You are on page 1of 4

Gawain 1

Paksa: Ang Nagwagi sa Puso ni Pilang

Lugar: Sa hapag kainan

Petsa: Kasalukuyan

Tauhan: Ore at Pilang

Ang Nagwagi sa Puso ni Pilang

Natapos na ang paligsahan at nagsibalikan na sa hapag ang mga binata. Batid ang
kasiyahan ni Pastor sapagkat siya ang nagwagi sa laro. Sa kabilang banda, taliwas
naman ang reaksyon ni Ore na siyang natalo sa paligsahan. Masasalamin sa kanyang
mukha ang kalungkutan at wari’y nadismaya sa pagkatalo. Gayunpaman ay dali-
dali namang inabutan ng pagkain ni Pilang si Ore sabay ningitian ng dalaga.

Pilang: Aba, binata huwag mong damdamin ang pagkatalo.

Ore: Alam ko naman binibini tanggap ko naman ang pagkatalo.

Pilang: Ma walang galang na ginoo, bakit parang bakas parin sa iyong mukha ang
kalungkutan?

Ore: Batid ko kasi na umiibig si Pastor sa iyo.

Pilang: Ayy naku! Iyan ba ang ikinababahala mo Ore? Hindi ko naman ibig si Pastor
at bilang kapatid lang ang turing ko sa kanya.

Ore: Baka kasi ay mahulog rin ang kalooban mo sa kanya dahil sa kabaitan na
ipinapakita niya sa iyo.

Pilang: Nagseselos ka ba Ore?

Ore: Oo, nagseselos ako sa tuwing tinititigan at dinadampi ang iyong kamay. Alam
mo naman na matagal na akong may pagtingin sa iyo binibini ngunit hindi mo lang
ako batid.

Pilang: Matagal na kitang nakikitaan ng pagtingin Ore, ngunit hindi ko lang ito
masabi sa iyo sa kadahilanang ako’y nahihiya at naiilang.

Ore: Isang tanong isang sagot binibini, ako ba ay tinitibok ng iyong puso?

Pilang: Walang araw na hindi ikaw ang aking ibig Ore. Oo, ikaw lang at wala ng iba
pa. Ngayon, maari bang ngumite kana at tikman mo ang gawa kong suman.

Ore: Masusunod aking binibini!

Bagamat natalo ni Pastor si Ore sa isang paligsahan ay natalo naman ni Ore si Pastor
sa pag-ibig kay Pilang dahil siya ang nagwagi sa puso ni Pilang.
Gawain 2

PASIG
Lope K. Santos

Aywan ko kung ikaw’y sa bundok na anak,


o kung bumukal ka sa tiyan ng dagat;
pagka’t sa lagay mong mababang-mataas
atubili ako kung saan ka buhat;
marahil bunga ka nang mag-isang-palad
ang Dagat na tabang at Bundok ng ulap
kaya’t sa kanila’y namana mo’t sukat
ang yaman ng laot at yaman ng gubat.

Tila Diwata kang galing Pamitina’y


nanaog at nupo sa may Kapasigan;
liwayway ang buhok, ang ulo’y Santulan,
ang mahabang Ugong ay bisig na kana’t
bisig na kaliwa ang Pinagbuhatan.
Malapad-na-Bato ang isang paanan,
saka ang isa pa ay Wawang-Napindan:
magtatampisaw ka sa Buting at Bambang.

Ang kasaysayan mo’y pangalan mo na ri’t


nasa pamagat mo ang iyng tungkulin;
habang panahon kang bantay ay baybayin
sa gaslaw ng tubig at sumpong ng hangin;
may bisig kang bato’t may paang buhangin,
may mukha’t katawang langit ng pananim;
hinga mo’y amihan, ulan ang inumin,
at gatas ng lupa ang iyong pagkain.

Nguni, tumindig ka, matandang Diwata’t


magmalikmata kang bumalik sa bata;
sa pagkalupagi’y lalo kang hihina’t
laging sa Panahong mapagsasagasa;
Sa Silanga’y muling iharap ang mukha’t
sumahod sa Araw ng diwang sariwa;
ikaw’y marami pang tungkuling dakilang
sukat kapiktan mo nang di-nagagawa.

Dalawampu’t anim ang bayan mong anak,


tatlong daan nayon ang apo mong ingat;
sinasagutan mo ang kanilang palad,
pagka’t ikaw’y siyang magulang ng lahat;
kung ikaw ang unang hihina-hinamad
at sa pagkaupo’y bahagyang titinag. . .
ang nasasakop mong kabunduka’t dagat
balang araw’y siyang sa iyo’y lilimas.
Hindi na panahon ng pag-aantabay
sa dating ng mga kusang kapalaran;
ang mga himala’y huwag mong asaha’t
dina nakukuha ang buhay sa dasal;
ang awa ng Poo’y wala sa simbahan,
kundi nasa bukid, ilog, pamilihan,
sa tulo ng pawis at ulong may ilaw. . .
Sawa na ang Diyos sa mga batugan!

Diksyon

Sa bawat saknong ay may mga diksyong salita ang nakatalaga kagaya


nalamang ng mga ito:

• Kapasigan
• Mapagsasagasa
• pag-aantabay
• batugan
• Aywan
• Poo’y

Ang mga salitang ito ay mga piling salita na magkakaiba ayon sa iba’t ibang
mga character o ayos ng sitwasyon.

Idyoma

Ang tulang may paksang “Pasig” ni Lope K. Santos ay may simbolikong wika
na ginagamitan ng mga salitang magkakaibang kahulugan mula sa kanilang literal
na interpretasyon.

• mababang-mataas
• mag-isang-palad
• hihina-hinamad
• liwayway ang buhok
• ulo’y Santulan
• tiyan ng dagat
• kusang kapalaran
Tayutay

• “bunga ka nang mag-isang-palad”


• “Tila Diwata kang galing Pamitina’y”
• “may bisig kang bato’t may paang buhangin,
may mukha’t katawang langit ng pananim;
hinga mo’y amihan, ulan ang inumin,
at gatas ng lupa ang iyong pagkain.”
• “sa dating ng mga kusang kapalaran”
• “May mukha’t katawang langit ng pananim;
hinga mo’y amihan, ulan ang inumin,
at gatas ng lupa ang iyong pagkain.”

Pagpapaliwanag

Ang tula ni Lope K. Santos na may pamagat na “Pasig” ay isinulat noong


kapanganakan ni Francisco Balagtas. Ito ay binubuo ng anim na saknong ang tula,
at Mapapansin natin na sa bawat saknong ay may walong taludtod na
lalabindalawahin ang pantig at isahan ang tugma. Ang tula na ito ay naglalangkap
ng alamat, kasaysayan, pag-iral, at pangarap upang ang kinabukasan ay maging
maaliwalas para sa lahat ng taga Pasig. Sa kabuoan, ang tulang ito ay
nananawagan sa kapwa Pilipino na umasa sa sariling sikap at hindi sa ipinangakong
langit na walang katiyakan kung kailan matutupad o mababatid.

You might also like