You are on page 1of 14

Pangalan: Mailyn M.

Cabungcag Petsa: 09/26/22

Sek/Taon: Fil-2A MODULE 1

Aralin 1- Kasaysayan ng Kurikulum sa Pilipinas

a. Pagsusuri:
Ilahad nang malaman ang mga salik na nakaimpluwensiya sa kurikulum sa
bawat panahon.

Sagot:

Panahon ng Kastila

Nang dumating ang mga pangkat ng misyonero sa Pilipinas, malaki ang


kanilang naiambag sa sistema ng edukasyon. Ang pagdala at pagturo ng katesismo
ng simbahang Katolika sa panahon ng Kastila ay naging salik upang
maimpluwensiyahan ang kurikulum sa edukasyon. Naging bahagi sila sa pagtuturo
ng alpabeto sa mga bata kaya naging magaling sila sa pagbabasa. Ang
pagmemorya ng misteryo sa rosary, dasal, at mga ritwal ng simbahan ay bahagi na
ng pag-aaral ng sinaunang Pilipino. Gayundin sa pagtatag ng mga kumbento upang
gawing paaralan ay isang paraan upang maitanim sa isipan ng mag-aaral
ang Kristiyanismo.

Panahon ng Amerikano

Sa pamamagitan ng Treaty of Paris, inilipat ng Espanya sa Amerikano ang


Pilipinas at di naglaon ay nagtatag sila ng paaralang bayan para sa mga kalalakihan
at kababaihan. Sa panahong ito, naging bukas palad sa mga Pilipino ang pag-aaral
at paggamit ng wikang Ingles bilang wikang pangturo sa mga paaralan. Ang
kurikulum sa edukasyon ay sipi sa kurikulom sa Estados Unidos. Maaring
nakaimpluwensiya dito ay ang pamahalaan sa panahon ng mga Amerikano, sa
kadahilanang mas naging tuon ng edukasyon dito ay ang gawing mabuting
mamamayan ang Pilipino.
Panahon ng Hapones

Sa pagdating ng mga Hapones nagkaroon ng malakihang pagbabago sa


istraktura o sa pamaraan ng pagtuturo. Ang wikang Ingles ay ipinagbawal bilang
midyum pangturo sa paaralan. Ngunit ito naman ang nagbigay daan upang
mapaigting ang paggamit ng wikang Niponggo at wikang Filipino. Ang panahong ito
ay binansagan din na gintong panahon ng tagalog, bagkus ay mas naipalaganap pa
ang kulturang Pilipino. Ang pagtatag ng bagong sistema ay naging salik upang
maimpluwensiyahan ang kurikulum na meron tayo ngayon.

Panahon ng Neo- Kolonyal

Kapag sinabing Neo-Kolonyalismo ibig sabihin ay di-tuwirang pagkontrol sa


isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa. Sa panahong ito ay
nagkaroon ng paglakas sa dayuhang korporasyon at naging dahilan ng pagkaroon
ng relasyong pang internasyunal. Ito ay isa sa mga salik na nakaimpluwensiya sa
kurikulom Pilipinas dahil maraming gurong banyaga ang nagsidatingan sa ating
bansa upang ipakilala ang bagong kasanayang pang edukasyon. Sa panahon ng
Neo- Kolonyalismo may tinatawag na Amerikanong Peace Corp Volunteer na
nagturo sa mga paaralan at sa mga Pilipinong guro upang mahasa ang kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng epektibong pamamaraan ng pagtuturo. Naging mas
produktibo at nagkaroon ng pundasyon ang kurikulum ng Pilipinas sapagkat ito ay
bihasa ng ibinabahagi at tinuturo sa paaralan.
Aplikasyon:

Sa pamamagitan ng akmang graphic organizer, Ilahad ang pag-unlad ng


kurikulum sa bawat panahon.
Aralin 2: Ang Layunin ng Edukasyon

a. Pagsusuri
Batay sa natalakay ng mga Layunin ng Edukasyon, paano ang mga iyong
makakamtan ng mga guro at mag-aaral?

Ang paaralan ang saligan ng lipunan at ang lipunan ang salamin ng paaralan.
Ito ang nangingibabaw na pangkalahatang pilosopiyang pang-edukasyon ni Dr. Jose
Rizal. Ang paaralan ang saligan ng lipunan at ang lipunan ang salamin ng paaralan.
Ito ang nangingibabaw na pangkalahatang pilosopiyang pang-edukasyon ni Dr. Jose
Rizal.

Ano ang naiambag ng layunin sa larangan ng edukasyon? Paano ito


makakamtan ng mga guro at mag-aaral? O, sa iyong palagay ano ang epekto nito sa
sistema ng edukasyon? Ang mga tanong na ito ay magbibigay puna sa atin kung
ano ang kahalagahan ng layuning pang edukasyon, gayundin sa pag-aaral ng
sistemang ito.

Alam natin na kapag sinabing layunin ito ay sumasaklaw sa pangkalahatang


nais maisakatuparan ng mga institusyon kagaya na lamang ng paaralan at sa
mababang antas na organisasyon. Ang mga layunin ng pagtuturo ay nakasalalay din
sa layunin ng edukasyon na makikita sa batayan na ayon sa konstitusyon ng
Pilipinas. Ayon sa pilosopiyang pang-edukasyon ni Rizal ang edukasyon ay sanligan
ng lipunan at ang lipunan ay salamin ng paaralan. Ibig sabihin napakalalim na
pagpapakahulugan ang isinaad sa tekstong ito, maaring ito ay sumisimbolo sa
matibay na layuninng pundasyon ng paaralan kasama narin ang kolaborasyon ng
mga guro, at ng mag-aaral.

Ayon sa mga guro, priyoridad nilang mabigyan ng kamalayan na matuonan


ng pansin ang pagbuo ng malikhaing kakayahan ng mga mag-aaral. Makakamtan
ang layunin ng isang guro kapag ito ay nakitaan ng pag-unlad sa pagkatuto ng mag-
aaral. Mapapansin natin na kapag ang isang layunin ay naipamalas ng mabuti o
naipatupad ay nagreresulta sa positibong interes sa pag-aaaral. Maaring ang mga
mag-aaral ay may kasanayan na maunawaang madali at aktibo sa mga gawaing
akademiko sa ilalim ng gabay ng guro. Sa sistematikong pagtuturo magiging
epektibo lamang ito kapag ipinahiwatig ng isang guro ang kanyang hangarin na
tuparin ang layunin sa edukasyon na pasiglahin ang pag-aaral bilang aktibidad ng
mga estudyante. Sa puntong ito, nababatid ko na mahalaga ang pagkakaroon ng
layunin sa edukasyon bagkus ito ay gagabay sa atin patungo sa tagumpay. Layunin
ng edukasyon ang pangkalahatang pag-unlad ng mga indibidwal upang sila ay
gumana sa lipunan, makabuo ng kritikal na kaisipan, at magmungkahi ng ideya.

Aplikasyon:

1. Sa palagay ninyo ba, an mga layunin ng edukasyon ay lubusang


nakakamtan?

Sa aking palagay makakamtan ang layunin ng edukasyon kung ito ay


sinusunod ng mabuti. Ang layunin ay nagsilbing gabay upang maabot ang tunay na
tagumpay sa edukasyon. Sa panahon natin ngayon madali lang makita ang pag-
unlad ng isang institusyon dahil sa layuning pinabatid ng kagawaran ng edukasyon.
Nahuhubog ang mag-aaral at guro sa pagkakaroon ng mahusay na daloy at may
persperktibong pananaw tungkol sa pagyabong ng kaalaman at kahusayan sa
akademikong diwa. Higit sa lahat tunay na sentro ng edukasyon ang layunin sa
pagkamit ng mithiin na mapatibay ang pundasyon ng paaralan.

2. Paano kaya maisasakatuparan ng guro ang mga layunin ng edukasyon?

Ang mga guro ay nagsilbing pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Sila


ang nag-aayos at gumagabay sa simula ng proseso ng pang-edukasyon, at
pagtukoy ng ibat' ibang pamamaraang pangturo. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa
mga sabjek o aralin bilang mga bahagi ng kurikulum naisasagawa ng mga guro ang
kanilang layunin na turuan ang bawat estudyante na mag-aral, magbasa, at sumulat.
Ilan sa mga gawain ng guro ay dapat planuhin at ihanda nang naaangkop ang mga
itinalagang kurso at pagsusuri. Isinasaalang-alang din ang pagtupad ng epektibong
kasanayan sa silid aralan. Mas mabuti kung magagawa ng mahusay ng isang guro
na ipaintindi o maintindihan ang estudyante lalong lalo na sa mental at emosyonal
na aspeto. Marami mang nakaatang na responsibilidad sa balikat ng ating mga guro
ay hindi ito hadlang upang bumuo ng isang mainit na kapaligiran, magtuturo at mag-
alaga ng mga mag-aaral, at maging huwaran sa lahat.

Pangalan: Mailyn M. Cabungcag Petsa: 09/26/22

Sek/Taon: Fil-2A MODULE 2

Aralin 3: Layunin ng Edukasyong Sekundarya

Pagsusuri

Ang layunin ng edukasyon sa Pilipinas ay kabuhol ng layuninng edukasyon sa


elementarya.

Ang layunin ng edukasyon sa Pilipinas ay kabuhol ng layunin ng edukasyon


sa elementarya bagkus nasasalamin dito ang simulain kung paano mapatibay ang
sistematikong paraan ng edukasyon. Ayon sa konstitusyon 1987 na matatagpuan
sa artikulo XlV, section 3, bilang 2 ang bawat institusyong edukasyon ay dapat may
isinasaalang-alang. Ang layunin ng edukasyon elementarya ay tumtalakay sa moral,
ispiritwal, sosyal, mental, pisikal, at emosyunal na katangian at kakayahan ng mag-
aaral. Saklaw nito ang kabuoan ng karanasan sa pamumuhay bilang isang
mamamayan na may positibong pananaw sa panahong kasalukuyan at higit sa lahat
maipamalas ang kapakinabangan ng layunin sa larangan ng edukasyon.
Napakahalaga ng bagay na ito sa kadahilanang dito nagsisimula ang pagkatuto ng
isang bata sa literasiya, numerasiya, atbp. Kaya dapat na tuonan ng pansin at
maisakatuparan ng mabuti ang mga layunin sa mababang antas ng edukasyon.

Aplikasyon

Ang layunin ng edukasyon sa Elementarya ba ay naka-align sa layuning


edukasyon sa Pilipinas?

Para sa akin, ang layunin ng edukasyon sa Elementarya ay naka-align sa


layuning edukasyon sa Pilipinas sapagkat ayon sa Konstitusyon 1987 na
matatagpuan sa Artikulo XIV, sekyon 3, bilang 2 na naglalayong isakatuparan ang
mithiin na pagpapahalaga sa ispiritwal na papanaw, pagsasanay sa karapatan,
paglinang ng kulturang Pilipino, at pagkakaroon ng batayang kaalaman sa angkop
na sitwasyon ng buhay. Kung ating ipaghambing ang dalawa mababatid natin na
ang bawat layunin ay konektado at naayon sa saklaw ng pangkalahatang sistema ng
edukasyon.

Aplikasyon:

Ang layunin ng edukasyon sa Sekundarya ba ay naka- align sa layuning


edukasyon sa Pilipinas? Bigyang puna.

Masasabi ko na naka-align sa layuning edukasyon sa Pilipinas ang layuning


edukasyon sa Sekundarya bagkus napasaad dito ang mga kakailanganin ng mga
mag-aaral na tatahak sa susunod na hakbang ng pag-aaral. Kaya nga tayo ay may
layuning nakalaan sa edukasyon para magbigay gabay at sumalamin sa ating
tatahakin na lakbay patungo sa mataas na antas ng pag-aaral. Ang edukasyon sa
Sekundarya ay naglalayong matukoy ang kumpleto, sapat, at pinagsamang sistema
ng edukasyon. Ipinabatid din dito ang paglinang sa kasanayan na maitaguyod ang
kultura at kaisipan upang maihanda ang kasalukuyan at maibahagi sa susunod pa
na henerasyon.
Pangalan: Mailyn M. Cabungcag Petsa: 10/11/22

Sek/Taon: Fil-2A MODULE 3

Aralin 1: Mga Batas at Patakarang Pangwika

Gawain:

Magbigay nang nalalaman na batas at patakarang pangwika na napag-aralan sa


mga nagdaang – Filipino.

1. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas Opisyal na paglikha ng Surian ng


Wikang Pambansa 1935.

2. Proklamasyon Blg. 1041, s. 1987 na kung saan ang buwan ng Agosto 1 hanggang
sa ika-31, tao-taon ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa.

3. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)

4. DECS Order 1. 1974 " Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong


Bilinguwal", alinsunod sa patakarang bilinguwal, Filipino at Ingles ay dapat na
maituro sa mga paksa sa wika sa lahat ng baitang upang makamit ang mga layunin
ng kakayahang bilinggwal.

5. Itinakda ng Salingambatas ng 1987 na: “Ang pambansang wika ng Pilipinas ay


Filipino.

Pagsasanay

1. Alin sa mga kautusan o batas na hanggang sa kasalukuyan ay ipinatupad pa?


Bigyan ng puna.

Para sa kaalaman ng lahat ang bansang Pilipinas ay binubuo ng walong panunahing


wika. Ito ay ang wikang Cebuano, Hiligaynon (Ilonggo), Ilocano, Kapampangan,
Pangasinense, Tagalog, at Waray. Batid nating mga Pilipino ang wikang gamit sa
pang araw-araw na komunikasyon na kung saan ito ay naglalayong pag isahin ang
bawat pangkat sa bansa at magkaroon ng payapa at payak na pamumuhay. Bilang
pagsasakatuparan ng mithiing makabansa ang gobyerno ay nagpatupad ng batas
upang bigyan diin ang pang-isahang komunikasyon ng bawat tao sa kabila ng
pagkaramiraming gamit na wika sa bansa. Ngayon, ating himayhimayin ang mga
batas na ito.

”Ayon sa Saligang Batas ng 1986, ang wikang pambansa ay itinatadhanang


tatawaging Filipino gaya sa nakasaad: Artikulo XIV, Sek 6 – “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Filipino”. Saad ng mga eksperto, kinakailangang sanayin
ng mamamayan ang paggamit ng wikang Filipino.Bagkus kinakailangan din na dapat
payabungin at pagyamanin ang mga umiiral na katutubong wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika. Tangi sa roon, Isa din sa mga batas pangwika na umiiral
hanggang ngayon ay ang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1987, na kung saam ito ang
batas na sa kasalukuyan na ipinapatupad. Alam naman nating lahat na sa buwan
ng Agosto 1 hanggang sa ika-31, taon ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng
Wikang Pambansa na siyang nagpapatibay sa wikang Filipino.

Aralin 2: Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Pagpapatupad ng


Patakarang Edukasyong Bilinguwal.

Gawain: Sabihin mo ito sa iyong sariling pangungusap o pahayag o naaayon sa


gusto mong pahayag.

1. Our house is near our school


- Ang bahay namin ay malapit lang sa paaralan.

2. Students, kindly get your notebook and copy the notes written on the board.

- Mga mag-aaral, kunin niyo ang inyong kuwaderno at kopyahin ang mga tala
na nakasulat sa pisara.

3. Let us go to the canteen.

- Tayo na sa kantina.

4. Where you able to take the examination yesterday?

- Nakapag-eksam kaba kahapon?

5. May I borrow your laptop for a while.


- Pwedi ko bang mahiram ang laptop mo sandali?

Pagsusuri:

Bakit mahalagang matutuhan at magkamit ng kasanayan ng mga mag-aaral sa


Wikang Filipino at Ingles?

Napakahalaga ang kasanayan sa wikang Filipino at Ingles sapagkat ito ay


naglilinang sa kahusayang pangkumikasyon. Alam natin na ang Wikang Ingles ay
kilala sa katawagang ”Lingua Franca na ibig sabihin ng terminong ito ay tumutukoy
sa pagtuturo, pag-aaral, at paggamit bilang isang pangkaraniwang paraan
ng komunikasyon (o wika sa pakikipag-ugnay ) para sa mga nagsasalita ng iba't
ibang katutubong wika”. Alam natin na ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang
katutubòng wika at sa paraan ng pag-aaral ng wikang Filipino at Ingles ay
nakakatulong ito upang magkaroon ng mahusay na kumunikasyon. Isa pang
benipisyo nito ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa mga wikang gamit
ng mga pangkat etniko sa bansa at mas nagkakaroon ng malalim na pang-unawa
ang bawat tao mapa dayuhan man o mga kapwa Pilipino.

Aplikasyon

1. Gamit ang iyong sariling pangungusap, bigyang puna ang ipinapahayag ng


patakarang edukasyong bilingguwal.

Ang patakarang Bilingguwal ay nagsasaad ng hiwalay na paggamit ng wikang


Filipino at wikang ingles na kung saan mas napabuti ang sistema ng
edukasyon. Halimbawa na lamang nito sa paaralan, di ba kapag ang ating
guro ay nagtuturo ng mga asignaturang Agham at Matematika ay wikang
Ingles. Sa paraang ito ay mas madali lang maintindihan at ma memorya ng
mag-aaral ang mga terminolohiya na napaloob sa asignatura. Kagaya din ng
wikang Filipino, kung ating pagbabasihan ang mga dayalekto sa ating bansa
ay mas higit na naayon ang paggamit nito, bagkus napag-aralan o mas kilala
na natin ang wikang Filipino dahil nga ito ang ating wikang pambansa at
wikang nakasanayang gamitin kapag nakikipagsalamuha tayo sa ibang tribo o
pangkat etniko. Malalagom natin na siyang tunay na mahalaga ang
kahusayan at kaalaman sa paggamit ng dalawang wika o pagiging
bilingguwal ng isang tao upang magkaroon ng produktibong sistema ang
edukasyon.
2. Batay sa iyong sariling pagmamasid, ano ang iyong masasabi sa kakayahan
ng mga mag-aaral sa paggamit nila sa wikang Filipino at Ingles sa
kasalukuyan?

Ang masasabi ko lamang ay sa taong kasalukuyan higit na naipamalas ng


mga mag-aaral ang paggamit ng wikang Ingles ngunit masasabi ko rin na ito’y
taliwas sa kakayahang paggamit ng wikang Filipino. Nasasabi ko ito dahil
nakikita ko na ang mga mag-aaral ay mahasa sa paggamit ng wikang Ingles
at masasabi naman ang paggamit ng wikang ito ay nakakapagpakita na
umuunlad ang bansa. Ngunit, sa pag-unlad ng wikang ito, ang kapalit naman
ay ang paglimot sa sariling wikang Filipino na sa halip dapat paglinangin pa
lalong lalo na sa pagtuturo.
Pangalan: Mailyn M. Cabungcag Petsa: 10/14/22

Sek/Taon: Fil-2A MODULE 4

Aralin 1: Ang Komponent at Katangian ng Asignaturang Filipino sa 1989

Gawain

Kilalanin ang mga ideya, kaalaman, at konsepto na naging bunga ng pagbabagong


naganap sa asignaturang Filipino sa kurikulum 1989.

Wikang Filipino 1. Ang bagong tawag sa wikang Pambansa.

8 (c, f, j, ñ, q, v, x, z) 2. Bilang ng letrang napadagdag sa alpabeto at isa-


isahin ang mga letrang ito.

Konstitusyon 1986 3. Ang Konstitusyon na kung saan ibinase ang


pagbabago baybay ng wikang pambansa.

Pagsusuri

1. Sa pagitan ng pakikinig at pagsasalita, alin sa dalawa ang unang natutuhan


ng tao?

Ang unang natutuhan ng tao ay ang pakikinig. Alam natin ang ang pakikinig
ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamaraang pandinig at pag-
iisip. Ang isang tao bago magsalita ay nakikinig muna at kasabay ang
aktibong paggana ang isipan na siyang tumutulak at nagdidikta kung ano ang
mensahing nais nating isalita o ipabatid sa ating kausap. Kapag mahusay ang
tao sa pakikinig ay tiyak na may kabutihang dulot ito sa pang araw-araw na
pamumuhay.
2. Alin sa dalawa ng pagbasa at pagsulat ang madaling matutuhan?

Madaling matutuhan ang pagbasa sapagkat bago tayo makakasulat ng mga


letra o titik ay kinakailangan na marunong muna tayo magbasa. Noong tayo’y
bata pa kalimitang itinituro sa atin ang pagbasa ng abakada na siya namang
ginaganyak natin kahit hindi naman talaga natin alam kung ano ang ating
binibigkas. Sa madaling salita ang pagbasa ay mga mensahe sa
pamamagitan ng pagtugon sa damdamin at kaisipan sa mga simbolong
nakaimbag.

Pasanaysay

1. Ipaliwanag ang apat na komponent ng asignaturang Filipino at kahalagahan


ng bawat isa gawin ito ang sariling pangungusap.

Pakikinig

 Ang pakikinig ay ang pagtanggap ng mensahe gamit ang pandinig at pag-


iisip. Sa kamalayang pakikinig ito ay nagbibigay daan sa isang tao upang
tandaan ang mga salita o isinaad ng tagapagsalita. Mahalaga ang pakikinig
bagkus ito ang nagbigay daan sa mabisang pagkuha ng impormasyon,
magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.

Pagsasalita

 Ang isang tao ay may kakayahang maipahayag ang kanyang konsepto,


paniniwala at nararamdaman sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kapanayam. Batid naman natin na kapag tayo ay
nakikipaghalubilo sa ating kapwa ay kinakailangan mahusay tayo at maingat
sa ating sinasalita upang magkaroon ng maayos na daloy ang ating
pakikipagkomunikasyon. Masasabi ko na mahalaga ang pagsasalita
sapagkat isa din ito sa mga elemento upang magkaroon ng
pagkakaunawaan ang mga tao at maipaabot ang nais ipaabot na ideya sa
maganda at mahusay na pamamaraan.

Pagbasa

 Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay interpretasyon na kung saan


ang pagtanggap ng mga mensahe ay sa pamamagitan ng pagtugon sa
damdamin at kaisipan. Mahalaga ang pagbabasa sapagkat ito ang
lumilinang sa ating kabuoang kaisipan para mas lumawak pa ang ating
nalikom na impormasyon sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating
kamalayan pang tao. Mababatid ko din na ang pagbabasa ay nakakatulong
sa ating isipan upang magkaroon ng malaman at maykabuluhan ang ating
pang-unawa sa mga napapanahong isyu o pangyayari sa lipunan
.

Pagsulat

 Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya o diwa ng


isang tao sa pamamagitan ng Simbolo. Kung marunong tayong magsulat ay
madali nalang sa atin na Iangat ang ating kaalaman at sarili. Kung
ipagpalagay natin sa isang mag-aaral, mas madali lang sa kanya ang pag
sagot sa mga pasulit at pagtatala ng mga resulta. Napapansin natin na kapag
ang isang tao ay hindi marunong magsulat ay nangangahulugang mahina
ang takbo ng pag-iisip kung baga hindi makakasabay sa aumang ibigay na
impormasyon o gawain pang-akademiko.

You might also like