You are on page 1of 2

Filipino 206: Paggawa, Pagbuo at Paggamit ng mga kagamitang Pangkurikulum

Paksa: Mga Batayan sa Pagbuo ng Kurikulum


Ni: April Love Agoo-Custodio
Petsa:April 20,2018
______________________________________________________________________________________________

Apat na Mahahalagang Batayan sa Pagbuo ng Kurikulum


Marami nanag nailimbag na pag-aaral tungkol sa pagtuturo at pagkatuto sa iba’t ibang larangan
—mga pag-aaral na siyang nagbibigay sigkla sa risertser na tukuyin ang mga kahinaan at kalakasan
ng isang kurikulum at kung ano ang mga pangangailangan upang higit na magging angkop sa
kaalaman, kasanayan at kaugalian ng mga estudyante, lalong-lalo na sa panahon ng globalisasyon.
Ang kurikulum ay ang kabuuang nilalaman ng pag-aaral ng aralin, mga karanasan at kagamitang
sadyang pinili, binuo, at isinakatuparan para sa adhikain ng isang institusyon. Dahil dito, dapat nating
paunlarin ang kurikulum gaya ng ginagawa ng ibang bansa para maging “globally competitive” ang
bawat estudyante. (Mendoza, Rizalyn, 2011)

Sinasabing ang kurikulum ay ang “Pinakapuso ng Edukasyon”. Napakahalaga nito dahil ito ay
nagbigay patnubay at dahil dito ay nagiging sistematiko ang ating pagtuturo sa paaralan. Dahil sa
kurikulum ay nagkakaroon tayo ng mga tiyak na impormasyon sa ating mga aralin/paksang
tinatalakay at nakatutuklas ng mga panibagong dulog/metodo o teknik na magagamit natin sa
pagtuturo. Ang panahon ng globalisasyon ay panahon ng pagbabago. Kinakailangan nating pang e
develop/ paunlarin ang ating kurikulum upang tayo ay makasabay sa panahon, hindi mahuli sa kung
ano ang bago at upang mapabilang sa mga bansang globalisado.

Sa araling ito ay malalaman natin o matutuklasan ang mga mahahalagang batayan na dapat
isaalang-alang o sundin sa pagbuo ng isang kurikulum.

1. Lawak o Saklaw ng Kurikulum

Ang lawak o saklaw ng kurikulum ay kinakailangan ng idesenyo sa paraang makakamit ang anim (6)
na adhikain ng Edukasyon:

a. Pagkilala sa Sarili
b. Pakikipag-ugnayan sa kapwa
c. Pananagutang pangsibiko
d. Kasapatang pankabuhayan
e. Kakayahang mag-isip
f. Kakayahang matututo

Upang makamit ang mga adhikaing ito


ay hinhingi ng pangyayari na isama sa
kurikulum ang sumusunod na aralin;
Agham, Araling Panlipunan, Sining ng
Wika at Pakikipagtalastasan,
Kalusugan, Sining at Musika.

Ang lawak bg kurikulum ay


ipinapahayag sa pamamagitan ng
pamamaraang konseptuwal. Process
approach at pamaraang damdamin.
2. Pagkakasunod-sunod ng nilalaman ng kurikulum

Ang pagkakasunod-sunod ng kurikulum ay isinasagawa upang magkaroon ng kaayusan ang


pagtuturo ng mga aralin at upang maging maayos ang pagkatuto ng mga bata.

 Mga Prinsipyo na patnubay sa pagsasaayos ng mga hakbang sa pagtuturo;

a. Pagtuturo ng payak tungo sa hugnayan (siple to complex)


b. Pagganyak muna ng mga pinapayak o pinaliit na bahagi
c. Pagtuturo sa kabuuan ng pinapayak o pinaliit na pahagi
d. Pagsasaalang-alang sa pangangailangan ng mga bata at mga bagay na lubhang
kapakinabangan sa kanila.

3. Pagpapatuloy ng Pagkatuto

Hindi sapat ang minsanag pag-aaral upang makintal sa isip ng mga bata ang anumang pinag-
aaralan. Kailangan ang pag-uulit sa paraang di magiging kabagot-bagot sa mga bata.

Ang pag-uulit ay ginagawa sa bawat antas o baiting ng pag-aaral lamang at pahirap at


palawak ang mga ito.

4. Pag-uugnay ng mga aralin

Mahalaga ring patnubay sa pagbuo ng kurikulum ang kung paano maiuugnay ang mga aralin
sa mga imperatibo ng edukasyon (pagbaka sa populasyon, pangangalaga sa kagubatan,
pangangalaga sa enerhiya atbp.)

You might also like