You are on page 1of 15

KURIKULUM SA ILALIM NG 1997

 Sa ilalim ng Kurikulum ng 1997, tinutukan ang pagpapalakas ng mga asignatura na


kinakailangan para sa mahahalagang kasanayan at kaalaman, bukod sa pagkakaroon ng mga
pagpipilian para sa mga estudyante

MGA PINATUPAD NA KURIKULUM
I.NEW GENERAL EDUCATION CURRICULUM
Ang New General Education Curriculum (GEC) na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED)
sa pamamagitan ng CHED Memo Order 59, s. 1996 ay isang kurikulum na naglalayong magbigay ng mas
malawak at mas makabuluhang edukasyon sa mga mag-aaral sa kolehiyo, na may pagtuon sa mga
pangunahing kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga.

1. CORE COURSES-Ito ay ang mga asignaturang kinakailangang kunin ng lahat ng mga mag-aaral
sa kolehiyo, anuman ang kanilang kurso o programa.
2. ELECTIVE COURSES-Ito ay ang mga asignaturang maaaring piliin ng mga mag-aaral sa kolehiyo,
batay sa kanilang interes, pangangailangan, o kakayahan.
3. SPECIALIZED COURSES-Ito ay ang mga asignaturang tumu- tugon sa mga partikular na layunin
o pangangailangan ng mga mag-aaral sa kolehiyo, tulad ng Professional Development,
Community Service, Research at Internship.
II. REVISED BASIC EDUCATION CURRICULUM Ang Revised Basic Education Curriculum
(RBEC) na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng DepEd Order No. 25, s.
1997 ay isang kurikulum na naglalayong mabawasan ang bilang ng mga asignatura sa elementarya at
sekondarya, at magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga pangunahing konsepto at aplikasyon.
1. BASIC LITERACY PROGRAM-Ito ay ang mga asignaturang nagtuturo ng mga batayang
kasanayan sa pagbabasa, pagsulat, at pagbilang, na kinakailangan para sa pagkatuto ng iba
pang mga aralin.
2. BASIC COMPETENCY PROGRAM-Ito ay ang mga asignaturang nagpapalawak ng kaalaman,
kasanayan, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa iba't ibang larangan.
3. BASIC DEVELOPMENT PROGRAM-Ito ay ang mga asignaturang nagpapatibay ng kakayahan at
potensyal ng mga mag-aaral sa iba't ibang aspeto ng pagkatao.

KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS: KASALUKUYANG PANAHON


ANG k to 12 PROGRAM
Ay isang programa na inilabas ng DepEd sa pamamagitan ng Republic Act 10533 o ang
Enhanced Basic Education Act of 2013. Ito ay naglalayong palawigin ang basic education
cycle mula sa dating 10 taon hanggang sa 12 taon, na may karagdagang dalawang taon ng
senior high school. Ito ay naglalayong mapaghandaan ang mga mag-
aaral para sa mas mataasna antas ng edukasyon, trabaho, o negosyo³.

BAHAGI:
KINDERGARTEN
•Ito ay isang taon ng paghahanda para sa elementarya,kung saan natututo angmga bata
ng mga batayang kasanayan sa pagbabasa, pagsulat, at pagbilang, gamit ang kanilang
mother tongue.

ELEMENTARYA
•Ito ay anim na taon ng pag-aaral, kung saan natututo ang mga bata ng mga
pangunahingkonsepto at aplikasyon sa iba’t ibang larangan, tulad ng Filipino, English,
Mathematics, Science and Technology, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao,
EdukasyongPantahanan at Pangkabuhayan, at Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan
at Kalusugan.

JUNIOR HIGH SCHOOL


•Ito ay apat na taon ng pag-aaral, kung saan natututo ang mga mag-aaral ng mga mas
malalim at mas komplikadong aralin sa iba’t ibang larangan, tulad ng Filipino, English,
Mathematics, Science and Technology, Araling Panlipunan,
Edukasyon sa Pagpapakatao, Technology and Livelihood Education, at Music, Arts, Physical
Education and Health.

SENIOR HIGH SCHOOL


•Ito ay dalawang taon ng pag-aaral, kung saan makakapili ang mga mag-
aaral ng kanilang track o landas na babagay sa kanilang interes at pangarap. Ang mga track
ay ang mga sumusunod: Academic Track (na may apat na strands: Accountancy, Business
and Management; Humanities and Social Sciences; Science, Technology, Engineering and
Mathematics; at General Academic), Technical-Vocational-Livelihood Track
(na may iba’t ibang specializations), Sports Track (namay iba’t ibang sports disciplines), at
Arts and Design Track (na may iba’t ibang arts fields).

MOTHER TONGUE BASED MULTILINGUAL EDUCATION


 Ang Mother Tongue ay ang ating unang wika o inang wika na ating kinagisnan at
natamo mula sa pagkasilang hanggang sa oras na magamit ang at maunawaan ng
isang individual

12 PANGUNAHING WIKA
 Tagalog
 Cebuano
 Iloko/Ilokano
 Hiligaynon
 Bicolano
 Waray
 Kapampangan
 Pangasinense
PATAY NA WIKA
 Inagta Isarog ng Camarines Sur;
 Ayta Tayabas ng Tayabas, Quezon;
 Katabaga ng Bondoc Peninsula, Quezon;
 Agta Sorsogon ng Prieto Diaz, Sorsogon; at
 Agta Villa Viciosa ng Abra.

UNTI-UNTING NAWAWALA
 Arta ng Nagtipunan, Quirino na 11 na lamang ang nagsasalita;
 Inata ng Cadiz, Negros Occidental na mayroon na lamang 30 na nagsasalita;
 Inagta Iraya ng Buhi, Camarines Sur na 113 na lamang ang nagsasalita; at
 Ayta Ambalá ng Subic, Zambales na 125 na lamang ang nagsasalita.

KAHULUGAN NG KURIKULUM AT KALINANGAN NG KURIKULUM


 salitang latin “curere” “to run; the course of the race.” O “a runway on which one
runs to reach a goal. 1820. Ayon kina Ragan at Shepherd ang kurikulum ay
isangdaluyang magpapadali.

Ang kurikulum ay isang plano ng mgagawaing pampaaralan at kasama rito angsumusunod


•ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral,
•ang paraan kung paano layahin angpagkatuto
• ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap saprograma,
at ang mga kagamitang pampagtuturo

5 BASIC KAHULUGAN NG KURIKULUM

UNA
•Ayun kay J. Galen Saylor ang kahulagan ng kurikulum ay isang plano para sapagbibigay
ng mga pagkakataon sa mga tao na makapag-aral.

•Para naman kay David Pratt Ang kurikulum ay isang organisadong set para sa pormal na
edukasyon at mgaintensyon sa pagsasanay”

•Sa pahayag naman nina John Wiles at Joseph Bondi “angkurikulum ay may apat na
hakbang, ito ay ang layunin, disenyo, pagpapatupad at pagtatasa.

PANGALAWA
•Ayun kina Hollis Caswell at Doak Campbell lahat ng mga karanasang kailangan ng
mga bata ay nasa ilalim ng patnubay ng guro.

•Para kina Gene Sheperd at William


Ragan, ang kurikulum ay binubuo ng mga patuloy na karanasan ng mga bata sa ilalimng pat
nubay ng paaralan.

PANGATLO
Ang kurikulum ay isang Sistema na pakikipag-ugnayan sa kapwa.

PANG APAT
Ang kurikulum ay maaring tukuyin bilang isang larangan ng pag-aaral na may sariling
pudasyon, domain ng kaalaman, pananaliksik, teorya, prinsipyo at espesyalista.

PANGLIMA
Maaaring tukuyin ang kurikulum sa mga tuntunin ng paksa (matematika, agham.
Ingles, kasaysayan at iba pa) o nilalaman (ang paraan ng ating pag-aayos at pag-
asimilasyon ng impormasyon

BAHAGI
•Balak o Pakay, Paglalahad o pagpapaliwanag pangkalahatang pakay ng kurikulum
. Napakaloob dito ang mga tagapakinig (audience) pati na rin ang paksa.
Rationale
– Makatwirang Paliwanag, Mapaghimok na pagtatalo, dahil ditoipinaliliwanag kung bakit gusto
ng magmungkahi at ang mga paggamit ng oras at mga pinagkukunan para sa kurikulum.
•Hangarin at Layunin – Talaan ng mga maaring bunga ng mga matutuhan ng mgamag-aaral
base sa magiging partisipasyon sa kurikulum. Napakaloob rin dito angpagpapaliwanag kung p
aano makatutulong ang kurikulum sa bansa at sa lipunan. Mag-
aaral at mga pangunang Kailangan – Nagpapaliwanag kung sino angmakikinabang sa kurikul
um at moa pangunang kaalaman at kakayahan para samabisang kurikulum.
•Mga Kagamitan – Tala ng mga kakailanganing kagamitan para sa matagumpay napagtuturo
ng kurikulum. Napakaloob dito ang mga *web pages”, mga aklat, mgamesa, papel, chalkboard,
calculator,
at iba pang karaniwang kagamitan.Matalinong pagpaplano – Nagsasaad sa mga gawaing kuku
nin ng mga mag-aaralat ang pagkasunod-sunod nito.Napakaloob rin dito kung ano ang maari
ng gawinng guro sa klase. Ebalwasyon o Pagkilatis – Binubuo ng mga model
project, mgahalimbawa ng tanong sa pagsusulit at iba pang kakailanganin sa assessment.
KATANGIAN
• Kabilang dito ang lahat ng karanasan ng mga bata kung saan ang paaralan ay Responsible.
Ito ay may nilalaman, Ito ay isang sistema para sa pakikitungo samga tao, Ito ay isang plano.
Ito ay isang serye ng mga kursong kukunin ng mgamag-aaral.

Pagpaplano ng Kurikulum konstitusyon at Kalinangan


ng Kurikulum

 Ang pagpaplano ng Kurikulum para sa konstitusyon at Kalinangan ay isang malawak


na proseso na kinakailangan ng malalim na pag-unawa sa mga pangangailangan
ng mag-aaral, lipunan, at kultura.
 Ang konstitusyon ng Kurikulum ay dapat magtakda ng mga layunin,mga pangunahing
Konsepto, at mga pamamaraan ng pagtuturo na tumutugon sa mga pangangailangan at
interes ng mag-aaral.

Mga stakeholder sa pagpaplano ng Kurikulum


1. MAG-AARAL
-Sila ang pangunahing beneficiary ng Kurikulum.
2. GURO AT PAMAMAHALA NG PAARALAN
-Ang mga Guro ay mahalagang kasangkapan sa pagpapaunlad ng Kurikulum
3. MGA MAGULANG
-Mahalagang stakeholders din ang mga magulang o tagapag-alaga ng mag-aaral
4.INDUSTRIYA O KOMUNIDAD
-ipinapakita nito ang pangangailangan para sa
kaalaman at kasanayan.
5. MGA EKSPERTO SA LARANGAN
-Maaaring Kasama rin ang mga eksperto sa larangan, akademiko man o praktisyan.

Kalinangan Ng Kurikulum
~ito ay tumutukoy sa mga kaalaman, paniniwala, tradisyon, sining, Wika, at iba't ibang
aspeto ng kultura na Kasama o naipapahayag sa nilalaman ng Kurikulum.
~ito ay naglalayong bumuo ng isang mas malawak at malalim na perspektiba sa pag-
aaral na lumalabas
sa loob at labas ng silid-aralan

Pangunahing hakbang sa pagbuo ng Kurikulum


1.Pagsusuri at Pangangailangan ~ito ay pagsusuri ng pangangailangan ng mag-aaral,
lipunan, at industriya.
2. Paghahanda ng layunin at Nilalaman~Dito nililinaw ang mga pangunahing
layunin,at nilalaman ng Kurikulum.
3.Pamamaraan ng Pagtuturo ~Pumipili ng mga tamang pamamaraan at estratehiya
ng pagtuturo na makakatulong sa pagtamo ng layunin.
4. Pagsusuri at Pagtataya~ isinasagawa ang proseso ng pagsusuri upang matiyak ang
pagkaunawa at kasanayan ng mga mag-aaral.
5. Ebalwasyon at pagsasaalang-alang ~Sa Huli, ang Kurikulum ay sinusuri at inaayos
batay sa feedback ng mga guro at mag-aaral.

MGA STAKEHOLDER
•Mag-aaral
•Guro at Pamahalaan
•Mga Magulang
•Industriya o
Komunidad
•Mga eksperto sa larangan

PANGUNAHING HAKBANG SA PAGBUO NG ISANG KURIKULUM


1.Pagsusuri at Pangangailangan. Ito ay pagsusuri ng pangangailangan ng mag-aaral,
lipunan, at industriya. Ginagamit ang Datos at pananaliksik upang tukuyin kung ano
ang mahalaga at kailangan matutunan ng mag-aaral.
2.Paghahanda Ng layunin at Nilalaman. Dito nililinaw ang mga pangunahing
layunin at Nilalaman ng Kurikulum. Tinutukoy kung ano ang dapat matutunan at
kung paano ito maipapasa sa mga mag-aaral.
3.Pamamaraan ng Pagtuturo. Pumipili Ng mga tamang pamamaraan at estratehiya
ng pagtuturo na makakatulong sa pagtamo ng layunin. Ito ay maaaring maging
aktibidad, proyekto o tradisyunal na pagtuturo .
4.Pagsusuri at Pagtataya. Isinasagawa ang proseso ng pagsusuri upang matiyak ang
pagkaunawa at kasanayan ng mga mag-aaral. Ang mga pagtataya ay maaaring
sumailalim sa pagbabagi depende sa mga resulta ng pagsusuri.
5.Ebalwasyon ar pagsasaalang-alang. Sa huli, ang kurikulum ay sinusuri at inaayos
batay sa feedback ng mga guro at mag-aaral. Ito ay isang patuloy na proseso upang
siguruhing ang kurikulum ay patuloy na naaayon sa pangangailangan ng mag-aaral
at Lipunan.

PUNDASYON NG PAGPLAPLANO NG KURIKULUM


 ay isang mahalagangproseso sa larangan ng edukasyon.

PAMANTAYAN SA EDUKASYON
•Kasanayan at kaalaman
•Pamayanan at kultura
•Pagtutok sa mag-aaral
•Mga bagong teknolohiya
•Ebalwasyon

BAKIT MAHALAGA ANG PUNDASYON NG PAGPLAPLANONG KURIKULUM?


 Mahalaga ito dahil ito ang nagbibigayng direksyon at estruktura sa buongproseso ng
edukasyon.

Ano ang nilalaman ng Kurikulum?

Ang Kurikulum ay nangangahulugan lamang ng kabuoan ng kung ano ang ituturo sa isang
Sistema ng paaralan. Ang sangkap ng nilalaman ng sitwasyon ng pagkatuto ng pagtuturo ay
tumutukoy sa mahahalagang katotohanan, prinsipyo at konsepto na dapat ituro. Maaari itong
maging sa anyo ng kaalaman, kasanayan, pag-uugali at pagpapahalaga na inilantad sa mga mag-
aaral. Ang paksa o nilalaman ay mahalaga kong ito ay napili at naayos para sa pagpapaunlad ng
mga aktibidad sa pag-aaral, kasanayan, proseso, at pag-uugali. Sa madaling salita, pumili ng
nilalaman o paksa na maaring makamit ang pangkalahatang layunin ng kurikulum.

Pagpili at Organisasyon ng nilalaman ng Kurikulum

Ang disenyo ng kurikulum ay nagpapasya tungkol sa 'hugis' ng isang plano sa kurikulm.


Nagsasangkot ito ng pagpili ng nilalaman sa naayon sa maa layunin at layunin ng kurikulum.
napiling nilalaman ay kailangang isa na makakatulong sa guro sa pagpili at pag-aayos ng mga
naaangkop na karanasan sa pag-aaral para sa silid aralan sa kasong ito, ang pokus ng disenyo ng
kurikulum batay sa pagpili at Samahan ng nilalaman para sa mga nagaaral at mga karanasan sa
pag-aaral (mga aktibidad), ang pagpili ng nilalaman at ang mga karanasan sa pag-aaral ay
ibabatay sa maayos na balangkas ng teoretikal.

Pamantayan para sa pagpili ng paksa-bagay o nilalaman ng kurikulum:

1. Pagkasarili (self-sufficiency)- upang matulongan ang mga mag-aaral na makamit ang


maximum ng sariling kakayahan sa pinaka-matipid na pamamaraan ay ang pangunahing gabay
prinsipyo ng paksa o pagpili ng nilalaman. Bagaman ang ekunomiya ng pagaaral ay
nagpapahiwatig ng mas kaunting pagsisikap sa pag-tuturo at mas kaunting pag gamit ng mga
mapagkukunang pang-edukasyon, ang mga mag-aaral ay nakakakuha ng masmaraming mga
resulta. Maaari nilang makayanan ang mga kinalabasan sa pag-aaral nang mabisa.Ang
pamantayan na ito ay nangangahulugan na ang mga mag-aaral ay dapat bigyan ng
pagkakataongmag-eksperimento, magmasid, at mag-aral sa larangan.Pinapayagan ng sistemang
ito na matuto nangnakapac Naisip ang prinsipyong ito, k bumalik ang mga mag-aaral, dapat
silang magpakita ngmga output

mula sa aktibidad.

2. Kahalagahan (signifficance)- ang paksa o nilalaman ay mahalaga kung ito ay napili at naayos
para sa pagpapaunlad ng mga aktibidad sa pag-aaral, kasanayan, proseso, at pag-uugali. Binubuo
din nito ang tatlong mga domain ng pag-aaral na katulad ng kasanayan sa
Kawastuan

3.wasto(validity)- Ito ay tumutukoy sa pagiging tunay ng paksa o nilalaman na iyong pinili.


Siguraduhin na ang mga paksa ay hindi lipas na. Halimbawa, huwag isama ang typewriting
bilang isang kasanayang matutunan sakolehiyo mag-aaral. Dapat tungkol sa computer
Teknolohiya ng Impormasyon (IT). Sa gayon, kailangang suriin regular na paksa ng paksa o
nilalaman ng kurikulum, at palitan ito kung kinakailangan.Huwag maghintay para sa isa pang 5
taon upang baguhin ito. Ang mga eksperto sa modernongkurikulum ay sumusunod sa
kasalukuyang mga uso, kaugnayan at pagiging tunay ng kurikulum; kunghindi man, ang paaralan
o bansa ay naging lipas na.

4. Interes- Ang pamantayan na ito ay totoo sa kurikulum na nakasentro sa mga nag-aaral. Mas
natututo ang mga mag-aaral kung ang paks makahulugan sa kanila. Nag makabuluhan kung
interesado Sina rito. Gayunpaman, kung ang kurikulum ay nakasentro sa paksa, ang mga guro ay
walang ibang pagpipiliankundi ang tapusin ang iskedyul ng bilis ng paglipat sa relihiyon at
magturo lamang kung ano ang nasalibro. Ang pamamaraang nagpapaliwanag ito kung maraming
nabigo sa paksa. bakit

5.Kabuluhan (Utility)- Ang isa pang pamantayan ay ang pagiging kapaki-pakinabang ng


nilalaman o paksa. Iniisip ng mga mag-aaral na ang ilang mga paksa ay hindi mahalaga sa kanila.
Tinitingnan nila itong walang silbi. Bilang isang resulta, hindi sila nag-aaral. Dito ang mga
katanungang madalas itanong ng mga mag-aaral: Kakailanganin ko ba ang paksa sa aking
trabaho? Magbibigay ba ito ng kahulugan sa akingbuhay?Mapapaunlad ba nito ang aking mga
potensyal? Malulutas ba nito ang aking problema? Ito ay magigingbahagi ng pagsubok?
Pinahahalagahan lamang ng mga mag-aaral ang paksa o nilalaman kung kapaki-pakinabang ito
sa kanila.

6. Kakayahang matuto- Ang paksa o nilalaman ay dapat na nasa loob ng sistema ng mga nag-
aaral. Dapat ay nasa loob ng kanilang mga karanasan. Dapat ilapat ng mga guro ang mga teorya
sa sikolohiya ng pag-aaral upang malaman paano ang mga paksang ipina pagkasunod sunod, at
pagkakaayos upang mapalawakang kakayahan sa pag-aaral ng mga mag-aaral

Mga Prinsipyo ng Organisasyon ng Nilalaman

Matapos magpasya sa nilalaman, ang susunod na hakbang ay ang pag-aayos ng nilalaman sa


isang form na magpapadali ng pag-aaral. Sa kasong ito, ang kurikulum ay ang dapat ituro at kung
paano ito itinuturo. Ang mga sumusunod na mga prinsipyo ay naimumungkahi sa nilalaman ng
organisasyon; saklaw, pagkasunod-sunod, pagsasalita at balance. pagpapatuloy,

 Saklaw- ang saklaw ay tumutukoy sa parehong lawak at lalim ng nilalaman at may


kasamang mga paksa, karanasan sa pag-aaral at pag-aayos ng mga nilalaman na
matatagpuan sa plano ng kurikulum. Sa kasong ito, kapag ang mga tagabuo ng kurikulum
ay nakikibahagi sa pagpapasya kung gaano karaming nilalaman ang dapat isama,
tinutukoy nila ang saklaw ng kurikulum. kay Ornstein at Hunkins (1 kapag nagpapasya
tungkol sa saklaw ng kurikulum, ang mga sumusunod na alituntunin ay maaaring kapaki-
pakinabang; ang pagiging kapaki-pakinabang ng napiling nilalaman, mga kakayahan ng
mag-aaral, dami ng nilalaman, at balanse sa mga nilalaman na napili
 Pagkakasunod-sunod- pagkakasunod-sunod ang ay tumutukoy sa pag-oorganisa ng
nilalaman at kung hanggang saan ito nagtaguyod ng pinagsama at tuloy-tuloy na
pagkatuto. pagkakasunod-sunod Ang ng nilalaman at mga karanasan ay dapat batay sa
lohika ng paksa at paraan kung saan natututo ang mga indibidwal.

 Pagsasama- ang pagsasama ay ang pagsasama-sama ng mga konsepto, kasanayan at


halaga ng iba't ibang mga paksa. Ang impormasyon mula sa iba't ibang mga paksa na
pinagsasama sa isang paraan upang ipakita sa mag-aaral ang pinag-isang larawan ng
kaalaman.
Mga prinsipyo ng gabay sa pagpili at organisasyon ng nilalaman ay sa mad salita,
nilalaman ng paksa ay pagsasama ng mga katotohanan, konse, prinsipyo, teorya at batas,
kasanayan sa pag-iisip, kasanayan sa pagmamanipula, halaga at pag-uugali

MGA BATAYANG LEGAT AT OPISYAL NA PAGGAMIT NG FILIPINO BILANG WIKA NG


EDUKASYON
 Isang bukas na aklat ng katotohanan na dahil saWikang Filipino tayo ay
may sarilingpagkakakilanlan. Idagdagpa nito ang pagbibigay-halaga at patuloy na

1.1987 Konstitusyon ng Republikang Pilipinas


Artikulo XIV (Edukasyon)(Sek 6-9), Syensya at Teknolohiya , Mga sining, Kultura, at Sports.
Seksiyon 6.– Ang wikang Pambansang pilipinas ay
Filipino. Samantalangnalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mgawika ng Pilipinas at sa iba pang mgawika.

 Alinsunod sa mga tadhana ng batas atsang


ayon sa nararapat na maaaring ipasyang kongreso, dapat magsagawa ng mgahakban
gin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ngFilipino
bilang midyum ng opisyal naKomunikasyon
at bilang wika ng pagtuturosa sistemang pang edukasyon.

SEKSYON 7
 Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

 -Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at
opsvonal ang kastila at Arabic.

Seksiyon 8
 Ang konstitusyong ito ay dapatipahayag sa Filipino at Ingles
at dapat isalinsa mga pangunahing wikang panrehyon,
Arabic at kastila.

Seksiyon 9
 Dapat magtatag ang kongreso ng isangkomisyon ng wikang Pambansa na binubuo
ng mga kinatawan ng ibat ibang mgarehyon at mga disiplina na magsasagawa, mag
uugnay at magtataguyod ng mgapananaliksik sa Filipino
at iba pang mgawika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapna
tili.

ANG KURIKULUM SA EDUKASYONG ELEMENTARYA


ANO ANG KURIKULUM NG EDUKASYONG ELEMENTARYA?
•Isang sistematikong plano o programa ng pagaaral at pagtuturo para sa mga batang mag-
aaral saelementarya, karaniwang mula Kindergarten hanggang Grade 6.

Ang kurikulum sa edukasyong elementarya sa Pilipinas ay


may mga pagbabago sa paglipas ng mga panahon at taon, ngunitnagging pangunahing layu
nin nito ang magbigay ng makabuluhang edukasyonb sa mga mag-aaral mula Kindergarten
hanggang Grade 6. Narito ang kasaysayan ng kurikulum saedukasyong elementarya:

ANG KASAYSAYAN NG KURIKULUM NG EDUKASYONG ELEMENTARYA

1. UNANG PANAHON
- Noong panahon bago dumating ang mga Kastila,
ang edukasyon sa Pilipinas ay orihinal na ipinapasamula sa mga magulang sa mga anak. Ito
ay hindi pa isinama sa opisyal na sistema ng edukasyon.

2. PANAHON NG KASTILA
- Walang opisyal na ahensiya
- Ang edukasyon ay oryentado sa relihiyon, at
ang mga prayle ang nagtuturo ng iba't ibang asignaturasa ilalim ng sistema ng pagtuturo.

3. PANAHON NG AMERIKANO
- Bureau of Education
- Sa panahon ng kolonyalismong Amerikano, binagoang kurikulum upang masunod ang model
o ng edukasyon ng Estados Unidos. Ipinakilala ang mgaasignaturang Ingles, Siyensya,
at Matematika.

4. PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


- Department of Education, Health, and Public Welfare ( DEHPW )
- Nagkaroon ng mga pagbabago sa kurikulum upangitaguyod ang pambansang kagitingan at p
agmamahal sa bayan.
-
5. 1950 - 1960
- Department Education ( DE )
- Inilunsad ang 7-Year Elementary Cycle na may asignaturang Pilipino at Ingles.
- Nagsimula rin ang paggamit ng mga libro mula saiba't ibang bansa.

6. 1970 – 1980
- Ministry of Education and Culture (MEC).
- Inilunsad ang Bagong Lipunan Education Program (BLEP)
- Mas binigyang diin ng kurikulum ang kasaysayan at kultura ng Pilipinas.
7. 1980 - 1990
- Department of Education, Culture, and Sports (DECS).
- Inilunsad ang 1983 Elementary Education Program (EEP).
- Binago ang 7-Year Cycle patungo sa 6-Year Elementary Cycle.

8. 2000
- Department of Education (DepEd)
- Inilunsad ang Basic Education Curriculum (BEC), kung saan ipinatupad ang 10-Year Basic
Education Cycle na kinabibilangan ng 6 na taon saelementarya at 4 na taon sa sekondarya.

9. KASALUKUYAN
- Department of Education (DepEd).
- Ang Enhanced Basic Education Curriculum (K to 12) ay patuloy na isinusulong.
- Naging mas malikhain din
ang mga paraan ng pagtuturo, kabilang ang paggamit ng teknolohiya.

TANDAAN!
Bilang karagdagan, mahalaga ring
tandan na ang edukasyon sa Pilipinas ay patuloy na nagbabago at inaayonsa mga pang
angailangan at pagbabago sa lipunan, ekonomiya, at teknolohiya.
Ang mga polisiya at kurikulumay patuloy na inaayos upang mas mapabuti ang kalidad
ng edukasyon at mas mapaghandaan ang mga mag-aaral para sa kinabukasan.

ANG FILIPINO SA ANTAS NG ELEMENTARYA


NALILINANG ANG KASANAYAN
 Pakikinig
 Pagsasalita
 Pagbasa
 Pagsulat

MITHIIN
Nagpamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba't ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa
patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig.
Magagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan.

PAGKATAPOS NG UNANG BAITANG


 Makabigkas ng alpabeto at simpleng salita.
 Nagamit ang magagalang na pagbati Nagkasunod sa maikling panuto at
direksiyon

PAGKATAPOS NG IKALAWANG BAITANG


 Nakasabi ng pangunahing diwa ng kuwento at saknong ng tula.
Nakapaglarawan ng tao, bagay, hayop at pook.
 Nakabasa ng may wastong paglilipon ng salita.
 Nakakasulat ng kabit-kabit na titik at gamit ng bantas.

PAGKATAPOS NG IKATLONG BAITANG


 Nakapagbigay buod sa pinakinggang balita at ulat.
 Nakapagbigay palagay sa isyung binasa at pinag usapan.
 Nasasabi ang pagkakaiba ng opinyon at katotohanan.

PAGKATAPOS NG IKA-APAT NA BAITANG


 Nagbigay ng sariling ideya at kaisipan sa impormasyon/kwentong narinig.
 Nag-uugnay sa sanhi at bunga ng pangyayari. Marunong magsunod-sunod ng
impormasyon.

PAGKATAPOS NG IKALIMANG BAITANG


 Gumagamit ng diksyunaryo sa paghahanap ng impormasyon.
 Nakakasulat ng 15-20 pangungusap, patalastas at iba pa.

PAGKATAPOS NG IKA-ANIM NA BAITANG


 Nakapag-ayos ng napakinggang teksto at nailipat ang impormasyon tungo sa iba't
ibang anyo ng pagpapahayag.
 Nagagamit ang pangungusap sa pagpapaliwanag pagbibigay
solusyon at pagtatalumpati.

ANG KURIKULUM NG EDUKASYON SA ANTAS NG TERTIARY


Alinsunod sa REPUBLIC ACT NO 7722 o Higher Education Act of
1994, ang komisyon sa lalong mataas naEdukasyon (CHED)
ay naatasang sumunod sa katungkulan:
•Itaguyod Ang mahusay o de kalidad na Edukasyon.
•Gumawa Ng hakbang Upang masiguro na ang gayong edukasyon ay matamo o
para sa lahat ; mapaunlasAng responsible
at epektibong pamamahala,patingkarin ang karapatan ng mga guro sa pagsulong napro
pesyunal at mayaman Ang kasaysayan at kulturang minana.
MGA KURSO:
•Accounting
•Engineering
•Medicine
•Education
•Business Administration
•Law
•Information Technology

CHED Memo blg. 59, S, 1996


- ito Ang bumubuo Ng “New General Education Curriculum” o GEC.
- ito Ang kauna unahang kautusan para sa Edukasyon sa Tertiarya.
- isinasaad Ng Kurikulum na ito na simula 1997 ang GEC- Filipino rekwarment
siyam na unit katumbas Ng tatlong kurso para sa Humanities,Social
Science, Communication o HUSOCOM.

CHED Memo blg. 4 s. 1997


• Implementasyon Ng CHED memo blg. 59
•Humanities, Social science, Communication – 9 na yunit sa Filipino at 9 na yunitsa Ingles.
•Math, science and technology, vocational – 6 na yunit yunit sa Filipino at
9 nayunit sa Ingles.
•Literature 1: Itinuturo sa Ingles at Filipino.
•Literature 2: depende sa higher education institute.

REVISED BASIC EDUCATION


 Ang pagpapatupad Ng RBEC ay batay sa utos Ng nakatataasbilang 46
at sa kabilang dako ay base sa rekomendasyon Ng Philippine Commission on
Educational Reforms (PCER) na ginawanoong Ika-7 Ng Disyembre.

Ang muling pagsasaayos Ng Kurikulum ay bahagi ng Isangpatuloy na pagsisikap upang
mapabuti ang kalidad Ng pag aaral. Kami
ay nakatutok sa mga pangunahing kaalaman Ng pagpapabuti,karunungang bumasa’t su
mulat at pagbilang habangikinikinta sa kanilang isip ang mga halaga sa kabila pag aaral.
(Raul Ruco)

CHED Memorandum Order No. 20 S. 2013


- Ang binagong Kurikulum na “General Education Curriculum:
Holistic, Understanding,Intellectual and Civic Competencies ” -Ang CHED memorandum
order na ito ay nagbibigay ng balangkas at rationale ng binagong GEC ng CHED
Memorandum Order 59, S. 1996

THE GENERAL CORE COURSE


 Understanding The Self
 Reading in the Philippine History
ANG FILIPINO SA KOLEHIYO
 Nitong Oktobre 2018, sinabi ng korte suprema na balido ang Commission on Higher
Education Memorandum order No. 20 Series of
2013 na nagbababa sa minimum na yunitng General
Education sa 36. Dahil dito hindi na bahagi ng core subject ang Filipino at panitikan.
 Inlipat sa Senior High ang pag aaral ng Filipino at panitikan.

Ang Filipino sa binagong Kurikulum Ng General Education (CHED Memo blg. 30 s. 2004)
•Filipino 1: Komunikasyon sa akademikong Filipino.
•Filipino 2:Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik.
•Filipino 3:Masining Pagpapahayag
•Literatura 1: Ang panitikan Ng pilipinas
•Literatura 2: World Literature

ANG MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING MAG- AARAL AT MARAMING INTELEHensya

KATANGIAN NG ISANG MABUTING MAG-ARAL


NAPAPANATILI ANG GRADO
Dito nasusukat ang mgaestudyante kung talagang silaay karapat dapat na sabihing
PAG-UUGALI
PANG AKADEMYANG KAKAYAHAN
Kapag itoy naipapakita nangisang estudyante sya ay maituturing na mahusay.
KASIPAGAN
PAGIGING ALISTO
KOMPORTABLE SA KABIGUAN
MAHUSAY SA GAWAING PANGKOLABORASYON
KAGUSTUHANG MATAPOS ANG ISANG KURSO
MAY RESPETO SA MGA PROFESOR O SA KAPAA ESTUDYANTE

IBAT-IBANG URI NG INTELEHENSYA


1. VISUAL O SPATIAL
Ang mga taong may taglay ng talinong ito ay mabilis matuto sa pamamagitan ng
paningin at mag ayos ng mga ideya.
2. VERBAL O LINGUISTIC
Ang mga taong may taglay ng talinong ito ay mahusay sa pagbasa pagsulat
pagkuwento at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa.
3. MATEMATIKAL/LOGICAL
Taglay ng mga taong may talino nito ay mabilis ang pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatwiran at paglutas ng suliranin o problem solving.
4. BODILY O KINESTHETIC
Ang taong may taglay ng ganitong talino ay natuto sa pamamagitan ng mga
kongkretong karanasan o interaksyon sa kapaligiran.
5. MUSICAL/RHYTHMIC
Ang mga taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag uulit
o musika.
6. INTRAPERSONAL
Ito ay talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban.
Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim na mapag isa o introvert
7. INTERPERSONAL
Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag ugnayan sa ibang tao.
Ang taong nabibilang dito ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapwa o
extrovert
8. NATURALIST
Ito ang talino sa pag uuri pagpapangkat at pagbabahagdan.
Madali nyang makilala ang mumunti mang sa kahulugan o definition.
9. EXISTENTIALIST
Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
Ito ang talinong naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag unawa ng mga
bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan.

MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG GURO

1. Walang itinatangi. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang


maging pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral para walang masabi ang
mga mag aaral at nang hindi makadama ng pagkaselos sa nagiging paborito ng guro.

2. May positibong ugali. Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at
pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon.
Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.

3. Laging handa sa lahat ng oras. Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng


nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng
mga mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo. Kapag palaging handa ang
isang guro, dun nakukuha ang atensyon ng mga mag-aaral.

4. May haplos-personal. Ang pagkikipag-ugnayan ng guro sa mag-aaral hindi lamang


sa oras ng talakayan pati na rin sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan yaong
tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama
at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao.
Mapakahalaga para sa mga mag-aaral ang madama ang pagmamalasakit sa kanila dahil
dito, kailangan bigyang pansin upang gabayan at patnubayan sila

5. Masayahin. Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang


daglingpagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga
mag-aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag- aaral.

6. Malikhain. Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing
pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-
aayos sa klasrum ng kanilang guro.

7. Marunong tumanggap ng kamalian. Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang


kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging
modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa

8. Mapagpatawad. Ang gurong marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa ay


kinalulugdan ng kaniyang mga mag-aaral, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at
ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't
mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.

9.May respeto. Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang
ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang
pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng
sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral
na matupad ang kanyang mga tunguhin.

10. May mataas na ekspektasyon. Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng


napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang
napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga
mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral,
nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.

10. Mapagmahal. Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang
mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang
suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal

By: XIANWEH

You might also like