

15.2, 16.35 at 15.65 ayon sa pagkakasunod-sunod na pumapasok sa

iskala ng may kaalaman. Samantalang, ang kursong BS Engineering

at BS Hospitality Management ay may mababang kaalaman at may mean

na 14.75 at 13.55.

TALAHANAYAN 2

ANTAS NG KAALAMAN SA BINAGONG ORTOGRAPIYA

Kurso x́ Level ng Kaalaman


BS Entrepreneurship 15.2 May kaalaman
BS Engineering 14.75 Mababa ang kaalaman
BS Hospitality 13.55 Mababa ang kaalaman

Management
Bachelor in Elementary 16.35 May kaalaman

Education
BS Accountancy 15.65 May kaalaman

Ang mga resultang ito ay nagpapatunay na ang level ng

kaalaman sa binagong ortograpiya ng mga mag-aaral sa kolehiyo

ng Sorsogon State College ay nahahati sa may kaalaman at

mababa ang kaalaman. Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral

ay may kaalaman subalit nangangailangan pa rin ng paglilinang

sa binagong ortograpiya.
Ang implikasyon ng pag-aaral na ito ay nagpapatunay na

nararapat ipagpatuloy ang pag-aaral sa binagong ortograpiya sa

antas ng kolehiyo. Ang pagbibigay ng interbensyon sa pagtuturo

ng wika ay higit na makatutulong sa pagtukoy sa kahalagahan ng

binagong ortograpiya sa pagiging estandardisado ng wika.

3. Mahalagang kaugnayan na namamagitan sa kurso ng mga mag-

aaral at sa antas ng kanilang kaalaman sa binagong

Ortograpiyang Filipino

2. Suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa binagong

Ortograpiyang Filipino.

TALAHANAYAN 3

MGA SULIRANIN NG MAG-AARAL SA BINAGONG ORTOGRAPIYA

Mga Suliranin Rango

Kakulangan ng kaalaman sa binagong ortograpiya. 1

Kalituhan sa binagong alituntunin ng binagong 2

ortograpiya.
Kawalan ng interes para matuto. 3

Kakulangan sa kagamitang pagkatuto. 5

Walang panahon sa pagbabasa. 5


Hindi ako medyor sa Filipino. 5

Iba pa; 7

Mas gusto gumamit ng wikang Ingles.

Nalilito sa pabago-bagong bersyon ng ortograpiya.

Kawalan ng pagpapahalaga sa binagong ortograpiya.

Modernisasyon.

Sa talahanayan 3, inilalahad ang mga suliranin ng mag-aaral

sa kolehiyo ukol sa binagong ortograpiya. Ipinapakita ang

kakulangan ng kaalaman hinggil sa binagong ortograpiya kung

kaya’t karamihan sa mga mag-aaral ay nahihirapan na isalin ang

mga salitang banyaga patungo sa wikang Filipino. Marahil hindi

ito nabibigyang pansin sa pagtuturo at pag-aaral.

Ang kalituhan sa binagong alintuntunin ng binagong

ortograpiya ang pangalawa sa mga suliraning kinakaharap ng mga

mag-aaral. Ipinapahiwatig lamang na sa mga pagbabagong

isinasagawa sa ortograpiya ay hindi binibigyang pansin ang

maaaring maging epekto nito sa mga mag-aaral at maging sa mga

guro na nagtuturo nito.

Pangatlo sa mga nabanggit na suliranin ay ang kawalan ng

interes ng mga mag-aaral para matuto ng mga alintuntuning

kailangan sundin sa pagsulat at pagbaybay. Ang ortograpiya ay

kadalasang itinuturo sa kolehiyo, layunin nito na palawakin

ang kaalaman ng mga mag-aaral sa estandardisasyon ng wika na


siyang magpapatatag sa pundasyong nabuo noong sila ay nasa

sekundarya pa lamang. Subalit dahil nakatuon ang mga mag-aaral

sa mga piniling kurso at medyor, ang mga aralin katulad ng

Filipino ay naipagsasawalang bahala sa kadahilanang hindi

naman ito makatutulong sa pag-unlad ng kanilang mga kakayahan.

Maliban na lamang sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa

wika na kailangang pag-aralan at maging bihasa rito.

Ang kakulangan sa kagamitang pagkatuto katulad ng mga libro,

modyul sa mga-aaral at maging sa mga guro ay kabilang sa

panglimang suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa binagong

ortograpiya. Karamihan sa mga aklat na nailimbag na mayroong

kopya sa mga silid-aklatan ay nasa taong 2001 pa at halos wala

pang sipi ng mga bagong aklat na renibisa. Sa madaling salita,

ang kakulangan ng kaalaman sa binagong Ortograpiyang Filipino

ay dahil sa mga kagamitang pagkatuto na nangangailangan ng

rebisyon at pag-unlad.

Kasama rin sa panlimang suliraning kinakaharap ay kawalan ng

panahon sa pagbabasa. Maraming mag-aaral sa kolehiyo ang mas

nanaising gugulin ang kanilang oras sa mga bagay na may

kaugnayan sa kursong kanilang pinili. Ang hindi pagiging

medyor sa Filipino ay kasama pa rin sa panlimang dahilan kung

kaya’t hindi mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa binagong

ortograpiya na siyang magtuturo ng tamang pagsulat at

pagbaybay sa wikang Filipino.


Ang mga suliraning binanggit ng mga iilang respondent ay ang

paggamit ng wikang Ingles. Sa pagbabago ng panahon at ng

henerasyon, karamihan sa mga mag-aaral ay mas nagiging bihasa

sa mga wikang banyaga katulad ng Ingles. Marahil, dahil naging

bukas ang mga Pilipino sa pagtangkilik ng mga banyagang

kultura at sa teknolohiyang labis na nakaimpluwensiya sa mga

mag-aaral. Naglabas ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng

iba’t ibang edisyon ng binagong ortograpiya na nagresulta sa

kalituhan ng mga mag-aaral sa mga alintuntunin hinggil sa

wika. Hindi rin nabibigyang diin ang ortograpiya sa pagtuturo

kung kaya’t hindi nakikita ng mga mag-aaral ang halaga nito sa

pagsulat at komunikasyon.

3. Mabubuong awtput batay sa kinalabasan ng pag-aaral.

Isang panukalang gawain na magpapataas sa antas ng kaalaman

ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng Sorsogon State College ay ang

Modyul na naglalaman ng paksa ukol sa Binagong Ortograpiya.

KABANATA V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Sa kabanatang ito ay inilahad ang paglalagom, mga natuklasan

matapos ang pananaliksik, konklusyon at rekomendasyon batay sa

naging resulta ng pag-aaral na ito.

Paglalagom

Natiyak sa pag-aaral na ito ang Antas ng Kaalaman sa

Binagong Ortograpiya ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Sorsogon

State College.

Sinagot sa pag-aaral na ito ang sumusunod:

1. Ano ang antas ng kaalaman sa binagong ortograpiya ng mga

mag-aaral sa kolehiyo ng Sorsogon State College?

2. Ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa

binagong ortograpiya?

3. Ano ang mabubuong awtput batay sa kinalabasan ng pag-aaral?

Kwantitatibong pamamaraan ng pananaliksik ang ginamit sa

paglikom ng mga datos at impormasyon. Random sampling ang

ginamit ng mananalikik sa pagkuha ng 100 na mag-aaral sa

kolehiyo na nagmula sa Sorsogon State College, Sorsogon Kampus

na nagsilbing kalahok sa pag-aaral na ito.

Gumamit ng tseklist sa paglikom ng mga kasagutan ang mga

mananaliksik. Ang mga nalikom na datos ay sinuri at binigyan


ng interpretasyon sa tulong ng angkop na estatistika tulad ng

frequency count, bahagdan at mean.

Mga Natuklasan

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, natuklasan

ang mga sumusunod:

1. Antas ng kaalaman sa Binagong Ortograpiya ng mga mag-aaral sa

kolehiyo ng Sorsogon State College.

Batay sa nakuhang iskor sa pinasagutang talatanungan ang mga

kursong BS Entrepreneurship, Bachelor in Elementary Education at

BS Accountancy ay may mean na 15.2, 16.35 at 15.65 ayon sa

pagkakasunod-sunod na pumapasok sa iskala ng may kaalaman.

Samantalang, ang kursong BS Engineering at BS Hospitality

Management ay may mababang kaalaman at may mean na 14.75 at

13.55.

2. Suliraning ng mag-aaral sa Binagong Ortograpiya.

Ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa binagong

ortograpiya ay una kakulangan sa kaalaman hinggil sa binagong

ortograpiya; pangalawa, kalituhan sa binagong alituntunin ng

binagong ortograpiya; pangatlo, kawalan ng interes para matuto;


panlima, kakulangan sa kagamitang pampagkatuto, walang panahon sa

pagbabasa at hindi medyor sa Filipino; at pampito, kabilang sa

iba pang dahilan ang mas gusto nilang gamitin ang wikang ingles,

nalilito sa pagbago-bagong bersyon ng ortograpiya at dulot na rin

ng epekto ng modernisasyon.

Konklusyon

Batay sa natuklasan, inilalahad ang sumusunod na konklusyon:

1. Ang mga mag-aaral sa kolehiyo ng Sorsogon State College

ay nahahati sa may kaalaman at mababa ang kaalaman sa

usapin ng binagong ortograpiya.

2. May ilang kursong nangangailangan ng paglinang sa

asignaturang Filipino partikular na sa binagong

ortograpiya.

3. Ang kakulangan ng kaalaman hinggil sa binagong

ortograpiya ay pangunahing suliranin ng mga mag-aaral

kung kaya’t karamihan sa kanila ay nahihirapan na isalin

ang mga salitang banyaga patungo sa wikang Filipino.

4. Isang modyul tungkol sa binagong ortograpiya ang nabuo ng

mananaliksik upang magamit sa pagpapalawak ng kaalaman sa

binagong ortograpiya.
Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan at nabuong konklusyon sa isinagawang

pag-aaral, ang mga sumusunod ay iminumungkahi:

1. Magkaroon ng karagdagang kagamitang pampagkatuto, mga aklat

at modyul para sa mga mag-aaral upang pag-ibayuhin pa ang

pagpapalawak ng kaalaman na may kaugnayan sa binagong

ortograpiya.

2. Gumawa ng isang seminar ukol sa binagong ortograpiya at ang

lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang magiging kalahok. Ito

ay mabisang paraan sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga

institusyon.

3. Hikayatin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino

kung maaari sa pagsulat at pakikipagtalastasan. Sa paraang

ito, mabubuksan ang kanilang kaisipan sa tamang baybay at

gamit ng mga salita.

4. Ang pagbibigay diin sa kahalagahan ng binagong ortograpiya

sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

5. Magkaroon pa ng karagdagang pag-aaral na may kaugnayan sa

binagong ortograpiya at antas ng kaalaman ng mga mag-aaral

at guro hinggil dito na susukat sa pag-unlad ng kanilang

kasanayan.

You might also like