You are on page 1of 11

St.

Louis College of Bulanao


Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

Ang Modyul na ito ay inihanda ng St. Louis College of Bulanao sa pagnanais na


maisakatuparan ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo hatid na rin ng pagbabago ng
kasalukuyang panahon.

Ang Kagamitang Pagkatuto na ito ay pagmamay-ari lamang ng Kolehiyo ng Edukasyon ng


St. Louis College of Bulanao, Tabuk City. May layunin itong pagyamanin ang pagganap ng bawat
mag-aaral at mapalalim ang kanilang kawilihan lalo na sa asignaturang Filipino.

Petsa : Marso, 2020


Lokasyon/Lugar : Bulanao, Tabuk City
Asignatura : Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
Uri ng Kagamitang Pagkatuto : Modyul

Sa pamamagitan ng modyul na ito, kailangang sundin at isaalang-alang ang mga sumusunod


na panuto:
1. Ang modyul na ito ay nakalaan para lamang sa mga mag-aaral ng Saint Louis College of
Bulanao.
2. Hindi ipinahihintulot na gamitin at sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito sa kahit ano
mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa institusyon ng Saint Louis
College of Bulanao o sa may-akda
3. Maaari lamang na gamitin o pakinabanagan ang modyul na ito para sa anumang layuning
katanggap-tanggap.

MGA KINAKAILANGANG TANDAAN:


✓ I-encode ang kasagutan sa Microsoft Word gamit ang mga sumusunod:
-Font size: 12
-Font style: Times New Roman
-Margin: 1”
-Line Spacing: 1.5
✓ Ipasa ang mga kasagutan sa EDMODO ayon sa angkop na oras at petsa.
✓ Maaari ring ipasa ang hard copy sa faculty room kung hindi maka-acccess sa internet.
✓ Lahat ng kasagutang kinuha sa internet ay otomatikong walang puntos.
✓ Huwag kunan ng litrato ang mga kasagutan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 1


St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

I. PANIMULA
Nilalayon ng halos karamihan na magkaroon ng magandang edukasyon upang maging
maayos ang takbo ng pamumuhay ng bawat isa. Kaya’t maraming nabuong pagbabago sa ating
kurikulum. Kabilang na dito ang konsepto ng PROCEED at SEDP.
Hindi rin mawawala ang ideya sa paglikha ng isang silabus upang makatulong sa mas
ikauunlad ng edukasyon partikular sa pagpapaganda ng ating kurikulum.
Sa modyul na ito, mababanaag ang kahalagahan ng mga pagbabago at pag-usbong ng ating
kurikulum upang mapaunlad ang edukasyon.

II. MGA INAASAHANG BUNGA


A. Nakalilikha ng isang maayos na silabus ayon sa binigay na format.
B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng silabus sa pagtuturo.
C. Nakapagbibigay ng sariling pananaw hinggil sa epekto ng SEDP sa bagong
kurikulum.

III. NILALAMAN NG KURSO


Paksa
1. ANG PROCEED AT ANG BAGONG KURIKULUM
2. ANG SECONDARY EDUCATION DEVELOPMENT PROGRAM (SEDP)
3. ANG SILABUS NG KURSO

IV. KARANASANG PAMPAGKATUTO

ANG PROCEED AT ANG BAGONG KURIKULUM SA PARALANG ELEMENTARYA


(NESC)
Ang Kawanihan ng Edukasyong Elementarya pamamatnugot ng direktor na si Dr. Minda C. Sutaria ay
may mungkahing kurikulum sa Paaralang Elementarya na inaakalang lulutas sa maraming
suliranin ng paaralan. Ito ay sampung taong Programa para sa Komprehensibong Edukasyong
Elementarya, o ang lalong kilala sa taguring Proceed (Program for a Comprehensive
Elementary Education).
Ang kurikulum na ito ay may siyam na komponent na gaya ng mga sumusunod:
1. Misyon at pagpapahalaga (Mission and values)
2. Paglinang ng kurikulum (Curriculum development)
3. Pagpapaunlad at kagalingang pangguro (Teacher developnent and welfare)
4. Pagpapabuti ng mga kagamitan (Facilities development)
5. Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo (Instructional materials development)
6. Pamamahala (Management)
7. Pananalapi (Financing)
8. Edukasyong Pangkalusugan (School-based health education)
9. Edukasyon bago mag-elementarya (Pre-elementary education)
Sa programang Proceed, isang Bagong Kurikulum para sa Paaralang Elementarya (New Elementary
School Curriculum) o NESC ang inihahanda. Ang mungkahing kurikulum na ito ay naglalayong
magampanan ng paaralan ang misyon ng edukasyong elementarya gaya ng sumusunod:
Matulungan ang bawat mamamayan sa pagtatamo ng mga batayang kahandaan sa ikapagiging

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 2


mulat, may disiplina, makabayan, may pananalig sa Diyos, malikhain, versatile at kapaki-
pakinabang na mamamayan ng isang pamayanang pambansa.
Binibigyang-diin ang paglinang ng diwang makabayan o sense of nationhood sa pamamagitan ng
pagtatamo ng mga batayang kasanayan sa Sining ng Komunikasyon (Ingles at Filipino), sa
Matematika at sa Sibika at Kalinangan (Civics and Culture) na nakikilala sa tawag na mga batayan
ng Edukasyong Elementarya.
Ang bunga (outcome) ay itinuturing na higit na mahalaga kaysa aralin. Ang pokus nito ay sa 4Hs sa
wikang Ingles.
1. Head (ulo) o intelektwal
2. Heart (puso) o pagpapahalaga (values)
3. Hands (kamay) o batayang kasanayan sa paggawa
4. Health (kalusugan) o kagalingang pisikal at mental
Ang bibigyang diin sa NESC ay ang pagkakatuto na ambag sa pagkalinang ng apat na H (Head, Heart,
Hands, and Health)
Ang kurikulum ay bubuuin ng tatlong Sab-Siklo, gaya ng mga sumusunod:
1. Sab-siklong batayan (Baitang I at Il)
2. Sab-siklo sa pagsasanay at pagpapasidhi (Baitang III)
3. Sab-siklo sa pagsasanay, pagpapasidhi at pagsasagawa (Baitang V at VI)
Nilalayon sa mga sab-siklong ito na sa unang kapantayan ng edukasyon na matamong lubusan ng 100%
ng magaaral ang minimum na mahalagang kasanayan sa ilalim ng Bagong Kurikulum sa
Paaralang Elementarya (NESC). Ang mga asignatura ay mahahati sa ganito:
1. Ingles
2. Filipino
3. Matematika
4. Sibika at Kultura
Lawak A — Kapaligirang Sosyo-politikal (Kasaysayan,
Pamumuhay, Sibika, Heograpiya)
Lawak B — Kapaligirang Kultural (Musika, Sining, Edukasyong Pisikal)
Lawak C — Kapaligirang Pisikal at Bayolohikal (Agham, Nutrisyon, Kalusugan)

Sa mga asignatura sa itaas, idaragdag ang pagkamakabayan (sense ofnationhood) at Etika at


Kabutihang-Asal na isasama sa mga asignatura sa lahat ng baitang sa mababang
paaralan.

May ispesipikasyon para sa Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya o mga kakayahin at


minimum na mahalagang kasanayan. Magtatakda ng pambansang ispesipikasyon subalit
tutulutan ding magkaroon ng pleksibilidad o pagbabago batay sa lokal at rehiyunal na
kaangkupan.
Ang implementasyon ng mungkahing Bagong Kurikulum ay pagkatapos ng masusing pagsusuri, pag-
aaral at pagsubok at mga kaukulang paghahanda. Ang ganitong malaking pagbabago sa
Kurikulum ay nangangailangan ng maingat na pagsusuri, pag-aaral at pagsubok sa kabisaan sa
pag-aaral/pagkatuto. Puspusan at dibdiban ang ginagawang paghahanda para sa pagbabagong ito.
Ang pinupuntiryang panahon ng pagpapairal ng bagong kurikulum ay ayon sa bagong
talatakdaan:

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 3


Baitang I Hunyo, 1983

Baitang II Hunyo, 1984

Baitang III Hunyo, 1985

Baitang IV Hunyo, 1986

Baitang V Hunyo, 1987

Baitang VI Hunyo, 1988

Sa Hunyo, 1983, ay magkakaroon ng pilotfield trial ukol sa ganitong kurikulum sa


Unang Baitang. Sa Hunyo 1983, magkakaroon ng pilot field trial na siyang inaasahang
magdudulot ng mahahalagang feedback at impormasyon tungkol sa pambansang pagpapairal ng
NESC sa Baitang 3 hanggang Baitang 6.

ANG SECONDARY EDUCATION DEVELOPMENT PROGRAM (SEDP)


Ang SEDP ay tugon sa (1) pangangailangan na ipagpatuloy ang pagkalinang ng mga nag-
aaral na pinasimulan ng Proded; (2) sa kinalabasan ng pananaliksik na nagsasaad ng
pangangailangan na pabutihin ang perpormans ng mga magaaral sa agham, matematika at sining
ng komunikasyon; (3) mga natuklasang pagtuturong di-epektibo, di-sapat na mga pasilidad at di-
sapat na mga kagamitang panturo ay pawang umaambag sa hindi kasiya-siyang perpormans ng
mag-aaral; at ang pangangailangang pabutihin ang pagbubuo ng mga patakaran at pabutihin pa
ang episyenteng sistema ng edukasyong sekundarya.

Nilalayon ng SEDP ang (1) pagpapabuti ng uri ng edukasyong sekundarya; (2) palalawakin
ang access ng mga mamamayan sa may uring edukasyong sekundarya; (3) itataguyod ang
pagkakapantay-pantay sa alokasyon ng mga resources lalo na sa mga kapantayang lokal.

The following are the important features of the SEDP Curriculum:


1. Student-centered and community-centered
2. Cognitive-affective-manipulative-based
3. Values education offered as a separate subject aside from being integrated in the
teaching of the other subject areas.
4. Desired learning competencies identified in each subject area.
5. Each subject has a 40-nzinute timeframe except for Technology and Home Economics
and Science and Technology which have 60-minute daily periods,
6. Work Experience concepts integrated with Values Education and Technology and Home
Economics.
7. Emphasis on critical thinking to promote creativity and productivity at all levels.

Ang mga layuning panlahat ng asignaturang Filipino sa SEDP


Linangin ang mga kakayahan sa paggamit ng Filipino (use/function) sa tulong ng mga
tuntuning pambalarila (usage) upang matamo ang kasanayang makro (pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat, paggawa ng mga tala, transkoding at mga kasanayang pansanggunian gayon
din ang mga panimulang pag-aaral/pag-unawa sa pagsasalitang-wika, sariling pagwawasto at
mga kasanayan sa paggawa ng pagaaral/pananaliksik.

MGA KASANAYAN SA FILIPINO SA SEDP KURIKULUM


Pagkatapos ng apat na taong pag-aaral ng Filipino sa mataas na paaralan, inaasahang
malilinang sa bawat magaaral ang mga sumusunod na kakayahan:

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 4


Wika
A. Pakikinig
1. Napalalawak ng mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at
pagbibigay-halaga sa mga kaisipan o paksang napakinggan.
2. Naipamamalas ang mga natamong kasanayan sa pakikinig.
3. Nahuhubog at napauunlad ang mga kasanayang mag-iisip at kakayahang mangatuwiran
sa pamamagitan ng pakikinig tungkol sa mga kaalamang pangwika at pampanitikan
4. Napalalawak ang nakalaang pagkakataon sa pakikinig sa radyo at mga kauring talastasan
bilang mabilis at matipid na daanan ng impormasyon o komunikasyon.

B. Pagsasalita

1. Natatamo ang mga kasanayan at kaalaman sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasang


pasalita ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon.
2. Naipamamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan sa paglinang ng
pangangailangang pangkomunikatibo.
3. Naipapamalas ang makahulugan at makulay na pagpapahayag para sa mabisang
pakikipagtalastasan.

C. Pagbasa
1. Naipakikita ang kakayahang maiangkop ang kahusayan sa pagbasa sa layunin at antas
ng kahirapan ng binasang materyal.
2. Nauunawaan ang nilalamanng mga tekstong pasulat kabilang na ang mga tuluyang
pasalaysay, palarawan, palahad at iba pang anyong palimbag.
3. Napayayaman ang mga kakayahan at kaalamang nagbibigay-diin sa tiyakang
karanasan upang maisagawa ang kahulugan ng teksto.
4. Napauunlad ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at
pagbibigay-halaga sa mga kaisipan o paksang binabasa.
D. Pagsulat
1. Naipakikita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayang panretorika upang
maipahayag ang sariling kaisipan, ideya, opinion, damdamin at mga saloobin.
2. Naipakikita ang pagkamasining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga anyong
pasulat.
3. Naipamamalas ang kakayahang gumamit ng mga kaalamang pambalarila sa tulong ng
mga baayang kaalamang pangwika.
4. Naipamamalas ang kakayahang maisulat nang wasto at maluwag ang damdamin at
kaisipan sa mga tiyak na layuning sosyal, pangangalakal, bokasyonal at siyentipiko.
E. Paggawa ng Tala
1. Naipamamalas ang kakayahang gumamait ng mga impormasyon at talang nalikom
mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/ pananaliksik
2. Nauunawaan ang mga natamong kaalaman at impormasyon sa paggawa ng
balangkas at iba pang pagsunod sa panuto o direksiyon.
3. Nalilinang ang mga kaalaman at kakayahan sa pagpapaliwanag at pagbibigay-
kahulugan sa mga grap, dayagram, talahanayan atbp.
F. Kasanayang Pangsanggunian
1. Naipapakita ang kakayahan sa paglikom ng mga datos at inagkunangsanggunian.
2. Naipamamalas ang kaalaman sa mga sistemang pansangguniang pang-aklatan.
3. Napauunlad ang kakayahan sa paggawa ng pag-aaral at pananaliksik sa tulong ng
mga natamong kaalaman at kasanayan.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 5


ANG KURIKULUM NG EDUKASYONG SEKONDARI NG 2010
Ang Konteksto/ Kaligiran
Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing
ikasampung taon. Ngunit bunga ng mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na
paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala ang Kawanihan ng
Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayo’y
makaagapay at matugunan nito ang mga pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag – aaral
ng kasalukuyang panahon.
Naging batayan sa pagsasaayos ng kurikulum ang mithiin ng Edukasyon para sa lahat 2015
(Education for all 2015) – ang magkaroon ng Kapaki – pakinabang na Literasi ang lahat
(Functional Literacy for All).
Isinaalang – alang din ang resulta ng ginawang ebalwasyon ng implementasyon ng
Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 (2002 Basic Education Curriculum) sa pagsasaayos
at pagdisenyo ng bagong Kurikulum gayundin sa ginawang pagsasanay ng mga guro at
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga Punong – guro ng 23 pilot schools upang mahusay nilang
mapamahalaan ang panimulang pagsubok (pilot testing ) ng Binagong Kurikulum.
Ang Proseso
Sa pagsasaayos ng kurikulum, inilapat ang Understanding by Design (UBD) na modelo
nina Jay McTighe at Grant Wiggins. Narito ang mga Elemento ng Kurikulum ng Edukasyong
Sekondari ng 2010.
Antas 1: Resulta/ Inaasahang Bunga
Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at maisagawa ng mag – aaral sa loob ng isang
markahan, yunit o kurso; makikita sa bahaging ito ng dokumentong pangkurikulum ang mga
pamantayang pangnilalaman, pamantayan sa pagganap, mga kakailanganing pag – unawa at
mahalagang tanong.
Ang Pamantayang Pangnilalaman ay ang mahalagang paksa o konsepto na dapat
maunawaan ng mag – aaral sa bawat asignatura. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na, “ Ano
ang nais nating matutuhan at maisagawa ng mag – aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit?”
Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang tiyak na produkto o pagganap at ang antas o lebel na
inaasahang maisagawa ng mag – aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit.
Ang mga kakailanganing pag – unawa ay ang mahahalagang konsepto na dapat matutuhan
ng baway mag – aaral sa bawat asignatura. Mga konseptong hindi makakalimutan at magagamit
ng mag – aaral sa kanyang pamumuhay.
Ang Mahahalagang Tanong ay mga tanong na nasa mataas na lebel at inaasahang
masasagot ng mag – aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Kinakailangan ang mga ito ay
nasasagot ng Mga Kakailanganing Pag – unawa.
Antas 2: Pagtataya
Ito ang mga inaasahang produkto o pagganap; inaasahang antas ng pag – unawa at
pagganap ng mag – aaral; at mga kraytirya o panukat na gagamitin sa pagtataya ng inaasahang
produkto o pagganap.
Ang Produkto o Pagganap ay ang inaasahang maisasagawa ng mag – aaral pagkatapos ng
isang paksa o markahan.
Ito ang magpapatunay na natutuhan niya ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa
isang markahan / asignatura.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 6


Ang Antas ng Pag – unawa ang susukat sa iba’t ibang aspekto ng pag – unawa ng mag –
aaral sa mahalagang konseptong dapat niyang matutuhan.
Masasabing may pag – unawa na ang mag – aaral kung siya’y may kakayahan nang
magpaliwanag, magbigay ng sariling kahulugan, makabuo ng sariling pananaw, makadama at
makaunawa sa damdamin ng iba, makapaglapat, at makilala ang kanyang sarili.
Antas 3: Mga Plano ng Pagkatuto
Mga gawaing instruksyunal at mga kagamitan na gagamitin ng guro at mag – aaral sa loob
ng klasrum na makatutulong upang matamo ang mga pamantayan. Inaasahan ang pagiging
malikhain ng guro sa pagpapatupad ng antas na ito dahil dito nakasalalay ang ikapagtatagumpay
ng pagtuturo – pagkatuto.
Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay binibuo ng mga gawaing isasagawa ng guro at mag –
aaral sa loob ng klasrum upang matamo ang mga pamantayan, matutuhan ang mga kakailanganing
pag – unawa at masagot ang mahahalagang tanong.
Nagkaroon ng mga writeshop at konsultasyon sa mga stakeholder: mga guro, mag-
aaral,punong-guro,superbisor, propesor ng iba’t- ibang kolehiyo/pamantasan,kawani ng
pamahalaang lokal,kinatawan ng piling sektor ng lipunan,at iba pa upang makatiyak na akma at
makatutugon sa pangangailangan ng mag-aaral sa kasalukuyang panahon ng mga elemento ng
isinaayos na kurikulum.
Sinanay ng mga guro, puno ng kagawaran at punong – guro ng 23 pilot schools upang
maihanda sila kung paano pamamahalaan ang unang pagsubok na implementasyon ng kurikulum.
Ang mga pilot school ay pinili batay sa sumusunod: lokasyon (Luzon, Visayas, at
Mindanao), at sa uri ng programang pinatutupad ng paaralan (halimbawa: regular na hayskul,
espesyal na programa, at iba pa.)
Ang Pakikipagpulong sa mga punong – guro tuwing isang kwarter at pagmomonitor ng
mga pilot teachers ng 23 pilot schools ay regular na isinagawa.
Ang mga feedback mula sa kanila ang naging batayan sa patuloy na pagsasaayos ng mga
elemento ng mga dokumento ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010.
Isinunod na sinanay ang mga superbisor ng lahat ng asignatura upang mabigyan ang
suportang panginstruksyunal ang mga guro. May mga kasunod na pagsasanay na isinagawa batay
sa pangangailangan ng mga taong kasangkot sa unang pagsubok ng kurikulum upang matiyak na
magiging maayos at matagumpay ang implementasyon nito.
Resulta
Ang mga feedback mula sa mga pilot teacher ay nakatulong ng malaki sa patuloy na
pagsasaayos ng kurikulum. Mula sa mga ito ay nabuo ang Kurikulum ng Edukasyong Sekondari
ng 2010.
Nanatili pa rin ang prinsipyo ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 ( tulad ng
Teorya ng Konstruktibo, Pagtuturong Integratibo, at iba pa). Isinanib at pinagyaman ang iba pang
programa ng edukasyong sekondari tulad ng:
✓ Special Program for the Arts (SPA)
✓ Special Program for Journalism (SPJ)
✓ Special Program for Foreign Language (SPFL)
✓ Technical – Vocational Program ( TECH – VOC)
✓ Special Program for Sports ( SPS)
✓ Engineering and Science Education Program (ESEP)

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 7


Katangian ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010
❖ Nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag – unawa.
❖ Mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan) – tintiyak kung ano ang dapat
matutuhan at ang antas ng pagganap ng mag – aaral
❖ Mapanghamon – gumagamit ng mga angkop sa istratehiya upang malinang ang
kaalaman at kakayahan ng mag – aaral.
❖ Inihahanda ang mag – aaral tungo sa paghahanapbuhay kung di man
makapagpapatuloy sa kolehiyo
❖ Tinitiyak na ang matututuhan ng mag – aaral ay magagamit sa buhay.
Balangkas – Konseptwal Ng Araling Panlipunan
Deskripsyon
Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education
Curriculum) ang Kapakipakinabang ng Literasi para sa Lahat (Functional Literacy For All) na
ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015). Kaugnay nito,
layunin ng pagtuturo ng Araling Panlipunan na malinang sa mag – aaral ang pag – unawa sa mga
pangunahing kaisipan at isyung pangkasaysayan, ekonomiks at kaugnay na disiplinang panlipunan
upang siya ay makaalam, makagawa, maging ganap at makipamuhay (Pillars at Learning)
Mahalaga na bigyang – diin ang pag – unawa at HINDI ANG PAGSASAULO ng mga
pangyayari, lugar, tao, at iba pa. Dapat na malinang sa mag – aaral ang pagtingin at paghanap sa
mga pattern at trend sa mga pangyayari.
Matatamo ang mga ito sa paggamit ng mga pangunahing kasanayan tulad ng pagsasaliksik,
pagsisiyasat, mapanuring pag – iisip, matalinong pagpapapasya, pagkamalikhaan, likas – kayang
paggamit ng pinagkukunang – yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang
pananaw sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan tungo sa pagiging isang mapanagutang
mamamayan ng bansa at
Inaasahan ang tuwirang pagtuturo sa lebel ng pagpapahalagang pangkasaysayan (historical
value) upang maipaliwanag ng mag – aaral ang pagkakaugnay – ugnay at implikasyon ng mga
pangyayari.
Bigyang diin na ang matututuhan ay magbibigay – daan sa mag – aaral na makita at
maramdaman ang kaugnayan ng pag – aaral ng kasaysayan sa sarili (self - knowledge) upang
mapabuti ang
Resulta at mga Rekomendasyon mula sa Isinagawang Pag – monitor at Pagtataya ( M&E )
ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 ( 2002 BEC )
Ang Kawanihan ng Edukasyong Sekundari ay inatasan ng Kagawaran ng Edukasyon na
mag – monitor at tayain ang implementasyon ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 sa
mga piling paaralan sa buong Pilipinas batay sa mga sumusunod na mga batayan
✓ Mga paaralang pinopondohan ng gobyerno
✓ Mga bagong paaralan na magkatulong na pinopondohan ng gobyerno, lalawigan at
munisipyo
✓ Science High Schools
✓ Mga pribadong paaralan
✓ Mga paaralang Technical - Vocational
Ang layunin ng isinagawang pag – aaral ay makita ang mga naging suliranin, gayundin ang
magagandang gawi at pamamaraang (best practices) isinasagawa/ipinatupad ng mga paaralan na
nakatulong sa mga puno ng mga kagawaran punong – guro at superbisor upang maging
matagumpay ang implementasyon ng 2002 BEC.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 8


Pananaw hinggil sa 2002 BEC
Sumasang – ayon ang mga guro, puno ng kagawaran at punong – guro sa mithiin ng
kurikulum na dapat ay makatapos ang mag – aaral sa hayskul na may kapaki – pakinabang na
literasi, may panuring pag – iisip, malikhain at may kakayahang lumutas ng mga suliranin at
maghanapbuhay na MAKA – DIYOS, MAKABAYAN, MAKATAO at MAKAKALIKASAN.
Hindi nagtutugma ang inaasahang bunga/resulta sa pamamaraan
Hindi tumutugon sa uri ng gradweyt ang ilang Science High schools sa mithiin ng
kurikulum.
Secondary Education Development Program (SEDP)
Ang SEDP ay tugon sa pangangailangan na ipagpatuloy ang pagkalinang ng mga mag-
aaral na Pinasimulan ng PRODED.
*Layunin ng SEDP
A. Pagpapabuti ng uri ng edukasyon
B. Palawakin ang acces ng mga mamayan sa may uring edukasyong sekundarya
C. Itataguyod ang pagkapantay-pantay sa mga alokasyon sa mga resources lalo na sa mga
kapantayang local
D. Linangin ang mga kakayahan sa paggamit ng Filipino sa tulong ng mga tuntuning pambalarila
upang matamo ang kasanayang makro.
WIKA:
a. Pakikinig
-naipamamalas ang mga natamong kasanayan sa pakikinig
b. Pagsasalita
- naipamamalas ang makahulugan at makulay na pagpapahayag para sa mabisang
pakikipagtalastasan
c. Pagbasa
-napauunlad ang mga kasanayan sa pag-unawa,pagpapakahulugan,pagsusuri at pagbibigay halaga
sa mga kaisipan o mga paksang binasa
d. Pasulat
- naipapakita ang pagkamasining at pagkamalikhain sa pamamagitan ng mga anyong pasulat
e. Paggawa ng ma Tala
- nauunawaan ang mga natamong kaalaman at impormasyon sa pag gawa ng balangkas at iba pang
pagsunod sa panuto o direksyon
f. Kasanayang pansanggunian
- naipamamalas ang kaalaman sa mga sistemang pansangguniang pang-aklatan

ANG SILABUS NG KURSO


Isa sa mga kagamitang panturo na nararapat ihanda bago isagawa ang aktwal na pagtuturo
o ang pagharap ng guro sa klase ay ang silabus ng kurso. Ano ang silabus? Ito ay mahalagang
kagamitang panturo, isang balangkas ng mga tunguhin ng kurso, mga layuning ninanais na
matamo, mga inaasahang bunga, ang nilalaman at mga pagdulog at pamaraang isasagawa sa
pagtuturo, iba-ibang gawaing pagkatuto, ang paraan ng pagtataya at ang mga aklat sanggunian na
gagamitin. Kung ano ang banghay ng pagtuturo para sa mga guro sa antas elementarya at
sekundarya ay ganoon naman ang silabus ng kurso para sa guro sa antas tersyarya. May mga guro
na rin sa antas sekundarya na gumagamit ng silabus kurso sa halip na pang-araw-araw na banghay
ng pagtuturo.
Mangyari pa nga na kung ano ang kahalagahan ng isang banghay ng pagtuturo ay ganoon
din ang kahalagahan ng isang silabus ng kurso para sa isang may uri, matagumpay at epektibong
pagtuturo at pagkatuto. Kabilang pa rin sa mga kahalagahan nito sa guro ay 1) nagkakaroon ng
mabuting pagbabalak ng mga aralin, 2) nagiging sistematiko at may maayos na pagkakasunud-
sunod ng aralin at yunit ng pagtuturo, 3) naiiwasan ang pagtuturong padamput-dampot, 4) napipili
at napagbabalakang mabuti ang pamaraan, dulog at istratehiyang gagamitin para sa partikular na
yunit o bahagi ng gawain o yunit na nilalaman ng kurso.

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 9


At sapagkat sa pagsisimula pa lamang ng semestre ay ibinibigay na sa mga mag-aaral ang
kanilang sipi ng silabus ng kurso, ang mga mag-aaral ay may malinaw na pagkakaalam kung ano
ang mga kaalaman, kasanayan at kakayahan na maaari nilang matamo, ang iba-ibang uri ng
gawaing kanilang isasagawa pati ang karagdagang aklat na kanilang sasangguniin. Sa gayo'y
maliwanag sa mga mag-aaral ang kanilang dapat gawin at tungkulin, ang mga kakayahan,
kasanayan at kaalaman na inaasahan nilang maangkin sa pagtatapos ng pag-aaral sa partikular na
kurso.
Ang silabus ay nakahanda na sa simula pa lamang, kayat wala nang ihahanda pang banghay
ng pagtuturo sa araw-araw o sa bawat sesyon ng pagtuturo. May mga guro nga na sapagkat iyon
at iyon ding kursong iyon ang itinuturo ay hindi na naghahanda pa ng bago at bagong silabus sa
bawat semestre. Kaya lamang, huwag naman sa loob ng lima o sampung taon ay walang gagawing
pagbabago. Kailangan din ang taunang rebisyon, marahil pagdaragdag o pagpapayaman pang lalo
ng silabus.
Ang mga bahagi ng silabus ay hindi nagkakatulad-tulad para sa iba-ibang guro. Hindi katulad
ng banghay ng pagtuturo na halos ay iyon at iyon din sa paglipas ng taon o nababago lamang ang
katawagan, ang silabus ng kurso, ay may pagkakaiba sa anyo at sa iba pang elemento nito depende
sa gurong gagamit. Sa pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo ay naroroon ang I Layunin, II
Paksang Aralin, III Mga Kagamitan, IV Pamaraan o Istratehiya at V Takdang Aralin o Kasunduan.
Para sa silabus, ang bahagi ay nag-iibaiba batay sa gagamit at naghahanda nito, batay pa rin sa uri
ng kurso at lawak ng disiplina ng kurso at iba pang variables. Bagaman may ilang bahagi na halos
ay palaging naroroon. Naririto ang isang pormat ng silabus.

252

Ibang halimbawa: (Tignan ang nakalakip sa modyul na ito)

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 10


V. PAGTATAYA

Unawain at Sagutin
1. Lumikha ng isang maayos na silabus. Sundan ang pormat na nakalakip sa modyul.
Ito ang mga sabjek na igagawan ng silabus:

Jane Eyren Massagan Sining ng Pakikipagtalastasan


Clevie Carl Bentinan

Rodha Massed Komunikasyon sa Akademikong Filipino


Bryner Lumodao

Rocky Dacoco Retorika


Lumaday Jolina

Phoebe Anniban Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina


Kkate Joy Reyes

Jamaica Bittag Pagtuturo at Pagtataya sa Panitikan

2. Ano ang kahalagahan ng silabus sa pagtuturo? Paano ito nakaapekto sa pagkatuto ng mag-
aaral? Ipaliwanag ang sagot at magbigay ng halimbawa.

3. Magbigay ng sariling pananaw hinggil sa epekto ng SEDP sa pagkabuo ng K-12


kurikulum.

VI. SANGGUNIAN
Ang 1987 konstitusyon ng republika ng Pillipinas. Retrieved from
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/ang_1987_konstitusyon_ng_republi.htm
Autor, E.B.(2005). Ang Binagong Kurikulum sa Pagpapaunlad at Pagpapataas ng Pagkatuto at
Pagtuturo ng Filipino. Kadunong Journal. College of Education, Ateneo de Naga University.
GovPH. What is K-12? Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/k-12/
Legaspi, O. (2002). Mga Istratehiya at Pagtataya sa Natutuhan. Quezon City: Katha Publishing Co.,
Inc.
Rebamonte G. (2006). Ang Implementasyon ng revised basic education curriculum (RBEC) sa antas
ng sekundarya. Di-nailathalang tesis. Cebu City: Cebu Normal University.
UNESCO International Bureau of Education. Building the Capacities of Curriculum Specialists for
Educational Reform. Retrieved from
http://www.ibe.unesco.org/fileadmin/user_upload/archive/curriculum/Asia%20Networkpdf/vienrepor.
pdf

DEVELOPED BY: JESS M. ARCEO 11

You might also like