Professional Documents
Culture Documents
ANG KASALUKUYAN:
Samut-Saring Kabatiran
ANG paturan ng wika ay nabulabog nanğ naginğ bukambibig ng balana ang Komunikatibong
Pagtuturo ng Wika (KPW). Ano ang KPW? Maraminğ pağpapakahulugan ang KPW. Kung may binasa kang
limanğ aklat tungkol sa paksang ito'y maaaring humigit kumulang ganoon ding karaminğ kaisipan ang
matamo mo. Bakit ganoon? Nanğyayari ang ganito dahil sa ang KPW ay maaaring bigyan nğ iba't ibang
interpretasyon at pağlalapat ayon sa oryentasyon ng sumulat. Ang ğanitong senaryo ay maliwanağ na
tinatanggap sa larangan ng pagtuturo ng wika. Lubhanğ kakaiba at masalimuot ang mga isyunğ
metodolohikal sa kasalukuyan. Tinitiyak din natin na dapat mag-angkin ang atinğ mga mağ-aaral nğ mğa
kasanayang tahasan nilanğ magagamit sa pakikipagtalastasan "sa labas” kapag sila'y lumabas na sa
sinapupunan nğ ating mga klasrums. Buhay na buhay din anğ ating malasakit kung paano maipapaangkin
sa ating mağ-aaral ang habang buhay na pagkatuto ng wika at hindi lamang iyonğ mğa itinakdang gawain
sa Ioob ng klasrum. Tinatanaw din natin ang mga mag-aaral bilang kapartner para sa isang cooperative
venture. At higit sa lahat pinagsisikapan nating matulungan ang mga mag-aaral upang marating nila ang
pinakarurok ng kanilang kakayahan.
Iba't iba ang batayang teorya ng communicative competence, ngunit ang pinakapopular ay ang batayang
pinaunlad ni Michael Canale at Merrill Swain. Sang-ayon sa modelo ni Canale at Swain, may apat na aspekto
o elemento ng communicative competence. _ Para masabi na ang isang tao ay may communicative
competence_ sa isang wika, kailangang magtaglay siya ng linguistic o grammatical competence,
sociolinguistic competence, discourse competence at strategic competence.
Ang linguistic competence ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa wika na sang-
ayon sa mga tuntunin sa gramatika. Ang linguistic competence ay katayuan ng isang taong may kontrol o
masteri sa porma o istruktura ng isang wika. Sa batayang ito ipinakikita ng isang tao ang kanyang kahusayan
sa paglalapat ng tuntunin sa wika at hindi kahusayan sa pagsabi ng tuntunin nito. Ang linguistic competence
ay sakop ng pag-aaral sa linggwistika.
Samantala ang "sociolinguistic competence " ay isang batayang "interdisciplinary." Ang isang taong
may "sociolinguistic competence" ay nakauunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika.
Isinasaalang-alang niya ang. tatlong bagay sa pakikipausap: ang ugnayan ng mga nag-uusap (role-
relationship); ang impormasyong pinag-uusapan nila (topic) at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan (place).
Bukod sa kaalaman sa tatlong salik na ito, alam ng mga kasapi sa usapan ang layon (function) ng kanilang
pag-uusap. Sa sociolinguistic competence: nakapaloob ang isang paghuhusga kung angkop (appropriate) sa
tatlong salik ang isang sinabi o sasabihin. Halimbawa, sa ating kultura, ang mga bata ay hindi dapat sumali
sa usapan ng matatanda. At kung ang kausap ng isang nakababata ay may edad at mataas sa posisyon kaysa
kanya, gumagamit siya ng "honorific terms."
Ang "discourse competence" naman ay may kinalaman sa pagunawa hindi ng isa-isang pangungusap
kundi ng buong diskurso. Ang isang nakikipag-usap ay kailangang alam niyang halawin ang paksa, ang
layon (function) at iba pa, ng isang "discourse." Hindi niya inuunawa lamang ang kahulugan isang
yugto ng usapan kundi ang kabuuang yugto ng isang discourse.
Ang "discourse competence" ay kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga
napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan. Ang tagumpay ng pag-
unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang taglay kapwa ng nag-uusap, "world knowledge" ng
mga nag-uusap at maging ang kaalamang linggwistika, kaalaman ng istruktura at diskurso, at kaalaman sa
"social setting.”
Ang panghuling elemento ng "communicative competence" ay ang tinatawag na "strategic competence."
Wala raw taong perpekto ang kaalaman sa kanyang Wika at nakagagamit ng kaalamang ito nang walang
dapat alalahanin. Ginagamit natin sa abot ng ating makakaya kung anuman ang ating nalalaman. Ang mga
istratehiya na ginagamit natin upang matakpan ang mga imperpektong kaalaman natin sa Wika ang
tinatawag na "strategic competence." Kahalintulad ito ng "coping" o "survival strategies." Kung hindi ninyo
maisip ang salitang angkop na sabihin, anong ginagawa ninyo? Paano ninyo pinanatiling bukas ang usapan
habang iniisip ang susunod na sasabihin?
Sa KPW ang guro ay tagapamanutbay/facilitator sa iba't ibang gawain sa klasrum. Siya ay tagasubaybay
sa mga interaksyong nagaganap sa mga mag-aaral. Sa panig ng mga mag-aaral, ang tungkulin nila ay ang
aktibong pakikilahok sa iba't ibang gawaing pangkomunikasyon. Tungkulin nilang linangin ang kanilang
mga kasanayan sa iba't ibang paksang pinag-aaralan.
Ang mga katangian ng mga proseso sa pagtuturo/pagkatuto sa KPW ay nauunawaan ng mga mag-aaral
ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang isang gawain at kung paano niya ito isinasagawa. Isa pang
katangian ay ang komunikasyon ay daynamik, ibig sabihin,
ang pakikipagtalastasan ay nagaganap nang biglaan, ang tuon ng pagsusuri ay ang makahulugang palitan ng
usapan at hindi ang mga magkakahiwalay o di magkakaugnay na pahayag. Isa pang katangian ng prosesong
ito ay ang pagbibigay halaga hindi lamang sa kayariang panlingwistika kundi gayon din sa paraan ng
pakikipagtalastasan. Katangian pa rin ng pagdulog na ito ang pagbibigay ng sapat na pagkakataon sa pag-
aaral at pagsasanay sa paggamit ng target na wika.
4. Interaksyong Guro-Mag-aaral/Mag-aaral-Mag-aaral
Dati sa interaksyong guro at mag-aaral, ang guro ay may malaking bahagdan ng gawain lalo na sa
pagsasalita. Ang guro ang awtoridad at gumagawa ng halos Iahat ng gawain sa loob ng klasrum, samantalang
ang mga mag-aaral ay nananatiling tagapakinig lamang. Sa KPW ang interaksyong guro-mag-aaral ay
nakapokus ang malaking bahagdan ng gawain sa mag-aaral, maaaring 75% at 25% ang sa guro. Sa ganitong
kalagayan masasabing sa loob ng 40 minutong pagkaklase ang pagsasalita ng guro ay 10 minuto lamang
samantalang ang sa mag-aaral ay 30 minuto.
Sa interaksyong mag-aaral sa kapwa mag-aaral, kailangang mabigyan ng magkakapantay na
pagkakataon ang bawat isa sa iba't ibang gawain. Bigyang laya na makipag-interaksyon ang mag-aaral sa
kapwa mag-aaral. Sa balanseng pagbibigyan ng pagkakataon sa bawat mag-aaral malilinang ang kani-
kanilang kasanayan.
Sa KPW ay hindi maihihiwalay ang kaalamang panlinggwistika. Ito ay tuntungan o batayan para
malinang ang kakayahang komunikatibo. Ang kakayahang panlinggwistika ang instrumento upang
mapalawak ang kakayahang komunikatibo.
Ang mga kasanayang pangwika na binibigyang-diin ay ang iba't ibang tungkulin pangwika. Ilang
halimbawa ay paghingi ng impormasyon, pagpapahayag at pag-alam sa pangkaisipang saloobin,
pagpapahayag at pag-alam sa damdamin, pagpapahayag at pag-alam ng saloobing moral, pagsasagawa ng
gawain, pakikisalamuha at iba pa. Sa kabuuan, ang lawak na bumubuo sa KPW ay ang: kaalaman sa
gramatika, tuntuning sosyokultural sa paggamit ng wika, tuntunin sa diskurso, paghula sa maaaring sabihin
ng kausap at iba't ibang istratehiya sa pakikipagtalastasan.
Ang ebalwasyon sa KPW ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng iba't ibang uri ng pagsusulit.
Ang pagsusulit ay maaaring pasulat o pasalita. Bagamat nasa panahon na tayo ng komunikatibong gamit ng
wika hindi nangangahulugang wala nang bisa ang pagsusulit noong unang panahon. Ang pagsasalin, padikta,
pagsulat ng komposisyon/ buod ay mga uri ng pagsusulit na binibigyang pansin sa pagtuturo ng wika
ngayon. Ginagamit pa rin ang objective test sa pagtataya ng kasanayang natamo ng isang mag-aaral. Isa sa
napakaganda at mabisang uri ng pagsusulit sa wika ay ang cloze test at C-test.
7. Pagwawasto ng Kamalian
Ang pagtanggap o pagtugon sa pagkakamali sa dulog na ito ay maaring gawing global o panlahatan.
Maaaring ipaunawa sa mga mag-aaral ang kanyang kamalian sa isahang komperensya. Dapat na iwasto ang
kamaliang global o iyong nakahahadlang sa komunikasyon o sa pagpapahayag ng mensahe. Kailangang
iwasto rin ang mga kamaliang nagiging dahilan ng di kanais-nais na reaksyon at iyong kamaliang madalas
na nasasambit ng tagapagsalita.
May kakayahang komunikatibo ang isang mag-aaral sa wika kung nagagamit ng mabisa ang iba't ibang
tungkuling pangwika. Nakikipag-interaksyon at epektibong nagagamit ang wika. Nakapagpapahatid ng
mensahe at nakatatanggap ng kasagutan. Kapag nagamit na ng mag-aaral ang wika sa epektibong kaparaanan
at wastong sitwasyon ang mag-aaral ay masasabing may kakayahang komunikatibo.
1. Tiyakin na hindi hanggang sa salita lamang ang mga kabatiran sa mga simulain ang KPW. Dapat
na makikita itong nailalapat sa pang-araw-araw na pagtuturo. Walang hindi maniniwala sa ngayon sa mga
simulain ng KPW. Kung talagang pinananaligan mo ito,
Kasabay nğ pagsikat ng KPW ay isa-isang lumitaw ang ilanğ konsepto na naging bukambibiğ din nğ marami
at makikila mo itong binabanggit nang ganito: aklat na "interaktibo,” "learner-centered,” 'Svhole-language
based,” "content centered,” at siyempre pa "communicative.”
Upanğ maiwasan ang pağkalito, dapat tanawin ang mga ito bilang mga lehitimong pagsubok upanğ
bigyan ng leybel ang ilang mga napapanahong kaisipan sa ilalim ng banghay rıg KPW. Tingnan ang ilang
maikling lağom nğ mga ito sa ibaba.
Anğ katawagang ito'y gamitin sa kurikulum at sa ilanğ tiyak na teknik sa pagtuturo. Ang pagtuturong
nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit nğ mğa teknik na:
* Nakapokus sa mğa panğanğailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral;
* Nagbibigay nğ ilang pağkontrol sa mğa mag-aaral (halimbawa, panğkatang gawain o
pagsasanay);
* Nakadaragdag sa pagtitiwala sa sariling kakayahan at kağalinğanğ pansarili;
* At kurikulum na may konsultasyon at isinasaalanğ-alanğ ang input ng mag-aaral at hindi
itinatakda kaağad-agad ang mga layunin.
Ang ganitong kalağayan sa loob ng klasrum ay nağbibigay ng kamalayan na "maangkin” ng mga mağ-
aaral ang kanilang pagkatuto at nakadarağdag sa kanilang intrinsic na motibasyon.
Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa pagbibigay at pağtanggap ng
awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang impormasyonğ kawili-wili sa nagsasalita at tagapakinig).
Ayon kay Wells, ang palitang-salita ang siyang pangunahinğ yunit ng diskors. Ang interaksiyong
panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nanğanğailangan nğ triyadikong pag-uugnayan ng
nagpapadala (sender), tağatanggap (receiver) at ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyon pasalita
o pasulat man.
Kailangan sa interaksiyon hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya kundi pag-unawa rin sa
ideya ng iba. Ang mga kalahok ay gumagawa ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon, na lagi nang
nauunawaan sa isang konteksto, kasama ng mga dipasalitang pahiwatig na nagdaragdag ng ibang aspeto ng
kahulugan bukod sa pasalita. Ang mga pagpapakahulugan sa isang diskors ay karaniwang produkto ng isang
negosasyon ng pagbibigay at pagtanggap habang nagaganap ang usapan. Karaniwang makikita sa isang
klaseng interaktib ang mga sumusunod:
Ang katawagang ito'y bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at ginagamit upang bigyang—diin (a) ang
"kabuuan" ng wika laban sa pananaw na pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong elemento gaya ng
ponema, morpema at sintaks; (b) sa interaksyon at pag-uugnayan sa pagitan ng pasalitang wika (pakikinig
a. tulung-tulong na pagkatuto
b. pagkatutong partisipatori
c. pagkatutong nakapokus sa mag-aaral
* integrasyon ng "apat na kasanayan"
* paggamit ng mga awtentiko, at natural na wika
5. Content-Centered Education
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989) ang content centered education ay ang integrasyon ng mga
pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng pagtuturo ng wika. Ito'y ang magkasabay na pag-aaral ng
wika at paksang-aralin, na ang anyo at pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng wika ay idinidikta ng
nilalaman o ng paksa. Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo
nang hiwalay at malayo sa konteksto ng paggagamitan nito.
Ayon kay Michael Breen (1987) ang task ay alinmang binalangkas na pagkatutong pangwika na may
tiyak na layunin, nilalaman, paraan at mga inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task. Sa
katunayan, ang task ay isang espesyal na anyo ng teknik subalit mas "malaki" ang saklaw nito kaysa teknik.
Ang pagkatutong task-based ay hindi bagong pamaraan. Binibigyang-pokus lamang nito ang task sa
pagtuturo. Tinatanaw nito ang proseso sa pagkatuto bilang isang komunikatib task na tuwirang nakaugnay
sa mga layuning pangkagawian at ang mga hangarin nito'y lagpas sa nakagawiang pagsasanay ng wika.
V. PAGTATAYA
Sagutin at Gawin
1. Balikan ang 5 tampok na katangian ng KPW ayon kay Nunan. Magbigay ng mga praktikal na
halimbawang pangklasrum na ginagamit ng guro para sa bawat tampok na katangian. Mayroon ka bang
maidaragdag sa kanyang talaan? Mayroon ka bang nais palitan?
3. Umisip ng mga liksyong iyong naobserbahan o naituro kaya. Mailalarawan ba nang kahit isa sa anim na
katawagan ang mga liksyong iyon? Paano? Magbigay ng mga tiyak na halimbawa,
VI. SANGGUNIAN
Autor, E.B.(2005). Ang Binagong Kurikulum sa Pagpapaunlad at Pagpapataas ng Pagkatuto at
Pagtuturo ng Filipino. Kadunong Journal. College of Education, Ateneo de Naga University.
GovPH. What is K-12? Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/k-12/
Legaspi, O. (2002). Mga Istratehiya at Pagtataya sa Natutuhan. Quezon City: Katha Publishing Co.,
Inc.
Rebamonte G. (2006). Ang Implementasyon ng revised basic education curriculum (RBEC) sa antas
ng sekundarya. Di-nailathalang tesis. Cebu City: Cebu Normal University.