You are on page 1of 5

1.

ARALIN 3: Ang Paglinang ng Kurikulum

2. Upang mapaunlad ang mamamayan sa tulong ng edukasyon, kinakailangang mahusay na maihanda ang kalipunan ng
kurso at gawaing pampagkatuto. Ito ngayon ang tinatawag na kurikulum.

3. Ang kurikulum ayon kina Ragan at Shepherd, ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may
responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng
kurikulum, ang mga mag-aaral naisasama sa karanasang pang-edukasyonal at tunay na makatutulong sa pagpapaunlad
ng sitwasyon ng lipunan.

4. Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama rito ang sumusunod: 1. Ang mga dapat matutunan
ng mga mag-aaral, 2. Ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto, 3. Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila
matatanggap sa programa, at 4. Ang mga kagamitang panturo.

5. Mga salik na isinasaalang-alang upang mapaunlad ang kurikulum: Pamahalaan Kultura Pagpapahalaga Relasyong
pang-internasyunal

6. Ang pag-unlad ng kurikulum sa Pilipinas Ang bawat panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ay kakikitaan ng iba’t ibang
tuon ng kurikulum. 1. Panahon bago dumating sa Pilipinas 2. Panahon ng Kastila 3. Panahon g mga Amerikano 4.
Panahon ng Hapon 5. Panahon ng Martial Law at ng 1996 Reboulusyon 6. Kasalukuyang Panahon

7. Mga batayang Legal at Opisyal na Paggamit ng Filipino bilang Wika ng Edukasyon Legal ang batayan ng paggamit ng
wikang Filipino bilang wika ng edukasyon. Isinasaad ng artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 konstitusyon na …. “ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang itinatadhana
ang batas, Ingles…” Nagsilbi namang opisyal na batayan ang mga kautusan at memoranda na ipinalalabas ng Kagawaran
ng Edukasyon.

8. 1.1 DECS Order 25, s. 1974 “Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinguwal.” Ang patakaran na
naglalayong linangin ang magkatimbang na kasanayan sa Ingles at Pilipino, ay para sa lahat ng mga paaralan,
elementarya, sekondarya, at tersyarya. 1.2 DECS Order No. 50, s. 1975 “Supplemental Implementing Guidelines for the
policy on Billingual Instruction at Tertiary institutions.” Sa DECS Order 25, binigyan ng opsyon ang mga institusyon sa
antas tersyarya na magdebelop ng kanilang sariling iskedyul ng pag-implementa sa programa.

9. 1.3 MEC Order No. 22, s. 1978 “Pilipino as Curricular Requirement in the Tertiary Level” Bilang pag-alinsunod sa
patakarang bilingguwal at sa iniaatas ng DECS Order 50, s. 1975, nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino
sa antas tersyarya. 1.4 DECS Order 52, s. 1987 Bilang pagtugon sa mga probisyong pangwika ng konstitusyon ng 1987,
nirebisa ang patakarang bilingguwal at ipinagkalat ang impormasyon tungkol dito sa pamamagitan ng dalawang
kautusan. o“Filipino and English shall be used as media instruction, the use allocated to specific subjects in the
curriculum as indicated in DECS Order No. 25, s 1974.” o“…Tertiary level institutions shall lead in the continuing
intellectualization of Filipino. The program ofintellectualization, however, shall also be pursued in both the elementary
and secondary levels…”

10. 1.5 CHED Memo Order 59, s. 1996 “New General Education Curriculum (GEC).” 1.6 CHED Memo 04, s. 1997 Nang
sumunod na taon, muling nagpalabas ang CHED ng bagong memorandum, ang CM No. 04, s 1997, na pumapaksa sa mga
patnubay sa Implementasyon ng CMO 59, 1996. 1.7 CHED Memo Order 11, s. 1998 Muli naming nagrebisa ng kurikulum
ang mga HEI, particular an Teacher Education Institutions ang ilabas ng CHED ang bagong kautusan tungkol sa minimum
na rekwayrment ng general education para sa magiging guro.

11. Pananaw sa Wikang Filipino “ Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika sa ebolusyon ng iba’t
ibang varayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal at para sa
mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.” (KWF Resolusyon Blg. 96-1, Agosto 26, 1996).
12. Ang Kurikulum sa Edukasyong Elementarya Upang maging makabuluhan ang pagtatalakay ng mga aralin sa Filipino,
nararapat na sundin ng mga guro ang tatlong prinsipyo na: A. INTEGRATIBO B. INTERAKTIBO C. KOLABORATIB

13. Ang Filipino sa Antas Elementarya Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Mga Inaasahang Bunga Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang
pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat); nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang
makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

14. Ang Kurikulum sa edukasyong Sekondarya Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa tawag na Education Act of
1982 ang sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya: 1. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na
sinimulan sa elementarya. 2. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo. 3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig
ng pagtatrabaho.

15. Ang Layunin ng Filipino sa Kurikulum 1. Madebelop ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng mataas, kritikal
at masining na pag-iisip, at sa mas malawak na pagkaunawa at gawaing pagpapahayag sa iba’t ibang tunay na sitwasyon.
2. Mapalawak ang siyentipiko at teknolohikal na kaalaman at kakayahan bilang daan sa pagpapalago ng mga nakatagong
kalakasan para sa sariling pag-unlad at pagtataguyod ng kagalingang panlahat. 3. Madebelop at maliwanagan ang mga
mag-aaral sa kanilang pangako sa pambansang mithiin sa pamamagitan ng pag-unawa, pagpapanatili, at pagpapaunlad
ng mga kaaya-ayang tradisyon at pagpapahalaga ng lahing Pilipino. 4. Makapagtamo ng produktibo at entreprenyurial na
kakayahan, kagandahang- asal sa trabaho at kaalamang pangkabuhayan na mahalaga sa matalinong pagpili at
pagpapakadalubhasa sa magiging propesyon.

16. 5. Magtamo ng mga kaalaman, makahubog ng mga kanais-nais na pag- uugali at matutunan ang mga moral at
ispiritwal na pagpapahalaga sa pagkaunawa sa kalikasan at hangarin ng tao sa sarili, kapwa tao at sa iba pa, kultura at
lahi sa sariling bansa at maging sa komunidad ng mga nasyon. 6. Mapataas ang sariling kakayahan at pagpapahalaga sa
sining at isports.

17. Mga Inaasahang Bunga: Layunin: Nakadebelop ng mga mag-aaral na nagtataglay ng sapat na mga kaalaman,
kakayahan at kasanayan sa paggamit ngg akademikong wika sa pakikipagtalastasan upang masabing mahusay at
mabisang komyunikeytor sa Filipino.

18. Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994,
ang komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay naatasang ipatupad ang sumusunod na katungkulan: A.
Itaguyod ang mahusay o de kalidad na edukasyon. B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay
matamo o para sa lahat (accessible to all); mapaunlad ang responsible at epektibong pamamahala, patingkarin ang
karapatan ng mga guro sa pagsulong na propesyunal at mayaman ang kasaysayan at kulturang minana.

19. Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Republic Act (RA) No. 7722 (Higher Education Act of 1994) CHED
Memo Blg. 59, S. 1996 • Binuo ang “New General Education Curriculum” CHED Memo Blg. 4, S. 1997 • Implementasyon
ng CHED Memo Blg. 59 • Humanities, Social Sciences, communications – 9 na yunit sa Filipino at 9 na yunit sa Ingles •
Math, Science and Technology, Vocational – 6 yunit sa Filipino at 9 yunit sa Ingles • Literatura 1 – ituturo sa Ingles at
Filipino • Literatura 2 – depende sa Higher Education Institute

20. Ang Filipino sa Binagong Kurikulum n General Education (CHED Memo Blg. 30, S. 2004) Filipino 1: Komunikasyon sa
Akademikong Filipino Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 3: Masining na Pagpapahayag
Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas
Bahagi ng Kurikulum

1. AIM Balak o Pakay Paglalahad o pagpapaliwanag ng pangkalahatang pakay ng kurikulum. Napakaloob dito ang mga
tagapakinig (audience) pati na rin ang paksa.

2. RATIONALE Makatwirang Paliwanag Mapaghimok na pagtatalo, dahil dito ipinaliliwanag kung bakit gustong
magmungkahi at ang mga paggamit ng oras at mga pinagkukunan para sa kurikulum.

3. GOALS AND OBJECTIVES Hangarin at Layunin Talaan ng mga maaring bunga ng mga matutuhan ng mga mag-aaral
base sa magiging partisipasyon sa kurikulum. Napakaloob rin dito ang pagpapaliwanag kung paano makatutulong ang
kurikulum sa bansa at sa lipunan.

4. AUDIENCE & PRE- REQUSITES Mag-aaral at mga Pangunang Kailangan Nagpapaliwanag kung sino ang makikinabang
sa kurikulum at mga pangunang kaalaman at kakayahan para sa mabisang kurikulum.

5. MATERIALS Mga Kagamitan Tala ng mga kakailanganing kagamitan para sa matagumpay na pagtuturo ng
kurikulum. Napakaloob dito ang mga “web pages”, mga aklat, mga mesa, papel, chalkboard, calculator, at iba pang
karaniwang kagamitan.

6. INSTRUCTIONAL PLAN Matalinong pagpaplano Nagsasaad sa mga gawaing kukunin ng mga mag-aaral at ang
pagkasunod-sunod nito. Napakaloob rin dito kung ano ang maaring gawin ng guro sa klase. Estratehiya, metodo, istilo
ng pagtuturo.

7. PLANS FOR ASSESSMENT AND EVALUATION Ebalwasyon o Pagkilatis Binubuo ng mga model project, mga
halimbawa ng tanong sa pagsusulit at iba pang kakailanganin sa assessment.

1. Ano ang mga kailangan sa pagbuo ng kurikulum? Ilahad.

Ayon kay Taba, Stenhouse at Tyler, may apat na gabay na sinusunod angpagbubuo at pagpaplano sa pagkatuto ng isang
mag-aaral sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng kurikulum. Ang apat na gabay ay maituturing na teorya at praktika
ngkurikulum. Lubos na mauunawaan ang mga gabay na teorya at praktika tungkol sakurikulum sa pagkakategorya ni
Aristotle sa karunungan sa tatlong disiplina:

teoretikal, produktibo at praktikal

. Ang mga gabay ay ang mga sumusunod:

Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi.

Tumutukoy ito sa pagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang pag-aaralan, metodo at konteksto sa epektibong
proseso at pamamaraan.

Kurikulum bilang isang produkto.

Ang gabay na ito ay nakabase sa apat na pundamental na tanong ni Tyler namay kinalaman sa teorya at praktika ng
kurikulum na gamit sa edukasyon. Ang mgatanong ay ang sumusunod:1. Anong layuning pang-edukasyon ang gustong
makamit?2. Anong mga karanasang pang-edukasyon ang maibabahagi para makamit ang mgalayunin?

3. Paano maisasaayos ang mga karanasang pang-edukasyon sa pagiging epektibonito?4. Paano madedetermina kung
nakamit na ang mga layuning pang-edukasyon?Base sa mga inihain ni Tyler na mga tanong ay nabuo niya ang konsepto
sapagtingin sa kabuuang pananaw sa kurikulum.Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi. Tumutukoy
ito sapagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang pag-aaralan, metodo at konteksto saepektibong proseso at
pamamaraan.

2. Ano ang mga proseso sa pagsasagawa ng kurikulum?

Sa pagsasagawa ng Kurikulum, narito ang mga dapat isaalang-alang:

Kabuuang Pananaw sa Kurikulum

Kasangkot din dito ang mga epektibong pamamaraan at hakbang sa pagbubuong kurikulum ayon kay Taba. Nakasaad
ang mga sumusunod:1. Pag-alam sa maaaring lamanin ng kurikulum2. Pagbuo ng matibay na layunin ng kurikulum3.
Pagpili ng tiyak nalalamanin ng kurikulum4. Pag-oorganisa ng lalamanin ng kurikulum5.Pagbabatay sa mga karanasan ng
pagkatuto sa kurikulum6. Pag-oorganisa samga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum7. Pagsasagawa ng mga epektibong
pamamaraan sa pagkatuto na lalamanin ngkurikulum

Kurikulum bilang proseso.

Ipinababatid nito na ang kurikulum ay hindi lamang pisikal na bagay kundiito ay ang interaksyon ng guro at mag-aaral sa
loob ng silid-aralan at ang kanilangpagpapalitan ng kaalaman. Sapamamagitan ng inihaing basehang prinsipyo
sapagpaplano ng mga kurso sa kurikulum ni Stenhouse ay lubos na mauunawaan kungbakit ito naging isang proseso.

A. Sa pagpaplano:

1. Prinsipyo sa pamimili ng nilalaman

Ano ang dapat matutunan at maituro?

2. Prinsipyo sa pagpapa-unlad ng istratehiya sa pagtuturo

Paano ito dapat matutunan at maituro?3. Prinsipyo sa pagbuo ng desisyon tungkol sa mabisang daloy ng pagtuturo at
pagkatuto4. Prinsipyo na kung saan ay aalamanin ang kahinaan at kalakasan ng magtuturo at tuturuan gayundin kung
paano nila tinatanggap ang tatlong naunang prinsipyo.

B. Sa emperikal na pag-aaral:

1. Prinsipyo na kung saan ay aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga mag-aaral2. Prinsipyo na kung saan ay
aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng mga guro

C. Sa relasyong pagpapatibay:

1. Prinsipyo na kung saan ay iaayon ang

kurikulum sa iba’t ibang sitwasyon ng

paaralan, mag-aaral, kapaligiran at organisasyon2. Prinsipyo sa pag-alam sa maaaring maging epekto ng kurikulum kung
maymagkakaibang konteksto, paniniwala at pagkakaunawa3. Prinsipyo sa magiging layunin ng kurikulum

Kurikulum bilang praksis o pagganap

Isinasaad na ang kurikulum ay mapapaunlad sa pamamagitan ng aksyon at

repleksyon. Hindi lamang simpleng plano ang kurikulum kundi ito’y


nakaugnay namatibay sa aktibong paglulunsad at pagsasagawa na ang sentro ay ang marapat at mabisang aksyon ng
implementasyon.

Batay sa mga nabanggit, pinagtutuunan ang sariling damdamin at motibasyon sa pagkatuto ng ikalawang wika bilang
pag-aangkop sa pangkalahatang layunin ng kurikulum na isasagawa naman sa pamamagitan ng konseptong inilahad
ni Nunan (2009) kaugnay sa komunikatibong pagtuturo ng wika na gumagamit ng limang pamamaraang mahalagang
bigyang-tuon sa pagtuturo ng wika: 1) pakikipag-ugnayan o interaksyon gamit ang target na wika; 2) paggamit ng
awtentikong teksto sa naangkop na sitwasyon; 3) pagbibigay-pansin sa proseso ng pagkatuto; 4) pagpapa-unlad ng
karanasan; at 5) paguugnay ng natutuhan sa tunay na buhay.

You might also like