You are on page 1of 23

Major 3: Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

Ang paglinang ng kurikulum mas higit na mauunawaan ang kahulugan at


kahalagahan ng kurikulum kung ang mga guro ay nagkakasundo sa tunay na katuturan ng
edukasyon. Pinaniniwalaan ng mga dalubhasasa larangan ng pagtuturo na ang edukasyon
ay isang proseso kung saan ang lipunan ay naglalaan para sa pag-unlad ng mamamayan.
Kinakailangang paunlarin ang mamamayan sapagkat siya ang pinakamahalagang sangkap
ng lipunan
Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama nito ang
sumusunod:
1.Ang mga dapat matutunan ng mga magaaral,
2.Ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto,
3.Ang katangian ng mga magaaral kung paano sila matatanggap sa programa, at
4.Ang mga kagamitan ng ito panturo.

Ang kurikulum ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang ginagamit,


paggawa g banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at kung ano-ano ang
itinuturo ng guro.

Ano ang Kurikulum?


• Nagmula sa salitang latin na “curere” na ang ibig sabihin ay “to run; the course of
the race.” or a runway on which one runs to reach a goal.
• . If the teacher is the guide, the curriculum is the path. Curriculum is the total
structure of ideas and activities.
• The word curriculum has been in existence since about 1820.
• Kilalang curicuralist: Hilda Taba and Ralph Tyler
• Ang kabuuan ng nilalaman ng isang pinag-aaralan, mga Gawain at mga
pinagbatayan na puspusang pinili, isinaayos at ipinatupad sa mga paaralan sa
natatanging gawaing pantao bilang isang institusyon ng katarungan at makataong
pagpapaunlad. Sakop ng Kurikulum ang kabuuang tuon o layunin, na dapat
isakatuparan ng mga paaralan at maabot ang mga tiyak na tunguhin ng pagtuturo.
• Ayon kina Ragan at Shepherd ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali
kung saan ang paaralan ay may resposibilidad sa paghahatid, pagsasalin at
pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto.
• Sa pamamagitan ng kurikulum, ang mga mag-aaral naisasama sa karanasang pang-
edukasyonal at tunay na makatutulong sa pagpapaunlad ng sitwasyon ng lipunan
• Ang kurikulum ay isang plano ng mga gawaing pampaaralan at kasama rito ang
sumusunod:
 ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral,
 ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto,
 ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa programa,
at
 ang mga kagamitang pampagtuturo

Ang pagunlad ng kurikulum sa Pilipinas


Ang bawat panahon sa kasaysayan ng pilipinas ay kakakitaan ng ibat ibang tuon
ng kurikulum.

Panahon Bago Dumating ang mga Kastila


Pagtuturo sa loob ng tahanan ng mgapangunahing gawain upang patuloy na
mabuhay.
Panahon ng Kastila
Sa unang panahon ngkastila, ginamit na paaralan ang mga kumbento at mga pari
ang mga guro.Ginamit nila ang dala nilang mga akdang dayuhan at isinalin sa
wikang katutubo upang palaganapin ang kristyanismo.Ginamit din nila ang mga
isinalin upang turuang bumasa,sumulat,at bumilang ang mga katutubo.
Panahon ng mga Amerikano
Sa unang panahon ng mga Amerikano, naitayo ang mga paaralang
pampubliko,naging guro ang mga kkawal na amerikano,ginamit nilang aklat at
mga dalang babasahin at naging palasak ang pagsasaling-wika upang ituro ang
wikang english.
Panahon ng Hapon
Nang dumating ang mga Hapon, ipinagbawal ang pagtuturo ng Wikang Ingles at
sa halip ay ang pagtuturo ng Niponggo at ang pagtuturo ng wikang
Filipino.Isinama rin ang pagtatalakay sa patakaran ng co-prosperity sphere,at pag-
aalis ng kaisipang U.S Imperialism.
Panahon ng Martial Law at ng 1986 Rebolusyon
Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual education, population education at family
planning, taxation at land reform, at pagpapatibay sa pagpapahalagang Filipino.
Kasalukuyang Panahon
Ang kasalukuyang panahon ay nakilala bilang panahon ng makina.

Pananaw sa Wikang Filipino


Ang wikang Filipino ayon sa komisyon sa wikang Filipino, ng legal na ahensiyang
naatasang mamahala sa patuloy na paglinang ng wikang pambansa.
''Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.”

Batayang Dulog sa Pagtuturo ng Kurikulum na Filipino sa Pilipinas

INTEGRATIBO
Ang mga paksang aralin sa Filipino ay naiugnay sa ibang mga disiplina at sa
tunay na buhay. Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakatuon sa mag-aaral at
ang interegasyon ng apat na kasanayan.ang mga estratehiyang
partisibatib,fasilitatib at konsultatib ay mga katangian ng pagaaral na integratibo.
INTERAKTIBO
Makikita ang prinsipyong ito kung ang klasrum ng Filipino ay nagbibigay daan sa
mga mag-aaral upang sila mismo ang magtalakay ng mga paksa at
nagbabahaginan ng maraming kaalaman na umiikot dito. Mahalaga ang
interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
KOLABORATIB
Sa prinsipyong ito natutuhan ng mga magaaral ang paggalang sa kakayahan at
opinyon ng iba. Natututo rin silang magtulungan,magbahaginan ng mga
kaalaman, at natututong tumulong mga kamag-aral sa oras ng pangangailangan.

Ang Filipino sa Antas Elementarya Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga


kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Saklaw ng
mga kasanayan sa pakikinig ang masusing pagkilatis mabisang pagunawa. Sa pagsasalita
namanat,nahahasa ang wastong pagbigkas,paggamit ng mga pahayag at istrukturang
panggramatiko. Sa kasanayang pagbasa nalilinang ang husay sa pagpapalawakng
talasalitaan, pagkilalasa mga salita, pag-unawa at kassanayan sa pag-aaral at pananaliksik
sa pagsulat, napapaganda ang ayos ng sulat -kamay,.
a) UNANG BAITANG Inaasahang nakabibigkas nakakabasa ang mag- aaral ng mga
alpabeto at mga simpleng salita nang may wastong tunog.
b) IKALAWANG BAITANG Nakasasabi ang magaaral ng pangunahing diwa ng
napakinggan at nakapaglalarawan ng mga tao,bagay,pook.
c) IKATLONG BAITANG Nakapagsasalaysay ang magaaral ng buod
nanapakinggan o nabasa .nakapagbibigay ng sariling palagay tungkol saisyung
napag-usapan.
d) IKAAPAT NA BAITANG Nakapagpapahayag ang mga magaaral ng sariling
ideya at kaisipan tungkol sa mga narinig.
e) IKALIMANG BAITANG Nakapagbubuod ang mga magaaral ng nabasa at
napakinggan,nakabubuo ng ibat ibang pangungusap.

Layunin:
a. Maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng kurikulum.
b. Maiugnay ng mga mag-aaral ang kurikulum sa tunay na sitwasyon na nangyayari sa
buhay.
c. Magampanan ng guro at ng mag-aaral ang mga itinakdang layunin kaakibat sa
kurikulum ng paaralan.
FIVE BASIC DEFINITIONS OF CURRICULUM
1. Curriculum can be defined as a plan for achieving goals. The plan involves a
sequence of steps.
J. Galen Saylor - defines curriculum as “a plan for providing sets of learning
opportunities for person to be educated.”
David Pratt- “Curriculum is an organized set of formal education and/or training
intentions.”
John Wiles and Joseph Bondi- view curriculum as “a four-step plan involving
purpose, design, implementation and assessment.”
2. Curriculum can be defined broadly, as dealing with the learner’s experience. By
this definition, almost anything planned in and outside of school is part of the
curriculum.
Hollis Caswell and Doak Campbell- view curriculum as “all the experiences
children have under the guidance of teachers.”
Gene Shepherd and William Ragan- “The curriculum consists of the ongoing
experiences of children under the guidance of the school.”
Collin Marsh and George Willis- views curriculum as all the “experiences in the
classroom that are planned and enacted.”
3. Curriculum is a system for dealing with people.
4. Curriculum can be defined as a field of study with its own foundations,
knowledge domains, research, theory, principles, and specialist.
-Discuss curriculum in theoretical rather than practical terms.
-They are concerned with broad historical, philosophical, or social issues.
5. Curriculum can be defined in terms of subject matter (math, science, English,
history and so on) or content (the way we organize and assimilate information).

BAHAGI NG KURIKULUM
1. AIM - Balak o Pakay, Paglalahad o pagpapaliwanag ng pangkalahatang pakay
ng kurikulum. Napakaloob dito ang mga tagapakinig (audience) pati na rin ang
paksa.
2.RATIONALE - Makatwirang Paliwanag, Mapaghimok na pagtatalo, dahil dito
ipinaliliwanag kung bakit gustong magmungkahi at ang mga paggamit ng oras at
mga pinagkukunan para sa kurikulum.
3. GOALS AND OBJECTIVES - Hangarin at Layunin - Talaan ng mga maaring
bunga ng mga matutuhan ng mga mag-aaral base sa magiging partisipasyon sa
kurikulum. Napakaloob rin dito ang pagpapaliwanag kung paano makatutulong
ang kurikulum sa bansa at sa lipunan.
4. AUDIENCE & PREREQUSITES - Mag-aaral at mga
Pangunang Kailangan - Nagpapaliwanag kung sino ang makikinabang sa
kurikulum at mga pangunang kaalaman at kakayahan para sa mabisang kurikulum.
5. MATERIALS - Mga Kagamitan - Tala ng mga kakailanganing kagamitan para
sa matagumpay na pagtuturo ng kurikulum. Napakaloob dito ang mga “web
pages”, mga aklat, mga mesa, papel, chalkboard, calculator, at iba pang karaniwang
kagamitan.
6. INSTRUCTIONAL PLAN - Matalinong pagpaplano - Nagsasaad sa mga
gawaing kukunin ng mga mag-aaral at ang pagkasunod-sunod nito. Napakaloob
rin dito kung ano ang maaring gawin ng guro sa klase. Estratehiya, metodo, istilo
ng pagtuturo.
7. PLANS FOR ASSESSMENT AND EVALUATION - Ebalwasyon o Pagkilatis
- Binubuo ng mga model project, mga halimbawa ng tanong sa pagsusulit at iba
pang kakailanganin sa assessment.
Iba’t ibang uri ng Kurikulum
Ayon kay Allan Glatthorn (2000) inilarawan niya ang mga iba’t ibang uri ng kurikulum
sa mga paaralan;
(1) Recommended curriculum
 The recommended curriculum is that which is recommended by scholars and
professional organizations such as DepEd, CHED, and DOST.
(2) Written curriculum
 The written curriculum is intended primarily to ensure that the educational goals
of the system are being accomplished; it is a curriculum of control.
(3) Taught curriculum
 The taught curriculum is the delivered curriculum, a curriculum that an observer
sees in action as the teacher teaches.
(4) Supported curriculum
 The supported curriculum includes those resources that support the curriculum-
textbooks, software, and other media.
(5) Assessed curriculum
 The assessed curriculum is that which appears in the test and performance measure:
state tests, standardized tests, district tests, and teacher-made tests.
(6) Learned curriculum
 The learned curriculum is the bottom line curriculum, the curriculum that students
actually learn. It denoted all the changes in values, perceptions, and behavior that
occur as a result of school experiences.
(7) Hidden curriculum
 This is the unintended curriculum. It defined what students learned from the
physical environment, the policies, and the procedures of the school.

CHARACTERISTICS OF CURRICULUM
 It includes all the experiences of children for which the school is responsible,
 It has content,
 It is a system for dealing with people,
 It is planned,
 It is a series of courses to be taken by the students.

Prescriptive vs. Descriptive


 Prescriptive Curriculum definitions provide us with what “ought” to happen, and
they more often than not take the form of a plan, an intended program, or some
kind of expert opinion about what needs to take place in the course of study. (Ellis,
2004, p.4)
 John Dewey (1902)- Curriculum is a continuous reconstruction, moving from the
child’s present experience out into the represented by the organized bodies of truth
that we call studies… the various studies… are themselves experience – they are
that of the race.
 J. L. McBrien & R. Brant (1997)- Curriculum refers to a written plan outlining
what students will be taught (a course of study). Curriculum may refer to all the
courses offered at a given school, or all the courses offered at a school in a
particular area study.

 Descriptive Curriculum goes beyond the prescriptive terms as they force thought
about the curriculum “not merely in terms of how things ought to be… but how
things are in real classroom” (Ellis, 2004, p.5). Descriptive curriculum is
experience.
 Thomas Hopkins (1941)- Those learning each child selects, accepts, and
incorporates into himself to act with, in, and upon, in subsequent experiences.
 Daniel Tanner & Laurel Tanner (1995)- The reconstruction of knowledge and
experience that enables the learner to grow in exercising intelligent control in
subsequent knowledge and experience.

DISTINCTION BETWEEN CURRICULUM AND OTHER TERMINOLOGIES


Curriculum and Syllabus
 A syllabus is part of a curriculum but it is not the curriculum.
 Syllabus is the content of the school subjects offered in the school, and it is a sub-
set of the curriculum.
Curriculum and Scheme of Work
 The curriculum of a school is not the scheme of work.
 A scheme of work is the systematic arrangement of subject matter and activities
within a given time period, such as a term or a semester.
Curriculum and Course of Study
 A course of study refers mainly to a programme of learning that are offered to
students –with various course contents – at the end of which they are awarded a
certificate indicating the type of course.
Curriculum and Lesson Note
 A lesson note is a guide for teachers to assist them in the orderly presentation of a
lesson to the learners in order to facilitate learning.
 The lesson note is not a curriculum but it is an important aspect of curriculum
implementation.

IBA PANG KAHULUGAN NG KURIKULUM


• Curriculum is the crux of the whole educational process. Without curriculum, we
cannot conceive any educational Endeavour. The curriculum in a literal sense ,a
pathway towards a goal. Curriculum is actually what happens during a course i.e.,
lecture , demonstrations, field visits, the work with the client and so on. —
Curriculum also means a written description of what happens.
• Curriculum is an important element of education. Aims of education are reflected
in the curriculum. In other words, the curriculum is determined by the aims of life
and society. Aims of life and society are subject to constant change.
• Stenhouse (1980) —"A curriculum is an attempt to communicate the essential
principles and features of an educational proposal in such a form that it is open to
critical scrutiny and capable of effective translation into practice."
• Cunningham - Curriculum is tool in the hand of the artist (teacher) to mould his
material in accordance with his ideals in the school
• (Genn J, 1995) “Everything that happens in relation to the educational
programme.”
• • The secondary education commission says: A curriculum does not mean only the
academic subjects traditionally taught in the school but it includes the totality of
experiences that a public receives through the manifold activities that go on in the
school, workshop, playground, library, laboratory and in the informal contacts
between teachers and pupils.
• The whole life of the school becomes the curriculum which can touch the life of
students at all points and help to form a balanced personality. A curriculum is the
instructional program through the pupils achieve their goals
• “ A curriculum is an attempt to communicate the essential principles and features
of an educational proposal in such a form that it is open to critical scrutiny and
capable of effective translation into practice.” Stenhouse (1975)
• Curriculum - Any document or plan that exists in a school or school system that
defines the work of teachers, at least to the extent of identifying the content to be
taught student and the methods to be used in the process (English,2000).
Who owns the curriculum?
• A teacher in a public school is an employee of the district, which is an educational
entity of the state.
• It is the state, the governor, the legislature (the state dept. of education or state
board of education) which has ultimate responsibility over the curriculum.

Ang curriculum ay nagmula sa salitang Latin na currere ay nangangahulugang ito


run the course of the race o magtabakbo ng isang kurso sapagkat ang kurikulum ang
nagsisilbing fundasyon ng mga paaralan sa pagtuturo at pagkatuto. If the teacher is the
guide the curriculum is the path ang gurio ang nagagabay sa atin tungo sa path o
paroroonan na sinasabi ng kurikulum. Ang kurikulum ay umiiral na simula noong 1820.
At ang mga kilalang curicuralist ay sina Hilda Taba at Ralph Tyler. Ang kurikulum raw
ang pinaka kabuuan ng pinag-aaralan kumbaga nandito nakabatay ang lahat ng ituturo sa
mga paaralan. Gayundin nandito nakalagay ang gabay sa mga kagamitan maging sa
pamamaraan ng pagtuturo. Mula naman sa pahayag nina Ragan at Sheperd ang kurikulum
ay isang daan at ang paaralan ang may responsibilidad sa pagsasabuhay o sa pag-aapply
ng nilalaman ng kurikulum. Dahil sa pamamagitan nito ito ay tutulong sa mga mag-aaral
upang matuto ng maayos at makatulong sa pagpapaunlad ng lipunan. Ito rin ay isang plano
kung saan nakalagay ang dapat matutunan sa isang paaralan o kurso, narito rin ang dapat
dsukatin ang kanilang mga natutunan maging ang mga pamamraan at estratehiya narito rin
ang mga kwalipikasyon kung isa itong kurrikulum ng isang kurso nakalagay ang
pamantayan at tinutukoy rin sa kurrikulum ang mga Kagamitang pampagtuturo na
gagamitin.
Narito naman ang iba pang kahulugan ng Curriculum mula sa iba’t ibang tao. Una
binanggit na it is a plan for achieving goals kung saan ito ay mayroon layunin na
binibigyang tuon na dapat maabot kung saan ito ay proseso at mga hakbang para makamit
yung layunin o pakay. Ikalawa mula sa pahayag nui J. Galen Saylor sabi niya ito ay a plan
for providing sets of learning opportunities for person to be educated. Kung saan ito ay
nagbibigay ng oppurtunidad na matuto ang bawat tao. Mula naman sa pahayag ni David
Prattsabi niya “Curriculum is an organized set of formal education and/or training
intentions.” Ito ay may layunin at intensiyunal hindi lang basta napag-isipan ngunit ito ay
ninanais na maabot at magkaroon ng bunga o resulta. Sinabi naman ni John Wiles and
Joseph Bondipinaliwanag niya ang curriculum as “a four-step plan involving purpose,
design, implementation and assessment.” kung saan ito ay may proseso una ay ang dahilan
o kung para saan ang kurikulum ikatlo ay ang disenyo kung ano ang nilalaman o ano ang
tinataglay nito ikatlo ay kung paano ito isasakatuparan at huli dahil naisakatuparan na ay
paano ito tatasahi9n yung mga natutunan ng mga mag-aaral. Binigyang pakahulugan rin
ang kurikulum na “as dealing with the learner’s experience” sa pagkat nakatuon rin ang
kurikulum sa mga bagay n na kanilang natututunan at nararanasan na nagmula sa paaralan.
Gayundi nagbigay pakahulugan naman si Hollis Caswell and Doak Campbellat
ipinaliwanag niya ang kurikulumna “all the experiences children have under the guidance
of teachers.” Ito yung mga natutunan ng mga bata habang sila pa ay nasa paaralan yung
mga nakukuha nalang kaalaman at naiinquire nila sa kanilang mga guro. Mula naman kay
Gene Shepherd and William Ragan sinabi niya na “The curriculum consists of the ongoing
experiences of children under the guidance of the school.” Katulad din ng nakailalim sa
kanilang guro maging ano man ang kanilang gawain o nararanasan sa loob ng paaralan ay
bahagi ng kurikulum hindi lamang sa loob ng klase subalit ano man ang mga ginagawa sa
loob ng paaralan ay maituturing na bahagi ng kurikulum. Ipinaliwanag naman ni Collin
Marsh and George Willis na “experiences in the classroom that are planned and enacted.”
kung ano ang mga gawain sa paaralan na kanilang nakukuhanan ng kaalaman ay parte
parin ng kurikulum. Ito rin ay a system for dealing with people. Sapagkat walang saysay
ang kurikulum kung walang tao na magsasakatuparan nito. Sa pamamagitan ng kurrikulum
nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa bawat tao. Gayundin pinaliwanag rin ito bilangfield
of study with its own foundations, knowledge domains, research, theory, principles, and
specialist. Maari ding ipakahulugan ito sa pamamagitan ng mga asignatura dahil bawat
asignatura ay isa ring kurikulum kung saan nagtataglay ng mga layunin pamamaraan at
nilalaman para sa pagkatuto.
Narito naman ang bahagi ng kurikulum. Una ay ang aim o Balak o Pakay. Dito
inilalahad kung para saan ang kabuuan ng isang kurikulum. Ikalawa naman ay rationale o
makatwirang paliwanag, o ipinaliliwanag kung ano ba ang tatalakayin o ninanais ng
kurikulum. Ikatlo naman ay ang objectives o yung layunin. Narito kung ano ba yung
hangarin ng kurikulum at dito nakasalalay kung ano ba ang pinakahinahanap na bunga ng
kurikulum.Ikaapat ay ang audience o yung mag-aarl kung kanino gagamitin ang nasabing
kurikulum dahil kung walang nakalaang pag-aalayan nito ay wala ring saysay ang
kurikulum. Ikalima ay ang materyales hindi maisasagawa ng maayos ang isang kurikulum
kung walang materyales na gagamitin at sa pamamagitan ng materyales mas mapapadali
ang pagsasakatuparan ng kurikulum. Ikaanim ay Instructional Plan kung saan naroon yung
mga palano para sa pagkatuto narito yung mga pamamaraan o estratehiya na gagamitin
para sa pagsasakatuparan ng kurikulum dito rin nakasalalay ang magandang bunga ng
isang kurikulum. At huli ay ang Plan for assessment evaluation kung saan mga plano at
pamamaraan kung paano tatayahin at tatasahin kung ano nga ba yung mga natuunan sa
kabuuan ng mag-aaral.
Narito naman ang mga uri ng kurikulum mula kay Allan Glathorn. Una ay ang
Recommended curriculum kung saan ito ang mga ibinibigay o mga suhestiyong mga
scholars tulad ng DepEd CHED o DOST. Ikalawa naman ay ang written curriculumkung
saan ito ang gabay maaring ito ay ang lesson plan daily lesson log course outline o maging
syllabus. Ikatlo ay ang taught curriculum kung saan ang pagsasagawa o kung paano
itinuturo na ang paksa o nilalaman ng isang kurikulum. Ikaapat ay angSupported
curriculum kung saan ito ang mga tumutulong sa pampagkatuto ng bata maaring ito ay ang
mga libro teaching guide o yung kagamitan tulad ng mga visual aids projecter na
tumutulong sa mabilis na pagkatuto ng bata. Susunod ay ang ang Assessed curriculum
kung saan ito ang pamamaraan kung paano tatayahin ang bata o tatasahin sa kanilang mga
natutunan sa paksa maaring ito ay pasulat o maging pasalita. Susunod ay ang Learned
curriculum kung saan yung mga natutunan sa kurikulum. At kung ano yung mga dulot t
epekto sa kanila. At ang huli ay ang hidden curriculum kung saan ito yung mga bagay na
natutunan nila ngunit hindi naman ito bahagi ng kurikulum. Maaring pansariling pagkatuto
hinggil sa kakayahan pag-uugali at sa kanilang mga pananaw.
Sino nga ba ang responsable sa paggawa ng kurikulum? Ang kurikulum ay
responsibilidad ng guro sapagkat malaki ang kanilang papel na gampanin ditto. Dito ang
magtuturo sa mga mag-aaral ng mga subject na napagplanuhan sa paggawa. Sila rin ang
magsisilbing gabay ng mga mag-aaral habang nasa loob ng paaralan. Bukod sa mga guro,
mahalaga rin ang gampanin ng mga magulang. Sila ang dapat na naggagabay sa kanilang
mga anak habang sila ay nasa kanilang mga tahanan. Malaki rin ang kanilang papel sa
pagkabuo ng kurikulum sapagkat kung anong klase silang tao ay repleksyon o
sumasalamin ito kung paano nila pinalaki ang kanilang mga anak. Bukod pa rito, ang mga
magulang ang higit na nakaaalam kung ano ang nakabubuti para sa kanilang mga anak
kung kaya’t mahalaga na magkaroon sila ng kinalaman dito. Bukod pa sa kanila, ang ating
gobyerno, pamahalan, mga mamababatas at maging ang lahat ng taong nakabilang sa isang
lipunan. Silang lahat ay sangkot dito, sapagkat ano man ang mangyayari o nangyayari sa
ating lipunan ang lahat ay kasangkot, na maaaring maging sanhi ng hindi pagkatuto o
pagkatuto ng isang mag-aaral.
Layunin:
a. Malaman ang kahulugan, katangian at ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas
noong bago Panahon ng Espanyol at noong Panahon ng Espanyol.
b. Maipakita sa klase ang mga paaralang naipatayo sa Panahon ng Espanyol.
c. Maiakma sa aralin ang mga impluwesiyang inihatid ng mga pari sa Panahon ng
Espanyol.

ANG KURIKULUM BAGO PANAHON NG ESPANYOL AT ANG


KURIKULUM SA PANAHON NG ESPANYOL

ANG KURIKULUM BAGO PANAHON NG ESPANYOL

 Pinagtutuunang pansin ang mga pagiging lider upang makatulong sa pag-unlad.


- Bago pa dumating ang Espanyol, may nangunguna na noon sa Pilipinas kung
saan ang mga namumuno ay ang mga tribo. Sila ang nagtuturo sa mga
estudyante bilang isang guro.

 Hindi pormal, magulo, at kulang sa kagamitan.


- Sa ilalim lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo, nakaupo lamang ang mga
bata sa lupa at gumagamit lamang sila ng makikinis na bato sa pagsulat.

 Mas tinuturo sa mga bata ang bokasyon kumpara sa akademiko.


- Sapagkat mahalaga noon sa kanila ang pangangaso, pangingisda, atbp., kaysa
sa pag-aaral ng mga bata.
 Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay para sa mga babae –
preparasyon para sa buhay mag-asawa.
- Mas pinagtutuunan na ng pansin ang pag-aasawa noon para sa mga babae. At
ang mga lalaki naman noon ay puro sa pagtatrabaho na lamang.

 May pagpapahalaga para sa edukasyon – mayroong Alibata na siyang gumagabay


sa kanilang pagsusulat at pagbabasa.
- Mayroon ng sariling alpabeto ang mga Pilipino kung saan ito ay ang Alibata
na itinuturo noon sa mga bata sa kanilang pag-aaral.

 Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay.


- Kung saan ang mga namamahala sa barangay noon ay ang humahawak ng
responsibilidad sa pag-aaral ng mga bata.

 Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa


mga bata.
- Ginagampanan ng mga magulang at nakatatanda sa barangay noon ang
tungkulin ng isang guro.
 Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda at
pangangaso ay pangunahing binibigyang pansin.
- Kung saan mas mahalaga ang pangangalaga noon sa mga produkto dahil ito
lamang ang pinagkukuhanan nila ng kabuhayan at pinagkakakitaan. Hindi nila
gaanong binibigyan ng kaukulang pansin ang pag-aaral.

ANG KURIKULUM SA PANAHON NG ESPANYOL


Ang Sistema ng Edukasyon ng mga Espanyol
- Malaki ang naging gampanin ng pagdating ng iba’t ibang misyonero dito sa
Pilipinas pagdating sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Naging pangunahin
nga nilang layunin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa. Kung saan
nagtatag sila ng iba’t ibang paaralan sa bansa para maisakatuparan ang kanilang
layunin.
Anu-ano ang mga paaralang itinatag nila sa Pilipinas? Paano ang sistema ng
edukasyon sa panahon ng Espanyol?
Isa na rin namang paraan ng mga Espanyol na mahimok ang mga Pilipino sa
Katolisismo ang edukasyon. Mga religious orders ang may hawak ng edukasyon. Ang mga
misyonaryong prayleng ito ay nagpapakilala ng isang bagong paraan ng pag-aaral na ang
binigyang diin ay ang pananampalatayang Kristiyano.
- Naging relihiyoso nga ang mga Pilipino, pagdating sa pagtuturo sa kanila ng
mga pari noon.
Ang unang ginawa ng mga Espanyol ay ang pagsunog ng mga tala na ginawa o sinulat
ng ating mga ninuno sa mga dahon at balat ng punongkahoy. Ang sabi nila ang mga ito ay
kagagawan ng diyablo. Ang mga talang sinunog ay pinalitan ng mga aklat-dasalan at mga
babasahin tungkol sa relihiyong Katoliko.
- Sapagkat paniniwala nila na tanging sa bibliya lamang matatagpuan ang
tamang itinuturo pagdating sa pag-aaral.
PAGBALIK-ARALAN MO!
Sabihin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat bilang.
1. Sa tahanan unang natutuhan ang sistema ng edukasyon.
2. May dalawampu’t walong titik ang alpabetong Pilipino.
3. Inihahanda sa buhay may – asawa at gawaing – pantahanan ang mga babae.
4. Gumamit ng pluma at makinis na papel sa pagsulat.
5. Tinuturuan ang mga lalaki ng pag-iigib ng tubig, pagsibak ng kahoy, pangangaso,
pagsasaka, at iba pa.
PAG-ARALAN MO!
Nang dumating ang mga Espanyol sa ating bansa nagkaroon ng pagbabago ang
sistema ng kanilang edukasyon. Ang di-pormal na edukasyon sa panahon ng ninuno ay
naging pormal. Tingnan mo ang larawan upang maunawaan mo kung bakit sinabing ang
di pormal na sistema ay naging pormal.
- Nakapagpatayo ang mga Espanyol ng paaralan para sa mga bata at may mga
upuan na rin sila. Kumpara naman noon, sa ilalim lamang sila ng puno nag-
aaral at sa lupa lamang sila nakaupo. Makikita rin dito na ang tagapagturo noon
ay ang mga tribo noong hindi pa dumarating ang mga Espanyol. Sa panahon
naman ng Espanyol, ang mga pari na ang nagtuturo sa mga estudyante.
Maraming paaralan ang itinatag ng iba’t-ibang misyonero sa ating bansa. Unang
naitatag ang mga paaralang parokyal at ang mga paring misyonero ang naging mga unang
guro. Itinuro dito ang relihiyong Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat, pagbasa,
aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga mag-aaral maging
ang mga dasal.
- Dito na mas lumawak ang pagiging relihiyoso ng mga mag-aaral pagdating sa
kanilang pag-aaral.
May mga paaralang itinayo para sa mga lalaki at babae. Ang unang paaralang itinatag
para sa mga babae ay ang Sta. Potenciana noong 1589. Ang naitatag naman para sa lalaki
ay ang Kolehiyo ng San Ignacio sa Maynila noong 1589.
Binigyang diin sa edukasyong primarya ang pagtuturo ng Doctrina Kristiyana at mga
pagsasanay sa pagbasa ng alpabetong Espanyol at wikang Filipino. Nagtatag din ng mataas
na paaralan o sekondarya upang maragdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Ang
relihiyon at wikang Latin ang itinuro sa halip na wikang Espanyol.
May mga paaralang bokasyonal na naitatag din layunin nitong ituro ang iba’t-ibang
karunungan tulad ng pananahi, paglililok, sining sa pagpipinta at pagdaragat. Nang
naitatag na paaralan sa pagsasaka noong 1889 sa Maynila at paaralan sa mga sining at
hanapbuhay sa Pampanga noong 1861.
Nagkaroon din ng mga pamantasan tulad ng Unibersidad ng San Ignacio, Nuestra
Señora del Rosario na naging Unibersidad ng Santo Tomas, at marami pang iba. Dahil sa
pangangailangan ng mga guro para sa paaralang primarya at sekondarya o mataas na
paaralan, nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga kalalakihan at kababaihan.
- Itinatag nga ang paaralang normal sa Maynila upang higit pang mapalaganap
ang edukasyon sa bansa. Hindi lamang dito kundi nagtayo rin ng mga paaralang
normal sa probinsiya. Naglalayon ang paaralang ito na mabigyan ng edukasyon
ang nais mag-aral ng pagkaguro. At ang kasanayan sa pagtuturo ng mga guro
hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong bansa rin.

Mga Paaralang Primarya


Ito ay paaralang parokyal na pinangangasiwaan ng mga kura-paroko. Ang mga
asignaturang itinuturo sa mga paaralang ito ay relihiyon, pagsulat, pagbasa, pagbilang,
musika at paghahanapbuhay. Wikang Kastila naman ang ginamit sa pagtuturo ng mga
prayle.
- Tinuturuan lamang sila rito ng mga prayle tungkol sa mga madaling asignatura.
Bata pa lamang ay inilalapit na sila sa pananampalataya.
Mga Paaralang Sekundarya at Pangkolehiyo
Itinatag ang mga paaralang ito upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagpasok sa
mataas na paaralan. Ang mga kasanayang itinuro ay ang banal na Kasulatan, ang Doctrina
Kristiyana, Etika, Heograpiya, mga Balarilang Kastila at Latin, Matematika, Pilosopiya,
Lohika, Retorika at Panulaan. Kastila ang ginagamit na wikang panturo. Mga misyonerong
pari ang mga guro sa paaralang ito.
- Sa paaralang sekundarya ay ang paaralang bokasyonal at sa pangkolehiyo
naman kung saan may mga pamantasan para iba’t ibang kurso. May mga
paaralang normal din dito para sa babae at lalaki.
Ang mga paaralang sekundaryang itinatag ay ang mga sumusunod:
1. Kolehiyo ng San Ignacio - itinatag ng mga paring Heswitang prayle noong 1589 sa
Maynila na ngayon ay kilala bilang Ateneo de Manila.
2. Kolehiyo ng San Ildefonso - itinatag ng mga Heswita sa Cebu, na ngayon ay ang San
Carlos University.
3. Kolehiyo ng San Jose - itinatag pa rin ng mga Heswita noong 1601.
4. Kolehiyo ng Santo Rosario - itinatag noong 1611 ng mga misyoneryong Dominikano
na naging Kolehiyo ng Santo Tomas noong taong 1655.

Mga Pamantasan
Ang mga nakapagtapos sa kolehiyo ay maaaring makapagpatuloy ng pag-aaral sa mga
pamantasang itinatag ng mga prayleng Espanyol. Ang kauna-unahang unibersidad sa
Pilipinas ay ang Unibersidad ng San Ignacio na itinatag bilang Kolehiyo ng San Ignacio
noong 1589 ng mga Heswita.
Itinatag naman ng mga Dominikano ang Unibersidad ng Santo Tomas noong 1655. Ito
ay ang dating Kolehiyo ng Santo Rosario na itinayo noong 1611. Ang pamahalaan naman
ay nagtayo ng sariling pamantasan – ang Unibersidad ng San Felipe noong 1707. Ito ay
naging Unibersidad ng Pilipinas sa taong 1908.
Ang mga kursong ipinagkaloob ng mga pamantasang ito ay ang medisina at abogasya.
Hindi nagtagal ay idinagdag ang mga kursong arkitektura, pagpipinta at eskultura.
- Nagkaroon ng mas malawak na pagturing sa edukasyon ng maitatag ng mga
Dominikano ang pamantasang ito. Laking tulong ito para sa mga hinaharap ng
mga estudyante na may kani-kaniyang mga pangarap sa buhay.
Nagtatag naman ng paaralang pambabae na may layuning hubugin maging mabuting
maybahay ang mga kababaihan. Ang mga asignaturang pinag-aralan ay ang Doktrina
Kristiyana, Latin, Kastila, Kasaysayan, Musika, Matematika, Kagandahang-Asal at mga
Sining Pantahanan.
- Kung saan para sa mga kababaihan mas pinili pa rin ang mas angkop na mga
asignatura na kailangan nilang linangin sa kanilang pag-aaral.
Mga Paaralang Pambabae
1. Kolehiyo ng Santa Potenciana, 1594
2. Kolehiyo ng Santa Isabel, 1596
3. Beateryo ng Santa Catalina, 1696
4. Kolehiyo ng Santa Rosa, 1750
5. Kolehiyo ng Concordia, 1869
6. Assumption Convent, 1892
Ang lugar ng mga kababaihan sa lipunan ay higit na napagbuti noong panahon ng
mga Espanyol. Sila ay iginalang at binigyang karangalan ng mga kalalakihan. Ang isang
dalaga ay hindi maaaring pumunta sa mga handaan at sayawan o kahit saan man na walang
kasama. Gayundin kung sila ay mayroong manliligaw. Ang mga babae noon ay hindi
malayang makihalubilo sa mga kalalakihan.
Ang mga dalagita ay iniiwan lamang sa bahay o kaya sa paaralan. Ang mga paaralan
na tinatawag na kolehiyo ay pinangasiwaan ng mga madre. Hindi sila nakapag-aral sa mga
pamantasan upang mag-aral ng propesyong gaya ng abogasya, medisina at inhenyeriya.
Tinuruan lamang sila na maging mabuting asawa at ina sa hinaharap. Marami ring
pumasok sa kumbento upang maging madre.
- Sapagkat ang binigyan lamang ng karapatan noon upang mag-aral ay ang mga
kalalakihan na sila lamang dapat ang manguna sa lahat. Lalo na sa magiging
pamilya nila dahil pinaniniwalaang sila lamang ang may karapatan para
buhayin ang kanilang pamilya. At dapat ang mga babae lamang noon ay
tanging nasa bahay lamang at gumagawa ng trabahong pambahay.

Mga Paaralang Normal


Ang paaralang ito ay nagkaloob ng katibayan sa pagtuturo matapos makapag-aral dito
ng dalawang taon. Noong 1865, isang paaralang normal para sa mga lalaki ang itinatag.
Hindi nagtagal ay dumami ang bilang ng mga paaralang ito at ang ilan ay binuksan para
naman sa mga kababaihang nais maging guro.
Mga Paaralang Bayan
Taong 1896 nang itadhana ng batas ang pagbubukas ng mga paaralan ng bayan na
tinustusan ng pamahalaan. Sapilitan ang pagpasok sa mga paaralang ito at walang
matrikula ang mga mag-aaral. Pinapangasiwaan ito ng kura-paroko ng bawat bayan.
Ginawang sapilitan ang pagpasok dito dahil marami sa mga magulang noon na walang
interes na pag-aralin ang kanilang mga anak. Marami rin sa mga kabataan ang takot mag-
aral.
Ang mga araling pinag-aralan ng mga batang lalaki ay Kasaysayan ng Espanya,
Heograpiya, Pagsasaka, Pagsulat. Aritmetika, Doktrina Kristiyana, Pag-awit at
Kagandahang-Asal.
Ang mga batang babae naman ay tinuruan ng mga Sining Pantahanan bukod sa
Pagsulat, Aritmetika, Doktrina Kristiyana, Pag-awit at Kagandahang-Asal.
Hindi naging matagumpay sa simula ang pag-aaral ng mga katutubo sa maraming
kadahilanan. Una, may kalayuan ang mga pamantasan at mga kolehiyo na matatagpuan
lamang sa malaking bayan o sa kabiserang lalawigan. Pangalawa, ang mga maykaya at
mga Espanyol lamang ang may kakayahang pumasok sa mga paaralang ito. Karamihan pa
sa mga ito ay hindi para sa Pilipino. Binuksan lamang ito sa kanila noong huling bahagi
ng ika-18 siglo. Noon lamang naipamalas ng mga Pilipino ang kanilang taglay na
katalinuhan.
TANDAAN MO!
• Nagkaroon ng pormal na edukasyon nang dumating ang mga Espanyol sa bansa.
• Maraming paaralan ang naitatag ng mga misyonaryo sa ating bansa.
• Nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga lalaki at babae na nais maging guro.

MGA SANGGUNIAN:
https://www.scribd.com/doc/62000578/Sistema-Ng-Edukasyon-Sa-Pilipinas-Noong-
Panahon-Ng-Kastila-1
https://www.slideshare.net/chikath26/aralin-4-ang-sistema-ng-edukasyon-ng-mga-
espanyol

Layunin:
Matapos ang talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Naiisa-isa ng mga mag-aaral ang mga pagbabagong naganap sa sistema ng edukasyon
ng Pilipinas noong panahon ng Amerikano,
b. Naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng Panahon ng Amerikano sa
kurikulum ng edukasyon sa Pilipinas.
c. Natatalakay ng mga mag-aaral ang mga tampok na hamon ng kolonyal na edukasyon sa
panahon ng Amerikano.

Kurikulum sa Panahon ng Amerikano


 Bago pa man dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas na may pormal na
edukasyon ang mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila na pinamumunuan naman
ng mga Prayle nahahati ito sa dalawang uri: (a).Dominikano- pinamunuan ang
Unibersidad de Sto. Tomas; samantalang (b.) Heswita- naman ang namuno sa
Ateneo Municipal de Manila.
 Sa panahon ng mga Kastila, walang karapatan mag-aral ang mga kababaihan sa
edukasyon maging ang mga mahihirap dahil ang may puwang lamang sa pag-aaral
noong mga panahon iyon ay yaong mga mayayaman at pawing mga lalake.
 Sa halip na armas tulad ng baril ang dapat na hawak ng mga sundalong Amerikano
napalitan ito ng mga aklat sapagkat ang mga sundalong Amerikano ang naging
unang guro ng mga Pilipino noon.
 Barkong Thomas- noong Agosto 23, 1907 – nang dumaong ang barkong ito sa
Pilipinas lulan ang mga Thomasites, na silang nagsilbing tagapagligtas sa
kumunoy ng kamangmngan ng mga Pilipino.
 William H. Taft- isa sa mga kilalang Thomasites, na naging bahagi sa pagbibigay
ng kaalaman sa bawat Pilipino at isa sa mga naging tagapagligtas sa kumunoy ng
kamangmangan.
 Pitong taon ang itinakdang pag-aaral sa Elementarya noong Panahon ng mga
Amerikano narito ang ilan sa mga itnuro noong mga panahong ito:
- Pagbasa -Sining
- Pagsulat - Industriya
- Pagbaybay - Agham Panlipunan
- Aritmetika -Edukasyong Pangkalusugan
- Musika -Edukasyong Pangkagandahang-asal
- Pagguhit

 Samantalang apat na taong kurso naman ang inilaan ng mga Amerikano


para sa mataas na paaralan.
 Ipinakilala rin ng mga Amerikano ang Sistema ng pampublikong paaralan
sa Pilipinas na kung saan ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa
Estados Unidos upang makapag-aral ng libre. Tinawag sila bilang mga
pensyonado (iskolar).
 Act 854- naipasa ito noong 1903 na naglalahad ng dapat pag-aralin ang
isang daang matatalinong Pilipino na tinatawag na Pensionados
 Isa si Camilo Osias sa naging iskolar at naipadala sa bansang Estados
Unidos ngunit ang kapalit nito ay dapat magsilbi sila gobyerno. Bilang
pagtugon ay naglingkod si Osias bilang Senador sa Pilipinas.
 Mayo 1898- itinatag sa Corregidor ang unang Amerikanong paaralan
matapos ang labanan sa Maynila.
 Agosto 1898- pitong paaralan ang binuksan sa Maynila sa ilalim ng
pamamahala ni Fr. William Mckinnon.

- Philippine Normal School (1901)


- Siliman University (1901)
- Centro Escolar University (1917)
- University of the Philippines (1908)
- University of Manila (1914)
- Philippine Women’s University (1919)
- Philippine Women’s University (1919)
 1898- itinalaga si Lt. George P. Anderson bilang unang superintendent
ng mga paaralan ng Maynila.

Mga Pagbabagong Naganap sa Sistema ng Edukasyon


 Maraming mga pampublikong paaralan ang naitayo upang maraming mga
Pilipino ang makapag-aral
 Ingles- ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang
kulturang Amerikano sa leksiyon.
 1901- Naitatag ang Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko o Department
of Public Instruction.
 Sibika- ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan at binigyang-diin
ang demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon.
 Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong Mckinley noong
Enero 1901 ay nailatag ang istruktura ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng
pangangasiwa ng mga Amerikano.
 Naitatag ang Department of Public Instruction.
 Tiniyak din ng mga Thomasites ang “loyalty of the inhabitants to the
sovereignty of the United States, and implanting the ideas of western
civilization among them.
 Krag Rifle at libro ang ginamit ng mga amerikano sa pagtuturo sa mga
Pilipino.
 Batas Sibil 1906- ipnasang batas ng mga Amerikano bilang suhol sa
simbahang katoliko na nagbibigay pribilehiyo at proteksyon sa mga ari-
arian ng simbahan.
 Binalangkas ang istruktura ng edukasyon na umaakma sa malapyudal na
katangian ng ekonomiya ng Pilipinas at pantustos sa pang-ekonomiyang
pangangailangan ng U.S.

Mga Tampok na Paghamon sa Kolonyal na Edukasyon


 Ito ang ilan sa mga obserbasyon ng Monroe Survey, ang pinakaunang sarbey
sa edukasyon sa bansa noong 1925:
 Ang mga guro sa elementarya at hayskul ay walang sapat na kasanayan.
 Humigit-kumulang 82% ng mga kabataan ay hindi umabot sa Grade 5.
 Ang kurikulum at ang teksbuk na ginagamit ay hindi naayon sa
pangangailangan ng bansa
 Nahihirapan ang mga Pilipino na mag-aralng Ingles.

Gawain:
Panlahat na Panuto:
Maglabas ng sangkapat na papel, at sagutan ang mga sumusunod na katanungan,
tanging SAGOT na lamang ang isusulat sa inyong sagutang papel.
Mga Gabay na Tanong:
1. Sa Panahon na ito nagkaroon ng karapatan mag-aral ang mga kababaihan at
mahihirap.
2. Sa halip na baril at mga sandata, ito ay ginamit ng mga sundalong Amerikano
upang magturo sa Pilipino.
3. Ito ang nagsilbing guro ng mga Pilipino na sinasabing tagapagligtas sa kumunoy
ng kahirapan.
4. . Ito ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan at binigyang diin ang
demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon.
5. Ito ang midyum ng pagtuturo na ginamit ng mga Amerikano sa pagtuturo.
Layunin:
1.Malaman ng mga mag-aaralang kasaysayan ng kurikulum sa panahon ng Hapon.
2. Mapaghabing ng mga mag-aaral ang kaibahan nito sa ibang panahon.
3. Makagawa ang bawat magaaral ng isang term paper tungkol sa panahon ng Hapon.

Ang Wikang Pambansa sa Panahon ng Hapon


Anu-ano ang mga pagbabago na naganap noong Panahon ng mga Hapon?
 Co- Prosperity Sphere for Greater East Asia
Ito ay itinatag ng mga Hapones na ang layunin ay pagbuklurin ang iba't ibang bansa
sa asya at tanggalin ang mga impluwensya ng mga Anglo-Amerikano sa kabuhayang
pampulitikal at panlipunan ng mga Pilipino.
 Jose P. Laurel
Naniniwala ang mga Hapon na ang "Asya ay para sa mga Asyano" at ang "Pilipinas
ay para sa mga Pilipino"
 Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan (KALIBAPI)
Isang pulitikal na partido na ang direktor ay si Benigno Aquino, Sr. na ang layunin
ay mapabuti ang edukasyon at moral na henerasyon at palaganapin ang wikang Pilipino sa
buong kapuluan ng Pilipinas.
 Benigno Aquino, Sr.
Ang Edukasyon ang isa sa pinakamakapangyarihan institusyong humuhubog sa
katauhan ng isang nilalang.Ito ang isa sa mga sandatang ginamit ng mga hapones.Upang
hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa adhikaing napakaloob sa patakarang Greater East
Asia Co-Prosperity Sphere. Noong 1942 , nilikha ang Commission of Education, Health,
and Public Welfare sa bisa ng Military Order No. 2 ng pamahalaang Hapones. Bahagi ng
simulain nito ang mga sumusunod:
1. Pagpapaintindi sa mga mamamayan ng kalagayan ng Pilipinas bilang kasapi
ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
2. Pagsupil sa mga kaisaipang Kanluraning nag-uugnay sa mga Pilipino at sa mga
bansa sa Kanluran, particular sa mga bansang Gran Britanya at ang Estados
Unidos.
3. Pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan ng pagigigng
Oryental o Asyano.
4. Pagtuturo ng wikang Nihonggo.
5. Pagkakaloob ng edukasyong elementarya at bokasyunal
6. Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.

ALAM MO BA?
Makikita sa mga tuntuning ito ng mga hapones, tulad din ng mga Amerikano
nagpapahalaga nang higit sa pagpapalaganap ng kanilang wika bilang paghubog sa isipan
ng mga sinakop.sa balatkayong pagtatag ng katutubong kalinangan, sinikap nitong mawala
lahat ng papuri sa Amerika na nakasulat sa mga aklat. Noong Hunyo 1942 ay binuksan
ang mga paaralan sa elementary . Ang wika , kulturang hapones, at Pilipino lamang ang
ipinaturo rito. Masusing sinuri ang mga aklat at ipinatatanggal ang mga pahina nitong
mayroong pahiwatig ng kulturang Kanluranin. Ipinaalis ng mga Hapones ang mga pahina
ng mga aklat na mayroong pahiwatig ng kulturang Kanluranin.
Gayundin, noong 1943 ay binuksan ang mga institusyong naghahanda sa mga guro
sa layuning magkaroon ng sapat na gurong may Pilipino-Asyanong oryentasyon. ALAM
MO BA? Sa muling pagbubukas ng mga paaralan ay naging sapilitan ang pag-aaral ng
wikang niponggo at kulturang Hapones Ang mga simbahan ay ginamit din upang makuha
ng mga Hapones ang loob ng mga Pilipino. Ito ang mga gurong may malawak na
kaaalaman sa kultura at pagpapahalaga ng mga Pilipino at magaing ang mga Asyano.Dhil
sa matinding kahirapan sa buhay, kakaunti lamang ang mga batang nagpatala upang mag-
aral sa elementary at hayskul.Sa halip na sila ay pumasok sa paaralan at mag-aral,
karamihan sa kanila ay kasama ng kanilang mga magulang uypang maghanapbuhay.
Bukod dito, dir in maitatatwang mayroon ding pag-aalinlangan ang mga Pilipino sa tunay
na intension ng mga mananakop, dahil noong panahong iyon ay malalim ng nag-ugat ang
kultura at pagpapahalagang Amerikano sa puso at isipan ng mga Pilipino. Sa bagay na ito,
masasabing hindi gaanong nagtagumpay ang mga Hapones na hubugin ang kaisipan ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon. Nang mahalal na pangulo si Jose P. Laurel
noong 1943 ay nagmunghaki siya ng ilang mga pagbabago upang maayos ang sistema ng
edukasyon sa bansa.
1. Pinakuha niya ng lisensya sa pagtuturo ang lahat ng mga guro at mga pinuno ng
mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad.
2. Inutos niya ang pagpapalaganap ng Tagalog bilang Wikang Pambansa.
3. Inutos niya rin na mga Plipino lamang ang dapat magturo ng wika, kasaysayan
ng Pilipinas, at kabutihang asal.
4. Inutos din niyang kinakailangang nakakarami sa lupon ng bawat paaralan,
kolehiyo at unibersidad ang mga Pilipino.
5. Pinagbawalan niyang magturo ng kasaysayan ng Pilipinas at mga asignaturang
may kinalaman sa mga simulaing makabayan ang mga dayuhan.

LIBRENG EDUKASYON SA ELEMENTARYA AT SEKONDARYA


Sa bisa ng RA 6655 o Free Secondary Education Act of 1986, naging libre ang
pag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at mataas na paaralan sa
buong bansa.
Pagpapababa ng gulang sa pagpasok ng mga bata sa unang baitang mula pitong taong
gulang ay naging anim na taong gulang na sinimulan noong panuruang taon 1988-1989.
Pagpapatupad ng bagong kurikulum sa sekondarya na tinawag na Secondary
Education Development Program (SEDP) upang maitaas ang antas ng pagtuturo sa
sekondarya. Sinimulan ito noong taong panuruang 1989-1990.

SEDP (Secondary Education Development Program)


Layunin:
• Maging matalino, malinang ang pagpapahalagang moral, ispiritwal at sosyo-
kultural. Mapataas ang operasyon sa intelektwal, makapili ng bokasyunal, at
mapahalagahan ang sining, agham at teknolohiya.
• Maihanda ang mga mag-aaral sa pagtatrabaho at sa pagpasok nila sa kolehiyo.

Legal na Pinagbasehan:
• Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 1: “Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado
ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at
dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong
edukasyon.”
• Ang Batas Pambansa Blg. 232 o mas kilala sa tawag na Educational Act of 1982
Nakasaad dito na kailangan pa ng isang uri ng edukasyon na makapagpapatuloy ng
sa general education na itinuturo sa elementarya para maihanda ang mga mag-aaral sa
pagtutong nila sa tertiary at sa pagkakaroon nila ng trabaho.
Mga Asignatura Blg. ng Unit Blg. ng Minuto

English 1 40

Filipino 1 40

Mathematics 1 40

Science and Technology 1.5 60

Araling Panlipunan 1 40

Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan at Musika Sining 1 40


(III, IV); Technology (I, II); Home Economics (III, IV)

Practical Arts (1989) 2 60

Edukasyon sa Pagpapahalaga 1 40

Bakit kailangang palitan ang 1973 Revised Secondary Education Program?


• Ang multi-disciplinary at inter-disciplinary approaches na tampok sa 1973 revised
curriculum ay hindi angkop sa mga ginagamit na instructional material o pag-unlad
sa pagtuturo sa klase.
• Ang pagnanais na mapaunlad pa ang magandang pag-uugali ng mga mag-aaral ay
hindi naisasakatuparan.
• Ang conceptual approach sa pagsagot sa mga katanungan ng social science ay hindi
epektibong paraan ng pagkatuto nito.
Pokus ng SEDP
1. Reporma sa kurikulum
2. Kalidad ng panturong libro at mga guro (1:1 ratio)
3. Science and Work Education Equipment (short at long term)
4. Pag-unlad ng mga staff sa pamamahala
5. Pananaliksik sa NCEE
6. Makaabot ng tulong sa Edukasyong Pangsekondarya.
• ENGLISH AT FILIPINO – mahasa ang “critical thinking skills” at
“communication competence”
• ARALING PANLIPUNAN (SOCIAL SCIENCE) – Kasaysayan ng Pilipinas (First
year); Kasaysayan ng Asya (Second year); Economics (Third year); World History
(Fourth year)
• MATHEMATICS – mataas na antas ng competencies para mahanda ang mga mag-
aaral sa tertiary.
• SCIENCE – General Science (First year); Biology (Second year); Chemistry
(Third year); Physics (Fourth year)
• ARTS – idaragdag sa Third at fourth year kasama ang P.E, Health at Music.
• T.H.E – idaragdag depende sa eskwelahan.

You might also like