You are on page 1of 8

Module No.

Topic 5: Ang Kurikulum

MODULE OVERVIEW

Maliwanag na pangangailangan para sa mga kasama sa akademikong institusyon na


mauunawaan bilang panimula ang esensya ng kurikulum na integratibo naman sa pag-unawa sa
kabuuang katuturan ng edukasyon. Para sa dalubhasa sa larang ng pagtuturo maituturing na proseso
ang isang edukasyon na ang pangunahing naglalaan nito ay lipunan na ang hangarin naman ay
mapaunlad ang kanyang mamamayan. At upang mapaunlad nang tiyak ang mamamayan sa tulong ng
edukasyon, kinakailangang mahusay na maihanda ang isang holistikong gawaing pangkaalaman at
pangkasanayan at gawaing pagkatuto. Dito ngayon pumapasok ang gampanin ng isang mahusay na
kurikulum. Ang Aralin 2 ay nakatuon sa kabuuan ng paksa na kurikulum. Saklaw nito ang mga sub-
aralin na: (Kahulugan ng Kurikulum); (2)Ang Pag-unlad ng Kurikulum sa Pilipinas; (3) Ang
Kurikulum bg Filipino sa Edukasyong Elementarya; (4) Layunin ng Filipino sa antas elementarya;
(5) Ang Kurikulum ng Filipino sa Edukasyong Sekondarya; (6) Layunin ng Fipino sa antas
sekondarya; (7) Ang kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersiyarya; (8) Mga Layuning Panlahat sa
Pagtuturo ng Balarila; at (9)Mga Layuning Panlahat sa Pagtuturo ng Panitikan.

LEARNING OBJECTIVES

a. Naipamamalas ang kaalaman sa kahulugan at kasaysayan ng kurikulum


b. Naiisa-isa at napaghahambing-hambing ang kurikulum at layunin ng Filipino sa antas
elementarya, sekundarya at tersyarya, at ang mga layuning panlahat sa pagtuturo ng balarila at
panitikan

LEARNING CONTENTS

 ANG KAHULUGAN NG KURIKULUM

 Curriculum - nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang "run the course of the


curriculum" o magpatakbo ng isang kurso sapagkat ang kurikulun ang nagsisilbing
pundasyon ng mga paaralan sa pagtuturo at pagkatuto.

 William B. Ragan at D.G. Sheperd -ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali kung
saan ang paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga
karanasang pampagkatuto.
 Sa pamamagitan ng kurikulum, integratibo ang karanasan at karanasang pang-edukasyonal
sa pagpapaunlad ng sitwasyong panlipunan ng mag-aaral

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


Sa gayon, ang kurikulum ay isang plano na nga gawaing pampaaralan at kasama pa rito ang
mga sumusunod:
1. ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral
2. pamamaraan sa pagtatasa at /o pagtataya ng/sa pagkatuto
3.krayterya at/o kuwalipikasyon upang mapabilang ang mag-aaral sa programa
4. inobatibo at malikhaing mga kagamitan sa pampagtuturo

Maliban sa nabanggit may limang basikong kahulugan pa ang kurikulum na maaring bigyang
konsiderasyon. Ito ay ang sumusunod:

1. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang plano upang matamo ang
mga adhikain. Ang plano ay kinabibilangan ng mga magkakasunod na hakbangin.
Sinasalalayan ito ng sumusunod na pagpapakahulugan:
 J. Galen Saylor- defines curriculum as " a plan for providing sets of learning
opportunities for person to be educated".
 David Pratt- Curriculum is an organized set of formal education and/or training
intentions.
 John Wiles and Joseph Bondi- view curriculum as a four-step plqn involving
purpose,design, implementation, and assessment.

2. Ang Kurikulum ay maaaring bigyan ng malawak nitong pagpapakahulugan na sumasaklaw


sa kabuuang karanasan ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng kahulugang ito ay maituturing na
anumang naisaplano sa loob at labas ng akademikong institusyon ay bahagi ng kurikulum.
Ang pagpapakahulugang ito ay sinasalalayan ng sumusunod na pagpapakahulugan:
 Hollis Caswell and Doak Campbell - view curriculum as "all experiences
children have under the guidance of teachers".
 Gene Shepherd and William Ragan- The curriculum consists of the ongoing
experiences of children under the guidance of the school.
 Collin Marsh and George Willis - views curriculum as all the "experiences in
the classroom that are planned and enacted".

3. Ang kurikulum ay isang sistema ng/sa pakikipag-ugnayan sa mga tao.

4. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang sangay ng pag-aaral na


nagtataglay ng sarili nitong mga pundasyon, domayn ng kaalaman, pananaliksik, teorya,
prinsipyo, at dalubhasa.

5. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan batay sa paksa (Matematika, Agham,


Ingles, Kasaysayan at iba pang katulad nito) o sa nilalaman (sa kung paano isinasaayosa at
inaasimila ang mga impormasyon).

 Bahagi ng Kurikulum

1.Aim - Balak o pakay, Paglalahad o pagpapaliwanag ng pangkalahatang layunin ng


kurikulum. Nakapaloob dito ang mga tagapakinig (audience) gayundin ang mga paksa.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


2.Rasyonale -Makatwirang Paliwanag, Mapaghimok na pagtatalo, dahil dito ipinaliliwanag
kubg bakit gustong magmungkahi at ang mga paggamit ng oras at mga pinagkukunan para sa
kurikulum.

3. Hangarin at Layunin - Talaan ng mga maaaring bunga ng mga matutuhan ng mga mag-
aaral batay sa magiging partisipasyon sa kurikulum. Nakapaloob din sa bahaging ito ang
pagpapaliwanag kung paano makatutulong ang kurikulum sa bansa at sa lipunan.

4. Mag-aaral at Mga Pangunahing Kailangan - Nagpapaliwanag kung sino ang


makikinabang sa binubuong kurikulum at mga pangunang kaalaman at kakayahan para sa
mabisang kurikulum.

5. Mga Kagamitan - Tala ng mga kakailanganing kagamitan para sa matagumpay na


pagtuturo ng mga asignatura sa kurikulum. Nakapaloob dito ang mga aklat at ibang babasahin

6. Planong Pampagtuturo - Nagsasaad ng/sa mga gawaing kukunin ng mag-aaral at ang


pagkakasunod-sunod nito. Napakaloob din sa bahaging ito ang maaaring gawain ng guro sa
klase. Estratehiya, metodo, dulog istilo ng pagtuturo.

7. Plano Para sa Pagtataya at Ebalwasyon - bahagi na binubuo ng mga kahingian at


pagsusulit na nakabatay sa layunin upang makuha ang kinakailangang pagpapaunlad sa
kurikulum.

 ANG PAG-UNLAD NG KURIKULUM SA PILIPINAS

Upang mapaunlad ang mga mamamayan sa tulong ng edukasyon, kinakailangang mahusay na


maihanda ang kalipunan ng kurso at gawaing pampagkatuto. Ito ngayon ang tinatawag na
kurikulum. May mga salik na isinasaalang-alang upang mapaunlad ang kurikulum, ito ay ang mga
sumusunod: Pamahalaan, Kultura, Pagpapahalaga, at Relasyong pang-internasyunal. Ang bawat
panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ay kinakitaan ng iba't ibang tuon ng kurikulum.

1. Kurikulum Bago ang Panahon ng Espanyol


2. Kurikulum sa Panahon ng Espanyol
3. Kurikulum sa Panahon ng mga Amerikano
4. Kurikulum sa Panahon ng mga Hapon
5. Kurikulum sa Ikatlong Republika hanggang sa Kasalukuyan

1.Kurikulum Bago ang Panahon ng Espanyol

-Bago pa dumating ang mga Espanyol, may nangunguna na noon sa Pilipinas, ito ay ang mga tribo.
Sila ang nagtuturo sa mga estudyante at nagsisilbing guro. Ngunit ito ay hindi pormal, magulo, at

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


kulang sa kagamitan. Sa ilalim lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo, nakaupo lamang ang mga
bata sa lupa at gumagamit lamang sila ng makikinis na bato sa pagsulat.

Mas itinuturo sa mga bata ang bokasyon kumpara sa akademiko sapagkat mas mahalaga noon sa
kanila ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi maging ang pangangaso,
pangingisda, at paghahanap buhay kaysa sa pag-aaral. Pangangaso para sa mga lalaki at mga
gawaing bahay para sa mga babae. Ito ay maagang preparasyon para sa kanilang pag-aasawa.
Gayunpaman ay may pagpapahalaga pa rin naman sa edukasyon, mayroon ng sariling alpabeto ang
mga Pilipino ito ay ang Alibata na siyang gumagabay sa kanilang pagsusulat at pagbabasa. Ang
edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay. Ang mga magulang at
nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata.

2.Kurikulum sa Panahon ng Espanyol

-Malaki ang naging gampanin ng pagdating ng iba’t ibang misyonero sa Pilipinas pagdating sa
sistema ng edukasyon. Naging pangunahin nilang layunin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo
sa bansa kung saan nagtatag sila ng iba’t ibang paaralan sa bansa para maisakatuparan ang
kanilang layunin. Ang Edukasyon ay isang paraan ng mga Espanyol upang mahimok ang mga
Pilipino sa Katolisismo. Ang mga misyonaryong prayleng ito ay nagpapakilala ng isang bagong
paraan ng pag-aaral na ang binigyang diin ay ang pananampalatayang Kristiyano.Naging
relihiyoso ang mga Pilipino.

-Ang unang ginawa ng mga Espanyol ay ang pagsunog sa mga tala na ginawa o sinulat ng ating
mga ninuno sa mga dahon at balat ng punong kahoy. Ang sabi nila ang mga ito ay kagagawan ng
diyablo. Ang mga talang sinunog ay pinalitan ng mga aklat-dasalan at mga babasahin tungkol sa
relihiyong Katoliko sapagkat sa paniniwala nila ay tanging sa bibliya lamang matatagpuan ang
tamang itinuturo pagdating sa pag-aaral.

-Nakapagpatayo ang mga Espanyol ng paaralan para sa mga bata at may mga upuan na rin sila.
Unang naitatag ang mga paaralang parokyal at ang mga paring misyonero ang naging mga unang
guro. Itinuro dito ang relihiyong Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat, pagbasa,
aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga mag-aaral maging ang
mga dasal. Mayroon ding mga paaralang itinayo para sa mga lalaki at babae. Ang unang
paaralang itinatag para sa mga babae ay ang Sta. Potenciana noong 1589. Ang naitatag naman
para sa mga lalaki ay ang Kolehiyo ng San Ignacio sa Maynila noong 1589.

3.Kurikulum sa Panahon ng mga Amerikano

Sa halip na armas tulad ng baril ang dapat na hawak ng mga sundalong Amerikano ay
napalitan ito ng mga aklat sapagkat sila ang naging unang guro ng mga Pilipino sa
panahong ito.

Agosto 23, 1907


- dumaong ang barkong Thomas sa Pilipinas lulan ang mga Thomasites, na silang
nagsilbing tagapagligtas sa kumunoy ng kamangmangan ng mga Pilipino. itong taon ang
itinakdang pag-aaral sa Elementarya noong Panahon ng mga Amerikano narito ang ilan sa
mga itnuro noong mga panahong ito:
a.pagbasa,
b.pagsulat,

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4


c.pagbaybay,
d.aritmetika,
e.musika,
f.pagguhit,
g. sining,
h.industriya,
i.agham panlipunan,
j. edukasyong pangkalusugan,
k.edukasyong pangkagandahang-asal.

-Samantalang apat na taong kurso naman ang inilaan ng mga Amerikano para sa mataas na
paaralan. Ipinakilala rin ng mga Amerikano ang sistema ng pampublikong paaralan sa
Pilipinas na kung saan ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos
upang makapag-aral ng libre. Tinawag sila bilang mga pensyonado (iskolar). Isa si Camilo
Osias sa naging iskolar at naipadala sa bansang Estados Unidos ngunit ang kapalit nito ay
dapat magsilbi sila gobyerno. Bilang pagtugon ay naglingkod si Osias bilang Senador sa
Pilipinas.

Maraming pagbabago ang naganap sa sistema ng edukasyon sa panahon ng mga


Amerikano. Maraming mga pampublikong paaralan ang naitayo upang maraming mga
Pilipino ang makapag-aral. Ingles ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang-diin
ang kulturang Amerikano sa leksiyon.

4.Kurikulum sa Panahon ng mga Hapon

-Ang Edukasyon ang isa sa pinakamakapangyarihan institusyong humuhubog sa katauhan


ng isang nilalang. Ito ang isa sa mga sandatang ginamit ng mga Hapones upang hubugin
ang kaisipan ng mga Pilipino sa adhikaing napakaloob sa patakarang Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere. Noong 1942 , nilikha ang Commission of Education, Health, and Public
Welfare sa bisa ng Military Order No. 2 ng pamahalaang Hapones.

Bahagi ng simulain nito ang mga sumusunod;

a.una, pagpapaintindi sa mga mamamayan ng kalagayan ng Pilipinas bilang kasapi ng


Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
b.Pangalawa, pagsupil sa mga kaisipang Kanluraning nag-uugnay sa mga Pilipino at sa mga
bansa sa Kanluran, partikular sa mga bansang Gran Britanya at ang Estados Unidos.
c.Pangatlo, pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan ng pagigigng
Oryental o Asyano,
d.Pang-apat, pati na rin ang pagtuturo ng wikang Nihonggo. Panglima, pagkakaloob ng
edukasyong elementarya at bokasyunal, at pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.

Ang Ordinansa Militar Blg. 13 ay isa ring batas na ipinatupad ng mga Hapones noong
sinakop ng nasabing dayuhan ang bansa. Ito ay pumapatungkol sa paggamit ng wikang
Filipino at Niponggo bilang wikang opisyal ng Pilipinas higit lalo sa larangan ng kalakalan,
pamahalaan at edukasyon. Layon nitong mawaksi sa isipan ng mga pilipino ang wikang
Ingles na dulot ng mga Amerikano.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 5


Gayunpaman ay masasabing hindi gaanong nagtagumpay ang mga Hapones na
hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng edukasyon.

5.Kurikulum sa Panahon ng Ikatlong Republika Hanggang sa Kasalukuyan

-Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay pinasinayaan noong Hulyo 4, 1946. Sa


panunungkulan ng mga Pangulo ay hindi rin nakaligtas ang pagpapabuti sa kalagayan ng
edukasyon sa bansa. Pagkatapos ng digmaan, ang pangunahing suliraning hinarap ng bansa
ay ang rehabilitasyon o pagbibigay tatag ng pamumuhay ng mga Pilipino sapagkat
malaking pinsala ang nagawa nito.
Ipinagpatuloy ang maka-amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro pa rin ang mga
kaisipang pangdemokrasya at Ingles pa rin ang wikang panturo.

Maraming nakitang suluranin sa edukasyon noong panahong ito gaya ng kakulangan sa


mga silid-aralan dahil sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral sa mga pampublikong
paaralan. May silid aralan man, ang mga ito naman ay halos hindi rin nakakatulong dahil sa
kawalan ng proper ventilation,kawalan ng malinis na palikuran at maaayos na mga upuan.
Isa rin sa mga suliranin ay ang kakulangan sa bilang ng sapat na libro kung kaya't
mababang kalidad ng edukasyon ang natatanggap ng mga mag- aaral. Naging
pansamantalang silid aralan ang mga kubol at kung saan mang lugar na may sapat na
espasyo para magturo habang utay-utay na inaayos ng pamahalaan ang mga suliranin.
At huli ay ang maling paggamit ng wikang panturo, hindi maipaliwanag ng simple, maayos
at maipaintindi ng mga guro ang mga aralin dahil sa hirap ang karamihan sa wikang hindi
naman kinagisnan.

 Ang Kurikulum ng Filipino sa Edukasyong Elementarya


Upang maging makabuluhan ang pagtatalakay ng mga aralin sa Filipino, nararapat na sundin ng
mga guro ang tatlong prinsipyo na:
A. INTEGRATIBO
B. INTERAKTIBO
C. KOLABORATIB
-Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat
at pag-iisip sa Filipino.

Inaasahang Bunga Mithiin:


Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat); nagpapamalas ng
kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa
kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa
mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig

 Ang Kurikulum ng Filipino sa Edukasyong Sekondarya

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 6


- Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa tawag na Education Act of 1982 ang
sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya:

1. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa elementarya.


2. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo.
3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho.

Ang Layunin ng Filipino sa Kurikulum


1. Madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng mataas, kritikal at masining na
pag-iisip, at sa mas malawak na pagkaunawa at gawaing pagpapahayag sa iba’t ibang tunay na
sitwasyon.
2. Mapalawak ang siyentipiko at teknolohikal na kaalaman at kakayahan bilang daan sa
pagpapalago ng mga nakatagong kalakasan para sa sariling pag-unlad at pagtataguyod ng
kagalingang panlahat.
3. Madebelop at maliwanagan ang mga mag-aaral sa kanilang pangako sa pambansang mithiin sa
pamamagitan ng pag-unawa, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng mga kaaya-ayang tradisyon at
pagpapahalaga ng lahing Pilipino.
4. Makapagtamo ng produktibo at entreprenyurial na kakayahan, kagandahang- asal sa trabaho
at kaalamang pangkabuhayan na mahalaga sa matalinong pagpili at pagpapakadalubhasa sa
magiging propesyon.
5. Magtamo ng mga kaalaman, makahubog ng mga kanais-nais na pag- uugali at matutunan ang
mga moral at ispiritwal na pagpapahalaga sa pagkaunawa sa kalikasan at hangarin ng tao sa
sarili, kapwa tao at sa iba pa, kultura at lahi sa sariling bansa at maging sa komunidad ng mga
nasyon.
6. Mapataas ang sariling kakayahan at pagpapahalaga sa sining at isports.

Inaasahang Bunga: Layunin:


-Nakadebelop ng mga mag-aaral na nagtataglay ng sapat na mga kaalaman, kakayahan at
kasanayan sa paggamit ngg akademikong wika sa pakikipagtalastasan upang masabing mahusay
at mabisang komyunikeytor sa Filipino

 Ang kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersiyarya

-Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994, ang komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon (CHED) ay naatasang ipatupad ang sumusunod na katungkulan:
A. Itaguyod ang mahusay o de kalidad na edukasyon.
B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay matamo o para sa lahat
(accessible to all); mapaunlad ang responsible at epektibong pamamahala, patingkarin ang
karapatan ng mga guro sa pagsulong na propesyunal at mayaman ang kasaysayan at kulturang
minana.

Republic Act (RA) No. 7722 (Higher Education Act of 1994)

CHED Memo Blg. 59, S. 1996 • Binuo ang “New General Education Curriculum”

CHED Memo Blg. 4, S. 1997


• Implementasyon ng CHED Memo Blg. 59

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 7


• Humanities, Social Sciences, communications – 9 na yunit sa Filipino at 9 na yunit sa Ingles •
Math, Science and Technology, Vocational – 6 yunit sa Filipino at 9 yunit sa Ingles
• Literatura 1 – ituturo sa Ingles at Filipino
• Literatura 2 – depende sa Higher Education Institute

Ang Filipino sa Binagong Kurikulum (General Education) (CHED Memo Blg. 30, S. 2004)
Filipino
1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino Filipino
2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino
3: Masining na Pagpapahayag
Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas
Literatura 2: World Literature

 Layunin sa Pagtuturo ng Panitikan

•Makapagpahayag ng sariling ideya o kaisipan ang isang tagapagsalita.


• Maunawaan ng tagapakinig ang ibig ipabatid ng nagsasalita.
• Masagutan ng kausap ang tanong o kaisipang nais iparating ng kanyang kaharap.
• Magkaroon ng ganap na pagkatuto: indaktibo at dedaktibo.
• Maragdagan ang kasanayang komunikatibo ng mga mag-aaral.

LEARNING ACTIVITIES

GAWAIN BLG.1

Magsagawa ng panayam sa isang guro o kakilala na may kinalaman tungkol sa mga sinaunang
kurikulum hanggang sa kasalukuyan.

GAWAIN BLG.2

Bumuo ng talahanayan na nagpapakita ng pagkakaiba ng layuning panlahat sa pagtuturo ng


balarila at panitikan.

REFERENCES

Bauzon, Priscillano.(2001). Foundations of Curriculum Development and Management. Manila National


Book Store Inc.
https://www.slideshare.net/CharmaineMadrona1/ang-paglinang-ng-kurikulum
https://www.academia.edu/36654830/Ang_Pagtuturo_ng_Panitikan_203

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 8

You might also like