Mga Teorya at Praktika Enero 31, 2021 3:00 N.H.- 6:30 N.H. Francis D. Tenorio Sarah S. Competente Ano nga ba ang wika? - Ito ay itinuturing na arbitraryong sistema ng mga tunog na ginagamit sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
- Maaaring gawin ang pagpapahayag
ng xwika sa paraang pasulat o pasalita. Sa pagtuturo ng wika, dapat nating isaalang-alang ang limang mahahalagang elemento o komponent: (1) Mag-aaral, (2) Guro (3) Materyal (4) Istratehiya (5.) Pagtaya Upang maging matagumpay kang guro ng wika, isaisip mong lagi ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng wika sa kaligirang akademik. Maaaring uriin ang mga salik na nabanggit. MAG-AARAL - Ilan sa mga salik na may kaugnayan sa pagkatuto ng wika ang antas ng intelektwal na pag-unlad ng mag-aaral, haba o antas ng interes o atensyon at panatag na kalooban at ekstrinsik o panlabas na motibasyon. - Sa ilang pagkakataon, magiging mahalaga ang paggamit ng intrinsic na motibasyon at sa iba naman, ang ekstrinsik na motibasyon.
- Nagiging mabilis at mabisa ang
pagkatuto ng mag-aaral kung ang proseso ng pagkatuto ay gumagamit sa katalinuhan ng mag-aaral. Nararapat kung gayon na gumawa ang guro ng iba’t ibang pamamaraan upang matugunan ang nagkakaibang katalinuhan ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto. GURO - Guro ang namamahala sa paghahanda ng mga makabuluhang Gawain sa pagkatuto, karagdagang motibasyon sa mga mag-aaral at regular na pagtaya ng kanilang pag-unlad sa pag- aaral. - Bukod sa nabanggit, napakahalagang may malawak na kabatiran ang guro sa asignaturang kanyang itinuturo. Wika nga, “Hindi maibabahagi ng guro ang anumang bagay na hindi niya taglay.” MATERYAL - Nakasalalay ang pagkatuto ng mag- aaral sa uri ng wika at material na ginagamit sa klasrum.
- Sikapin mong maging balance
ang uri ng materyales na iyong gagamitin sa klasrum upang matiyak ang pananagumpay mo bilang guro. ISTRATEHIYA Kawili-wili at nakapupukaw ng interes ang paggamit sa klasrum ng mga kontemporaryong istratehiya sa pagtuturo ng wika. Mahalaga ang antas ng propesyunal na kaalaman ng isang guro sa mga istratehiya at pamamaraan ng pagtuturo ng wika. Mapapaunlad ng bagong guro tulad mo ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga makabagong istratehiya sa pamamagitan ng obserbasyon, pananaliksik, pagdalo sa mga seminar, pagsali sa mga intrabisitasyon at panonood ng mga pakitang-turo. PAGTAYA Tradisyunal man o alternatibo, pantiyak, panuri o laguman, mahalaga ang uri ng pantaya sa proseso ng pagkatuto. Sa mga pasulat na pantaya:
Panuring pagsusulit ang unang
ibinibigay upang magkaroon na paunang kabatiran sa kahinaan at kahusayan ng mag-aaral. Pantiyak na pagsusulit naman ibinibigay upang malaman kung gaano ang natutuhan ng mag-aaral matapos magturo ng isang kasanayan. Kadalasang ang isinasagawa ito pagkatapos ng isang liksyon. Lagumang pagsusulit ang isinasagawa kapag nalinang na ang serye ng ilang kasanayan o matapos ang isang yunit. MGA YUGTO NG PAGTUTURO NG WIKA Unang Yugto: PASAMULA (RANDOM) • Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin nila sa pagsasalita sa mga darating na araw. • Vocalizing, cooing, gurgling at babbling. • Ang mga tunog na nililikha ng mga bata ay marami at iba-iba at ito’y tinatanaw ng mga matatanda bilang ponema. • Babbling—binubuo ng magkakalapit na tunog ng katinig-patinig gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da • Echoic Speech – Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita. Ikalawang Yugto: Unitary • Patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit na tunog ang mga bata na limitado sa isang pantig. • Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naayon sa kalikasan ng pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap Ikatlong Yugto: Ekspansyon at Delimitasyon • Ang pagsasalita ay umuunlad mula sa isahan o dalawang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng matanda • Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang kognitibong kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawa sa mga bagay, pangyayari at mga tiyak na pangalan ng mga ito Ikaapat na Yugto: Kamalayang Istruktural • Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at paparaming mga abstraktong ideya at mga damdamin, kailangang makarating sila sa yugtong kamalayang instruktural. • Ito’y mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat at matuklasan nila ang hulwaran at kaayusan sa pagsasalita. • Habang patuloy na nagiging komplikado ang kanilang pagsasalita, magagawa nilang magkamali dahil bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung minsan ay hindi pinapansin ang mga eksepsyon. Hal: “nikain” vs, “kinain” Ikalimang Yugto: Otomatik • Sa yugtong ito, ang bata’y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may wastong pagbabalarila kayat magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya at damdamin kagaya ng mga matatandang tagapagsalita ng wika. • Ang mga batang nasa yugtong ito’y may kahandaan na sa pagpasok sa kindergarten. Ikaanim na Yugto: Malikhain • Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang wika. Bagamat ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng loob dahil nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa paligid Sa mga natalakay na yugto, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika sa pamamagitan ng: 1. Pag-ugnay (Pagtambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita) 2. Pagpapatibay (Anumang positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang ulitin ang anumang tugon) 3. Panggagaya (Paggagad sa anumang tunog na narinig sa matatanda) 4. Elaborasyon (Pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng pangungusap)