You are on page 1of 4

Gawain 1

Gamit ang gawaing venn diagram, isulat at ipaliwanag ang mahahalagang


puntong lumutong sa paksang malikhaing pagsulat.

Mahalaga ang
malikhaing pagsulat
sapagkat nahuhubog
nito ang kasanayan sa
pakikipagkomunikasyon.

Ito din ay nagbibigay


lawak at laman ng ating
imahinasyon.
Napakahalagang
Sa pagsulat
yumabong ang ating
kinakailangan na
kaisipan para
maypagpapahalaga sa
Malikhaing Pagsulat makapagsulat ng isang
kaisipan at sa iba’t
malikhaing gawa na
ibang antas ng
siyang magdadala sa
pagsulat.
atin sa kahusayan.
Mahalaga ang
malikhaing pagsulat
dahil nagagawa nitong
takasan at maipahayag
ang masalimuot na
mundo. Na kung saan
ang isang manunulat ay
nahuhubog ang
kaniyang imahinasyon
sa pamamagitan ng
paghugot sa mga
pinagdaanan na
karanasan sa buhay at
kanyang maibahagi ito
sa mambabasa.
Gawain 2

Sa pamamagitan ng paksang tinalakay, gumawa ng isang malikhaing


Sanaysay tungkol sa iyong mga karanasan sa buhay na hindi mo malilimutan.
Sa pagkakataong ito ipapakilala mo ang iyong sarili gamit ang paggawa ng
malikhain at makabuluhang sanaysay.

Nako! Muntikan kana Iha

Naging agam-agam na sa atin ang mga pangyayaring kaginsa-ginsa sa ating


buhay. Minsan hindi natin ito maipapaliwanag dahil sa balidasig na takbo
nang ating kaisipan o kung minsan ay wala tayo sa katinuan. Isa sa mga
dahilan din ay ang pagkukumahog natin sa mga bagay-bagay dulot ng ating
mga nararamdaman, maaaring ito ma’y masaya, kalungkutan, pagkalito, o
pagkabagabag. May ibat’ ibang anggulo o kwento ang buhay patungkol sa
mga karanasang hindi malilimutan noong tayo’y musmos pa lang.
Gayunpaman, ang mga pangyayaring ito ay kalampi na sa buhay ng tao at
karanasang hindi mabubura kahit tayo’y lipasan man ng panahon.

Ako si Bb. Mailyn at ngayon ikukwento ko ang aking karanasan noong ako’y
labing dalawampung taong gulang.

Ika-lima nang Mayo taong 2010, kasagsagan ng kampanya noon at ako ay


nasa kalsada naghihintay sa mga politiko na dadaan para mamigay ng kendi
at wrist band. Sa paghihintay ko may dalawang mama na lumapit sa akin at
nag-abot ng flyers na agad ko namang kinuhang nakangiti. Umalis din naman
kaagad ang mama at nagtungo sa kanilang sasakyan na hindi naman
kalayuan sa aking tinatayuan. Makalipas ang ilang oras ay tinawag ako ng
isang mama doon sa sasakyan at tinanong kung saan daw pweding bumili ng
yosi at ang sagot ko naman ay, “Manong dito po sa tindahan ng lola ko may
yosi”. Kumumpas ng dalawang daliri na ibig sabihin ay dalawang yosi at agad
ko naman itong dinala sa kinaroroonan nila. Sa pagmamadali, biglang tumigil
ang pag-ikot ng oras habang kitang kita ko ang motor na nagraragasa
patungo sa akin. Sa oras nayon tanging narinig ko lamang ay, “Nako!
Muntikan kana iha” buti nalang at nahila ako ng mama. Laking gulat ko noon
dahil halos isang hakbang nalang ay masasagasaan na ako. Halos hindi ako
makahinga at makagalaw dahil sa kaba na bumalot sa aking katawan, wari’y
ko noon ako’y nasa isang piitan na nagpupumiglas makawala ngunit hindi, sa
kadahilanang ako’y kinain ng takot at pangamba.
Takot na baka sakiling huling araw na ng buhay ko iyon at pangamba na
maymaiiwan akong mahal sa buhay.

Napakalungkot ng aking karanasan. Minsan hindi ko lubos na maisip na


napakaswerte kong tao dahil binigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay.
Sa kabila ng kalungkutan at takot ay makapupulutan naman ng aral ang
aking karanasan. Nawa’y magsilbing aral ito lalo na sa mga bata
nagmamadali at hindi lumilingon sa dinadaanan. Sana’y bago natin gawin
ang mga bagay-bagay ay mag-isip muna tayo ng tama at huwag
magpadalosdalos sa kinikilos.
Gawain 3

Manaliksik ng isang Orihinal na teksto. Suriin at e-edit ang teksto ayon sa iyong
nakikitang pagkakamali. Huwag kakalimutan ang na sa pagsumite nito ay isali
ang orihinal na teksto upang makita ang iyong ginagawang pag-eedit.

Orihinal

Tapos na din siyang kumain

Doon din ako nagpunta

Sumigaw din si Lando

Nag-away din silang dalawa.

Edited

Tapos na rin siyang kumain

Doon rin ako nagpunta

Sumigaw rin si Lando,

Nag-away rin silang dalawa.

You might also like