You are on page 1of 101

Fil 114 – Ang Kurikulum ng Filipino sa Batayang

Antas ng Edukasyon
Ano ang Kurikulum?

Ang kurikulum ay instrument o kasangkapan


(tool) para sa paglinang ng mga kasanayan,
kakayahan, talento o abilidad ng tao.

Pagtutulad/Pagwawangis:
Ang kurikulum ay parang buto, hindi tatayo ang
paaralan kung wala ito.
Ang kurikulum ay parang
hagdan, hindi ka
makapupunta sa
pangalawang palapag
kapag lumagpak ka sa
unang hakbang pa lamang.
AAng kurikulum ay
parang steering wheel,
kailangang tutungo ito
sa tamang direksyon.
Ang kurikulum ay
parang binhi,
lumalago ito at
nagbabago ng anyo.
Ang kurikulum ay
parang school bus,
dinadala ka ng
drayber sa tamang
distinasyon
Kaligirang Kasaysayan ng Kurikulum: (Foundations of
Curriculum Dev’t & Management, Bauzon, 1992)
1. CRM- Curriculum Reform Movement-(1960) pag-
aaral sa panahon ng Amerikano. Napag-alaman na
maraming freshmen ang walang katangiang maging
kolehiyo.
2. CRPES- Committee on the Reform of the
Philippine Educational System- may layuning balik-
aralan ang estado ng edukasyon sa bansa. Naatasan
ang National Board of Education na manguna sa
rebisyon ng kurikulum kasama ang Swanson group-
pangkat ng mga Amerikano na may Pilipinong
counterpart.
3. MSR- Monroe Survey Report- unang sistematikong
assessment sa sistemang pampaaralan. Sinuri ang mga
asignatura, oras sa bawat sabjek, kagamitang
pampagtuturo, midyum ng pagtuturo, ang school plant at
iba pa.
Napuna ang: 1. Sentralays na sistema ng edukasyon 2.
Kakulangan ng ng edukasyong pang-elementarya upang
makamit ang pangangailangan ng mga mag-aaral 3.
Konsentrasyon ng hayskul sa kurikulum at hindi sa
praktikal na buhay 4. Ang mataas na istandard ng UP 5.
Ang satisfactory na paggamit ng ingles sa pampublikong
paaralan 6. Kakulangan sa treyning pampropesyonal sa
95% ng mga guro 7. Mahinang perpormans ng pribadong
paaralang pinapatakbo ng laymen.
4. PCSPE- Presidential Commission
to Survey Philippine Education,
pinamunuan ng dating kalihim
Onofre C. Corpus sa isang survey
commission noong 1970 ang
Education for National Development:
New Pattern, New Directions at
nakompleto noong 1972.
5. EDCOM report- Educational Commission,
pinamunuan ng dating senador Edgardo
Angara at Congressman Padilla, kanilang
natuklasan ang (1) patuloy na pagdausdos ng
edukasyon sa bansa, (2) ang elementarya at
sekondarya ay hindi nakakapagturo ng
kompetens upang maging responsible,
produktibo at katuparang pansarili, (3) ang
mga kolehiyo at bokasyonal ay hindi
nagpoprodyus ng manpower sa pagdebelop
ng ekonomiya at (4) ordinary na lang ang
graduate education.
6. PRODED- Program for Decentralized
Education, umusbong noong 1995, nagkaroon
ng pagsasanay ang mga guro at nagsimula sa
greyd 1.
7. TESDA- Technical Education & Skills
Development Authority, na naiprograma
noong 2000 sa panahon ni FVR dahil sa
Philippines 2000.
8. BEC- Basic Education
Curriculum noong 2002, NewSEC
(1991-2002) NewESC (1984-2002)
SEDP
9. RBEC- Revised Basic
Education Curriculum noong
2002
10. UbD-Understanding by
Design (hayskul) nina Mctighe at
Grant Wiggins, nagsimula noong
2002 at nagkaroon ng UbD Model
noong 2010.
11. EBEP- Enhanced Basic
Education Curriculum o Kto 12
(2012-2013) G-7 , SY13-14-G-8, SY14-
15-G-9, SY15-16-G-10,SY 16-17-G-11,
SY17-18-G12
Makabagong Konsepto ng Kurikulum: Ang
kurikulum ay binubuo ng lahat ng mga karanasan sa
Pag-aaral sa loob ng labas ng paaralan sa ilalim ng
pamamatnubay ng guro. Ang mga karanasang ito
ay naplano at naorganisa, at ito ay mga aktwal na
gawain ng mga mag-aaral. Kabuuan ito ng mga
pagsisikap ng paaralan upang matamo ang mga
minimithing layunin sa pagkatuto maging sa loob
ng paaralan o komunidad o bunga ng mga
karanasang ito na may tunguhing maisulong ang
disiplina ng mga mag-aaral, sa pag-iisip man o sa
ikinikilos o behebyor.
Tradisyunal sa Konsepto: Ang kurikulum
ay pangkat ng mga asignatura na
isinasaayos upang matamo ang mga
layunin sa pagtuturo at pagkatuto. Batay
ito sa palagay na ang tungkuling
ginagampanan ng edukasyon sa
paggamit ng kurikulum ay upang
magkaroon ang isang indibidwal ng
kakayahang makibagay o maiagapay ang
sarili sa mga gawain sa lipunang
kinabibilangan.
Para Kanino ang Paglinang ng Kurikulum?
Ang paglinang ng kurikulum at edukasyon
ay para sa ganap na kalinangan o lubos o
kompletong kalinangan ng tao. Ang
debelopment ng kahit na sino ay kailangang
gawing permanente, tuloy-tuloy at panghabang-
buhay. Lahat ng mga katangian na biyaya ng
Panginoong Diyos ay dapat na malinang at ito’y
nangangailangan ng pagsasanay (training) at
angkop na pagkahubog ng katauhan (formation).
Sa ganitong pananaw, layunin ng edukasyon na
linangin ang mga talento at kakayahang bigay ng
Diyos sa pamamagitan ng kurikulum nito.
Tunguhin at Layunin ng Kurikulum
Layunin ng kurikulum na maglaan ng sapat
treyning at formasyon sa indibidwal upang malinang
at mahubog ang kanyang katauha at personalidad sa
pamamagitan ng mga iba’t ibang karanasang bunga
ng pag-aaral niya ng mga iba’t ibang asignatura.
Ang mga layunin ng kurikulum ay kailangang
maisakatuparan para sa kapakinabangan at pag-unlad
ng indibidwal at ng pamayanang kanyang
kinagagalawan. Ang tao ay may tungkuling ibahagi sa
iba ang kanyan kaalaman at pagsilbihan ang
pamayanang kinabibilangan.
Sangkap ng Kurikulum (Elements of
Curriculum)
A. Pagpapahayag ng panlahat at
tiyak na layunin;
B. Pagpili at organisasyon ng
laman o nilalaman;
C. Mga padron (patterns) ng
pagtuturo at pag-aaral;
D. Pagtataya ng mga kinalabasan
o bunga (evaluation or outcomes)
Lahat ng mga nabanggit na sangkap o
elemeto ay matatagpuan sa kurikulum ng
kahit na anong paaralan. Magkakaiba lamang
ang emphasis o pokus na inilalaan sa mga
sumusunod:

1. mga sangkap na binanggit sa itaas;


2. paraan ng pag-uugnay ng mga
sangkap sa isa’t isa;
3. mga batayang desisyon kaugnay ng
pagkabubuo ng bawat isa.
MGA KATAWAGAN KAUGNAY SA KURIKULUM

A. Plano ng Kurikulum. Ito ay isang paunang


kaayusan ng mga gawain sa pagkatuto o
oportunidad sa pag-unlad para sa isang tiyak
na populasyon ng mag-aaral o pangkat ng
mag-aaral. Maaaring ito ay bunga lamang ng
pasalita o oral na diskusyon at mga mungkahi
pa lamang. Sa Ingles, ito ay Curriculum Plan.
B. Patnubay sa Kurikulum (Curriculum Guide).
Ito ang nakalimbag na anyo ng plano ng
kurikulum. Ang mga materyal na nakalimbag
ditto ay nagbibigay patnubay o gabay sa mga
guro. Ang mga materyal na ito ay nakalaan
para sa pinal na debelopment o paglinang ng
kuikulum kaugnay ng mga sitwasyon o gawain
sa pagkatuto. Binubuo ito ng mga sumusunod:
1. Saklaw ng pagkakasunud-sunud (Scope and
Sequence)
2. Kurso ng Pag-aaral (Courses of Study) para
sa iba’t ibang antas at signatura
3. Resors Yunit at mga Materyal nito (Resourse
Units ang Its Materials)
4. Mga Mungkahing Pagsasanay (Suggestions
for Practices)
5. ba’t ibang Uri ng Buletin na Gagamitin ng
mga Iba’ t ibang pangkat sa Pag-aaral Hinggil
sa Kurikulum
C. Pagpaplano ng Kurikulum (Curriculum Planning). Ito ay
ang prosesong pinag-dadaanan ng isang plano ng kurikulum
kung saang dididesisyunan o pinagtitibay ng isang
propesyunal na komite. Ang mga desisyon ay maaaring may
kinalaman sa mga modipikasyon ng ilang bahagi,
agkakaltas, pagdaragdag ng mga programang pang-
instruksyon, at mga mungkahing maaaring magpayaman o
magpaunlad sa kurikulum. Proseso rin ito ng paghahanda
para sa mga responsibilidad o tungkulin sa pagtuturo,
pagtukoy sa nilalaman pagpili ng mga resosrses, mga
pamamaraan o pamamahalang pangklasrum at ebalwasyon
ng mga programa. Proseso rin ito ng paglikha at
pagpapatibay sa curriculum guide o Patnubay sa Kurikulum.
D. Paglinang ng Kurikulum (Curriculum
Development). Proseso ito ng aktwal na
pagpapatupad o paggamit ng kurikulum. Ito ay
proseso ng sama-samang pagtutulungan ng
mga guro, mga dalubhasa sa kurikulum,
superbisor, mga magulang at mga iba pang
taong nasa labas ng paaralan ngunit
nakatutulong sa pagpapayaman sa kurikulum.
Ang prosesong ito ay isang tuluy-tuloy at
walang tigil na pagpapabuti at pagpapaunlad
sa mga gawain o sitwasyon sa pagtuturo at
pagkatuto.
E. Kurso ng Pag-aaral (Course of Study). Ito
ang opisyal na gabay o patnubay na ginagamit
ng mga guro, administrador at superbisor sa
pagpapatupad o implementasyon ng
kurikulum. Ito ay isang pantulong (aid) sa
pagtuturo ng isang tiyak na asignatura o
disiplina sa isang tiyak na antas o taon (year
level). Ang nIlalaman nito ay ang mga
sumusunod:
1.Mga layunin ng kurso (Aims of the Course)
2. Mga Inaasahang Bunga (Expected
Outcomes)
3. Saklaw at Kalikasan ng mga material na Pag-
aralan (Scope and nature of Materials to be
Studied)
4. Angkop na Kagamitan ng Pampagtuturo
(Suitable Instructional Aids)
5.Batayang Aklat/Teksbuk
(Textbook)
6. Mga Dagdag na Gawain
(Supplementary Activities)
7. (Mga Pamamaraan ng Pagtuturo
(Teaching Methods/ Procedures)
8. Mga Teknik sa Pagtataya ng ma
Natamo (Techniques of Evaluation of
Achievements)
F. Laboratoryo ng Kurikulum
(Curriculum Laboratory). Ito ay
Lugar sa imbakan ng mga material
ukol sa kurikulum na maaaring
magsilbing sanggunian ng mga mag-
aaral. Lugar ito na magsisilbi ring
ganapan ng workshop o anumang
gawain sa pagkatuto.
G. Mapagkukunang Yunit (Resource Unit). Koleksyon
ito ng mga mungkahing gawain sa pagkatuto at mga
material ukol sa isang tiyak na paksa na ginagamit ng
mga guro sa pagpaplano, paglinang at ebalwasyon ng
yunit ng pag-aaral. Laman nito ang mga sumusunod:

1. Panimula na nagpapahayag ng kahalagahan


ng pag-aaral
2. Mga layunin at inaasahang bunga
3. Nilalaman ng yunit
4. Mga gawain para sa yunit
5. Ebalwasyon
6. Bibliyograpi ng mahahalagang material
MGA LAYUNIN NG EDUKASYON

Masisinag sa sistema ng edukasyon at sa mga layunin


ng edukasyon ang pilosopiya, ang mga pinaparaluman
(ideals) at mga pagpapahalaga (values) ng isang bansa. Ang
Pilipinas ay isang bansang kumikilala, nananalig at
nagtitiwala sa isang Dakilang Lumikha na pumapatnubay sa
kapalaran ng bawat bansa. Ang Pilipinas ay isang bansang
nananalig din sa mga simulain ng demokrasya at may
pagpapahalaga sa kahalagahan at dignidad ng bawat
nilalang. Ang mga pananalig at simulating ito ay malinaw na
makikita sa mga batayang layunin ng edukasyon.
Ang Layunin ng Edukasyon (Ayon sa Saligang Batas)

“… Ang pamahalaan ay magtatatag at


magpapairal ng isang ganap at sapat na pamamaraan
ng edukasyon pangmadla at magtatakda ng mga
paaralang walang bayad para sa pang-unang pag-
aaral man lamang at ng pagsasanay sa
pagkamamamayan sa matatanda. Dapat na maging
layunin ng lahat ng paaralan ang paglinang ng
kagandahang-asal, disiplinang pansarili, budhing
sibiko at kasanayang bokasyunal, at ang pagtuturo ng
tungkulin sa pagkamamamayan…”
Mga Batayang Layunin ng Edukasyon (Ayon sa
Pahayag ng Pambansang Lupon ng Edukasyon)

1. Ihasik ang pagpapahalagang moral at ispiritual


udyok ng isang matatag na pananalig sa Diyos.
2. Luminang ng mga mamamayang matalno,
makabayan, makabuluhan at maibigin sa matwid at
angkop manirahan sa lipunang demokratiko.
3. Linangin ang ugali ng kasipagan at pagtitipid, at
ihanda ang bawat isa upang sa kapanahunan ay
makatulong sa ikauunlad ng kabuhayan at sa
matalinong pangangalaga ng mga likas na
kayamanan ng bansa.
4. Pamalagiing buo at matatag ang angkan,
pabutihin ang sama-samang pamumuhay sa
pook, pamalagiin ang balanang kanais-nais
sa pamana ng lahi at itaguyod ang layunin sa
kapayapaang pandaigdig.
5. Itaguyod ang mga siyensa, sining at
panitikan para sa lalong ikapagiging
makahulugan ng buhay at ikakikilala sa
marangal na kalagayan ng tao.
MGA LAYUNIN NG EDUKASYON (AYON SA PAMBANSANG
SANGGUNIAN NG EDUKASYON)

1. Ikintal sa ating mamamayan na sila ay mga mamamayan ng isang


republika; iturong unti-unti sa kanila ang pag-ibig at paggalang sa
kanilang bansa at sanayin silang kusa at matapat na tumupad sa
kanilang mga tungkulin at mga obligsyon bilang mga mamamayan
ng isang nagsasariling estado.

2. Luminang ng isang malusog, matalino at hubog sa kagandahang-


asal na mga mamamayan, udyok ng isang matatag na pananalig sa
Bathalang Mapagkalinga.

3. Itanim sa isip ng ating mga mamamayan ang mga simulain ng


demokrasya; ipaunawa sa kanila na sa papaano man ay dapat na
pangalagaan ang mga pangunahing karapatan ng tao kung dapat
matamo nila ang katuparang pansarili.
. 4. Linangin sa mga mamamayan ang mga
ugaling kasipagan at pagtitipid at
mapagkalooban sila ng kailangang kasanayan
at kaalamang makatutulong sa kanila upang
kumita ng isang malinis na ikabubuhay at
makapag-abuloy sa kagalingang
pangkabuhayan ng bansa.

5. Sanayin ang ating mga kalalakihan at


kababaihan sa mga pananagutang
pampamilya at sa mga obligasyon sa tahanan.
6. Patnubayan ang ating mga mamamayan sa
wastong paggamit ng oras na Malaya upang
makatulong ito sa kanilang pansariling
kaunlaran at maitaguyod ang kagalingan ng
pamayanan.

7. Ikintal sa bawat isa ang hangarin at


pagkukusang tumulong sa kanyang
pamayanan; iturong unti-unti sa kanya ang
pagdamay, pag-unawa at pagtingin sa
kanyang kapwa tao.
8. Itaguyod ang ating kabataan sa isang pamamaraan sa
buhay na sumasaklaw sa pinakamabusay na pamanang
pangkalinangan natin sa pinayaman ng mahalagang karaasan
ng ibang bansa.

9. Pagyamanin sa ating mga mamamayan ang pagpapahalaga


sa sining, siyensya at panitikan sa ikakadalisay ng kanilang
mga panlasa, ikasusulong ng kanilang buhay, at ikalalawak ng
kanilang pang-unawa.

10. Linangin sa ating mga mamamayan ang isang pang-


unawang may pagtingin sa ibang mga bansa sa pamamagitan
ng pag-aaral sa mga naitutulong ng mga bansang ito sa
sibilisasyon.
BATAS NG KAGITINGAN AT KAGANDAHANG-ASAL
(MANUEL L. QUEZON)

1. Manalig kang may Dakilang Lumikha sa siya


namamatnugot sa kapalaran ng tao at ng mga bansa.

2. Ibigin mo ang iyong tinubuang lupa sapagkat iyan ang


tahanan ng iyong bayan, ang pugad ng iyong pag-ibig at
batas ng iyong kaligayahan at kaginhawaan. Kauna-unahan
mong tungkulin ang siyang ipagtanggol. Humanda ka sa
lahat ng sandal na mag-pasakit at mamatay nang dahil sa
kanya kung kinakailangan.
3. Igalang mo ang Saligang Batas sapagkat iyan
ang katuturan ng makapangyarihan mong
kalooban. Ang pamahalaan ay pamahalaan mo.
Itinatag iyon alang-alang sa iyong ikaliligtas at
ikapapanatag. Tupdin mo ang mga batas at
sikaping matupad din ng lahat; at sikaping ang
mga punong-bayan ay magsiganap ng kanilang
mga tungkulin.

4. Magbayad kang kusa at maagap ng iyong buwis.


Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan di
lamang ng karapatan, kundi ng tungkulin din
naman.
5. Ipagsanggalang mo ang kalinisan ng paghalal at
igalang ang mga kapasiyahan ng nakararami.

6. Ibigin mo at igalang ang iyong mga magulang.


Tungkulin mong sila’y paglingkuran nang buong puso
at buong kasiyahan.

7. Pahalagahan mo ang iyong dangal gaya ng


pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Lalong mabuti
ang karalitaang may karangalan kaysa kayamanang
walang dangal.
8. Magpakatapat at magpakalinis ka sa iyong mga iniisip at
ikinikilos. Maging makatwiran la, mapagkawanggawa, at
mapitagan ngunit marangal sa iyong pakikipagkapwa-tao.

9. Magpakalinis ka’t magpakatalino sa pamumuhay. Huwag


kang mag-aksaya ng panahon sa walang kabuluhang bagay
at pagpapalalo. Huwag kang magmarangya sa pananamit
at magmagaslaw sa pag-uugali.

10. Mamuhay ka nang sang-ayon sa mga dakilang


kasaysayan ng ating bayan. Mamitagan ka sa gawa at
ngalan n gating mga bayani. Ang pamumuhay nila ay
siyang nagtuturo ng landas ng tungkulin at karangalan.
11. Magpakasakit ka. Huwag mong katakutan ni ikahiya ang
mga paggawang manwal. Ang gawaing pinakikinabangan
ay siyang nagbubunga ng kapanatagan sa buhay at
nagdaragdag ng kayamanan sa bansa.

12. Umasa ka sa iyong sariling sikap para sa iyong kaunlaran


at kaligayahan. Huwag kang madaling masindak.
Magtiyaga ka sa pagganap ng iyong mga tumpak na adhka.

13. Harapin mo ang iyong gawain nang buong sigla,


puspusan at maayos. Ang gawaing masama ang
pagkakagawa ay masahol pa sa gawaing hindi ginawa.
Huwag mong ipagpabukas pa ang magagawa mo ngayon.
14. Tumulong ka sa ikabubuti ng iyong kapwa at paunlarin
mo ang katarungang panlipunan. Hindi ka nabubuhay para
sa iyong sarili lamang ni para sa iyong anak. Ikaw ay bahagi
ng lipunang pinagkakautangan mo ng mga tiyak na
pananagutan.

15. Ugaliin ang paggamit ng mga yari sa Pilipias. Tangkilikin


mo ang mga ani at kalakal ng iyong kababayan.

16. Gamitin mo at paunlarin ang ating mga likas na


kayamanan at simpanin para sa hinaharap. Ang mga
kayamanang iyan ay mana n gating bayang di-
maipamimigay. Huwag mong kalakalin ang iyong
pagkamamamayan.
MGA LAYUNIN NG EDUKASYONG
ELEMENTARYA

Nilalayon ng edukasyong elementarya na


linangin ang ispiritwal, moral, at pisikal na mga
kakayahan ng mga mag-aaral; magdulot sa
kanila ng mga karanasan sa demokratikong
pamumuhay at ikintal ang kaisipan at
saloobing kailangan para sa isang matalino,
makabayan, makatwiran at kapaki-pakinabang
sa pamamamayan.
Sa ikapagtatamo ng ganitong mga layunin, ang
edukasyong elementary ay magdudulot ng mga
gawain para sa:

1. Pagkikintal ng mga pagpapahalagang isipiritwal


at sibiko at sa paglinang ng isang mabuting
mamamayang Filipino na may pananalig sa Diyos
at may pagmamahal s kapwa tao;

2. Pagsasanay sa mga kabataan sa kanilang mga


karapatan, tungkulin at pananagutan sa isang
lipunang demokratiko para sa isang aktibong
pakikilahok sa isang maunlad at kapaki-
pakinabang na buhay pantahanan at
pampamayanan;
3.Paglinang ng pangunahing pang-
unawa sa kulturang Filipino, mga
kanais-nais na tradisyon at gawi ng
ating mga ninuno at kabutihan ng
mga mamamayan na pangunahing
kailangan sa pagkakamit ng
pambansang kamalayan at kaisahan;

4. Pagtuturo ng mga batayang


kaalamang pangkalusugan at ang
pagtatag ng mga kanais-nais na gawi
at ugaling pangkalusugan;
5. Paglinang ng karunungan sa
bernakular, Filipino at Ingles upang
maging kasangkapan sa patuloy na
pagkatuto; at

6. Pagkakaroon ng mga batayang


kaalaman, saloobin, kasanayan at
kakayahan sa siyensa, araling
panlipunan, matematika sining at
gawaing edukasyon at ang matalinong
paggamit nito sa angkop na sitwasyon sa
buhay.
Pakikinig
Nagagamit nang may ganap na
kahusayan ang mga batayang
kasanayan sa pakikinig.

Pagsasalita
Naisasagawa ang makabuluhan at
mabisang pakikilahok sa mga
gawaing nauukol sa
pakikipagtalastasan.
Pagbasa
Kasanayan sa Pagkilala ng mga salita
- sa iba’t ibang paraan
- sa tulong ng pahiwatig
- sa pamamagitan ng pagsusuri ng tunog ng
mga salita
- sa pamamagutan ng kayarian nito
Pag-unawa
Ganap na napapaunlad ang kasanayan sa pag-
unawa sa pagbasa
- nakakamit ang kasanayan sa pag-unawa sa
pagbasa
- nagkakaroon ng kasanyan sa mapanuring
pang-unawa sa binasa
- natatamo ang mga kasanayan sa
pagpapahalaga
- nagkakaroon ng higit na maunlad na
kasanayang pang-aklatan
Pagsulat
- nakakaugaian ang pagsunod sa
wasto at maayos na paraan ng
pagsulat
- nagkakaroon nang ganap na
kasanayan sa wasto at maayos na
pagsulat sa paggamit ng mga sangkap
sa pagsulat
Pagsulat
- nakakaugaian ang pagsunod sa
wasto at maayos na paraan ng
pagsulat
- nagkakaroon nang ganap na
kasanayan sa wasto at maayos na
pagsulat sa paggamit ng mga sangkap
sa pagsulat
MGA LAYUNIN NG EDUKASYONG SEKUNDARYA (SEDP)

1. Luminang ng matalino at mulat sa komitment tungo sa


pambansang mithiin sa pamamagitan ng pagpapasigla,
pagpapanatili at paglinang ng mga pagpapahalagang moral,
ispiritwal at sosyo-kultural gayon din ang mga kanais-nais
na aspekto ng kamanahang Filipino;

2. Magtamo ng mga kabatiran at bumuo ng mga kanais-


nais na saloobin sa pag-unawa ng kalikasan at layunin ng
sangkatauhan at samakatwid ng kanyang sarili, ang
kanyang mga kababayan at kalahi at maging ng sa ibang
lahi, bansa at ibang panahon upang maitaguyod ang isang
matalas na diwa ng pagkilala sa sarili, sa kanyang angkan
at ng sa pambansa at pandaigdigang pamayanan;
3. Luminang ng mga kasanayan sa lalong
mataas na operasyon intetelektwal at higit
na masalimuot na gawaing
komprehensyon, at sa pag-iisip na
matalino, masuri at malikhain sa mga
sitwasyon sa buhay.

4. Makapagtamo ng mga kasanayan,


kaalaman at mga impormasyong
panggawain at ng etika sa paggawa na
kailangan sa pagbuo ng matalinong pasya
sa pagpili ng bokasyon o hanapbuhay at
gayon din sa espesyalisasyong pagsasanay
ukol sa tiyak na bokasyon o hanap-buhay;
5. Palawakin at pataasin ang pansariling kakayahan
at pagpapahalaga sa mga sining, agham, at
teknolohiya sa lalong ikalilinang ng iwing kakayahan
tungo sa buong kaganapang ng sarili at sa
pagtaguyod ng kapakanan ng kapwa.
ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG
EDUKASYONG SEKUNDARYA

Ipinahayag ng Pambansang Lupon sa


Edukasyon ang implementasyon g Patakarang
Edukasyong Bilingwal upang makalinang ng
isang bansang bilinggwal ng mga
mamamayang may sapat na kakayahan sa
paggamit ng Filipino at Ingles. Tungo sa
mithiing ito ang lawak ng mga asignaturang
Filipino aay binigyan ng ibang katawagan –
Mga Sining ng Komunikasyon (Filipino).
Tunguhin ng programang Filipino ang:
“Linangin ang mga kakayahan sa paggamit ng
Filipino sa tulong ng mga tuntuning
pambalarila upang matamo ang mga
kasanayang makro (pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat, paggawa ng tala,
transkoding at mga kasanayang
pangsanggunian), gayundin ang panimulang
pag-aaral/pag-unawa sa pagsasaling-wika,
sariling pagwawasto at mga kasanayan sa
paggaa ng pag-aaral/pananaliksik.”
Kabilang sa mga layuning panlahat ng Filipino sa
SEDP ang mga sumusunod:

1. Linangin ang kasanayan at kaalaman sa paggamit


ng Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at
pasulat na angkop sa sitwasyon, pangangailangan at
pagkakataon;

2. Linangin ang kasanayan sa pag-unawa,


pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay-halaga
sa mga kaisipang/paksang naririnig at binabasa;
3. Linangin ang kaalaman, kasanayan at
pagpapahalaga sa panitikang Filipino;

4. Linangin ang kakayahan at kasanayan sa


pagsasaling-wika at sa paggawa ng pag-
aaral/pananaliksik.
Sa mga talakayan, sa mga pagpapalitang kuro, sa mga
pagsasanay sa pagpapahayag ng kaisipan at mga
palagay at kaugnayan ng mga aralin sa panitikan ay
sikaping mailangkap ang mga kaisipan sa:

1. Halagang Pangkatauhan – mga pagpapahalagang


moral, pagpapahalagang sosyo-kultural, mga makataong
pamumuhay at unawaan at mga kahalagahang tulad ng
pakikisama, hiya, amor propio, at iba pa

2. Pangangailangang Panlipunan – ang kahalagahan n


gating wikang pambansa bilang kaluluwa n gating lahi,
ang pagkalinang ng tinatawag na Filipino identity
3. Patakarang Pampamahalaan – maaaring
maisama sa mga talakayan ang mga programa
ng pamahalaan at ang mga patakarang
pinaiiral tungo sa pagkakaroon ng kaayusan,
katatagang pangkabuhayan, ang kalinangan
at kaunlaran ng bansa
ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG 1989 (SEDP)

Sa ilalim ng kurikulum ng 1989, ibinalik ang dating


katawagang Filipino I-IV kapag ang tinutukoy ay ang asignaturang
ito sa loob ng 40 minutong pagkaklase at ang balangkas at saklaw
ng mga aralin ay ang mga sumusunod:

1. Wika - Sa bahaging pagtuturo ng wika, inaasahang


malilinang ang mga kasanayang makro (pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, pagsulat, paggawa ng mga tala,
transkoding at mga kasanayang pansanggunian), ang
iba’t ibang uri ng pagpapahayag paglalarawan,
pagsasalaysay, paglalahad at pangangatuwiran), mga
bahagi ng salita at iba pa.
2. Panitikan – Ituturo nang hiwalay ang panitikan at
inaasahang malilinang ang mga kasanayang
pampanitikan (gaya ng pagpapakahulugan, pagkuha
ng detalye, pagbuo ng hinuha, pagbibigay ng
opinyon, reaksyon, kuru-kuro, pahiwatig, paglinang
ng talasalitaan, pagbubuod, pagbibigay ng sanhi at
bunga, pagbibigay-halaga, atb.).

Ang pag-aaral at pagtuturo ng asignaturang


Filipino ay gagawing “learner-centered” sa halip na
“subject-centered” upang malinang at mapag-aralan
ang wika sa paraang kawili-wili at nakaaangkop sa
kakayahan ng mag-aaral. Ituturo ang wika para sa
pakikipagtalastasan.
MGA TIYAK NA LAYUNIN SA ASIGNATURANG FILIPINO

WIKA

1. Nalilinang ang mga kasanayan at kaalaman sa paggamit ng Filipino


sa tulong ng mga tuntuning pambalarila upang matamo ang mga
kasanayang makro
a. Nagagamit ang wika sa angkop na sitwasyon at mga
pangangailangang pangkomunikatibo ng mga mag-
aaral
b. Nabibigyang diin ang mga kahulugan kaysa kaanyuan
(gramatika)
c. Nakikilala at nagagamit ang angkop na istilo ng wika sa
awtentikong gamit nito
d. Nalilinang ang kakayahan, katatasan at katumpakan sa
pagkatoto nang higit sa pormal na kawastuhan
2. Nalilinang ang mga katangiang moral, ispiritwal
at iba pang aspekto ng pamana ng lahi na kanais-
nais sa lipunang Filipino

3. Napauunlad ang mga kaalaman at kasanayan sa


pagsasalig-wika at paggawa ng pag-
aaral/pananaliksik

4. Nabibigyana ang mga mag-aaral ng sapat na


pagsasanay sa pagpili ng mga anyong
pansemantika at panlinggwistika batay sa
krayteryang kontekstwal
PANITIKAN

1. Nahuhubog at napuunlad ang kakayahan,


kasanayan at natatamo ang kabuuang pag-
unlad sa pamamagitan ng sining at mga
katutubong panitikan
a. Nalilinang ang kakayahan, kaalaman
at pagpapahalaga sa sariling panitikan
b. Napauunlad ang kakayahan at
kasanayan sa pagkilala at paglikha ng iba’t
ibang uri ng panitikan
2. Napayayaman ang karanasan sa
pamamagitan ng mga akdang pampanitikan
upangmakapg-angkin ng malawak na kaisipan
at pananaw sa buhay

3. Nagagamit at nailalapat ang mga kasanayan


at kaalamang pampanitikan upang mapadali
at mapagaan ang pag-unawa sa mga kathang
makabago at makasining
4. Nalilinang ang mga katangiang moral at
ispiritwal at iba pang kanais-nais na halagang
pangkatauhan at mga kaisipan sa mga katutubong
panitikan na matatagpuan sa kultura at lipunang
Filipino

5. Napauunlad ang mga kasanayan at kaalaman sa


pagsasaling-wika at paggawa ng pag-
aara/pananaliksik

6. Nabibigyang-diin ang mga pangangailangang


panlipunan at mga patakarang pampamahalaan.
ANG MGA KOMPONENTS AT KATANGIAN NG ASIGNATURANG FILIPINO
SA KURIKULUM NG 1989

1. Wika

a. Magkahiwalay na ituturo ang wika at panitikang Filipino sa


loob ng apatnapung minutong pagkaklase
b. Gagamitin ang pagdulog na nosyonal/functional o ang
istratehiyang komunikatibo.
c. Bibigyang-diin sa pagtuturo ang tunay na gamit ng wika
(use/function) sa tulong lamang ng mga kaalaman
at tuntuning pambalarila, ayon sa konteksto ng hangarin, sitwasyon at
pangangailangan.
d. Gagamitin ang dulog na learner-centered sa pagtuturo at ang
konsentrasyon ng pagtuturo at pag-aaral ay ang
pagkakaroon ng kakayahan sa komunikasyon lalo na pakikipagtalastasan.
2. Panitikan
a. Maingat na binabalangkas na papaunlad (spiral progression)
ang mga ituturong anyo/ uri ng panitikan kasama ang
mga akda mula sa iba’t ibang lalawigan/rehiyon

b. Ginagamit ang mga akda bilang bukod na babasahin o paksang


aralin upang magkaroon ng lubusang kasanayan
(mastery) ang mga mag-aaral sa iba’t ibang sangay ng panitikan

c. Kaalinsabay ng pagtatamo ng mga kasanayang pampanitikan,


matutuhan din kung paano ang pagsulat ng
pinapaksang anyo o uri ng panitikan

d. Itinuro ito nang hiwalay upang lumawak ang kaisipan-


karanasan ng mga mag-aaral upang magkaroon ng
damdamin at malasakit sa sariling panitikan
3. Halagang Pangkatauhan

4. Palatuntunang Pampamahalaan

5. Mga Pag-aaral/Pananaliksik

6. Pagsasaling-wika
ANG RESTRUCTURED BASIC EDUCATION CURRICULUM (RBEC)
ng Departamento ng Edukasyon (DepEd)

Ang 2002 Basic Education Curriculum ay isang pagrere-


istruktura, isang pagrerefocus at hindi isang malawakang
pagbabago sa kurikulum ng elementary at sekundarya.

Legal na Basehan ng Philippine Basic Education (Batayang


Edukasyon sa Pilipinas)

Ang mga mithiin, layunin, istruktura at nilalaman ng 2002


Curriculum ay ibinatay sa 1987 na Saligang Batas o Konstitusyon ng
Pilipinas, 2001 Governance of Basic Education Act at sa 1982
Education Act.
Ang Konstitusyon ng 1987 ang nagtatakda ng mga
patakaan at probisyong pang-edukasyon, pormal
man o di-pormal. Ang mga ito ay matatagpuan sa:

Artikulo XIV, Section 1. Dapat na pangalagaan


at itaguyod ng estado ang karapatan ng mga
mamamayan sa de kalidad na edukasyon sa lahat ng
antas at dapat na gumawa ito ng kaukulang mga
hakbang upang ang lahat ay makapagtamo ng
batayang edukasyon.
Artikulo XIV, Seksyon 3, Bilang 2. Ito ay nagsasaad na ang paaralan o
institusyong edukasyunal ay dapat na:

1. magkintal ng patriotismo at nasyonalismo;


2. maghasik ng pag-ibig sa sangkatauhan, paggalang sa
karapatang pantao, pagpapahalaga sa tungkuling
ginampanan ng mga pambansang bayani sa makasaysayang pagbuo
sa bansa;
3. magturo ng mga karapatan at tungkulin ng
pagkamamamayan;
4. magpatatag ng mga pagpapahalagang etikal at ispiritwal;
5. maglinang ng karakter na moral at disiplina sa sarili;
6. magpasigla ng mapanuri at malikhaing pag-iisip;
7. magpalawak ng kaalamang pangsiyensya at
panteknolohiya;
8. magtaguyod ng kakayahang bokasyunal
p10
Ang Governance of Basic Education Act of 2001
ang nagtatakda ng pangkalahatang layunin ng
batayang edukasyon na: linangin ang mga mag-
aaral na Filipino sa pamamagitan ng pagbibigay o
pagdebelop sa kanila ng mga batayang
kasanayan sa pagbasa, pagbilang, kritikal na pag-
iisip, mabubuting values o pagpapahalaga upang
maging mapagmalasakit, mapagsarili,
produktibo, may kamalayang panlipunan,
makabayan at responsableng mamamayan.
Ang Governance of Basic Education Act ay
may bisyon na magkaroon ng kurikulum na
nagtataguyod sa pangkalahatan o holistic na
pag-unlad ng mga mag-aaral na Filipino upang
magkaroon sila ng iba’t ibang kasanayan at
malinang sa kanila ang wastong values. Ang
kurikulum na ito ay kailangang maging
fleksibol upang matugunan ang
pangangailangang matuto ang mga mag-aaral
nang naaayon sa kanilang kapaligiran at
sosyal at kultural na realidad.
Ang Education Act of 1982 o Batas Pambansa Blg. 232
ay nagsasaad ng mga pangkalahatang layunin ng
edukasyon sa antas elementary, sekundarya at
tersyarya.
Ang mga layunin ng edukasyon sa sekundarya ay:

1. Ipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na


nasimulan sa antas elementary;
2. Ihanda ang mga mag-aaral sa kolehiyo;
3. Ihanda ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng
trabaho.
Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng
Pagtuturo sa Sekondarya
Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit
itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralang
pambansa.
Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa
umiiral na patakarang pangwika na ipinatutupad
kaugnay ng gagamiting wikang panturo sa mga
paaralan.
Una, ituturo ito bilang isang sabjek o
aralin na bahagi ng kurikulum sa elementarya
at sekundarya.
Ikalawa, gagamitin ang Filipino bilang
wikang panturo sa mga tiyak na sabjek o
aralin na iniatas sa Patakarang Bilinggwal
noong 1974 at 1986.
Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang
layunin subalit magkatuwang ng kaganapan
sa pagkatuto.
Kinakailangang matutuhan ang Filipino
bilang isang wikang may sariling kakanyahan
upang magamit ito sa pagkatuto ng iba pang
sabjek na itinuturo sa Filipino at magiging
tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles na
pangalawang wika ng mga mag-aaral.
ANG PAGTUTURO NG WIKA BATAY SA DEPED KURIKULUM SA
FILIPINO
Sa ipinatupad na kurikulum ng DepEd para sa
pagtuturo ng Filipino may mga pananaw at simulain sa
pagkatuto ng wika na binibigyang pansin. Una ay ang
pagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral, ng
guro at ng teksto.
Mas mabisa ang pagkatuto kung nabibigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-isip, magpalitang-
kuro at tumanggap ng ideya mula sa iba. Ikalawa, ang
pagkakaroon ng integrasyon sa mga kasanayan at gawain sa
pagtuturo ng wika. Ang apat na makrong kasanayan sa wika
ay nakikita o naituturo sa isang kabuuan at hindi na hiwa-
hiwalay na tulad ng ginagawa dati (Whole Language
Approach and Integrative Approach).
Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa pag-aaral
ng wika. Dito ginagamit ang nilalaman ng ibang
aralin o disiplina sa pagtuturo ng wika (Content-
based Instruction / Literature-based Instruction.
Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng
Pagtuturo sa Sekondarya
Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit
itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralang
pambansa.
Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa
umiiral na patakarang pangwika na ipinatutupad
kaugnay ng gagamiting wikang panturo sa mga
paaralan.
Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa pag-aaral
ng wika. Dito ginagamit ang nilalaman ng ibang
aralin o disiplina sa pagtuturo ng wika (Content-
based Instruction / Literature-based Instruction.
Ang Kurikulum sa Filipino: Batayan ng
Pagtuturo sa Sekondarya
Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit
itinuturo ang Filipino sa ating mga paaralang
pambansa.
Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa
umiiral na patakarang pangwika na ipinatutupad
kaugnay ng gagamiting wikang panturo sa mga
paaralan.
Una, ituturo ito bilang isang sabjek o
aralin na bahagi ng kurikulum sa elementarya
at sekundarya.
Ikalawa, gagamitin ang Filipino bilang
wikang panturo sa mga tiyak na sabjek o
aralin na iniatas sa Patakarang Bilinggwal
noong 1974 at 1986.
Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang
layunin subalit magkatuwang ng kaganapan
sa pagkatuto.
Kinakailangang matutuhan ang Filipino
bilang isang wikang may sariling kakanyahan
upang magamit ito sa pagkatuto ng iba pang
sabjek na itinuturo sa Filipino at magiging tulay din
ito sa pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika
ng mga mag-aaral.
Ang Pagtuturo ng Wika Batay sa DepEd
Kurikulum sa Filipino
Sa ipinatupad na kurikulum ng DepEd para sa
pagtuturo ng Filipino may mga pananaw at
simulain sa pagkatuto ng wika na binibigyang
pansin. Una ay ang pagkakaroon ng interaksyon sa
pagitan ng mga mag-aaral, ng guro at ng teksto.
Mas mabisa ang pagkatuto kung nabibigyan
ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-isip,
magpalitang-kuro at tumanggap ng ideya mula sa
iba. Ikalawa, ang pagkakaroon ng integrasyon sa
mga kasanayan at gawain sa pagtuturo ng wika.
Ang apat na makrong kasanayan sa wika ay nakikita
o naituturo sa isang kabuuan at hindi na hiwa-
hiwalay na tulad ng ginagawa dati (Whole Language
Approach and Integrative Approach).
Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa pag-aaral
ng wika. Dito ginagamit ang nilalaman ng ibang
aralin o disiplina sa pagtuturo ng wika (Content-
based Instruction / Literature-based Instruction.
Sa pagsasaayos ng kurikulum inilapat ang Understanding by
Design (UBD) na modelo nina Jay Mctighe at Grant Wiggins.
Narito ang mga elemento ng kurikulum ng Edukasyong
Sekondari ng 2010
Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga
Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at maisagawa
ng mag-aaral sa loob ng isang markahan, yunit o kurso;
makikita sa bahaging ito ng Gabay sa Kurikulum ang mga
pamantayang pangnilalaman, pamantayan sa pagganap, mga
kakailanganing pag-unawa at mahalagang tanong.
A.1. Ang Pamantayang Pangnilalaman ay
ang mahahalagang paksa o konsepto na
dapat maunawaan ng mag-aaral sa bawat
asignatura. Sinasagot ng bahaging ito
ang tanong na, “Ano ang nais nating
matutuhan at maisagawa ng mag-aaral
pagkatapos ng isang markahan o yunit?”
A.2. Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang
tiyak na produkto o pagganap at ang antas o
lebel na inaasahang maisagawa ng mag-
aaral pagkatapos ng isang markahan o
yunit. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong
na: “Paano isasagawa ng mag-aaral ang
inaasahang produkto o pagganap? Anong
antas o lebel ng pagganap ang dapat
magawa ng mag-aaral upang makapasa siya
sa pamantayan?”
B. Ang mga Kakailanganing Pag- unawa ay
ang mahahalagang konsepto na dapat
matutuhan ng mag-aaral sa bawat
asignatura. Mga konseptong hindi
makakalimutan at magagamit ng mag-
aaral sa kanyang pamumuhay.
C. Ang Mahahalagang Tanong ay mga
tanong na nasa mataas na lebel at inaasahang
masasagot ng mag-aaral pagkatapos
ng isang markahan o yunit.
Kinakailangang ang mga ito ay nasasagot ng
Mga Kakailanganing Pag-unawa.
Antas 2: Pagtataya
Ito ang mga inaasahang produkto o
pagganap; inaasahang antas ng pag-unawa at
pagganap ng mag-aaral; at mga kraytirya o panukat
na gagamitin sa pagtatay ng inaasahang produkto o
pagganap.
A. Ang Produkto o Pagganap ay ang
inaasahang maisasagawa pagkatapos ng
isang paksa o markahan. Ito ang
magpapatunay na natutuhan niya ang
mahahalagang konseptong nakapaloob sa
isang markahan/asignatura.
B. Ang Antas ng Pag-unawa ang susukat sa
iba’t ibang aspekto ng pag-unawa ng mag-
aaral sa mahalagang konseptong dapat
niyang matutuhan. Masasabing may pag-
unawa na ang mag-aaral kung siya’y may
kakayahan nang magpaliwanag, magbigay ng
sariling kahulugan, makabuo ng sariling
pananaw, makadama at makaunawa sa
damdamin ng iba, makapaglapat, at makilala
ang kanyang sarili.
C. Ang Antas ng Pagganap ay ang inaasahang
produkto o pagganap na maisasagawa ng mag-aaral.
Makikita rin sa bahaging ito ang kraytirya sa
pagtataya ng nasabing produkto o pagganap.
Antas 3: Mga Plano ng Pagkatuto
Mga gawaing instruksyunal at mga kagamitan
na gagamitin ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum
na makatutulong upang matamo ang mga
pamantayan. Inaasahan ang pagiging malikhain ng
guro sa pagpapatupad ng antas na ito dahil
nakasalalay ang ikapagtatagumpay ng pagtuturo-
pagkatuto.
A. Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay binubuo ng
mga gawaing isasagawa ng guro at mag-aaral sa loob
ng klasrum upang matamo ang mga pamantayan,
matutuhan ang mga kakailanganing pag-unawa
at masagot ang mahahalagang tanong.
B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga guro at mag-aaral
upang maisakatuparan ang mga gawaing instruksyunal.
Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum
ng Edukasyong Sekondari ng 2010
Pamantayang Pangnilalaman
Masasalamin ba sa Pamantayang Pangnilalaman ang
resulta o inaasahang bunga? Ang mahalagang ideya, isyu,
prinsipyo o konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral sa
bawat asignatura na magagamit niya maging sa labas ng
paaralan?
Masusukat at matatamo ba ng mag-aaral ang mga
binuong pamantayan?
Pamantayang Pagganap
Masasalamin ba sa Pamantayan sa
Pagganap ang mga kraytirya kung paano
tatayain ang produkto o pagganap ng
mag-aaral?
Masasagot ba nito ang tanong na:
Ano ang inaasahang magagawa ng mag-
aaral?
Pamantayang Pag-unawa
Ito ba ang malalaki at
mahahalagang konsepto na nais
maipaunawa sa mag-aaral?
Masasailalim ba dito ang mga
manginahing suliranin, isyu na dapat
malaman ng mag-aaral?
Mahahalagang Tanong
Nakatuon ba ang mga tanong sa
mahahalagang isyu o suliranin?
Ang mga tanong ba ay masasagot ng
Kakailanganing Pag-unawa?
Ang mga tanong ba ay may kabuluhan sa
buhay ng mag-aaral? Sa lipunan?
Ang mga tanong ba ay kaagad na
masasagot ng mag-aaral?
Akma ba ang tanong sa kawilihan, edad
at kakayahan ng mag-aaral?
NARITO ANG MGA KATANGIAN NG KURIKULUM NG
EDUKASYONG SEKONDARI NG 2010
-nakatuon sa mahahalagang konsepto at
kakailanganing pag-unawa
-mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan) –
tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at ang antas ng
pagganap ng mag-aaral
-mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na
istratehiya upang malinang ang kaalaman at kakayahan ng
mag-aaral
-inihahanda ang mag-aaral tungo sa
paghahanapbuhay kung di man makapagpapatuloy sa
kolehiyo
-tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay
magagamit sa buhay.
Batayang Konseptwal ng Filipino
(Deskripsyon)

Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong


Sekondari ng 2010 (Secondary Education
Curriculum) ang Kapakipakinabang ng Lietrasi
para sa lahat (Functional Literacy For All) na
ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat
2015 (Education For All 2015).
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino
na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2)
kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literasi
ng mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang
limang kasanayan – pakikinig, pagbasa, panonood,
pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang dulog
at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo
ng Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa Nilalaman
(PBN) ng iba’t ibang tekstong literari (rehiyunal,
pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa tulong ng
iba’t ibang Teksto (PGRT).
Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga
pagpapahalagang pangkatauhan (Values
Integration) sa pag-aaral at pagsusuri ng iba’t
ibang tekstong literari.

Sa pamamagitan nito at matapos mapag-


aralan, masuri at magamit ang iba’t-ibang
teorya sa pagkatuto at paggamit ng wika, at
pagsusuring literasi, inaasahang matatamo ng
mga guro ng Filipino ang mga layuning
nabanggit batay sa inilarawan sa batayang
konseptwal.

You might also like