You are on page 1of 5

St.

Louis College of Bulanao


Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

Ang Modyul na ito ay inihanda ng St. Louis College of Bulanao sa pagnanais na


maisakatuparan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo hatid na rin ng pagbabago ng
kasalukuyang panahon.

Ang Kagamitang Pagkatuto na ito ay pagmamay-ari lamang ng Kolehiyo ng Edukasyon


ng St. Louis College of Bulanao, Tabuk City. May layunin itong pagyamanin ang pagganap ng
bawat mag-aaral at mapalalim ang kanilang kawilihan lalo na sa asignaturang Filipino.

Petsa : Pebrero, 2020


Lokasyon/Lugar : Bulanao, Tabuk City
Asignatura : Pagtuturo at Pagtataya ng Makrong Kasanayang
Pangwika
Uri ng Kagamitang Pagkatuto : Modyul 4

Sa pamamagitan ng modyul na ito, kailangang sundin at isaalang-alang ang mga sumusunod


na panuto:
1. Ang modyul na ito ay nakalaan para lamang sa mga mag-aaral ng Saint Louis College of
Bulanao.
2. Hindi ipinahihintulot na gamitin at sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito sa kahit ano
mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa institusyon ng Saint
Louis College of Bulanao o sa may-akda
3. Maaari lamang na gamitin o pakinabanagan ang modyul na ito para sa anumang layuning
katanggap-tanggap.

MGA KINAKAILANGANG TANDAAN:


 I-encode ang kasagutan sa Microsoft Word gamit ang mga sumusunod:
-Font size: 12
-Font style: Times New Roman
-Margin: 1”
-Line Spacing: 1.5
 Ipasa ang mga kasagutan sa EDMODO ayon sa angkop na oras at petsa.
 Maaari ring ipasa ang hard copy sa faculty room kung hindi maka-acccess sa internet.
 Lahat ng kasagutang kinuha sa internet ay otomatikong walang puntos.
 Huwag kunan ng litrato ang mga kasagutan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 1


St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

MGA YUGTO SA PAGKATUTO NG WIKA

I. PANIMULA

II. MGA INAASAHANG BUNGA


A. Nakapaglalagom ng mga ideya at hinuha batay sa naobserbahang limang taong
gulang na bata sa pamamagitan ng isang video presentation.

III. NILALAMAN NG KURSO


Paksa
Mga Yugto sa Pagkatuto ng Wika

IV. KARANASANG PAMPAGKATUTO

AYON sa pag-aaral ng mga linggwist, hindi raw basta ginagaya ng mga bata ang wikang
kanilang naririnig. Pinipili at iniaakma nila ang kayarian ng mga bahagi ng pananalita na
makahulugan sa kanila. Samakatuwid, ang mga bata ay active learners at hindi passive learners
gaya ng paniniwala nang marami. Sinusuring magaling ng mga bata ang wikang naririnig at
pinipili nila ang bahaging may kahulugan sa kanila. Ang intonasyon ng wika ang unang
hulwarang natutuhan ng mga bata. Mula rito ay pinipili nila ang salita at mga hulwaran ng mga
makahulugang tunog gaya ng: mama, dada, dede. Ang mga salitang ito ay nakakabit sa mga
kongretong bagay at pangyayari. Sa simula ang mga bokabularyo ng mga bata ay binubuo ng
mga pangalan, pandiwa, at pang-uri. Ang mga salitang pangkayarian o function words ay sa
bandang huli na natutunan.
Sa ganitong paraan binubuo ng mga bata ang wikang kanilang naririnig. Sa katunayan,
umiimbento sila ng sarili nilang balarila, sariling tuntunin na nababago batay sa modelo, dalas ng
paggamit at pidbak. Pare-pareho ang istratehiyang ginagamit ng lahat ng bata sa pagkatuto ng
kanilang wika.
Ang modelong ilalahad sa ibaba ay isang paglalarawan sa proseso ng pagkatuto ng wika na
konsistent sa ilang pananaliksik (Brooks, Goodman, 1976, Brown at Bellugi, 1961). Sa
modelong ito, ang pagkatuto ng wika ay hinati-hati sa iba't ibang yugto. Kakikitaan ito ng
pagsasanib na ang ibig sabihin ay may mga bata na pumapasok sa mas mataas na yugto bago pa
man nila namamaster ang mas mababang yugto ng pagkatuto. Ang pangyayaring ito ay may
kinalaman sa kanilang pagkakaiba. Ang mga edad na inilahad sa bawat yugto ay mga
kalkulasyon lamang.

Unang Yugto: PASUMALA (Random)


Sa yugtong ito, ang mga bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin nila sa
pagsasalita sa mga darating na araw. Kasama sa mga likhang tunog na ito ay iyong bunga ng
kanilang vocalizing, cooing, gurgling at babbling. Ang mga tunog na nililikha ng mga bata ay
marami at iba-iba at ito'y tinatanaw ng mga matatanda bilang mga ponema (pinakamaliit na
yunit ng tunog sa pagsasalita). Karaniwan nang ang babbling ng mga bata ay binubuo ng
magkakalapit na tunog ng katinig-patinig gaya ng Ma Ma Ma o Da Da Da. Ang mga unang
likhang tunog na ito'y tinatanggap ng mga magulang nang may lugod at kagalakan. Bagamat
talagang hindi mawawaan ang mga likhang tunog na ito, tinatanaw naman ng maraming
magulang na ang mga ito'y nangangahulugan ng Mama at Daddy dahil para sa kanilang sarili,
nakapagsasalita na ang kanilang bunso. Uulit-ulitin nila ang mga ito at bibigyan nila ng
kaukulang atensyon at gantimpala ang mga bata sa tuwing mabibigkas nila nang maayos ang

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 2


mga tunog na kanilang ipinaririnig. Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita ay
karaniwang tinatawag na echoic speech.

Ikalawang Yugto: UNITARY

Sa yugtong unitary, patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit na tunog ang mga bata na
limitado sa isang pantig. Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naayon sa kalikasan ng
pag-unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita sapagkat
ang mga proseso ng paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap.
Halimbawa, ang batang isang taong gulang ay limitado lamang sa pagbigkas ng isang salita na
maaari niyang ulit-ulitin. Ang isahang salitang ginagamit ng mga bata sa yugtong ito'y isang
pagpapaikli sa kung paano nila tinatanaw ang isang sitwasyong komunikatibo. At karaniwang
ang isang salita na kanilang binibigkas ay pagpapahayag ng iba't ibang kaisipan. Halimbawa:
"sali” ay maaaring mangahulugang "Sali ako” o "Sali ikaw.” Ang paggamit ng mga bata ng isang
salita upang magpahayag ng mga ideya ay tinatawag na holophrastic speech.
Sa gulang na 12 buwan. ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod sa ilang payak na
pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, atb. at mapaghuhulo na maaari na silang magsimulang
sumagot sa kabuuang ponemikong konpigurasyon ng mga salita at mga parirala.
Ang pagkatuto ng bata ng ponolohiya, bokabularyo at balarila ay matagal at mahirap kahit
na ang pag-unlad nilang pisikal ay maoobserbahang mabilis. Natutuhan ng Inga bata ang ponema
ng kanyang wika sa pamanülgitan ng unti-unting proseso ng pag-iiba-iba. Sa una, ang mga
salitang binigkas niya ay unasasabing katulad ng mga salita ng nakatatanda na ipinalalagay na
ginaya, pero ang katunayan, ito'y pagpapatibay na maging sa panahong ito, taglay na ng mga
bata ang kanilang sariling phonemic system kahit na di pa maayos. Halimbawa: nagrararo, tatain,
tatayaw, atb. Sa paglalaon, natutuhan ng mga bata ang mga ponemang eksaktong katulad ng sa
matanda.

Ikatlong Yugto: EKSPANSYON at DELIMITASYON


Sa yugto ng ekspansyon at delimitasyon, ang pagsasalita ay umuunlad mula isahan o
dalawang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng matanda. Humigit-
kumulang, sa edad na 18 hanggang 20 buwan, lumalabas na ang kanilang dalawahang salita.
Ang mga salitang gamit dito ay may dalawang klase. Ang una ay tinatawag na pivot class na
kalimita'y maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin at maaaring nasa una o ikalawang
posisyon.Ang posisyon ay iyong kinalalagyan ng salita sa isang pangungusap. Ang ikalawa ay
iyong isa pang salita at tinatawag itong open class. Halimbawa: "Kain baby," "Kain Mommy,"
Kain ato," (Kain ang pivot word). Sa mga halimbawang "Dede ko," "Dede tata," "Dede Mama,"
ang dede ang pivot word. Sa mga halimbawang Tuya alit, Mommy alit, Daddy alit, alit (alis) ang
pivot word at mapapansing ito ay nasa ikalawang posisyon. Ilan sa mga dalawahang salitang
pagsasalita ay maaaring magtaglay ng maraming kahulugan ayon na rin sa layunin ng
pågsasalita. Halimbawa, ang "Mommy raro" ay maaaring pakahulugan ng "Naglalaro si
Mommy" o "Gusto kong makalaro si Mommy."
Magiging mabilis ang pagtatamo o pagkatuto ng mga salita kapag ang kognitibong
kalinangan ng mga bata ay humahantong sa punto ng pagkaunawa sa mga bagay, pangyayari at
mga tiyak na pangalan ng mga ito. Magiging palatanong na ang mga bata at malimit na maririnig
ang mga tanong na "Ano 'to?" "Ano 'yan?' at maraming "Bakit."
Upang hindi "malunod" ang mga bata sa yugtong ito ng kanilang pagsasalita, iwasan ang
pagbibigay na maraming impormasyon at unawaing mabuti ang mensahe ng batang nagsasalita.
Kailangang gumanap bilang mga salbabida ang mga matatandang nakapaligid sa mga bata.

Ikaapat na Yugto: KAMALAYANG ISTRUKTURAL

Upang mailahad nang mahusay ng mga bata ang kanilang papaunlad at paparaming mga
abstraktong ideya at mga damdamin, kailangang makarating sila sa yugtong kamalayang
instruktural. Ito'y mahalaga upang makabuo sila ng mga paglalahat at matuklasan nila ang

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 3


hulwaran at kaayusan sa pagsasalita. Habang patuloy na nagiging komplikado ang kanilang
pagsasalita, magagawa nilang magkamali dahil bumubo sila ng sariling paglalahat na kung
minsan ay hindi pinapansin ang mga eksepsyon. Halimbawa: "nikain" vs "kinain."

Ikalimang Yugto: OTOMATIK

Sa yugtong ito, ang bata'y nakapagsasabi ng mga pangungusap na may wastong


pagbabalarila kayat magagawa na nilang maipahayag ang kanilang ideya at damdamin kagaya ng
mga matatandang tagapagsalita ng wika. Ang mga batang nasa yugtong ito'y may kahandaan na
sa pagpasok sa kindergarten.

Ikaanim na Yugto: MALIKHAIN

Sa yugtong ito, nagagawa ng mga bata na mag-imbento o lumikha ng sarili nilang wika.
Bagamat ang mga pariralang gamit ay mga dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng
100b dahil nagagawa na nilang masalita ang ginagamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa
paligid.
Sa mga talakay sa itaas, malalagom na ang mga bata ay natututo ng wika sa pamamagitan
ng 1) pag-uugnay (pagtatambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita), 2) pagpapatibay (anumang
positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang ulitin ang anumang tugon) , 3 panggagaya
(paggagad sa anumang tunog na narinig sa matatanda), at 4) elaborasyon (pagpapalawak ng
isang salita upang makabuo ng pangungusap).

Nakalilikha na ng sariling pangungusap at


Malikhain makagagawa na ng abstraktong pag-iisip.
Makariringgan sila ng mga karaniwang
usapang bata.

Nagagawa nang makipag-usap sa iba’t ibang


Otomatik tao. Malawak na ang talasalitaan at marami ng
(antas Kindergarten) nabubuong pangungusap. Natutukoy kung alin
ang tama o maling pahayag subalit hindi
maipaliwanag kung bakit.
(60 buwan) Ang mga salita at parirala ay nagkakaroon ng
Kamalayang Istruktural kahulugan. Nagkakamali dahil sa sariling paglalahat.
Halimbawa: I goes sa halip na I went. Malawak na
ang talasalitaan katulad na ng sa matanda ang
pagsasalita.
(48 buwan)
Mas tiyak na ang pagsasalita mula sa isang salita
Ekspansiyon at delimitasyon hanggang dalawang salita. Ang dalawang salita ay
maaaring magtaglay ng maraming kahulugan.

24 na buwan
Ginagaya ng bata ang pagsasalita ng magulang. Gumagamit ng
Unitary isang salita para sa isang pangungusap. Isang salita ay
maaaring may iba’t ibang kahulugan.

12 buwan Lumilikha ng tunog upang makatawag pansin. Karaniwan pa rin ang


babbling. Ang mga tunog ay katulad ng mga ponema na sinasalita ng
mga may edad. Ang iba’t ibang tunog na likha ay hindi wika.
Pasimula Babbling, halimbawa: Ma, Ma, Ma, Cooing
ISANG MODELO NG MGA YUGTO SA PAG-UNLAD NG WIKA.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 4


V. PAGTATAYA

Sagutin at Gawin

A. Subuking obserbahan ang isang batang limang (5) taong gulang at i-video ang kanyang mga
gawi at paraan ng pagsasalita sa loob ng kalahating oras habang siya ay nakikipaglaro.
Maglagay ng paglalagom sa huling bahagi ng video.

VI. SANGGUNIAN

Aklat

Aguilar, R.L. et al. (2011). Sining ng komunikasyon (Akademikong filipino). Metro Manila:
Grandbooks Publishing, Inc.
Aguilar, R.L. et al. (2002). Sining ng komunikasyon (Gawaing-aklat sa Filipino 1). Makati
City: Grandwater Publication and Research Corporation.
Arnilla, A.K.A. (2013). Komunikasyon sa akademikong filipino. Quezon City: Wiseman’s
Book Trading, Inc.
Arrogante, J.A. et al. (2012). UGNAYAN: Komunikasyon sa akademikong filipino.
Mandaluyong City: National Book Store.
Arrogante, J.A. et al. (2007). Sining ng komunikasyon sa akademikong filipino.
Mandaluyong City: National Book Store.
Badayos, P.B. (2012). Metodolohiya sa pagtuturo ng wika (Mga teorya, simulain at
istratehiyag): Metro Manila: Granbooks Publishing, Inc.
Bernales, R.A. et al. (2012). Komunikasyon sa akademikong filipino (Batayan at sanayang-
aklat sa Filipino 1, antas tersyarya). Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 5

You might also like