You are on page 1of 6

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay, Pictorial Essay at Lakbay-

ARALIN 5 Sanaysay

ISAISIP AT ISAPUSO
 Ugnayan ng kaalaman, damdamin, at karanasan, sa akademikong sulatin, ito’y
maisasakatuparan.

LAYUNIN
 Nakapagsusuri ng mga halimbawang sanaysay upang kilatisin kung ang mga ito
ay nagpapakita ng katotohanan o opinion.
 Nakasusulat ng sariling replektibong sanaysay, pictorial essay, o lakbay-
sanaysay upang manghikayat, mang-aliw at magbahagi ng iba’t ibang
impormasyon.
 Naisasagawa ang pang-indibidwal na gawain na nakasusunod sa mga angkop
na mungkahi tungo sa pagbuo ng epektibong akademikong sulatin.

SUBUKIN NATIN!
Bago natin talakayin ang araling ito, sagutin muna ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Tama o Mali. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang tama kung nagsasaad ng
katotohanan, at kung may bahagi namang mali sa pangungusap, isulat ang mali.

1. Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuro-kuro o


kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
2. Gumagamit ng simpleng paglalarawan tungo sa mas malalim na diskurso ang pictorial
essay.
3. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay tungkol sa mga nararamdaman,
kaugnay ng nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
4. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga
naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
5. Parehong may introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay at lakbay-
sanaysay.

TUKLASIN NATIN!
Pambungad na Gawain!
Panuto: Ibigay ang mga salita, parirala o pangungusap na pumapasok sa inyong isipan kapag
naririnig ang salitang SANAYSAY. Gamitin ang akronim ng salitang ito.

S A N A Y S A Y

Kaalaman!

Ang sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuro-kuro o


kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kanyang nakikita o naoobserbahan.
Tatlong Uri ng Sanaysay

1. Ang Personal na Sanaysay ay tungkol sa mga nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o


naoobserbahan.
2. Ang Mapanuri o Kritikalna Sanaysay ay tungkol sa mga naiisip ng manunulat kaugnay sa
kanyang nakikita o naoobserbahan.

3. Ang Patalinhagang Sanaysay ay tungkol sa mga kasabihan o sawikain.

 Maaari ring maging pormal o impormal ang isang sanaysay. Sa pormal, mas seryoso ang paksa,
habang sa impormal mas magaan ang paksa.
 Ang isang akademikong sulatin ay nagiging matagumpay depende sa paraan ng pagdiskurso rito.
Bawat akademikong sulatin ay may angkop na paraan upang maisakatuparan.

 Isang anyo na matibay na batayan sa pagsulat ang sanaysay na posibleng naglalaman ng


paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay, at pangangatuwiran.

Saysay ng Sanaysay sa mga Halimbawang Akademikong Sulatin

Ang kasanayan sa pagbuo ng sanaysay ay daang matibay sa paglikha ng akademikong


sulatin.
Para kay Alejandro G. Abadilla, Ama ng Makabagong Tulang Tagalog, ang sanaysay ay
nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
Nagmula ito sa dalawang salita: sanay at pagsasalaysay. Samaktuwid, tumutukoy ang
sanaysay sa mga taong sanay o may kasanayan sa pagsasalaysay o pagkukuwento.
Ang isang sanaysay ay nagpapahayag ng kapana-panabik at napapanahong paksa upang
magbigay ng opinion, reaksyon, saloobin, kaisipan at pananaw.
Mahalaga ang ugnayan ng panimula, katawan, at wakas sa isang sanaysay bilang
akademikong sulatin.
Mahalaga din sa gagawa ng salaysay ng akademikong sulatin na makapili ng angkop na
paksa, mayroong mga salitang akma sa paksa at mambabasa, at ipinahahayag ang pananaw
na mas magiging maayos sa tulong ng masinop na pananaliksik

REPLEKTIBONG SANAYSAY
 Natatangi ang paraan ng replektibong sanaysay na madalas ay kuwento ng mga karanasan sa mga
bagay na natututuhan o napagbulayan.
 Taglay nito ang mga personal na realisasyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aral na
mapakikinabangan ng sarili sa hinaharap at posible ring maging gabay sa iba.
 Nais ng sanaysay na suriin ang sarili upang matiyak na lumalago ang kaalaman, karanasan, at
saloobin na makadaragdag sa kalipunan ng karanasan ng isang manunulat.

Iba pang Kahulugan at Katangian ng Replektibong Sanaysay

1. Pagbabalik-tanaw at pagsusuri sa mga pangyayari batay sa personal na karanasan.

2. Pag-iisip ng mga naging epekto sa sarili ng personal na karanasan.

3. Sa kabuuan, ang replektibong sanaysay ay—

a. isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri


ang naging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat. Maaaring lamanin nito ang
kalakasan ng manunulat at maging ang kanyang kahinaan.

b. Isinasalaysay at nilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad ang kanyang mga
kalakasan at kung paano naman niya napagtagumpayan o balak pagtagumpayan ang
kanyang mga kahinaan.
Pansinin ang halimbawang replektibong sanaysay

Halimbawa ng replektibong sanaysay sa pelikulang “Bad Genius” na isinulat ni


Dianne Agnas:

Ang pandaraya sa paaralan ay isang bukas na sekreto. Kahit sinong estudyante ay


ginagawa ito lalo na kung nahihirapan at wala ng ibang pagpipilian pa. Halos lahat ay
ginagawa ito ngunit hindi napag-uusapan dahil walang estudyante ang gusto nito.

Ang Bad Genius ay pelikula sa Thailand kung saan tinalakay ang isyu ng pandaraya sa
loob ng paaralan. Kwento ito ni Lynn na isang napakatalinong estudyante sa Senior
High School kung saan tinulungan nya ang kanyang mga kaibigan sa pagpapakopya
kapalit ng bayad. Minsan kahit may mga patakaran ay hindi natin maiiwasang lumabag
kahit alam nating masama ito.

Kumakapit tayo sa patalim para lang umangat pero kung magkakaroon tayo ng
kumpyansa na gawin ang mga bagay na hindi natin kaya o kung saan tayo mahina ay
maaaring magkaroon tayo ng pag-asang matutunan ito. Sa pelikula ay pinakita ang
kanilang estratehiya sa pandaraya sa mga test para lang makakuha ng mataas na
grado.

Ipinapakita sa pelikula kung paano nangyari ang pandaraya sa loob ng paaralan, ang
pandaraya na hindi maiiwasan, ang paglabag ng mga may katungkulan at kung paano
napapagalaw ng pera ang tao.

Pagsusuri sa Binasa
Pumili ng iba pang halimbawa ng isang Replektibong Sanaysay. Basahin at pagkatapos ay punan ang
kahon ng mga hinihinging tugon sa mga nakalahad na katanungan:

A. Pamagat ng Sanaysay

B. Ano ang pangunahing pinagnilayan ng


may-akda?
C. Mga pangyayaring nagpapakita ng
kalakasan ng may-akda
D. Mga pangyayaring nagpapakita ng
kahinaan ng may-akda
E. Mga hakbang na ginawa upang
mapagtagumpayan ang kahinaan
F. Mga napagtanto/pagsusuri sa
karanasan

LAKBAY-SANAYSAY
 Tumutukoy ito sa detalyeng pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa lugar na pinuntahan.
 Isa-isang ibinabahagi ang mga karanasan, mabuti man o masama sa pook na pinuntahan upang
mamasyal, tumuklas ng mga bagay-bagay, maglibang at iba pa.
 Mayroong pagkakataon na matapos ang pagsasalaysay sa lokasyon, espasyo, tao, pook-pasyalan,
tradisyon, kultura, at iba pang lugar ang panghihikayat o rekomendasyon sa iba na maranasan din
ang naranasan ng nagsulat ng lakbay-sanaysay.
 Kadalasang may kasamang mga larawan (selfie o groupie) bilang patunay ang paglalakbay na
makikita sa sanaysay.

Panoorin at Suriin Natin


 Panonood/Pagbabasa
A. Pumili ng isa sa mga link na nasa ibaba. Pag-aralan at suriin ang isang travel show na
pinamagatang “Biyahe ni Drew”
https://www.youtube.com/watch?v=TE9M6vA6jQU
https://www.youtube.com/watch?v=NurKCZWPPr0
https://www.youtube.com/watch?v=AxVfUvOpO1o

B. Basahin ang lakbay-sanaysay ni Will Ortiz: Solo sa Oslo


https://www.scribd.com/document/339400931/lakbay-sanaysay
Pagsusuri:
Balikan ang pinanood na episode ng “Biyahe ni Drew,” at ihambing ito sa sanaysay ni Will Ortiz, ang
“Solo sa Oslo”. Ibigay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga halimbawa, isulat ang iyong sagot sa
kahon.
Mga Sinuring Halimbawa Pagkakapareho Pagkakaiba
1. 1.
“Biyahe ni Drew”
at 2. 2.
“Solo sa Oslo”
3. 3.

PICTORIAL
 Naglalaman ang larawan ng iba’t ibang pagpapakahulugan kung lalapatan ito ng iba’t ibang lente
ng pagdiskurso. Sa hilig nating kumuha ng larawan, mas maraming material ang magagamit
upang maging lunsaran ng akademikong pagsulat.

 Nauusong gawain ng kahit sino sa kasalukuyan ang pagkuha ng “selfie” at “groupie” na maaaring
bigyan ng angkop na sanaysay upang ipabatid ang kuwento o salaysay habang, bago, at
pagkatapos ng pagkuha ng larawan. Ang mga larawan sa nakalimbag sa magasin, poster,
pahayagan, brochure, at iba pa ay bukas rin upang bigyan ng angkop na pagpapaliwanag.

 Madalas inuumpisahan sa simpleng paglalarawan hanggang marating ang mas malalim na


diskurso upang ilahad ang layunin ng larawan, pangatuwiranan ang nakikitang argumento o
tunggalian, at isalaysay ang mensahe at iba pang detalye ng larawan.

PICTORIAL ESSAY

Hakbang tungo sa PAGBABAGO


Kung iisipin may isang KATOTOHANAN na hindi natin napapansin na ang lahat ay
nagsisimula sa isang munting hakbang. HAKBANG na kung saan ang iyong mga
sariling mga paa ang siyang magdadala tungo sa iyong kinabukasan. Kung saan ito ang
magiging daan mo para ikaw ay magbabago. At kapag ikaw ay natuto ng humakbang at
makapaglakad, ikaw na mismo ang gagawa ng iyong kapalaran. Ang pagbabago o
hakbang na tinatawag katulad lang yan ng paglalakad, kailangan mo munang matutong
humakbang at nasa sa iyo na kung nanaisin mong matutong magbago o hindi .
https://http543.wordpress.com/2016/10/17/pictorial-essay-hakbang-tungo-sa-pagbabago/

PICTORIAL ESSAY

Hakbang tungo sa PAGBABAGO

Sabi nga nila kapag natuto na tayong maglakad, tayo na mismo ang gumagawa ng
sariling KAPALARAN natin. Tayo ay nangangarap na ng mataas, ngunit hindi lahat ng
tao ay kayang makamtan ang kanilang pangarap katulad na lang ng mga taong nasa
lansangan. Sila ay ang mga taong alam mong malabong makamiy ang kanilang
pangarap dahil wala silang pera, kung kaya’t natuto silang magnakaw ng mga gamit na
hindi kanila. Makikita mo na walang pake ang kanilang mga magulang dahil sila pa
mismo ang naguutos na gumawa ng masama. Kahit gusto nilang magbago wala silang
magawa.
https://http543.wordpress.com/2016/10/17/pictorial-essay-hakbang-tungo-sa-pagbabago/

PAGNILAYAN AT UNAWAIN NATIN!


Pakatandaan!

Bisa ng sanaysay sa:

 Paglikha ng replektibong sanaysay, lakbay-


sanaysay at pictorial essay

 Makatotohanang impornasyon upang:


-Maglahad -magsalaysay
-Maglarawan -mangatuwiran
-manghikayat

Hindi lamang sanay sa pagsasalaysay ang maaaring makagawa ng isang komprehensibo


at epektibong sanaysay. Ang husay sa paghahanap ng tamang impormasyon, malawak na
karanasan, at bukas -isip na pagtanggap sa iba’t ibang bagay ay mahalaga sa paggawa ng
sanaysay o akademikong sulatin upang maging matibay na gabay.
Sanayin ang sarili sa pamamagitan ng patuloy na pagsusulat at pangangalap ng mga
mahahalaga at tamang impormasyon upang makabuo ng isang tiyak na komprehensibo at
epektibong sanaysay.

GAWIN NATIN!

Sanaysay na Aking Isasalaysay!

Panuto: Sumulat ng sanaysay batay sa hinihingi sa ibaba:


1. Pumili ng isang lugar na napuntahan.

You might also like