You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

MASBATE COLLEGES
COLLEGE OF EDUCATION
Rosero St., Masbate City

Malikhaing
Pagsulat
(Elective 2)
Inihanda ni:

DARWIN C. BAJAR, LPT


Instructor
MALIKHAING PAGSULAT
1. Ang malikhaing pagsusulat o sa Ingles ay creative writing kung tawagin ay
nangangahulugang anumang pagsusulat na lumalabas sa mga hangganan ng
karaniwang propesyunal, pampamamahayag, pang-akademiya, o teknikal na
mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pagsasalaysay, pagpapaunlad
ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.
2. Ginagamit ang mayamang imahinasyon ng manunulat na maaaring totoo at
hindi totoong nangyayari sa tunay na buhay ang akdang isinusulat tulad ng
pagsulat ng tula, dula, nobela at maikling katha at iba pang masining na katha.
3. Maaring batay ang paksa sa narinig, nakita, nabasa o sa karanasan ng
manunulat. Masining ang paraan ng pagkakasulat nito na nagpapahayag ng
damdamin, ideya, at mensahe ng manunulat.
4. Sa kapaligirang pang-akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang
pinaghihiwalay-hiwalay sa mga uring kathang-isip at panulaan, na may
pagtutuon sa pagsusulat na nasa estilong orihinal, na salungat sa paggaya ng
dati nang umiiral na mga henerong katulad ng krimen o katatakutan. Ang
pagsusulat para sa pelikula at entablado— pagsusulat ng senaryo
(screenwriting) at pagsusulat ng dula— ay itinuturo nang magkahiwalay, subalit
naaangkop din sa kategorya ng malikhaing pagsusulat.

Ano ang katangian ng malikhaing pagsulat?


Dahil sa kaluwagan ng kahulugan, maaari para sa pagsusulat na katulad
ng mga tampok na kwento upang maituring bilang malikhaing pagsulat,
bagaman nakapailalim ang mga ito sa pamamahayag dahil sa ang nilalaman ng
mga tampok ay tiyakang nakatuon sa pagsasalaysay at pagpapaunlad ng tauhan.
Ang mga akdang kathang-isip at hindi kathang-isip ay kapwa sumasailalim sa
ganitong kategorya, kasama na ang mga anyong katulad ng mga akdang-buhay,
mga talambuhay, mga maiikling kwento, at mga tula. Sa kapaligirang pang-
akademiya, ang malikhaing pagsusulat ay karaniwang pinaghihiwalay-hiwalay sa
mga uring kathang-isip at panulaan, na may pagtutuon sa pagsusulat na nasa
estilong orihinal na salungat sa paggayang dati nang umiiral na mga henerong
katulad ng krimen o katatakutan.
Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang. Hindi
sapat ang maunawaan lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman mauunawaan
ang pangunahing layunin ng komunikasyon dapat maintindihan ang pangunahing
inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may
kahilingan na higit sa basta maunawaan lamang . Kailangan nito ng maging
mapagparanas at makintal.

Paano maging malikhain?

• Bigyan ng buhay ang mga maliliit na bagay.


• “Think outside the box” o mag-isip ng malawak at paganahin ang mayamang
imahinasyon.
• Maari ring gumamit ng mga salawikain, sawikain at mga kasabihan upang mas
lalong mapaganda ang akdang isusulat.
• Magkaroon ng orihinalidad gayundin ang sariling istilo ng susulating akda.

ANG LIMANG (5) ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN

Isa sa mga sukatan ng pagiging Writer ay hindi sumasalamin sa pagiging


Published Author, o pagiging bayad sa pagtahi ng mga salita. Ito ay masusukat sa
kung paano mo naipahid nang mabuti ang iyong layunin sa papel, o sa kung paano
mo naitipa nang maigi ang bawat hangarin mo para sa mambabasa.

Ayon sa mga eksperto (siyempre hindi ako `yun.) mayroong limang anyo ang
pagsusulat na nakaayon dapat sa iyong layunin. Isa-isahin natin ang mga ito:

1. PAGLALARAWAN.

Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, damdamin ng isang


manunulat sa isang bagay, tao, lugar, at kapaligiran. Sa ganitong anyo, pinapagana
dapat ng manunulat ang kanyang 5 senses (o six sense kung tatlo ang butas ng ilong
mo.) kung saan nailalahad dapat ang detalye ng iyong nakikita, naririnig, naaamoy at
nalalasahan at nararamdaman. Kung minsan, subukan mong ipaliwanag ang amoy ng
utot mo na nakakalusaw ng baga. Mainam na training `yon.

2.PAGHAHAMBING
Para sa mga mahilig maghambing ng jowa sa ex nila o sa iba, alam kong
bihasa kayo rito. Isa itong anyo ng pagsusulat kung saan maaari mong tukuyin ang
pagkakaiba o pagkakapareho ng subject na napili. Halimbawa ay ang pagkakaiba ng
pulgas sa garapata na talagang napakahalaga sa paghubog ng sangkatauhan, o
kaya ay ang pagkakapareho ng mga banat ni Vice Ganda sa pelikula niya ngayon at
noon na parang nirecycle na script. Sa anyo ring ito ng pagsusulat ay maaari mong
mailahad ang katangian ng napiling subject kumpara sa iba. Halimbawa ay bakit `da
best ang 'Brand X' na panglaba kaysa sa mga kalaban nito na nagtutulong-tulong na
para lang pabagsakin siya.

3.PAGLALAHAD

Kapag nagsimula nang pumanhik ang alak sa bumbunan ng mga tomador,


ganito na ang tema ng usapan. Naglalahad na sila ng karanasan, kayabangan, at
pangFAMAS Award na kadramahan. Ang paglalahad ay pagpapaliwanag na
nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, magkakaugnay
na mga ideya at pagbibigay ng halimbawa. Sa madaling salita, ito ay isang paraan ng
pagpapaliwanag o paglalahad ng impormasyon. Halimbawa ay ang pagpapaliwanag
ng syota mong nahuli mo na may kasamang iba, o kaya ay ang paglalahad ng
impormasyon mula sa kapit-bahay niyo na may kabit ang asawa ni Susan.

4.PAGSASALAYSAY

`Yung mga mahilig magsulat sa diary o journal, malamang pamilyar kayo rito.
Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunod-sunod na daloy ng pangyayaring
aktwal na naganap. Nakapokus din ito sa lohikal na ayos ng pangyayari sa naratibong
malikhaing pagsulat. Ito lang naman ang istilong gamit na gamit sa lahat.

5.PANGANGATWIRAN

Ito ay isang anyo ng pagsulat kung saan maaari kang magbigay ng katwiran,
opinyon, argumentong, pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa
manunulat. Huwag na kayong magkunwari, alam kong keyboard warriors ang
karamihan dito kaya alam na alam niyo `to. Minsan kilala rin ito bilang persweysib.
Kung minsan kasi ay layunin din ng mga manunulat nito na baguhin ang pananaw ng
mambabasa o kung hindi man ay hikayatin ito na magkaroon ng bukas na pananaw
para sa ibang perspektibo. Madalas sa mga artikulong pahayagan na pangkomentaryo
ay ganito ang anyo ng pagsusulat.

Ang pagsusulat ay hindi lang basta paghawak ng panulat at pagpahid nito sa


papel, hindi lang basta pagtipa at pagpopost sa mga reading and sharing sites. Ito ay
isang sining. Sining ng pagpinta. Oo pagpinta. Pagpinta ng mga larawan at pangyayari
gamit ang mga tinahing salita. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay kaya mong
makarating kahit saan, mabuhay sa nakaraan o marating ang hinaharap kahit wala ka
na sa planetang ating ginagalawan. Kaya magsulat nang may puso mga kapanalig!

You might also like