You are on page 1of 19

St.

Louis College of Bulanao


Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

Ang Modyul na ito ay inihanda ng St. Louis College of Bulanao sa


pagnanais na maisakatuparan ang iba’t ibang pamamaraan ng
pagtuturo hatid na rin ng pagbabago ng kasalukuyang panahon.

Ang Kagamitang Pagkatuto na ito ay pagmamay-ari lamang ng


Kolehiyo ng Edukasyon ng St. Louis College of Bulanao, Tabuk
City. May layunin itong pagyamanin ang pagganap ng bawat mag-
aaral at mapalalim ang kanilang kawilihan lalo na sa asignaturang
Filipino.
 
St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

 
Petsa : Pebrero, 2020
Lokasyon/Lugar : Bulanao, Tabuk City
Asignatura : Ang Filipino sa Kurikulum
ng Batayang Edukasyon
Uri ng Kagamitang : Modyul
Pagkatuto  
St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

 
Sa pamamagitan ng modyul na ito, kailangang sundin at isaalang-alang ang mga
sumusunod na panuto:
 Ang modyul na ito ay nakalaan para lamang sa mga mag-aaral ng Saint Louis
College of Bulanao.
 Hindi ipinahihintulot na gamitin at sipiin ang anumang bahagi ng modyul na ito
sa kahit ano mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa
institusyon ng Saint Louis College of Bulanao o sa may-akda
 Maaari lamang na gamitin o pakinabanagan ang modyul na ito para sa anumang
layuning katanggap-tanggap.
St. Louis College of Bulanao
Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga 3800

 MGA KINAKAILANGANG TANDAAN:


 I-encode ang kasagutan sa Microsoft Word gamit ang mga sumusunod:
-Font size: 12
-Font style: Times New Roman
-Margin: 1”
-Line Spacing: 1.5
 Ipasa ang mga kasagutan sa EDMODO ayon sa angkop na oras at petsa.
 Maaari ring ipasa ang hard copy sa faculty room kung hindi maka-acccess
sa internet.
 Lahat ng kasagutang kinuha sa internet ay otomatikong walang puntos.
 Huwag kunan ng litrato ang mga kasagutan.
ANG
PAGLINANG NG
KURIKULUM
I. PANIMULA
UPANG MAPAUNLAD ANG MAMAMAYAN
SA TULONG NG EDUKASYON,
KAILANGANG MAHUSAY NA MAIHANDA
ANG KALIPUNAN NG KURSO AT GAWAING
PAMPAGKATUTO.

ANG MAINAM NA KAILANGAN DITO AY


ANG MAINTINDIHAN KUNG ANO AT
PAANO NALINANG ANG ATING
KURIKULUM.
II. MGA INAASAHANG BUNGA
NAIPAPAMALAS ANG KAALAMAN SA
KASAYSAYAN NG KURIKULUM AT
ANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO
NG FILIPINO SA KASALUKUYAN.
NAKAGAGAWA NG TIMELINE BATAY
SA RESULTA NG PAGSUSURI AYON
SA KASAYSAYAN NG KURIKULUM.
III. NILALAMAN NG KURSO

PAKSA: ANG
PAGLINANG NG
KURIKULUM
IV. KARANASANG
PAMPAGKATUTO
Ano nga ba ang Edukasyon?

P INANINWALAAN NG MGA DALUBHASA


SA LARANGAN NG PAGTUTURO NA ANG
EDUKASYON AY ISANG PROSESO KUNG
SAAN ANG LIPUNAN AY NAGLALAAN PARA
SA PAG- UNLAD NG MAMAMAYAN.
Ano naman ang
Kurikulum?
A yon kina Ragan at Shepherd ang
kurikulum ay sang daluyang
magpapadali kung saan ang paaralan
ay may resposibilidad sa paghahatid,
pagsasalin at pagsasaayos ng mga
karanasang pampagkatuto.i
A ng kurikulum ay isang plano ng mga
gawaing pampaaralan at kasama rito ang
sumusunod:

 ang mga dapat matutunan ng mga


mag-aaral,
 ang paraan kung paano tayahin ang
pagkatuto,
 ang katangian ng mga mag-aaral
kung paano sila matatanggap sa
programa, at
 ang mga kagamitang pampagtuturo
M ga sangkap ng isang mahusay na
kurikulum:

1. ang saklaw ng asignatura paksa


at mga gawain kasama rito.
2. ang pagkasunod-sunod at
organisasyon ng paksa at
3. mga estratehiya at pamamaraang
gagamitin upang matamo ng mga
mag-aaral ang layunin.
ANG PAG-UNLAD NG
KURIKULUM SA PILIPINAS
A ng bawat panahon sa kasaysayan
ng Pilipinas ay kakikitaan ng iba’t ibang
tuon ng kurikulum.
1. P anahon Bago Dumating ang mga Kastila
Pagtuturo sa loob ng tahanan ng mga pangunahing gawain
upang patuloy na mabuhay.

2. P anahoon ng Kastila
Sa unang panahon ng Kastila ginamit na paaralan ang mga
kumbento at mga pari ang mga guro. Ginamit nila ang dala nilang
mga akdang dayuhan at isinalin sa wikang katutubo upang
palaganapin ang Kristiyanismo. Ginamit din nila ang mga isinalin
upang turuang bumasa, sumulat at bumilang ang mga katutubo.

Sa panahon ng rebolusyon, ang panitikan ay nakatuon sa


pagiging makabayan.
3. P anahoon ng mga Amerikano
Sa unang panahon ng mga amerikano, naitayo ang mga paaralang
pampubliko, naging guro ang mga kawal na Amerikano, ginamit nilang
aklat ang mga dalang babasahin at naging palansak ang pagsasaling-wika
upang ituro ang Wikang Ingles. Itinuro rin ang pagbasa, pasgulat,
pagbilang, paghahalaman, pangkalusugan, at iba pa. Binigyang-diin din
ang paghahanda sa mga Pilipino para sa sariling pamamahala at ang
matibay na pagsasakatuparan ng paghihiwalay ng simbahan sa
pamahalaan.

4. P anahoon ng Hapon
Nang dumating ang mga hapon, ipinagbawal ang pagtuturo ng Wikang
Ingles at sa halip ay ang pagtuturo ng Niponggo at pagtuturo ng Wikang
Filipino. Isinama rin ang pagtatalakay sa patakaran ng co-prosperity
sphere at pag-aalis ng kaisipang U.S Imperialism.
5. P anahoon ng Martial Law at 1986 Rebolusyon
Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual education, population
education at family planning, taxation at land reform, pagpapatibay sa
pagpapahalagang Filipino

6. K asalukuyang Panahon
Ang kasalukuyang paanahon ay nakilala bilang panahon ng makina.
Naging bahagi ng kurikulum ang komputer at ang makabagong teknolohiya.
Binigyang-diin din ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, ang Wikang
Ingles, Inclusive Education, Special Education, makabagong
pamamaraan sa pagtuturo gaya ng Multiple Intelegences, Learning Syles,
at marami pangumuusbong na isyu.
V. PAGTATAYA
 LUMIKHA NG TIMELINE SA KUNG PAANO
UMUSBONG ANG KURIKULUM NG
PILIPINAS AYON SA PAGKAKASUNUD-
SUNOD NITO. TANDAANG ILAGAY ANG MGA
MAHAHALAGANG KAGANAPAN SA BAWAT
PANAHON.
V. PAGTATAYA
 GUMAWA NG INTERBYU SA DALAWANG
GURONG NAGTUTURO NG FILIPINO SA
SEKONDARYA. TANUNGIN KUNG ANONG
MASASABI NILA SA BAGONG KURIKULUM
NA UMIIRAL SA PANAHON NGAYON
KUMPARA NUON.
(ANG PAG-INTERBIYU AY GAWING ONLINE AT KALAKIP NG IPAPASA AY
ANG MGA EBIDENSIYANG GUMAWA NG INTERBIYU. MAAARING
VIDEOO SCREENSHOT/S NG MGA USAPAN.)
VI. SANGGUNIAN
AKLAT
ANG GURO NG BAGONG MILENYO
MGA KAGAMITANG PANTURO SA FILIPINO
NORMA S. MAYOS, JOSELITO C. GUTIERREZ, PENELOPE F. TICA-A

ANG SINING AT AGHAM NG PAGTUTURO


AKLAT SA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO AT SA FILIPINO
PAZ M. BELVEZ, ED.D

You might also like